KINABUKASAN tsaka palang nakadalaw ulit sa ospital si david. naghahanap ng makakain ang anak ni eloisa na si Lucas kaya nagsabi siya sa mga ito na lalabas siya para bilhan ito ng maaari nitong makain. Balak niya na ring bilhan ng pagkain pati na rin ang kanyang ina at ama na nagugutom na rin.
Nang makalabas siya ng ospital ay pa linga-linga sa paligid si eloisa naghahanap siya ng maaring pagbilhan ng pagkain. Tumawid siya sa kabilang kalye dahil marami siyang nakitang magkakahelerang restaurant doon.
Habang tumatawid siya ay may nakasabay siyang matandang babae sa kanyang pagtawid mabagal ang lakad nito na para bang hirap itong maglakad. Napansin niyang may paparating na malaking truck at matulin ang takbo nito. naisip niya kung hindi niya hihilahin ang matandang babae ay maaaring masagasaan ito. Napa sigaw siya sa taranta. Dali-dali niyang hinawakan ang matandang babae sa braso at hinila ito pa abante. Nagsigawan ang mga taong nakakita sa pag aakalang nasagasaan sila ng malaking truck.
Gumulong ang dalawa sa kalsada dahil sa sobrang lakas ng pagkakahila ni eloisa sa matanda ay na out of balance ang kanyang dalawang paa. Nang makalagpas ang truck ay kaagad na nagsipag takbuhan ang mga tao papalapit sa kanilang gawi at tinulongan sila ng mga ito na makatayo at dinala sila sa isang restaurant na mayroong mga upuan na nakalagay sa labas at doon sila pina upo na dalawa.
Nakahinga ng maayos si eloisa ng maramdamang wala naman siyang sugat sa katawan.
"nay, okay lang ho ba kayo? Hindi ho ba kayo nasugatan?.." Tanong ni eloisa sa matandang babae habang kinakapa parin ang kanyang sarili kung may natamo siyang sugat.
"sana hinayaan mo nalang akong mamatay..."
Nangunot si eloisa sa narinig mula sa matandang babae.
Doon niya ito pinasadahan ng tingin. Nang dumako ang kanyang paningin sa mukha ng matanda ay nakilala niya ito kaagad kahit na medyo madungis ito dahil magulo ang mahaba nitong buhok at bahagya pang may dumi ito sa mukha.
Ngunit hindi siya maaring magkamali si donya Vicky ang matandang nasa kanyang harapan ng mga sandaling iyon. Narinig niyang muli itong nag salita.
"hindi ko deserve pa ang mabuhay.. Wala akong mukhang maihaharap pa sa kanila..." nakayuko ang matanda habang nag sasalita.
"donya Vicky—?" tawag ni eloisa sa pangalan nito. Agad na nagtaas ng mukha ang matanda at agad din siyang nakilala nito.
Nangingilid ang mga luha nito ng matitigan siya.
"donya Vicky kayo nga po! Kamusta na po kayo? Bakit hindi po kayo pumapasyal sa ospital..?" agad na tanong ni eloisa sa matandang babae.
"gaya ng sinabi ko kanina iha.. Wala na akong mukhang maihaharap pa sa kanila... Hindi ako naging mabuting asawa at kapatid..." muli pang saad nito kay eloisa.
"donya Vicky.. Bakit hindi niyo po sila kausapin... I'm sure mapapatawad po nila kayo.. Lalo na po ang inay ko.. Matagal niya na rin po kayong gustong makausap..." saad ni eloisa sa matanda.
Hindi nagsalita ang matandang babae ngunit tuloyan na itong umiyak. Hinayaan lang ni eloisa na umiyak ito. Maya-maya pa ay muli itong nag salita.
" eloisa iha.. Patawarin mo ako.. Malaki din ang nagawang kasalanan ko sa iyo.."
