Habang bumibyahe ako papunta sa bahay nina sir david ay mayroong mumunting kaba akong nararamdaman na hindi ko mawari kung para saan.
Mabilis lang ang naging biyahe ko papuntang Corinthian village na matatagpuan sa Ortigas. Isang malaking village ito at pawang mga mayayaman lang ang naka-tira. Bago ako pinapasok ng guard sa malaking gate ay hiningian ako ng i.d at mayroon pa itong tinawagan bago ako pinapasok sa loob ng village.
Nang nakapasok na ako ay namangha ako sa naglalakihang bahay. Habang bina-baybay ko ang daan patungo sa bahay nina sir david ay nadadaanan ko ang Malalaking mga bahay sa loob na sa tantiya ko ay hindi liliit ng isang hektarya ang sukat ng mga ito. Halos lahat ay may maluluwang na bakuran at may mga iilang puno pa sa loob nito. At napapalibutan ng matataas na bakod.
Pagkarating ko sa dulo ay kumanan ako nang may makita akong kulay abo na dalawang palapag na malaking bahay at halos napapalibutan ito ng mga salamin ay inihinto ko na ang aking sasakyan sa tapat ng malaking gate nito. At agad naman akong bumaba. Nang makababa ako ay kaagad akong nag door bell.
Nakaka-dalawang pindot palang ako ng may nag bukas ng maliit na gate at may dumungaw na isang lalakeng naka sumbrero.
Agad akong lumapit dito.
" Maam ano pong kailangan nila?" tanong nito sa akin.
" ahmm.. Ako po si eloisa... Pinapunta po ako ni sir david dito.." tugon ko dito at bahagyang nginitian ko ito.
" okay po maam wait lang po tatawagin ko lang po si sir.." saad nito sa akin at tumalikod na.
Lumipas ang limang minuto ng lumabas muli Ang lalaki na kausap ko kanina. Sinenyasan ako nito na pumasok na.
" maam pasok daw po kayo.. Paki-hintay lang daw po saglit si sir naliligo pa po kasi.. " saad niya.
" sige po kuya.. Salamat.." tugon ko dito at dire-diretsong pumasok na ako sa loob. Hinatid niya ako sa may sala.
Umupo ako sa malaking sofa upang doon hintayin si sir david. Iginala ko ang aking paningin sa kabuuhan ng kanilang sala. Agad na nakuha ng aking atensyon ang malaking litrato na naka sabit sa gitnang bahagi ng kanilang sala. Litrato ito ng isang pamilya. Ang isang bata ay naka hawak sa kamay ng kanyang ama at ang isang batang lalaki naman ay naka tayo lang ng tuwid sa tabi ng kanyang ina. Habang ang asawang babae naman ay nakahawak sa braso ng kanyang asawa. Marahil si sir david at sir jordan ang dalawang bata at ang lalaki at babae ay ang kanilang mga magulang.
Naalala ko tuloy ang aking inay. Siya nalang ang meron ako pero nawawala pa ito. Noong ako'y bata pa ay nakakaramdam ako ng inggit sa ibang mga bata sa tuwing may nakikita akong buo ang pamilya. Yung kasama nila ang kanilang ina at ama.
Ngunit kahit na mag-isa lang si inay sa buhay ko ay ipinaramdam naman nito sa akin ang walang kapantay niyang pag aaruga at Pagmamahal.
Napa-buntong hininga ako ng malalim habang iniisip ko si inay at umusal ako ng panalangin na sana bumalik na siya.
Sumagi sa isip ko makakausap ko nga pala si sir david ngayon ng personal kaya pagkakataon ko ng itanong sa kanya ang tungkol doon sa ramon del Castillo na yun kung kakilala ba niya ito.
Mga ilang sandali pa ang lumipas ay may nakita akong dalawang lalakeng pababa ng hagdanan.
Si sir david at ang matanda na marahil ang sinasabi niyang daddy niya.
Nang ganap na makababa na ang mga ito ng hagdan ay agad akong tumayo at binati ko sila.
" magandang araw po sa inyo.." at nginitian ko ang mga ito ng malapad.
" hi eloisa! Mabuti naman at pumunta ka dito.. Ngayon lang ulit tayo nagkita mula ng party.." tugon sa akin ni sir david.
" opo sir.. Naisip ko po kasi na maganda na rin yung maka usap ko kayo ng personal.. " muling saad ko dito.
" ang daddy ko nga pala loisa.. Sorry ngayon lang kita naipa-kilala kay dad.. Hindi na kasi sila nagtagal pa nung party.. Nagyaya na kasi kaagad si mommy nun na umuwi dahil masama daw ang pakiramdam.. At gustong dito na sa bahay mag pahinga.." pakilala sa akin ni sir david sa kanyang ama.
At matapos ay bumaling ito ng tingin sa kanyang ama.
" dad, siya pala si eloisa.. Yung kinu-kuwento ko sayo dati pa na magaling na manager.. at naging dahilan ng pag-angat muli ng ating kumpanya.. " saad niya sa kanyang ama.
Ngumiti sa akin ang kanyang ama at nakipag-kamay ito sa akin.
" maupo na muna tayo bago ituloy ang ating pag - uusap.." singit ni sir david at iginiya ang kanyang kamay sa deriksiyon ng upuan.
Nang ganap na kaming maka-upo ay muling nag-salita ang kanyang ama at ibinaling ang atensyon sa akin.
