" salamat nga pala loisa ha.." muli niyang saad at binitiwan niya na ang aking mga kamay.
" salamat?" pag uulit ko sa sinabi niya at bahagyang nag salubong pa ang mga kilay ko.
" salamat kasi kahit nag dadalawang isip ka sa akin dahil may girlfriend ako ay pumayag ka parin na makipag date sa akin.."
Tumango tango ako dito at may tipid na ngiti sa labi.
" kaya nga jordan.. Sa--- sana.. Kung maaari ito na ang huli nating pag labas na tayong dalawa lang.. Baka kasi may maka kita sa atin na kakilala.. Baka kung anong isipin nila nakakahiya.. "
Pagka sabi ko niyon ay nakita kung nabalot ng lungkot ang guwapo niyang mukha.
At tumanaw ito sa malayo na wari bang may malalim na iniisip.
Nakita ko pa itong nag buntong hininga ng malalim at tsaka muling ibinalik sa akin ang kanyang paningin.
Tinitigan niya ako sa aking mga mata.
" seryoso ako sayo eloisa.. At hindi ako papayag na hanggang dito lang tayo.."
Matapos niyang sabihin iyon ay ngumiti ito ng malawak.
Lalo tuloy siyang naging guwapo sa paningin ko. Nakaramdam ako ng mga nag tatambulan sa aking dibdib.
Sinuklian ko nalang din ito ng ngiti at muling tumango.
May dalawang oras pa kaming namalagi sa Park. Niyaya ko si jordan na mag lakad lakad dahil gusto ko malibot ang buong lugar na iyon. Manghang mangha ako sa ganda ng lugar na yun. Hindi lang pala mga puno at halamang bulaklak ang meron sa lugar na iyon.
Sa bandang dulo pala ay mayroon pang fountains na napapalibutan din ng maga-gandang ilaw at mga bulak lak sa paligid.
Kapag dumungaw ka sa tubigan ng fountain ay mayroong mga isda pang nag lalanguyan. Marami din ang namamasyal habang lumalalim ang gabi ay mapapansin mong dumarami rin ang mga taong nag-pupunta.
Mayroon ding parte na may mga palaruan na kung saan pati mga bata ay pwede ring mag enjoy sa pag lalaro.
May mga nag bebenta rin ng mga pagkain sa paligid gaya ng mga kakanin at mga softdrinks. Mayroon ding mga Street foods kung tawagin. mayroon ding mga lugawan at bulalohan. At marami pang iba. At lahat ay pawang masasarap.
Nagutom ako sa mga nadaanan naming mga nagtitinda ng pagkain. Niyaya ko si jordan na tikman namin ang mga ito.
Pumayag naman siya at nakita kung sarap na sarap din ito habang kumakain.
Habang kumakain ay panay din ang kwentohan namin.
Ikinu-kuwento niya ang mga inaasikaso niyang negosyo sa ibang bansa kaya madalas daw na wala siya dito sa Pilipinas.
Bukod daw kasi sa negosyo ng Daddy nila sa ibang bansa ay mayroon din daw siyang sariling negosyo niya.
Kaya huwag daw akong mag taka kung bihira ko lang daw siyang makikita dito sa Pilipinas.
Kinuwento niya rin kung paano siyang nag simulang mag sarili ng negosyo. Lahat ng mga pinag daanan niyang pagsubok para makapag pa tayo ng sariling mga hotel.
Mas lalo tuloy ako humanga sa kanya. Hindi lang ito guwapo kundi may angking talino din pala ito.
Naisip ko ang suwerte naman ng babaeng mapapangasawa nito. Bahagya akong yumuko habang nagku-kwento ito. Hindi ko kasi maintindihan ang aking sarili. May kirot akong naramdaman ng sumagi sa isip ko ang tungkol sa girlfriend nito.
Parang gusto ko na tuloy siyang agawin sa girlfriend niya. Pero hindi ko kaya dahil hindi ganun ang pagkatao ko. Pinalaki ako ni nanay na may takot sa diyos.
Madalas sa akin sinasabi noon ni nanay na kung ayaw mong gawin sayo ay huwag mo ring gawin sa iba kaya hindi ko magagawa ang anumang tumatakbo sa isip ko na masama.
Naramdaman ata ni jordan na may iniisip ako kaya't nag tanong ito sa akin.
" loisa are you okay? Wala bang masakit sa iyo?" saad nito na may pag kunot pa sa kanyang noo.
" oo okay lang ako.. May naalala lang ako.. Sige ituloy mo lang ang pagku-kuwento.." agad na tugon ko dito at nginitian ko ito ng malapad.
Pagka sabi ko niyon ay ngumiti din ito at Ipinag patuloy naman nito ang pagku-kuwento.
Maging pagka bata din nila ni david ay nai kwento niya rin sa akin. Madalas daw silang mag-away nito lalo na sa mga laruan.
Palagi daw inaagaw ni david ang mga laruan niyang binili ng Daddy niya para sa kanya.
Pero kahit madalas daw na mag kasamaan sila ng loob noon ni david ay hindi naman daw sila nagka sakitan ng physical nito.
Palagi nga lang raw na may kumparison sa kanilang dalawa dahil halos hindi sila nag kakalayo ng edad ni david. Matanda lang daw siya ng isang taon kay david.
Pero nung nag teenager na daw sila ay naging mag kasundo na sila ni david at mas lalo pa daw silang naging malapit sa isa't-isa nang ganap na silang mga binata.
