Nang makaalis si sir jordan ay kaagad ko din pinihit ang door knob ng kuwarto. Mabuti nalang at hindi ito naka lock kung kaya't nabuksan ko ito at naka pasok ako kaagad.
Pag pasok ko ay naka patay na ang ilaw at kaagad ko na hinanap ang dalawa. Nakita ko sila na nakahiga na sa kama at mukhang tulog na. Naka talukbong pa ang mga ito ng kumot marahil ay nalamigan dahil naka bukas pala ang aircon. Naririnig ko pang humihilik ang isa sa kanila. Hindi ko na inalam kong sino sa kanila.
Kaagad akong dumiretso sa banyo upang mag banlaw. Nang matapos ay kaagad na nag bihis at natulog na rin.
Jordan's POV:
Kasalukuyan kaming nasa pool ni Roxanne at lumalangoy. Nang i-angat ko ang aking ulo mula sa pagkaka lubog sa tubigan ay may nakakuha ng aking atensyon. may nakita akong isang babaeng tumatakbo at pawang may hinahanap ito. Napansin ko rin na parang may tinatawag ito habang tumatakbo.
Maganda ito at maganda rin ang hubog ng kanyang katawan bukod pa doon ay may katangkaran din ito. Nang mapalapit siya sa gawi ko at huminto sandali sa pagtakbo ay akin itong tinitigan sa mukha at nakilala ko ito kaagad si eloisa ang bagong manager ni david na palaging naka salamin.
Agad akong humanga sa taglay niyang kagandahan. Although alam ko naman na maganda talaga ito kahit noong una palang na naka encounter ko ito nang muntikan na namin siyang mabundol ni arthur. Hindi ko lang siya masyado pinansin noon dahil nag mamadali talaga kami ng oras na yun. At nang muli ko pa itong makita sa office ni david ng naka salamin at very conservative kung manamit ay hindi ko pa nga ito kaagad natandaan. Ngunit ngayon na matitigan ko siya ay hindi ko parin akalain na ganun pala ito kaganda lalo na at hindi nito suot ang kanyang salamin.
Marami na akong naka salamuhang babae na magaganda at sexy pa dahil kung saan saang lugar ako pumupunta tuwing may businesses trip ngunit ang isang ito ay kakaiba.
Para siyang isang anghel na nahulog sa kalangitan. Gusto ko siyang lapitan noong huminto siya sa tapat ko at kausapin ngunit ng akma na akong aahon mula sa pool ay biglang pumulupot sa akin si Roxanne naramdaman ko nalang na niyakap niya ako mula sa aking likuran kung kaya hindi na natuloy ang pag ahon ko mula sa tubig.
Pero hindi ko parin inaalis ang paningin ko kay eloisa. Muli itong tumakbo at umikot sa kabuuhan ng pool. Nakita ko pang muntik na itong madulas. Lumangoy ako papunta sa gawi nito at tinawag ko pa ang kanyang pangalan ng ilang beses ngunit hindi man lamang siya nag aksayang lumingon. Pasampa na ako sa ibabaw ng pool upang lapitan ito ng makita kong palapit na si david dito. Ay hindi nalang ako tumuloy sa pag lapit dito at ibinalik ko nalang ulit ang aking katawan sa tubigan. Kahit na naka lubog na ulit ako sa pool ay naka tingin parin ako dito. Nakaramdam ako ng awa sa kanya. Nang makausap siya ni david ay parang wala parin ito sa kanyang sarili iniikot niya parin ang kanyang paningin sa buong paligid. Nakita ko itong tumalikod kay david at akma pa sana itong tatakbong muli ngunit nadulas na ito ng tuloyan at nahulog sa pool. Patuloy ko lang itong tiningnan dahil akala ko naman ay marunong itong Lumangoy.
