Nang makapasok sa banyo si eloisa ay doon ito nagsuka ng nag suka. Matapos itong sumuka ay hindi niya mapigilang umiyak. Naaalala parin niya si jordan hindi niya lubos maisip na hindi niya na ito maaring makasama pa.
Ngayon lang ako Unang umibig pero bakit ganito pa ang nangyari. Bakit kailangan pa naming maging magkapatid. Ang masama pa ay may nangyari na sa amin ng ilang beses.. Bakit kailangan na maranasan namin to ni jordan... Saad ng dalaga sa kanyang isipan.
Iyak ito ng iyak ng walang tigil hanggang sa hindi niya namalayan na madudulas na pala siya dahil natabig niya ang liquid soap na hindi pa naisara at hindi nito namalayan na tumagas ito patungong sahig at dumako sa kinatatayuan nito. nang binuksan ng dalaga ang pintuan ng banyo upang lumabas na ay naapakan niya ang likidong dumaloy na papuntang pintuan ng banyo at pag hakbang niya upang lumabas ay nadulas na ito at tumama ang ulo sa toilet bowl na nasa kaliwang bahagi niya. Nawalan ng malay ang dalaga.
Nagising si eloisa na nasa ibang kuwarto na siya. Nakahiga sa kama at may mga naka kabit na aparato sa kanya. Agad niyang iginala ang kanyang paningin sa paligid ngunit wala siyang makita kahit na isang tao. Hanggang sa bumukas ang pintuan at iniluwa doon ang kanyang kuya na si john david.
Nang makita siya nitong gising na ay mabilis itong naglakad palapit sa kanya.
"thanks god sweetie gising ka na.. Akala namin ay matatagalan ka pa na magka malay.."
Pagkasabi niyon ng binata ay nag dial ito sa intercom upang ipaalam sa doctor na nagkamalay na si eloisa. Matapos nitong makausap ang nurse na naka asign sa kabilang linya ay mabilis itong bumalik sa tabi ni eloisa.
" kamusta ang pakiramdam mo bunso? Gusto mo bang kumain? nauuhaw ka ba?.." agad na tanong ni david sa kanyang kapatid na si eloisa.
"okay na ako kuya.. Medyo masakit lang ang ulo ko.."agad na tugon naman ni eloisa sa kapatid.
Muli itong nag salita.
"kuya... Bakit ilang araw na ba akong walang malay?.."
"naku bunso, isang linggo ka nang walang malay... Hindi na nga mapakali sayo ang nanay sonya... Kapag nandito yun sa ospital ay walang ginawa yun kundi ang kausapin ka habang tulog.. Sinisisi niya ang kanyang sarili sa nangyari sayo... Mugto na rin ang mata nun sa kaiiyak... Ayun pinauwi na muna namin para makapag pahinga.. Mula kasi ng dinala ka dito sa ospital ay hindi pa umuuwi yun... Kung hindi pa nga pinilit ni daddy na umuwi yun ay hindi talaga uuwi yun... Mabuti nga at napilit.. " mahabang paliwanag ni david sa kanyang kapatid.
Maya maya ay pumasok na ang doctor at dalawang nurse na naka asign kay eloisa. Marami itong sinuri sa katawan ni eloisa. Bago pa umalis ang doctor ay nag bilin ito kay david na bawal ma stress ang pasyente dahil maselan daw ang pag bubuntis nito.
Nanlaki naman ang mata ni eloisa sa narinig mula sa doctor. Hindi siya makapaniwala na nagbunga ang pagmamahalan nila ni jordan. Naiiyak nanaman siya ng pumasok sa isip niya si jordan.
"bunso naman.. Bakit umiiyak ka nanaman!.. Diba kasasabi lang sayo ng doctor na bawal kang ma stress... Pakalmahin mo yang sarili mo.. Kahit para sa buhay na nasa sinapupunan mo nalang... Nandito lang si kuya ha.. Tutulongan kitang makalimot bunso..." saad ni david sa kapatid.
