Chapter 59 - Chapter: 58

KINABUKASAN alas singko palang ng umaga ay gumising na sina eloisa. Katatapos lang nilang kumain ng agahan at kasalukuyang nasa loob sila ng kuwarto ngayon upang mag ligpit ng kanilang mga gamit na dadalhin pabalik ng maynila. Kailangan na kasi nilang bumalik ng maynila dahil tumawag sa kanya kagabi si joy at sinabi nitong nagka problema daw sa isa nilang kliyente at siya daw mismo ang gustong makausap ng kliyente.

Gayon din ang binatang si jordan ay kinakailangan na rin nitong magreport sa trabaho dahil marami na siyang pending na papeles na kailangang pirmahan.

Nais pa sana ng dalaga na mamalagi pa doon ng mga ilang araw pa ngunit nag pasya na siyang sumabay nalang kay jordan pabalik ng maynila.

Tinawagan naman ni jordan kagabi palang din ang kanyang driver upang sunduin sila nito.

Kasalukuyan silang nasa loob ng kuwarto at nag liligpit ng kanilang mga gamit nang may kumatok sa kanilang pintuan.

" tok tok tok!" katok ng taong nasa labas ng pintuan.

" sino yan?!" agad na tanong ni eloisa sa taong nasa labas.

"ako ito loisa.. May naghihintay sa inyo sa labas.." tugon ng taong kumatok.

Agad na lumapit si eloisa sa pintuan at binuksan ito. Nang makita niya si mang cardo ay lumabas siya ng kuwarto upang doon ito kausapin.

" mang cardo Sino daw po yung naghahanap sa amin? ..

" hindi ko kilala iha.. Hinahanap niya daw si sir Jordan.." tugon ni mang cardo sa dalaga.

Dumungaw si eloisa sa loob ng pintuan ng kuwarto.

" uy Jordan may naghahanap sayo.. " tawag ni jordan sa binata na kasalukuyang nagbibihis.

" si mang Arthur lang yan baby.. Sabihin mo pumanhik siya dito at dalhin na kamo sa sasakyan yung mga gamit natin.." tugon ni jordan.

Bumaling si eloisa kay mang cardo na nakatayo parin sa gilid ng pintuan.

" sige ho mang cardo.. Ako na ho ang kakausap.. Salamat ho.."

Pagkasabi niyon ni eloisa ay tumango lang si mang cardo sa kanya at tumalikod na ito at naglakad palayo.

Dali-dali namang naglakad si eloisa palabas ng bahay nina ella upang magtungo kung saan naka-park ang sasakyan ni jordan at ang sinasabi nitong si mang Arthur.

Paglabas niya palang ay may nakita na siyang mamang nakatayo sa may tabi ng itim na sasakyan. Nilapitan niya ito at nginitian. Nang makalapit si eloisa ay nangunot ang kanyang noo. Natatandaan niya ang lalaki. Ito ang driver ng kotseng nakabangga sa kanya dati at ito rin ang lalaking nakabangga niya dati ng naglalakad siya sa makati.

Tipid na ngumiti sa kanya ang lalaki at kakamot kamot pa ito sa ulo ng magsalita ito.

" ahmm.. Good morning ma'am!.. Kayo po pala ang bagong girlfriend ni sir Jordan ngayon.. Alam ko po tanda niyo ako.. Sorry po sa nangyari dati.."

Tumango tango si eloisa dito bago sumagot.

" good morning din ho! okay lang ho Mang Arthur.. Hindi niyo naman po sinasadya dati ang nangyari at kasalanan ko din naman po.. Bago lang po kasi ako nun sa maynila kaya hindi ko pa po kabisado ang mga daan dito..."

" sorry po talaga ma'am.." ulit na paumanhin ni mang Arthur kay eloisa. Habang Nahihiya pa itong tumingin sa dalagang kaharap.

Biglang may umubo sa likuran ni eloisa at sabay silang tumingin ni mang Arthur dito.

" ay sir Jordan! Good morning po.. Nasaan po pala yung gamit ninyo para madala ko na po sa sasakyan.." Tanong ng driver ni jordan.

" kunin mo nalang dun sa loob sa kuwarto.." utos ni jordan dito tsaka bumaling kay eloisa at ngumiti dito.

Gumanti lang ng ngiti ang dalaga dito.

" iwan muna kita diyan jordan hahanapin ko lang sina ella para makapag paalam tayo.." paalam ni eloisa kay jordan bago humakbang papasok muli ng bahay nina ella.

"okay baby.." tugon ng binata.

Nang muling lumabas si eloisa ay  kasama niya na si ella gayon din ang nanay at tatay nito na nakasunod lang sa kanila sa pag lalakad.

" uuwi na ho kami mang cardo at aling pasing.. Maraming salamat po sa pag aasikaso ninyo sa aming dalawa ni eloisa.." saad ni jordan sa mga magulang ni ella.

" ay naku wala iyon jordan.. Parang anak na namin itong si eloisa.. Halos magkapatid na nga ang turingan niyang dalawang bata na yan.. " kaagad na tugon ni mang cardo.

" kaya nga iho.. Natutuwa nga kami at pinasyalan niyo kami dito.. Kahit papaano ay nagkaroon kami ng bisita.. Madalang lang kasing may pumasyal sa amin dito.. " tugon naman ni aling pasing.

Lumapit si jordan dito at may iniabot kay mang cardo.

" ay ano ito iho?! " kaagad na tanong ng matanda kay jordan.

Nanlaki pa ang mata nito sa nakita ng buksan niya ang sobre na iniabot sa kanya ni jordan.

Agad din naman lumapit si aling pasing dito at sinilip din ang loob nag sobreng hawak ng kanyang asawa.