"kung anuman po ang naging kasalanan ninyo sa akin tita ay pinapatawad ko na po kayo... Tiyahin ko parin po kayo at kadugo ko parin kayo... Mabuti pang sumama po kayo sa akin.. Nandiyan po sa loob ng hospital sina nanay at tatay..." yaya ni eloisa sa kanyang tiyahin.
" alam ko iha.. " tugon ng matanda.
"p-po? Alam niyo—? P-paano niyo po nalaman na diyan naka confine si tatay?.." Tanong ni eloisa sa matanda.
"matagal na akong pabalik balik sa loob ng ospital na yan iha.. Ngunit wala akong lakas ng loob na magpakita sa kanila.. Pero ngayong nakausap kita at sinabi mong napatawad mo na ako— ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na humarap at humingi ng tawad sa kanila... " paliwanag ni Vicky sa kanyang pamangkin.
"tara ho sumama kayo sa akin sa loob para makausap niyo na sila.. Pero samahan niyo po muna ako dito sa loob ng restaurant.. Bibili lang po ako ng makakain..."
Tumango naman ang matandang babae bilang pag sang ayon sa sinabi ni eloisa. Isinama niya ito sa loob ng restaurant. Matapos na makuha ang inorder niyang pagkain ay naglakad na sila pabalik sa loob ng ospital.
Nagulat ang lahat ng taong nandoon sa loob ng kuwarto ng makita siya na kasama si Vicky. Kaagad lumapit si donya Vicky sa gawi nina don ramon at sonya. Humagulhol ito ng iyak ng makalapit sa dalawa.
Nang matapos itong umiyak ay tsaka ito nag salita at humingi ng tawad sa kanyang mga ginawang kasalanan. Sinabi nito na hindi nila totoong anak ni ramon si jordan. Dahil anak ito ng dati nilang katulong na nabuntisan lang. Inako niyang anak niya si jordan dahil nakunan siya sa magiging anak sana nila ni don Ramon. Hindi niya sinabing nakunan siya at pinalabas niyang si jordan ang kanilang anak na panganay. Sa pangalawa naman sana nilang magiging anak ni Ramon ay namatay ang bata pagka panganak niya pa lamang dito. Kaya naisip niya namang kuhanin si david at palabasin na ito ang pangalawa nilang anak. Halos kaedad lang kasi ni david ang pangalawa nilang anak sana ni don Ramon.
Madalas kasi na wala si don ramon noon kaya hindi nito na subaybayan ang pagbubuntis ni donya Vicky. Nabunutan naman ng tinik si eloisa ng marinig niyang hindi niya pala totoong kapatid si jordan. Ngunit agad din siyang nalungkot ng maalala niyang ikinasal na nga pala ito.
Pinatawad naman ni sonya ang kanyang kapatid ngunit si don ramon ay mabigat parin sa dib-dib nito ang magpatawad. Sinabi naman ni Vicky na handa siyang maghintay kung kailan siya mapapatawad ni don Ramon. Sinabi niya ring tanggap niya ng hindi talaga siya mahal ni Ramon at si sonya talaga ang mahal ng matandang lalake.
Nang matapos siyang magpaliwang ay nagpaalam na siyang aalis na. Ngunit hinarang ito ni eloisa at sinabihang kumain na muna bago ito umalis. Nagpaunlak naman ang matandang babae kumain din ito kasabay nina eloisa.
ILANG ARAW pa ang lumipas at nakalabas na rin ng hospital si don ramon. Kasalukuyang nasa mansion na sila noon at nagpapahinga na sa kuwarto nito si don ramon kasama ang totoong asawa nito na si sonya.
Si eloisa naman ay kasalukuyang nakatayo sa gilid ng Swimming pool habang nakatanaw sa anak niyang naliligo kasama ang yaya nito. Pumasok sa isipan ni eloisa si jordan. Ilang taon na kasing hindi niya nakikita ito. Iniisip niya kong alam kaya ni jordan na may anak sila o kung na iisip din kaya siya nito o Tuluyan na talaga siyang kinalimutan nito.
