Samantala sa kabilang dako.
Nakatayo si Don Ramon sa beranda ng kanyang kuwarto at may kausap ito sa telepono.
" ano nahanap niyo na ba siya?.." Tanong nito sa kabilang linya.
" hindi pa nga ho sir.. Ginagawa naman ho namin ang lahat don ramon kaso mukhang mailap ang taong pinapa hanap ninyo.." tugon ng kausap nito sa kabilang linya.
" ano! Ilang buwan niyo na siyang hinahanap dapat nakita niyo na siya! Gawin niyo ang lahat para mahanap lang siya. Nagtanong tanong na ba kayo sa mga kapitbahay nila? "
" oho don ramon.. At ang sabi ay pinag hahanap nga daw ito dahil naka report daw po sa pulisya ang pagka wala nito.. Mukhang naunahan tayo sir.." saad pa ng kanyang kausap.
Napa kuyom ang kamao ng don sa narinig niya mula sa kausap sa kabilang linya.
" sino naman ang maaaring gumawa sa kanya nito.. Sana lang walang nangyaring masama sa kanya.. Gawin ninyo ang lahat mahanap lang siya. Kung kinakailangan doblehin mo ang mga tauhan mo ay gawin mo!" saad pa nito sa kabilang linya.
" sige ho sir.. Mag dadagdag pa ho ako ng mga tauhan.. Sisikapain ko hong sa susunod ay may magandang maiba-balita na ako sa inyo.." muli pang saad ng nasa kabilang linya.
Nang marinig ng don ang sinabi nito ay pinutol na nito ang linya ng telepono.
Hindi parin umaalis ang don sa kanyang pagkaka tayo sa beranda at nakatingin ito sa malayo na pawang may malalim na iniisip.
Kailangan mahanap ko na siya.. Bago mahuli ang lahat.. Sana makasama ko pa siya bago manlang ako mawala.
At sana.. Walang nangyaring masama sa kanya..
Gusto ko pang bumawi sa lahat ng mga pagkukulang ko sa kanya..
Habang tahimik parin na nakatanaw ang don sa malayo ay biglang bumukas ang pintuan at pumasok si donya Vicky.
Dahan dahan itong nag-lakad papalapit sa kina-tatayuan ng don.
" hey hon! Ano nanamang iniisip mo diyan?.." agad na bungad ng donya sa kanyang asawa.
Dahan dahang nilingon ng don ang kanyang asawang kakarating lang galing sa kung saan.
Dahil maaga pa lang ay nagpaalam na ito sa kanya na may pupuntahan raw.
" wala lang.. Iniisip ko lang kung saan ka nanaman nag punta.. Tinatanong ka sa akin ng mga anak mo kanina kung nasaan ka raw.." agad na tugon ng don kay donya Vicky.
" naku saan pa ba eh di doon sa mga kumare ko.. Nagpa-sama kasi yung isang kumare namin na mamili ng mga gamit sa bago nilang bahay kaya ayun nagkayayaan na kaming lahat na samahan nalang ito.." kaagad na tugon ni donya Vicky.
Nang matapos sabihin iyon ay humawak ang donya sa braso ni don Ramon at humilig sa balikat nito bago nag salita muli.
" bakit na miss mo na ba ako kaagad honey?.. "
Hindi parin umiimik ang don sa asawa niya. Patuloy parin itong nakatingin sa malayo habang nakapasok sa bulsa ng kanyang pantalon ang magka bilaang kamay nito.
" hindi naman sa ganoon vicky.. Palagi kang napapansin ng mga anak mo na wala.." saad ng don habang hindi parin nakatingin sa donya.
Ang donya naman ang hindi umiimik. Tahimik lang itong nakababa ang paningin sa kanilang beranda.
Muling nagsalita ang don.
" matanda na tayo vicky.. Pero hanggang ngayon hindi ka parin nag babago. Palagi ka nalang nandun sa mga kumare mo."
" ramon malalaki na ang mga anak natin. Ayoko namang dito nalang umikot ang mundo ko sa bahay na ito." tugon ng donya dito.
" so sinasabi mong okay lang ako dito habang ikaw nasa labas kasama ang mga kumare mo! " saad ng don dito sa may kataasang tono ng boses.
" honey naman.. Ayuko lang kasi maburo nalang dito habang buhay.. " agad na paliwanag ng donya vicky.
Hindi na muling nag salita pa ang don at inikot ang katawan nito upang humakbang palabas ng kuwarto.
Naiwang mag isang naka tayo si donya vicky sa beranda.
" Hindi na ako pwedeng umalis ng madalas mukhang nakaka halata na sila.." Saad sa kanyang isip ng donya.
Habang naglalakad ang don pababa ng hagdan ay pailing iling pa ito.
Nang makababa na ito ay sinalubong siya ng kanilang kasambahay na si Cory.
" don Ramon.. May naghahanap po sa inyo.. Pinadala daw po siya ng ospital na kinausap ni sir david.."
Agad na Bungad ng kasambahay dito.
" nasaan siya? papasukin mo.." tugon ng don dito.
" sige po Tatawagin ko lang po.."
Maya-maya ay muling bumalik na ang kasambahay at may kasama na itong babae na naka uniporme ng ternong Pants at Blouse.
" magandang araw po Don Ramon.. Ako po si lilian ang magiging personal nurse niyo po. Nag request po kasi ang anak ninyo ng personal nurse para sa inyo.." agad na pakilala nito sa kanya.
" sige iha.. Ihatid mo na muna sa kuwarto yang mga dala-dala mong gamit.. Cory samahan mo siya sa magiging kuwarto niya.."
Baling ng don sa kasambahay nila.