Hindi naman na nag salita pa si eloisa. Nag-buntong hininga itong ipinikit ang mga mata. Maya maya pa ay nagsabi ito kay david na nagugutom ito. Agad namang lumabas si david upang bilhan ito ng makakain.
Nang bumalik ang binata ay marami itong dalang pagkain at iba't ibang klaseng prutas may mga desert pa itong binili.
"o ayan! Kainin mong lahat yan.. Gusto ko magpalakas ka para makalabas ka na dito okay..."
Habang sinasabi iyon ay tinutulongan nito si eloisa na umupo sa kamang kinahihigaan nito. Kaagad din namang kumain si eloisa. Halos sunod sunod ang ginawa nitong pag subo.
Agad namang tinawagan ni david ang kanilang nanay sonya at ang kanilang daddy upang ipaalam sa mga ito na nagising na si eloisa at wala nang dapat na ipag alala ang mga ito. Sinabihan niya rin ang kanilang mga magulang na siya na ang bahala sa kanyang kapatid na mag asikaso.
MAKALIPAS ang isang linggo ay nakalabas na ng ospital si eloisa. Hindi niya na rin muling nakita pa si jordan. Naisip ng dalaga na marahil ay unti-unti na rin siyang kinakalimutan ng binata. Wala naman silang magagawa kundi ang tuloyang lumayo sa isa't isa dahil kahit anong gawin nila ay hindi maaaring maging sila.
Dinala siya ni david sa malayong probinsiya upang doon palakihin ang kanyang ipinag bubuntis. Nakumbinsi naman siya ni david na doon na manirahan kasama ng kanilang nanay sonya. Masakit man ay sinikap ni eloisa na kalimutan si jordan.
Sa tulong ni david ay unti-unti siyang naka move on. Madalas siyang dalawin ni david doon kasama ang kanyang nobyang si klariz. Marami ang nagtangkang manligaw kay eloisa ngunit hindi niya binibigyan ng pansin ang mga ito. Katwiran niya ay hindi pa siya handang magmahal muli.
Ngunit lumipas na ang dalawang taon at mahigit isang taon na ang kanilang anak ay hindi parin nawawala sa kanyang isipan ang alaala ni jordan. kahit na anong gawin niyang pagpapaka busy dahil ipinag tayo siya ni david ng salon na malapit lang din sa tinutuloyan nilang bahay. Paminsan minsan ay naiisip niya parin ang lalaki. Kasama niyang nagpapatakbo ng salon ang kanyang inang si sonya.
Gumanda na ang kalusugan ng matandang babae at nakaka ani-aninag na rin ito ng Kaunti dahil ipina gamot ito ni don Ramon sa ibang bansa. Dalawang beses naman sa isang buwan kung dumalaw sa kanila si don ramon.
Sa mansiyon naman ay hindi parin nag uusap ang dalawang matanda na sina Ramon at Vicky. Nag babalak na ang matandang lalake na tuloyan ng makipag hiwalay sa matandang babae dahil wala na rin siyang balak na pakisamahan pa ito.
Hanggang isang araw ay nag pasya na ang don na kausapin si donya Vicky sa balak niyang pakikipag hiwalay dito.
"bakit Ramon! Nakikipag hiwalay ka sa akin para makasama mo na yang kabit mo!?" bulyaw ng donya kay don ramon.
Kasalukuyang nasa kusina pa sila at katatapos lang nilang kumain. Dalawa lang sila dahil maagang umalis si david papuntang opisina nito. At si jordan naman ay may isang taon ng hindi ito umuuwi doon. Sa italy na ito nag lagi.
"victoria.. Alam mong sa umpisa pa lang na kaya kita pinakasalan ay dahil pinilit mo akong pakasalan ka.. At pinalabas mong patay na si sonya.." saad ng don sa mahinahong boses.