Nasa ganoong pag-iisip si eloisa ng may narinig siyang umubo sa kanyang likuran. Nang lingunin niya ito ay nakita niyang si david ang taong umubo at nakangiti ito sa kanya.
"hi bunso..." bati nito sa kanya at mas lalo itong lumapit sa kanya.
"kuya... Akala ko nakaalis kana.." saad dito ni eloisa.
Tumayo si david sa tabi niya at inakbayan siya.
"mamaya pa ako aalis.. Bakit ayaw mo na ba akong makita?.." pagkasabi niyon ay tumawa ito.
"kuya naman eh.. Namis kaya kita.. Mabuti nga at hindi ka pa umaalis eh! Gustong gusto kaya kitang nakikita! Ang gwapo mo kasi kuya!" matapos na sabihin ni eloisa yun ay hinawakan niya sa magkabilaang pisngi ang kanyang kuya David at pinanggigilan niya itong kinurot kurot.
" hmmm... sa akin ka ba talaga mas naguwa gwapohan o kay jordan?" pang aasar nito sa kanya.
" kuya naman eh! Huwag mo na isali yung taong wala dito.." tugon niya sa kapatid.
"speaking of Jordan pala.. Ano nang plano mo niyan?.. May anak kayo.. Ipaglalaban mo ba siya?.. " Tanong ni david kay eloisa.
"syempre wala kuya.. May asawa na yung tao noh! Wala na akong karapatan sa kanya.." tugon ni eloisa kay david.
Nangunot ang noo ni david ng marinig ang sinabi ni eloisa.
"paano mo nalaman na may asawa na siya? Sino nag sabi sayo?.." Tanong ng binata sa kanyang bunsong kapatid.
"si mang Arthur po.. Ikinasal na daw po si jordan dun kay roxanne.."
Matapos na sabihin iyon ni eloisa ay biglang tumawa si david.
"bakit ka tumatawa kuya?!" agad na tanong ni eloisa sa kanyang kuya.
"wala naman... Tsismoso talaga to si mang Arthur!.." tugon ni david at muli itong tumawa.
Nang tumigil ito sa pag tawa ay muli itong humarap kay eloisa.
"okay kung talagang ayaw mo na siyang ipag laban wala akong magagawa.. Sige ganito nalang para makapag relax naman kayo ng pamangkin ko bakit hindi kayo mag bakasyon? May alam akong isla na talagang magugustohan mo.. Baka kapag nakapunta ka na dun hindi mo na gugustohing bumalik ng maynila Sweetie!.. " pagkukumbinsi ni david kay eloisa.
" saan ba yang sinasabi mong isla na yan kuya! Kung maka promote ka parang sigurado ka talagang magugustohan ko dun?! " Tanong ni eloisa kay david.
" sige ganito nalang sweetie ite-text ko sayo ang exact address then ako na ang bahala sa lahat ng gastos niyo sa hotel. Gusto ko kasing makapag enjoy ka naman! mula kasi ng manganak ka sa pamangkin ko ay hindi ka na nakakapamasyal.. Baka doon ay mahanap mo ang ipapalit mo kay jordan!.. " bigla nanaman itong tumawa pagkasabi niyon.
Umirap dito si eloisa bago nag salita. Si david naman ay tumatawa parin itong nakatingin sa kanya.
" sige nga kuya! Siguradohin mo lang na matutuwa ako dun huh! Sabagay wala naman akong gagastosin dun dahil libre mo naman lahat diba!?" ulit pa ni eloisa sa sinabi ni david.
"oo nga.. Ipapahatid ko nalang kayo kay mang Arthur.." matapos na sabihin iyon ni david ay tumunog ang cellphone nito.
"excuse me sweetheart, i have to go! Enjoy kayo ng pamangkin ko dun ha!" paalam nito sa kanya. Humalik pa ito sa pisngi ni eloisa bago tumalikod at naglakad palayo.