ISANG BUWAN ng nakaratay sa ospital ang matandang lalake na si don ramon maging ang mga doktor ay hindi masabi kung kailan ito magigising o kung may pag-asa pa bang magising ang matandang don.
Dalawang linggo ng naka-uwi ng Pilipinas si jordan tanging si eloisa lang ang hindi pa nakaka-dalaw sa kanyang ama. Nagdadalawang isip kasi si david kung dapat niya na bang pabalikin ng maynila si eloisa.
Alam niya kasi na muling magkikita ang dalawa. kabilin bilinan kasi ng kanilang ama na pag layuin niya muna ang dalawa hangga't hindi pa sila natututong magmahal ng iba. Ngunit natatakot ang binata na baka hindi na maabutan ni eloisa ng buhay ang kanilang ama kapag mas pinatagal pa niyang hindi paluwasin ng maynila ang babae.
Isa pa ay naaawa na rin siya sa ina nilang si sonya na siyang palaging nag babantay sa kanilang ama. Halos hindi na ito umuuwi at doon na ito natutulog madalas. Kitang-kita ni david kung gaano kamahal ng kanilang ina ang kanilang ama. Nakita niya kung paano nito alagaan si don Ramon.
Nanghihinayang ang binata dahil mahabang panahon na pinag layo ang dalawa niyang magulang. Na naging dahilan din kung bakit magkahiwalay silang lumaki ni eloisa. Iiling-iling siya sa isiping kasalanan lahat iyon ng kanyang kinalakihang ina. Hindi rin sana malalagay sa ganoong kalagayan ang kanilang ama kundi dahil sa Mommy Vicky niya.
Isang buwan na ring hindi nagpapakita si donya Vicky. Buhat ng araw na isugod sa ospital ang matandang don ay lumayas na rin ng mansiyon ang matandang babae at hindi man lang ito dumalaw kahit na isang beses sa ospital.
Maging sina jordan at david ay walang alam kong saan na ito at kung anong nangyari dito. Nakaupo sa gilid ng sofa si david habang nakatanaw sa dalawa niyang magulang. Kinakausap ni sonya si Ramon kahit na wala itong malay. Kaa-alis lang ni jordan ng mga oras na yun. Hindi kasi ito pwedeng mag tagal dahil halos ito na rin ang nag aasikaso ng lahat ng kanilang negosyo. Hindi na kasi makapag concentrate si david sa kanilang mga negosyo dito sa Pilipinas. kaya kinakailangan na siyang tulongan ni jordan. Mas dumami na kasi ang kanilang branches.
Nakapag pasya na si david na pabalikin na ng maynila ang bunso niyang kapatid na si eloisa. Naisip niya na panahon na para dalawin ni eloisa ang kanilang ama at upang may Kahalalili ang kanilang ina sa pag aasikaso sa kanilang ama. Kinuha ni david ang kanyang cellphone na nasa bulsa ng kanyang pantalon at tinawagan si eloisa. Nang makausap niya ito ay agad niyang sinabi sa babae na magbyahe na pabalik ng maynila.
Agad din namang tumalima ang bunso niyang kapatid. Gustong gusto na rin nito makita at makasama ang kanilang ama na hindi niya nakasama simula ng siya'y ipanganak ng kanilang ina.
Nasa byahe na si eloisa kasama ang kanilang anak ni jordan na lalake. Isinama niya na rin ang yaya nito na si rose upang may magbantay sa kanyang anak kahit na iwanan man niya ito. Ipinagkatiwala niya nalang muna sa naging kaibigan niyang mga bakla ang salon niyang negosyo.
May ilang sandali pa ay lumapag na ang eroplanong sinasakyan nina eloisa. Pag labas palang nila ng Airport ay may sasakyan ng nakaabang sa kanila si mang Arthur ang driver ng kotse. Mabilis na sumakay ang tatlo ng kotse at agad na pinasibad ni mang Arthur ang sasakyan. de deretso na sila ng ospital dahil gustong gusto na raw makita ni sonya ang kanyang apong si Lucas. Malikot ito at bibong bata. Sa edad na isang taon ay marami na itong kayang sabihin na salita.
"mommy gusto ko na makita ti lola.." saad ng batang paslit sa kanyang ina.
"oo anak huwag ka mag alala.. Makikita ka na rin ni lola mo.. Pati si lolo mo ay makikita mo na rin..." tugon ng kanyang inang si eloisa.
"talaga mommy! Ang taya taya naman! Mabibigay ko na yung pa talubong ko ta kanila!.." saad pa ng batang si lucas.
Nagkatawanan naman sila sa loob ng sasakyan matapos marinig ang sinabi ng bata.
"siya na ba yung anak niyo ni—" hindi na tinapos ni mang Arthur ang kanyang sasabihin dahil nakita niyang nag yuko ng ulo si eloisa mula sa salamin na nasa kanyang harapan.
"okay lang ho mang arthur dalawang taon na rin naman ho ang nakakalipas kahit papaano ay naka move on na ako.. May sari sarili na ho kaming buhay.. Ang balita ko nga ho ay ikinasal na siya.." saad ni eloisa sa driver ng sasakyan.
"oho Ma'am... Kaka-kasal lang ho nila nung girlfriend niyang si Roxanne ba yun..." matapos na sabihin iyon ng driver ay hindi na muling nag salita pa si eloisa.
