Dalawang araw bago ang kaarawan ni donya Vicky ay napag-kasunduan ng magka- kaibigang sina eloisa, rina at joy na mag-punta na sa parlor upang magpa-ayos na ng kanilang buhok.
Dahilan nila ay para daw hindi na nila kailangan pang dumaan pa ng parlor kapag araw na ng party at hindi rin kasi nila ma-sigurado ang oras ng party.
Sina joy at rina ay nagpa-tuwid ng buhok habang si eloisa naman ay nagpa-kulay lamang ng buhok ito.
Nagpa-linis na rin ang mga ito ng kani-kanilang mga kuko sa paa man at maging sa kamay.
Naunang matapos si eloisa sa dalawa. Naka-upo siya sa harapan ng salamin. Manghang-mangha siya sa kanyang nakitang imahe ng babae sa salamin. Halos hindi niya nakilala ang kanyang sarili. Bagay na bagay sa kanya ang kulay ng bago niyang buhok. Mas gumanda siya lalo at pumuti siyang tingnan dito.
Unang beses niya palang kasi itong gawin sa kanyang buhok. Dahil salat sa budget upang makapag-parlor ay nag-dalaga si eloisa na natural lang ang kulay ng kanyang buhok. Natural na tuwid at may pagka-kulot ang bandang ibaba ng kanyang buhok.
Maging ang baklang nag-kulay ng kanyang buhok ay namangha din sa naging epekto sa bagong kulay ng kanyang buhok. At gayon din ang kanyang mga kaibigang sina rina at joy nagulat sa pagbabago ng kanyang mukha.
" wow! Loisa! Ang ganda mo lalo girl!.. Nakaka-inggit ka naman sana ganyan din ako ka-ganda sayo.. Yung boyfriend ko kasing seaman parang may ibang babae.. Siguro kung ganyan ako ka-ganda sayo ay hindi yun mag-hahanap ng iba.."
Mahabang komento ni rina sa kanya. Bahagya pa itong sumimangot matapos sabihin iyon.
" ano ka ba rina.. Hindi mo kailangang gumanda ng husto para lang mahalin ka ng isang lalake..Kung talagang totoo sa iyo ang boyfriend mo ay hindi niya maiisip pa na tumingin sa iba noh!.. Mahirap kaya yung mamahalin ka dahil sa pan-labas mong ka-anyuhan lang!.. "
Mahabang paliwanag ni eloisa kay rina.
" oo nga rina.. Kung talagang mahal ka nun ay hindi na yun mag-hahanap ng iba.. Baka naman may pagkukulang ka din girl.. I-analyze mong mabuti.. " kumento naman ni joy kay rina.
" sabagay may punto naman kayong dalawa.." tugon naman ni rina sa mga ito.
" loisa mukhang matagal pa kami ni joy.. Kung nababagot ka na pwede mo na kaming iwan.. Kita-kita nalang tayo sa party.. "
Saad ni rina kay eloisa.
" sure kayo iwan ko na kayo?" tanong ni eloisa sa dalawa.
" yes loisa kaya na namin to. Para makapag-pahinga ka na.. " si joy naman ang sumagot.
" okay sige sabi niyo yan ah.. O paano aalis na ako.. Text niyo nalang ako kapag naka-uwi na kayo girls.." paalam ni eloisa sa dalawa.
Tumango naman ang dalawa na may ngiti sa mga labi. Matapos sabihin ni eloisa iyon ay dinampot niya na ang kanyang bag na nakapatong sa upuan at tuloyan ng nag-lakad palabas ng parlor.
" ingat loisa!.. " halos sabay na saad ng dalawa sa kanya.
Lumingon naman sa mga ito si eloisa habang nag-sisimula ng humakbang at ngumiti. Nakita niyang kumaway pa sa kanya si rina.
Habang nag-lalakad si eloisa papuntang parking ay nabigla siya ng may biglang nag-takip sa kanyang bibig ng panyong may kasamang pampa-tulog.
" boss areglado na.. Nakuha na namin siya at papunta na kami diyan." saad ng lalake sa kanyang kausap sa kabilang linya.