Naisip daw nila na dalawa na nga lang daw silang mag-kapatid ay hindi pa sila mag-kakasundo.
Palagi din daw kasi sila noon sinasabihan ng Daddy nila na mag-mahalan daw sila kasi madalas daw na sila lang ang magka-sama dahil palaging wala ang daddy nila at busy ito sa pag-aasikaso ng negosyo. Ang mommy naman daw nila ay palaging wala din daw ito.
Hindi namin namalayan at alas diyes na pala ng gabi. Niyaya na ako nitong umuwi. gabi na daw baka mapuyat daw ako dahil may pasok pa daw ako kinabukasan sa office.
Habang nag-lalakad kami pa-balik ng sasakyan nito ay magka-sabay kami ng hakbang at naramdaman ko nalang na hawak niya na pala ang kaliwang kamay ko.
Hindi ko nalang pinansin at hinayaan ko nalang ito na hawakan ang kamay ko.
Naisip ko kasi na baka ito na ang huli naming pag di-date dahil nag-usap na kami kanina na hindi na kami mag-kikita na dalawa lang. Pumayag naman ito sa sinabi ko kanina.
Pero ewan ko ba. Isipin ko palang na ito na ang huli ay nalulungkot na ako.
Humugot ako ng malalim na hangin mula sa aking lalamunan.
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko itong naka-tingin sa aking mukha habang nag-lalakad kami.
Nang marating na namin ang kinapa-parkingan ng sasakyan niya ay huminto na kami sa pag lalakad.
Binitiwan niya ang kamay ko at humarap siya sa akin.
Unti-unti kong ina-ngat ang aking paningin sa kanya mula sa pagkaka-yuko at nag-tama ang aming mga mata.
Napansin kong may bahid ng lungkot ang mga mata nito habang naka-titig siya sa akin.
Mga ilang segundo pa kaming nagka-titigan at siya ang unang nag-salita sa aming dalawa.
" loisa... Ma-mimis nanaman kita..." saad niya sa akin sa mahinang tinig na medyo nama-maos pa.
Hindi ako na kapag-salita sa sinabi nito. Gusto ko rin sana sabihin dito na Ma-mimis ko rin siya.
Hanggang sa muli kung narinig na mag-salita ito.
" loisa.. Pwede ba kitang mayakap.. Kahit sandali lang?..."
Muling saad nito sa akin. Tumango ako ng dahan-dahan dito at ngumiti ng tipid.
" sige.." tanging salitang lumabas sa bibig ko.
Pagka-sabi ko niyon ay kaagad niya akong niyakap. Yakap na sobrang higpit. Yung tipong ayaw niya na akong pa-kawalan. Gustong-gusto ko naman ang ginagawa niyang pagka-kayakap sa akin. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan nito. Parang nang-hihina ang aking mga tuhod. Maging ako ay aminado sa aking sarili na gustong-gusto ko ang yakap niya.
Yung tipo ng yakap na bubura sa lahat ng mga iniisip ko. Yung yakap na papawi ng lungkot ko sa pagka-wala ng nanay ko. Yung yakap na nagsa-sabing nandito lang ako.
Ilang segundo pa kaming mag-kayakap o baka hindi lang umabot pa ata ng minuto.
Naramdaman ko pang hinalikan niya ako sa aking buhok.
At matapos niyang gawin iyon ay dahan-dahan niya na akong pina-kawalan.
Muli niya akong tinitigan sa aking mga mata at nakikita ko parin ang lungkot sa mga mata nito. Sa tingin ko nga ay mas lalo pa itong lumungkot.
Matagal pa kaming nagka-titigan. ang mga mata namin ay parang nag-uusap na huwag munang mag-hiwalay.
Ang mga mata niyang parang may magnet na pilit hinihila ang aking mga mata. Kahit gusto ko nang i-kurap ito ay hindi ko ma-gawa.
Malalim ang gina-gawa niyang pag-titig sa akin at wala rin itong ka-kurap kurap sa mga mata.
Hanggang sa na-gulat nalang kami dahil may biglang dumaang batang lalake sa pagitan namin at pilit na lumulusot.
Nang tingnan namin ay mukhang dalawang taong gulang pa lang ito at hinahabol siya ng kanyang nanay.
" ikaw talaga na bata ka! Sabi ko sayo diba doon lang tayo!.. Ting-nan mo tuloy naka-bangga ka pa!.."
Tuloyan na nitong na-hawakan ang bata sa kamay. Agad na tumingin ito sa amin at nag-salita.
" naku pasensya na kayo sir maam.. Itong anak ko kasi sobrang mali-galig. Kumakain kami doon ng Biglang tumakbo siya bigla.. " agad na paliwanag ng ale.
Ngumiti ako dito.
" okay lang po ate.. Ganyan po ata talaga ang mga bata.. Diba Jordan? Ganyan din naman kayo dati ni david ka-kulit?! " saad ko sa babae at pagka-sabi ko niyon at tumingin ako kay jordan na may ngiti sa labi.
" ah--- o.. oo ate! tama! Ganyan din po kami dati ng kapatid ko. Palagi din kaming hinahabol ng yaya namin.. Kaya madalas na hinihingal sa amin dati si yaya!.. "
Agad na tugon nito at nag-kamot pa ito sa kanyang ulo.
Hindi ko naman ma-pigilan ang tumawa. Tawa ako ng tawa sa kanya at sa bandang huli ay tumawa na rin ito.
Maging ang mag-nanay na noo'y kalong na ng ale ang kanyang anak ay tumatawa na rin.