"kahit anong sabihin mo! Mananatili mo paring kabit siya ramon! Hangga't buhay ako ay patuloy mo siyang magiging kabit! Subukan niyo lang mag samang dalawa! Kakasuhan ko kayo!" saad pa ni donya Vicky kay don ramon.
Umiling iling ang matandang lalake sa sinabi ni donya Vicky.
" hindi ko siya magiging kabit kailan man victoria! " tugon ni don Ramon sa may kalakasang boses.
Nag salubong naman ang dalawang kilay ng matandang babae sa narinig mula kay don ramon.
"dahil ikaw ang kabit! Nang unang may nangyari sa amin ni sonya ay pinakasalan ko na ito. Hindi nga lang sa simbahan kundi sa huwes! Pero valid parin ang kasal namin dahil buhay siya. Kung meron mang dapat na kasuhan dito ay ikaw dahil sarili mong kapatid ay pinalabas mong patay na! Para masunod lang ang kagustuhan mong mapa kasalan kita! Wala na akong pag mamahal sayo victoria.. Oras na para itigil na natin ang kalokohang ito! "
Matapos na marinig iyon ng matandang babae ay tumayo ito mula sa kanyang kinau-upoan at naglakad papunta sa kinaroroonan ng don at agad na sinakal ito gamit ang kanyang dalawang kamay. Nabigla ang don sa ginawa ni donya Vicky. Hindi niya kaagad napigilan ito sa pag sakal sa kanya.
Unti-unting nahirapang makahinga ang don. Nagawa pa nitong batuhin ng baso si donya Vicky ngunit hindi ito tinamaan. Gumawa naman ng malakas na ingay ang ginawang pag bato ng baso ng don at tumama ito sa sahig. Agad namang narinig ito ng kanilang kasambahay na si cony.
Dali-daling tumakbo palapit si cony sa kinaroroonan ng dalawang matanda. Naabutan parin nitong sinasakal ni Vicky si don Ramon. Agad na inawat nito sa pag sakal si donya Vicky. Ngunit huli na ang lahat dahil wala ng malay ang lalaking amo. Maya maya naman ay dumating na rin ang iba pa nilang kasambahay.
Kaagad na tinawag ng isang kasambahay ang driver na si Arthur at dali-dali nilang dinala sa malapit na ospital si don ramon. Kaagad din nilang tinawagan si david upang ipaalam dito na nasa kritikal na kundisyon ang kanilang ama.
Kasalukuyang nasa meeting si david ng tumunog ang kaniyang cellphone ng sagutin niya ito ay narinig niya ang boses ng kanilang yaya sa kabilang linya. sinabi nga nito na kailangan niyang magpunta ng ospital agad-agad.
Kaagad ding tinapos ni david ang kaniyang meeting. Sinabi niyang magpapatawag nalang ulit siya ng meeting sa mga susunod na araw. Nang makalabas ng meeting room ay agad niyang idi-nial ang numero ng cellphone ni jordan ngunit hindi ito sumasagot. Nagpasya siyang tsaka nalang ito tatawagang muli.
Lakad takbo si david papunta ng kanyang sasakyan kung saan ito naka park. Kaagad niyang pinasibad ang kanyang kotse at mabilis ang ginawa niyang pagmamaneho upang makarating kaagad ng hospital.
Nang dumating ng hospital si david ay naabutan niyang nasa emergency room pa ang kanilang ama at kasalukyan pang nirere vibe ito ng mga doctor. Habang nakatayo sa labas ng emergency room ay nakita niya ring nakatayo sa gilid ang kanilang yaya at ang kasambahay na si Cony. Lumapit siya sa mga ito at tinanong kung ano ang nangyari bakit inatake ng ganun ang kanilang ama.
Ikinuwento naman lahat ng kasambahay na si cony ang kanyang naabutan na nakita niyang sinasakal ni donya Vicky si don ramon. Nag tagis naman ang bagang ni david sa narinig na paliwanag ng kanilang kasambahay. Hindi niya akalain na kayang gawin iyon sa kanilang ama ng nakagisnan niyang ina na si Vicky.