Ang sakit.. Sobrang sakit... Hanggang ngayon mahal ko parin siya.. Pero hanggang dito nalang kami. Ngayon haharapin ko siya ng bagong ako. Ipapakita ko sa kanya na buo parin ako kahit na mag isa lang akong magpapalaki ng anak namin. Siguro ay tuloyan niya na akong kinalimutan.. At sana dumating ang araw na makalimutan ko na rin siya... I loved the wrong man.. So I have to completely forget him.. Dapat bilang kapatid nalang ang maging turingan namin sa isa't isa.. Saad ni eloisa sa kanyang isipan. Habang nakatanaw sa labas ngipin sasakyan.
Makalipas pa ang may dalawang oras ay narating na nila ang ospital kung saan nakaratay ang kanilang ama. Mabilis ang kanilang hakbang papasok ng ospital. Nang marating na nila ang kuwarto na kinaroroonan ng kanilang ama ay agad na tumayo ang kanilang ina kasama si david pagka pasok palang nila ng kuwarto. Yumakap at humalik siya sa kanyang ina at ganun din sa kanyang kuya david.
Dumako ang paningin ni eloisa sa kanyang amang nakaratay at walang malay. Malaki ang ipinayat ng don at puno ito sa katawan ng mga aparatus na nakakabit. Hindi mapigilan ni eloisa ang pag tulo ng kanyang luha. Hindi niya akalain na makikita niyang muli ang kanyang ama na nasa ganoong kalagayan na. Mabagal siyang naglakad palapit sa kinaroroonan ng don. Hinimas niya ang mukha nito at niyakap.
"tay.. Nandito na ako... Sana gumising ka na para magkasama pa tayo ng mas matagal..." bulong ni eloisa sa kanyang ama.
Muli niyang hinimas ang mukha ng kanyang ama. Habang ginagawa niya yun ay may nararamdaman siyang kumalabit sa kanyang kamay. Nang lingunin niya ay ang anak niyang si Lucas.
" mommy.. Tiya ba yung lolo ko?.. Gusto ko ikit ti lolo.." saad ng batang si Lucas sa kanyang ina. Binuhat ni eloisa ang kanyang anak at inilapit sa kanyang ama.
"wow! Pogi lolo ko! Parang ako mommy!" saad ng bata ng makita ang kanyang lolo. Pumapalakpak pa ito habang nakatawa.
Nagkatawanan naman silang lahat ng marinig ang sinabi ng bata.
"oo pogi si lolo.. Sa kanya nag mana si tito daddy at gayon din si Lucas na baby namin!.." saad din ni david na noo'y nasa likuran na nila at kinuha nito si Lucas mula sa pagkaka buhat ni eloisa.
Nagtawanan ulit silang lahat. Muling inilapit ni david si lucas sa kanyang lolo at pinaupo ito sa maliit na espasyo sa tabi ng kanyang lolo Ramon. Habang naka upo ang batang si lucas ay kinakausap niya ang kanyang lolo.
"lolo giting na po.. Dito na po kami ni mommy mag play na po tayo.." saad pa ng bata.
Dahil sa sadyang malikot din ang batang si Lucas ay nasipa niya ang kamay ng kanyang lolo. Nagulat sila ng biglang gumalaw ang mga daliri ng matanda matapos na masipa ito ng bata. Agad na tinawag ni david ang doctor upang matingnan ang matandang don.
Muli pang gumalaw ang mga kamay nito ng yakapin ito ng batang si Lucas. Laking gulat nila ng unti-unting dumilat ang mga mata ng matanda. Nang dumating ang doctor ay kaagad na sinuri ito ng doctor.
Hindi pa nakakapag salita ang matandang don ngunit nakakadilat na ito ng mata. Lahat sila ay namangha. Marahil ay hinihintay lang ng matandang don ang pag dating ng kanyang apong si lucas.
"naku! Kung alam ko lang na si Lucas lang pala ang makakapag pagaling kay Daddy eh di sana dati ko pa dinala dito si Lucas! Good job Lucas! You're a great physician!.. " saad ni david habang buhat buhat niya ang kanyang pamangkin at hinahalik halikan ito sa mukha.
Nagtawanan nanaman silang lahat. Nakita nilang gumalaw ang eyeball ng matandang lalaki na para bang may nais itong sabihin. Kaagad na lumapit dito si eloisa at hinawakan ang kamay nito.
Ngunit hindi parin nakakapag salita ito. Matapos na masuri ito ng doktor ay lumabas na rin ang mga ito. Nagbilin lang na dapat ay huwag iiwanang walang kasama ang matandang lalake at dapat na dalasan ang paglapit dito para kung may gusto itong sabihin o ipahiwatig ay kaagad na maa-asikaso.
Sinabi pa ng doktor na maaring makapag salita na rin daw ito sa mga susunod na araw. Huwag lang daw titigilan itong kausapin ng kanyang mga kamag-anak. Makalipas pa ang isang linggo ay tuluyan ng nakapag salita ang matandang don.
Nang makapag salita ito ay una niyang hinanap ang kanyang apong si Lucas. Mabuti nalang at nagkataong naroroon din ang batang si lucas. Kararating lang noon nila ng kanyang inang si eloisa dahil may dalawang araw din itong hindi nakabalik ng ospital dahil medyo sumama ang pakiramdam ng bata.
"hello lolo.. Kamuta ka po?.. Magaling kana po lolo ko..?" saad ng bata habang naka upo sa tabi ng kama ng kanyang lolo. Wala noon si david sa ospital dahil may emergency meeting ito sa kanilang kumpanya.
Lingid sa kaalaman ng lahat na nasa labas lang ng pintuan si jordan at nakatanaw sa kanila. Kitang kita sila ng lalake mula sa labas dahil salamin ang itaas na bahagi ng pintuan. May ilang segundo lang na nakatayo doon ang lalake at umalis na rin ito agad doon.