Ngunit laking gulat ko nang panay kampay lang ng kanyang mga kamay ang kanyang ginagawa. At napansin kong nakainom na rin ito ng tubig kung kaya't dali dali akong Lumangoy palapit dito at nang makalapit na ako dito ay hinawakan ko na ito sa kanyang katawan inikot ko ang aking braso sa kanyang bewang at hinila siya paitaas ng maiangat ko na mula sa tubigan ang kanyang mukha ay hindi na ako nag atubiling hawakan ito sa kanyang pang upo at itulak paitaas sa ibabaw ng pool upang maiahon siya ng tuloyan at kasunod nun ay ako naman ang sumampa at umahon. Nang makaahon din ako ng tuloyan sa pool ay napansin kong naka upo parin ito sa sahig.
Agad ko itong nilapitan at hinawakan sa magka bilaang braso para tulongan siyang maka tayo. Nang maka tayo na siya ay Nagulat pa ako ng bigla siyang umiyak. Tinitigan ko siya sa mga mata at gustong gusto ko siyang yakapin ng mga sandaling iyon at sabihin na huwag na siyang umiyak. Ngunit naisip ko na baka ma offend naman ito sa akin kapag bigla ko nalang itong yakapin. Kaya imbes na yakapin ko ito ay tinanong ko nalang siya kung anong nangyayari sa kanya at kung anong problema niya. Ngunit hindi naman siya sumagot. At napansin kong papalapit na sina david at ang mga kaibigan niya kaya medyo dumistansya na ako ng bahagya dito.
Nang makaalis na si david ay hindi parin ako umaalis nakita ko pa nga ito na hinablot ang hawak na tela ng kaibigan niya at tsaka sinuot. Natuwa ako ng makita kong pinatungan niya ng manipis na tela ang kanyang suot. Dahil may kakaiba akong feelings na Hindi ko gustong may ibang makakita ng kanyang kaseksihan at gusto kong ako lang ang makakita niyon.
Medyo tumagal pa ako sa pagkaka tayo nang marinig kong may tumawag ng pangalan ko at nang luminga ako sa paligid upang hanapin ay nakita kong si Roxanne ang tumatawag sa akin at papalapit na ito sa akin. Nag desisyon na akong salubungin si Roxanne ngunit hindi ko parin maiwasang hindi muling lingunin si eloisa at sa pag lingon ko ay nag tama ang aming mga paningin ito pa nga ang unang nag bawi ng paningin.
Tapos nun ay tuloyan ko nang sinalubong sa pag lalakad si Roxanne. Bahagya pa nga itong nagalit dahil iniwan ko daw siya sa pool. Nag paliwanag nalang ako dito na empleyado namin si eloisa kaya hindi pwedeng hindi namin ito tulongan.
Nang maka balik na kami sa pool ni roxanne ay kaagad akong Lumangoy dahil pakiramdam ko ang init ng katawan ko. Nagpa balik balik ako sa pag langoy sa tubigan habang nakikinig ng kanta ng isang babae. At dahil na rin sa maganda ang boses ng babaeng kumakanta. Nang matapos na itong kumanta ay maya-maya naman ay may narinig pa akong isang boses ng babae na nag sasalita.
Habang lumalangoy ako ay nabosesan ko ang babaeng nag sasalita. Nilingon ko ito at si eloisa ang nakita ko. Kasunod niyon ay kumanta na ito. Bahagya akong nagulat ng mag simula na itong kumanta dahil hindi ko akalain na maganda rin pala ang boses nito.
Pakiramdam ko tuloy ay tuloyan na akong na inlove dito. Hindi ako umaalis sa pool habang kumakanta pa ito. Hindi ko na nga masyadong napapansin si roxanne dahil sa babaeng kumakanta naka focus ang atensyon ko at kahit na nga na naiihi na ako ay tiniis ko pa patuloy lang na mapakinggan ang maganda nitong boses. Nang mukhang pagod na siya sa pag kanta dahil bumaba na ito ng stage ay saka lang ako naka punta ng cr upang umihi.
