KINABUKASAN ay ginising si eloisa ng mahihinang katok sa pintuan. Tiningnan niya ang oras sa kaniyang cellphone ala sais palang ng umaga.
Pupungas-pungas pa siyang naglakad upang tungohin ang pintuan. Pagka bukas niya ay bahagya pang nagulat ang dalaga. Si david ang bumungad sa kanya sa labas ng pintuan. Naka ngiti ito at may dalang plastic sa kanyang kanang kamay.
" good morning sweetheart!" bati ni david kay eloisa ng may malapad na ngiti sa labi.
Pinapasok niya ito at pina upo sa kanyang kusina. Agad niya itong ipinag timpla ng kape.
"bakit naman po yata ang aga niyong mag punta sir? May importante ba tayong pag uusapan?.." kaagad na tanong ni eloisa kay david pagka bigay niya ng kape dito.
" ako ang inutusan ni Daddy na sumama sayo papunta kay inay.." tugon ng binata kay eloisa.
Hindi naman napansin ng dalaga ang huling salitang sinabi ni david. Humihikab pa kasi ito habang nakaupo.
"halika mag agahan muna tayo bago tayo mag byahe.. May nadaanan akong fast food na malapit dito.. Nag take out ako ng makakain natin.." muli pang saad nito.
Ngumiti si eloisa kay david bago ito tumayo upang kumuha ng plato at kutsara. Sabay nilang pinag saluhan ang dalang spaghetti at burger ni david.
Naunang matapos na kumain si eloisa sa binata.
"tapos ka na?.. maligo ka na sweetheart.. Mahaba pa ang ating lalakbayin.. Sa kotse ka nalang matulog ulit.. Bilis na hintayin kita dito.." utos ni david kay eloisa.
Agad na tumayo ang dalaga upang magtungo ng banyo para maligo. Ilang minuto pa ang lumipas ng lumabas ng banyo ang dalaga. Sakto din paglabas nito ay tapos ng kumain si david.
Dali-dali namang nag bihis si eloisa. Maya maya ay lumabas na ito na dala ang kanyang hand bag.
" let's go?.." Tanong ni david sa dalaga.
Tumango lang ang dalaga dito na may ngiti sa labi. Kotse ni david ang kanilang ginamit at ito ang nag maneho ng sasakyan.
Habang nasa byahe ay panay parin ang hikab ni eloisa. Napansin ito ng binatang si david.
" sige na.. Matulog ka na muna.. Gigisingin nalang kita kapag nakarating na tayo doon.." utos ni david sa dalagang si eloisa.
" okay sir.. Matutulog talaga ako.. Late na kasi ako nakatulog kagabi.." paliwanag naman dito ni eloisa.
Pagkasabi niyon ay ipinikit na nito ang kanyang mga mata at inihilig ang ulo sa kanang parte ng kanyang kinauupuan. Napangiti ang binata dito bago muling ibinaling ang paningin sa kalsada.
Lumipas ang mahigit dalawang oras at narating na nila ang lugar kung saan naghihintay ang kanilang nanay sonya. Inihinto ni david ang minamanehong sasakyan sa harapan ng malaking gate. Nakadalawang busina palang siya ng may nag bukas na ng gate. Agad niyang ipinasok ang kotse sa loob at ipinarada sa malaking bakuran nito.
Nilingon niya ang gawi ni eloisa. Nakita niyang natutulog parin ito. Lumapit siya dito at tinapik ito sa braso.
" sweetheart gising na nandito na tayo.."
Nang magising si eloisa ay palinga linga nitong iginala ang kanyang paningin sa paligid. Nang makita niyang bumaba na ng sasakyan si david ay agad na rin siyang bumaba.
" halika pasok na tayo sa loob nag hihintay na doon si inay.. " yaya ni david kay eloisa.
Nangunot ang noo ni eloisa sa narinig mula kay david ngunit hindi na ito nag salita. Hinawakan siya ni david sa braso at nag simula na silang humakbang papasok ng bahay.