" nice meeting you iha.. Ma-suwerte ang anak ko dahil sa amin ang napili mong mag-apply.. Isa kang blessings na dumating sa buhay namin.. At nagpa-pasalamat ako sa iyo ng marami sa lahat ng itinulong mo sa aming kumpanya.."
Saad pa nito at ngumiti sa akin.
" kamusta ang naging biyahe mo pa-punta dito loisa.. Hindi ka ba nahirapan sa pag-hahanap?.. " tanong ni sir david sa akin.
Ngumiti ako dito.
" hindi po sir.. Hindi naman po mahirap hanapin itong Address ng bahay ninyo... "
" that's good to know..! "
At ikinumpas ang kanyang daliri nang may makitang dumaan na matandang babae.
" yaya, paki-sabi naman po kay Corry na paki-padalhan kami dito ng maiinum at konting maka-kain para kay eloisa.. " saad nito sa matandang tinawag niyang yaya.
Marahil ito ang yaya nila noong mga bata pa sila ni sir Jordan.
Tumango lamang ang matanda at ngumiti kay sir david.
Muling ibinaling sa akin ni sir david ang atensyon niya at nagsalita muli.
" ano-ano nga palang pag-uusapan natin loisa.."
" ito nga pala yung summary ng report ko sir kasama na yung ngayong buwan.." saad ko at iniabot ko dito ang may kalakihang folder.
Agad naman niya itong inabot mula sa mga kamay ko at bahagya pa itong ngumiti sa akin.
Habang isa-isang tinitingnan ni sir david ang mga papel na naka lagay sa folder ay unti-unti ko din namang idini-discuss sa kanya ang mga bagay na dapat niyang malaman.
Habang nag-sa salita ako ay napansin ko namang naka-tingin sa akin ang matandang Del Castillo na para bang sinusuri niyang mabuti ang hugis ng aking mukha.
Nang hindi ko na matiis pa ay ibinaling ko sa kanya ang aking paningin at ngumiti dito.
Gumanti lang ito ng ngiti sa akin at hindi parin inaalis ang kanyang paningin sa mukha ko.
Hanggang sa narinig ko itong tumikhim bago nag-salita.
" alam mo iha.. May kamukha ka.." saad nito sa akin.
At muli pa itong nag-salita.
" sino ang tatay mo iha?.."
Tanong pa nito sa akin at inilagay sa baba niya ang kanan niyang kamay na animo'y may iniisip.
Kaagad naman akong sumagot dito at nginitian ko ito ng bahagya.
" ahmm.. Hindi ko na po nakilala pa ang tatay ko sir.. Tanging nanay ko na lamang po ang naka-gisnan ko hanggang sa lumaki ako.." agad na tugon ko dito.
Mag-sasalita pa sana ito nang biglang sumingit si sir david.
" oo nga pala loisa kamusta dun sa tinutuluyan mong apartment mabuti at naka-hanap ka ng mapagpa-parkingan ng sasakyan mo..? "
" yun nga po sir ang naging problema ko.. Kaya't naghanap ako ng bagong mauupahan.. Mabuti nga po at naka-hanap ako kaagad.. banda po sa may las Piñas.. Medyo malapit lang po sa pasay.. " tugon ko dito.
" wow! That's good. Mas mabilis na ang magiging biyahe mo papunta at pauwi niyan.. "
Ngumiti lang ako dito at tumango bilang tugon sa kaniyang sinabi.
Hindi na muli pang nag-salita ang matandang del Castillo ngunit hindi parin nito inaalis ang tingin niya sa akin.
Hanggang sa matapos ako ng pag di-discuss kay sir david ay nanatili lang itong tahimik at na-kikinig sa mga sinasabi ko about sa business nila.
Maya-maya ay dumating na ang ipinag-utos ni sir david na maiinum at sandwiches. Inihatid ito ng may kabataan pang kasambahay na sa tantiya ko ay nasa bente singko palang ang edad nito.
" sige kumain na muna tayo.." saad ng ama ni sir david.
Isa-isa naman kaming dumampot ng makakain. Habang kumakain kami ay panaka-nakang nag- uusap ang mag-ama.
Narinig ko pang tinanong ni sir david sa daddy niya ang kanyang mommy.
" dad nasaan nanaman ba si mommy?.. Paano nalang kung wala ako dito.. Wala nanaman kayong kasama.." saad ni david sa kanyang ama.
" huwag mo ako masyadong alalahanin anak.. Kung talagang kukunin na ako ay wala akong magagawa.. Kahit na kasama ko pa ang mommy mo.. " tugon naman nito sa anak.
Narinig ko pang humugot ng malalim na hininga si sir david bago muli nag-salita.
" alright bukas na bukas din ay kukuha na talaga ako ng personal nurse mo dad.. Iba parin na nag-iingat tayo dad.. Bakit ayaw mo na ba maabutan pa ang mga magiging apo mo sa amin..?" tanong nito sa kanyang ama.
" yun na nga anak eh.. dalian niyo na para maabutan ko pa.. " tugon ng matandang del Castillo sa kanyang anak.
Hindi na muling nag-salita pa si sir david. At itinuloy na ang pagkain. Mga ilang minuto pa ang lumipas at natapos na rin kaming kumain.
Agad naman namin itinuloy ni sir david ang discussion nang matapos na kaming kumain.