" naku Jordan.. Hindi namin matatanggap ito.. Bukal sa loob namin ang pag tanggap sa inyo dito.. Hindi kami humihingi ng bayad.." saad ni mang cardo at lumapit kay jordan upang ibalik dito ang sobreng binigay nito.

Sumenyas ng pag tanggi si jordan dito.

" kunin niyo na po yan mang cardo, aling pasing.. Bigay ko po yan sa inyo yan.. Tulong na rin sa pag aaral ni ella.. "

Tugon ni jordan at ibinaling ang paningin kay ella.

" ang swerte talaga sayo ni eloisa jordan! Pati tuloy ako naambunan ng swerte ng kaibigan ko.. " saad ni ella at ngumiti.

" ay sige iho.. Basta ba hindi naman ito galing sa masama at kusang loob mong ibinigay ito saamin ay tatanggapin na namin ito." saad naman ni aling pasing at hinila ang sobre na hawak ng asawa niya.

" ikaw talaga pasing ang bilis mo sa pera!" bulyaw ni mang cardo dito. Tsaka muling bumaling ng atensyon kay jordan.

" naku nakakahiya man iho ay tatanggapin na namin.. Wala narin naman ako magagawa at pinasok na ni pasing sa kanyang bulsa!.."

Pagksabi niyon ay sabay na nagtawanan ang lahat.

" o siya sige humayo na kayo at baka maabutan kayo ng traffic lunes ngayon at maraming lumuluwas ng maynila kapag ganitong araw.. " muli pang saad ni mang cardo.

Mas Lumapit pa ito sa gawi ni jordan at tinapik tapik pa ito sa braso. May ibinulong pa ito kay jordan bago nakipag kamay dito.

Nagyakapan naman ang dalawang magkaibigang eloisa at ella. Gayon din si aling pasing ay yumakap din ito kay eloisa. Si mang cardo naman ay kumaway lang sa dalaga at sinabing tumawag si eloisa sa kanila kapag nakarating na sila ng maynila.

Nang masigurong nailagay na lahat ni Mang Arthur lahat ng mga gamit nila sa sasakyan at sumakay na sila ng sasakyan. Mag katabing umupo sina jordan at eloisa sa likurang bahagi ng sasakyan. Nang makasakay na sila ng sasakyan ay Dumungaw at kumaway pa si eloisa sa kaibigan niyang si ella at sa mga magulang nito na nakatayo parin at tinatanaw ang unti-unting paglayo ng kanilang sinasakyan.

Tsaka lang pumasok ang mga ito ng bahay ng tuluyan ng mawala sa paningin nila ang sasakyan na kinalululanan ng dalawa.

Pagpasok palang sa loob ng bahay ay dali-daling nilabas ni aling pasing ang lahat ng laman ng sobre. Namangha ang mag anak sa nakita. Lilibohin pala ang lahat ng laman ng sobre. Matapos itong bilangin ni ella ay mas namangha pa sila dahil umabot ito ng isang daang libong piso.

" naku cardo! Napaka suwerte natin kay eloisa.. Pati tayo ay naabunan ng suwerte niya sa buhay pag ibig.. Hindi na tayo mamu-mrublema sa tuition fee ni ella ngayong pasukan..." saad ni aling pasing na may malawak na ngiti sa labi.

" basta nay ipa rebond mo naman tong buhok ko.. Baka sakaling makahanap din ako ng mayamang jojowain.. " sabat ni ella.

" bahala nga kayong mag ina diyan! Buhay nanaman ang mga dugo niyo dahil marami kayong hawak na pera." saad naman ni mang cardo sa dalawang babae. Pagkasabi niyon ay tumalikod na ito at naglakad patungo sa bukid.

Matapos nang apat na oras ay nakarating na si eloisa sa kanyang apartment hindi na siya na ihatid pa ni Jordan sa mismong apartment niya dahil nauna na itong bumaba sa nadaanan nilang building may naghihintay daw doong kasosyo niya sa negosyo kaya inutusan nalang nito ang driver niyang si mang Arthur na ihatid siya sa kanyang tinutuloyang apartment.

Nang makababa si eloisa sa sasakyan ay kaagad ding umibis ang sasakyang minamaneho ni mang Arthur.

Hindi pa man tuluyang nakakalapit ng kanyang apartment si eloisa ay may nakita na siyang nakatayong matanda sa harapan ng kanyang pintuan. Nakapamulsa ito habang nakatanaw sa kanya.

Agad niyang nakilala ito si don ramon ang ama ni jordan. Nang tuluyan ng makalapit ang dalaga dito ay nauna siya nitong binati ng may ngiti sa labi.

" good afternoon iha.. Salamat naman at nakauwi ka na.. Akala ko'y hindi pa kita makikita ngayong araw.."

" good morning din ho don ramon.. Ano pong ibig ninyong sabihin..?" tanong ni eloisa sa matandang don.

Dahan dahan itong lumapit sa kanya at tinapik siya sa braso. Nakangiti itong nagsalita sa kanya.

" i have good news for you iha.. Nakita ko na ang nanay sonya mo... " saad ng matanda sa kanya.

Kumunot ang noo ng dalaga.

" talaga po! Nakita niyo si inay ko?.. Nasaan po siya don ramon?... At tsaka paano niyo po siya nakita?"

Pagkasabi niyon ay hinila ni eloisa sa kamay ang matanda palapit sa pintuan ng kanyang apartment. Hindi nagsalita ang don tahimik lang itong nakatayo sa tabi ni eloisa. Dali-daling binuksan ng dalaga ang pintuan ng kanyang apartment. Nang mabuksan niya ito ay pinapasok niya ang don deretso sa kanyang kusina at doon ito pinaupo sa pang dalawahan niyang lamesa na may dalawang upuan na magkaharap.