Pagka pasok palang nila ay natanaw na ni eloisa ang kanyang ina na nakatayo sa sala. May malawak itong ngiti sa labi. Habang papalapit sina eloisa sa kinatatayuan nito ay napansin nilang tumutulo ang luha nito sa mga mata. Patakbong lumapit si eloisa dito at yumakap.
"inay i miss you.. Salamat naman po at ligtas kayo..." saad ni eloisa sa kanyang ina habang yakap ito.
"mis na mis din kita anak.. oo anak okay lang ako.. Hinayaan akong mabuhay ng diyos para makasama ko pa kayo.." tugon ng matandang babae kay eloisa.
"david anak.. Alam kong naririyan ka.. Halika dito pa yakap naman si nanay..." tawag ni aling sonya kay david na nakatayo lang malapit sa kanila.
Pagkarinig ng sinabi ng kanyang ina ay kumawala si eloisa mula sa pagkakayakap sa kanyang ina. Nakita niya si david na dahan-dahang naglalakad papunta sa matandang babae. Nang makalapit ito ay kaagad na yumakap ito sa matandang tumawag sa kanya ng anak. Muling Nangunot ang noo ni eloisa sa nakita.
Magsasalita na sana siya upang usisain ang kanyang ina. Ngunit naunahan siya nitong mag salita.
"loisa anak.. Si david ang kuya mo..." pakilala ng matandang babae kay david.
"k-kuya nay—?" salitang lumabas sa bibig ng dalagang si eloisa.
Hindi naman umiimik si david na nakayakap parin sa kanyang ina na matagal na panahong hindi niya nakasama.
"oo anak si david ang kuya mo.. Patawarin mo ako anak kong nag sinungaling ako sayo.. Ang ama ni david na si ramon ay siyang ama mo rin.. Alam ko naguguluhan ka pa anak.. Hayaan mo mamaya ipapaliwanag ko sa iyo ang lahat.. Halika yakapin niyo akong dalawa anak.. Pareho ko kayong na mis.." saad ni aling sonya sa dalawa.
Naguguluhan man si eloisa ay kaagad Paring lumapit sa kanyang ina at yumakap din ito dito.
Matapos nilang magyakap na mag iina ay niyaya ni sonya ang dalawa niyang anak sa kusina upang sabayan siyang kumain ng tanghalian. Nang matapos na silang tatlong kumain ng tanghalian ay doon na nagsimulang mag kwento ng lahat si sonya. Ang dalawa naman niyang anak na sina david at eloisa ay tahimik lang ang mga itong nakikinig sa kanya.
Nang matapos ng mag kwento si sonya sa dalawa ay nag paalam ito na mag papahinga muna sa kanyang kuwarto. Tumayo na rin ang dalawa sa kanilang kinauupuan. Si eloisa ay nagtuloy sa balkonahe habang si david naman ay nag ikot sa kabuuan ng kanilang bahay bakasyonan.
May kalahating oras ng nakatayo si eloisa sa balkonahe malalim ang iniisip nito na halos walang kakurap kurap ang kanyang mga mata. deretso lang ang tanaw nito sa malayo nang may magsalita sa kanyang likuran.
"ano na ang plano mo niyan sweetheart?.." Tanong ni david mula sa kanyang likuran.
Hindi kaagad umimik si eloisa. Naglakad naman si david papunta sa kanyang harapan tsaka ito nag salita ulit.
"pwede bang payakap si kuya?.." Tanong nito kay eloisa.
Tipid na tumango dito ang dalagang si eloisa. Malungkot ang mga mata nito na parang tutulo na ang kanyang nga luha. Agad na niyakap ni david ang kanyang kapatid at hinimas ang likuran nito habang nakayakap sa kanya. Hinalikan pa nito ang buhok ng dalaga.
"kapatid pala kita.. Kaya pala ang gaan ng loob ko sayo dati pa.. Akala ko nga crush kita nun kasi natutuwa ako kapag nakikita kita.. Yun pala ikaw ang bunso namin.." kwento ni david sa dalaga.
Hindi parin nagsasalita si eloisa tahimik lang itong nakayakap kay david.