Tsaka ko lang naisipang kausapin si roxanne ng hindi na muling kumanta pa si loisa. Nag tataray na nga si roxanne sa akin ng muli kong ibalik ang atensyon ko dito. Pakiramdam daw niya ay hindi niya ako kasama dahil kung sino sino daw ang inaatupag ko. Niyakap ko nalang ito para hindi na mag tampo pa. At tsaka niyaya na Lumangoy ulit kami.
Nang mapagod ito sa pag langoy ay nagyaya na itong mag punta ng kuwarto. Hinatid ko ito sa kuwarto at ng maihatid ko na ito sa kuwarto ay nag papaalam pa ako dito na gusto ko pang bumalik ng pool dahil hindi pa ako tapos lumangoy. Pero ang totoo ay gusto ko lang maka usap si eloisa at makasama.
Ngunit hindi pumayag si roxxane at bigla itong nag lambing sa akin na tabihan ko daw siya sa kama. Nagpapa ramdam pa nga ito sa akin na gusto niyang mag talik kami ngunit nag dahilan ako na wala ako sa mood dahil napagod umano ako sa kaka entertain ng maraming bisita kanina.
Kaya wala siyang nagawa kundi ang tumuloy nalang sa pag tulog at nang maramdaman kong tulog na ito ay dahan-dahan akong lumabas ng kuwarto at nag lakad pabalik ng pool. Ngunit nakaramdam ako ng bahagyang pagka inis nang sa malayo palang ay nakikita ko na sina loisa na may kausap na mga lalake at sa tantiya ko ay mukhang nag kakasiyahan pa ang mga ito. Nang makita kong umalis na ang mga lalaki ay naglakad ako papalapit sa gawi nila nang bigla namang may nakita ulit akong isang lalake na lumapit dito at mukhang nakipag kilala pa.
Nainis pa akong lalo ng makita kong iniwan silang dalawa ng dalawang kaibigan nito. Nagkaroon pa tuloy ng pagkakataon ang dalawa na mag solo. Nag pasya nalang akong lumubog muli sa tubigan at maglangoy nalang.
Hahanap ako ng tiyempo na mag isa nalang si eloisa ay tsaka ko ito lalapitan upang maka usap. Ngunit parang walang balak ang lalaki na umalis dahil panay pa ang tawanan nila at dinig na dinig ko ang kanilang mga tawa kahit na malayo ako sa kanila.
Lumangoy ako ng bahagya papalapit sa puwesto nila at nang matitigan ko ang mukha ng lalaking kausap ni eloisa ay nakilala ko ito si adrian. nakaramdam tuloy ako ng pag aalala dahil kilala ko si adrian na isang babaero.
Baka pag samantalahan nito ang kainosentehan ni eloisa. Kung kaya nag pasya na akong tuloyang lapitan na ang mga ito. Nang maka lapit ako sa mga ito ay kaagad akong umupo malapit sa kina uupuan ni eloisa.
Nainis pa ako kay Adrian ng makita kong hinawakan nito si eloisa sa kamay at hinila para turuan lumangoy. Kung kaya't hindi na ako nakapag timpi pa ay lumapit na ako sa mga ito at sinabihan si Adrian na kailangan ng matulog ni eloisa dahil may pasok pa sa trabaho ang mga ito kinabukasan.
Kinabahan pa nga ako sa magiging reaksiyon ni eloisa sa sinabi ko. Palihim pa akong nagpa salamat nang sinabi niya kay adrian na gusto niya ng matulog dahil inaantok na siya. At talagang sinigurado ko pang didiretso ito sa kuwarto nila. Dahil hinatid ko pa ito kahit na pinipigilan niya akong ihatid siya. Hindi ko na lamang pinansin pa ang pagpo protesta niya. Kumalma lang ako ng maihatid ko na ito sa kuwarto nila at tuloyan ng umalis.