" sige po sir.. " tugon nito sa don at iginiya na nito ang babaeng si Lilian patungo sa magiging silid nito.
Habang naglalakad ang dalawa patungo sa magiging silid ni Lilian ay naka salubong nila si donya vicky.
Binati nila ito ng mapansin nilang nakatingin ito sa kanila.
May dalawang hakbang na silang nakakalagpas dito ng tawagin sila nito.
" sandali lang! Cory, sino yang kasama mo?!" Tanong nito.
Huminto ang dalawa sa paglalakad at humarap sa donya.
" ay maam vicky, si Lilian po ang magiging personal nurse po ng don.. Si sir david daw po ang nag request sa ospital na padalhan ng magiging personal nurse si don Ramon.." agad na tugon dito ni Cory.
" okay sige." saad ng donya vicky sa mga ito at pinasadahan ng tingin mula itaas hanggang ibaba ang babaeng si Lilian.
Nang matapos niya iyong pasadahan ng tingin ay umangat ang kanang bahagi ng labi nito.
" sige ihatid mo na siya." muli niyang saad sa mga ito.
Pagka-sabi niyon ay tuloyan na itong nag-lakad palayo.
Jordan's POV:
Ang isang buwan ko lang dapat sa Hongkong ay naging tatlong buwan.
Nagkaroon kasi kami ng malaking problema doon sa isa naming ipina-patayong condo units at nahirapan akong resolbahin ito.
Kakauwi ko lang kahapon ng Pilipinas ng mag desisyon akong daanan si eloisa sa kanyang opisina.
Nahulog na yata ako ng tuloyan sa babaeng yun. Kahit nasa Hongkong ako ay na iisip ko parin siya. Kaya na dismaya ako ng pagpunta ko doon sa kanyang opisina ay wala pala ito.
Nang sinabi ng kanyang assistant na nagpunta siya dito sa bahay ay dali-dali akong nag biyahe pauwi dito.
Nakaramdam pa ako ng kirot sa aking puso ng maabutan kong naka akbay pa dito ang kapatid ko.
Hindi ko alam pero may ganoon akong pakiramdam na gusto ko ako lang ang nakaka hawak sa kanya. Marahil nga ay selos ang nararamdaman ko kahapon.
Nang makita ko nga ito kahapon ay gusto ko itong yakapin ngunit alam kung hindi pwede. Dahil sa sobrang na miss ko ito ay hinawakan ko ang kanyang bewang ng pasimple ngunit hindi rin nag tagal dahil agad ako nitong sinita at sinabi na nakikiliti daw siya at hindi daw siya sanay na may humahawak sa kanya.
Sa kabilang banda ay natuwa ako sa sinabi nito dahil ibig sabihin wala pang nakaka hawak sa kanya ng ganoon at ako palang.
Hindi na ako nagtaka ng makita ko kahapon ang kanyang sasakyan dahil kahit wala ako ay nag-hire ako ng secret agent para bantayan ito.
Sobrang saya ko kahapon nang pumayag siya sa sinabi kong idi-date ko siya ulit. Halos mapa lundag ako sa saya nun.
At ngayon ang araw na makikita ko siyang muli. Sobrang excitement ang nararamdaman ko.
Katatapos ko lang maligo at kasalukoyan akong nag hahanap ngayon ng magandang kasuotan na ba bagay sa akin. Iyong magiging guwapo ako sa paningin niya.
Nang maka hanap ako ng tipo kung isuot ay agad akong nag bihis at nag suklay ng buhok. Medyo may kahabaan na ang aking buhok dahil hindi ko nagawang magpa gupit ng ako'y nasa Hongkong sa sobrang dami kong inaasikaso doon.
Nag pasya akong lagyan ko nalang ng gel ang medyo may kahabaan ko ng buhok. Matapos kung suklayin ang buhok ko ay nag wisik ako ng pabango.
Nang makontento na ako sa itsura ko ay dali-dali na akong lumabas ng kuwarto dahil alas tres na ng hapon at dapat ay alas kuwatro palang ay nandoon na ako at nag aabang dito.
Nang maka labas ako ng pintuan ay naka salubong ko si david.
" uy bro! Mukhang may ibang lakad tayo ngayon ah.. Akala ko ba may importante pa tayong pag uusapan?" agad na saad nito sa akin.
Inakbayan pa ako nito habang nag lalakad at sinusundan ang bawat hakbang ko kung saan man ako lumiko.
" yeh bro! Later nalang tayo mag usap ulit pag-uwi ko may importante lang akong kikitain ngayon.. " saad ko dito at tinapik tapik ang braso nitong naka akbay sa akin.
" hmm.. Bakit sino ba yang importanteng taong kikitain mo ngayon my dear brother?.." muli pang saad nito sa akin.
Pagka sabi niyon ay agad itong tumawa ng na kakaloko.
Pabiro ko itong siniko sa tagiliran niya.
" Hey! It's none of your business my dear brother!.. " tugon ko dito at ginulo ko ang kanyang buhok dahil wala parin itong tigil ng kakatawa.
Nang akmang gaganti ito ay lakad takbo kung iniwan ito sa paglalakad. Kahit medyo malayo na ang distansya ko dito ay narinig ko pa itong sumigaw.
" hoy kuya kung tupakin bumalik ka dito! hindi pa tayo tapos! Kung chicks man yan! Isusumbong kita kay Roxanne! Para makalbo ka!"
Hindi ko na ito pinansin at tuloy tuloy lang ako sa pag lalakad palabas ng pintuan.
Nang marating ko ang parking ay kaagad ko ng pinaandar ang makina ng aking sasakyan.