"ngayon hindi ka na mag iisa.. Nandito na si kuya bunso... Kung ano man ang problema mo sabihin mo lang sa akin baka sakaling makatulong sayo si kuya.." muli pang saad ni david dito.
Matapos na sabihin iyon ay inilayo niya ang katawan ni eloisa mula sa kanyang pagkaka yakap at ini-angat ang mukha nito upang makita niya ang mukha ng kanyang kapatid na mahabang panahon niyang hindi nakasama.
Nang ini-angat niya ang mukha ni eloisa ay doon niya lang nalaman na umiiyak na pala ito.
"what's wrong sweetie?.. Why are you crying?.. Hmmm... Mukhang alam ko na kung anong iniisip mo..." saad ni david kay eloisa habang nakatingin parin sa mukha ng bunsong kapatid.
"masaya ako kuya kasi nalaman kung may ama pa pala ako at may kapatid ako.. P-pero kuya— iba ang pagmamahal ko para kay jordan.. Mahal na mahal ko siya..." saad ni eloisa sa kanyang nakatatandang kapatid.
"yun nga sweetie... Kailangan mong kalimutan kung anumang nararamdaman mo diyan para sa kanya.. Tanging pag mamahal lang dapat bilang magkapatid ang meron kayo.."
Matapos sabihin iyon ay hinawakan ni david ang baba ni eloisa at tinitigan ito sa mga mata bago nag salitang muli.
" kailangan mong lumayo sa kanya sweetie.. I think you both need a distance from each other, so you can move on to each other sweetheart... Huwag muna kayong magkikita ng matagal okay.. You can go to other countries if you want?.." saad ni david kay eloisa.
Nang mga sandaling iyon ay mas malakas na ang pag iyak ng dalaga.
"hindi ko kaya kuya... Mahal na mahal ko si jordan.. Bakit si don ramon pa ang naging ama ko! Bakit hindi nalang yung adik na sinasabi ni nanay dati ang naging ama ko..!" pagkasabi niyon ay tumalikod si eloisa at tumakbo papasok sa loob isang kuwarto.
Sinundan naman ito ni david. Ngunit ng katukin niya ang kuwartong pinasukan ni eloisa ay naka lock na ito. Panay panay ang ginagawa niyang pagkatok dito. Ngunit hindi talaga binuksan ng dalaga ang pintuan ng kuwarto.
Sa loob naman ng kuwarto ay pabagsak na sumubsob si eloisa sa kama at doon humagulhol ng iyak.
Dalawang araw na ang nakalipas ngunit hindi parin lumalabas ng kuwarto si eloisa. Hinahatiran nalang ito ng pagkain ng kanyang inang si sonya katulong ang katiwala ng bahay na kanilang tinutuloyan. Ginagamitan niya pa ng susi ang naka lock na pintuan upang mabuksan ito at maipasok ang pagkain ni eloisa.
Maging siya na ina ay hindi rin kinakausap ni eloisa. Halos dalawang araw na ring walang tigil sa pag iyak ang dalaga. Pinipilit itong kausapin ni aling sonya ngunit kahit isang salita ay wala siyang naririnig mula kay eloisa. Kanya nalang ulit inilapag ang dala niyang pagkain sa table na nasa tabi ng kama at muling lumabas na ng kwarto.
Nang makalabas naman ang matandang babae ay tumayo si eloisa mula sa pag kakadapa sa kama at ini-lock ang pintuan. Nasilayan niya ang kanyang sarili ng umupo siya sa kama na may nakasabit na malaking salamin sa gilid nito.
Halos nangingitim na ang paligid ng kanyang dalawang mata. Malaki na rin ang kanyang eye bag at naninigas na rin ang kanyang buhok na ilang araw ng walang suklay suklay. Pumayat na rin siya ng kaunti dahil halos kalahati lang ang kinakain niya sa pagkaing dinadala sa kanya ng kanyang nanay sonya.
Nakaramdam ng pagka suka ang dalaga at dali-dali itong nag tungo ng banyo.