Nang mawalan na ng epekto ang ipina-amoy kay eloisa ng kung sino man ay unti-unting nagising na si eloisa. Pag-mulat niya ng kanyang mga mata ay medyo madilim ang paligid kaya hindi niya masyado maaninag kung nasaan siya. Basta ang tanging naramdaman niya lang ay naka-higa siya sa isang malambot na kama.
Unti-unting umupo ang dalaga at pilit na ina-aninag ang paligid.
May narinig siyang kaluskos kung kaya't naka-ramdam siya ng kaba sa kanyang dib-dib. Iginala niya ang kanyang paningin at may nakita siyang anino na papalapit sa gawi niya. Mas lalo siyang natakot. Ngunit may na-amoy siya na familiar sa kanyang pang-amoy. Iniisip niya kung kaninong amoy iyon.
Huminga muna siya ng malalim bago siya nag-salita.
" sino ka! Saan niyo ako dinala!? Mga hayop kayo pakawalan niyo ako!.."
saad ni eloisa na mataas ang boses sa anino ng taong halos isang dipa nalang ang layo sa kanya.
Nang tuloyan ng makalapit sa kanya ang anino ay nag sink-in sa utak niya kung kaninong pabango ang naamoy niya.
" Jordan..? " salitang lumabas sa bibig niya.
Matapos na sabihin iyon ni eloisa ay kaagad siyang niyakap ng anino at tsaka bigla ng nag-liwanag ang paligid.
" i miss you so much baby..."
Saad ni jordan kay eloisa sa paos na boses habang naka-yakap parin ito sa kanya. Hindi maka-galaw si eloisa sa kanyang posisyon hindi siya maka-paniwala na nasa harapan niya na ang taong halos araw-araw niyang iniisip at pilit na iniiwasan.
Nang bumitiw ito ng pagkaka-yakap sa kanya at tuloyan niya ng makita ang mukha nito ay doon niya nakumpirmang si jordan nga ito. nag-salubong ang kanilang paningin. At muli siyang niyakap nito. Nag muli itong kumalas sa kanya ay nakangiti na itong humarap sa kanya.
" sorry baby kung natakot kita.. Ito lang kasi ang alam kong paraaan para makita at makasama ka.. Sorry talaga.."
Agad na paliwanag ni jordan sa malambing na tinig.
Hindi parin umi-imik si eloisa. Ngunit kalmado na ang kanyang pakiramdam nawala na ang takot na naramdaman niya kanina.
Si jordan naman ay nag-buga ng hangin mula sa kanyang bibig. Nag-aalala parin kasi ito na baka galit sa kanya si eloisa.
Nang hindi niya na matiis ang kawalang reaksyon ni eloisa ay hinawakan niya ito sa dalawang kamay. Ang dalaga naman ay nakatingin lang kay jordan.
" baby.. Mag-salita ka naman.. Sige na patawarin mo na ako.. Alam ko kasing hindi ka sasama sa akin kapag ako mismo ang sumundo sa iyo.. Kung galit ka sige sampalin mo ako.."
Pagka-sabi ni jordan ng mga katagang iyon ay inilapat niya ang isang palad ni eloisa sa kanyang pisngi at nag-hihintay ito ng gagawin kung sasampalin nga siya nito.
Ngunit nabigla siya ng hindi sampal ang ginawa nito sa kanya. Bagkus ay hinimas nito ang kanyang pisngi at bigla nalang umiyak.
Mas lalong nag-alala si jordan sa naging reaksyon ng dalaga sa kanya. Niyakap niya ito ng sobrang higpit at hinimas himas ang likod nito.
" tahan na baby.. Please kung galit ka sa akin saktan mo ako. Bug-bugin mo ako.. Huwag ka namang umiyak baby.. Ayokong nakikita kang umiiyak.. Kung gusto mong lumuhod ako sayo gagawin ko mapatawad mo lang ako.. Gustong-gusto na kasi talaga kitang makita at makasama baby.. Please patawarin mo ako.. "
Mahabang paliwang ni jordan dito. Narinig niyang suminghot singhot pa si eloisa.
Dahan-dahan itong kumawala sa pagkaka-yakap niya at humarap sa kanya.
" hindi ako galit sayo jordan.. " saad nito na may kasamang tipid na ngiti sa labi habang naka-tingin sa kanya.
" masaya ako na nakita kita.." muli pang saad ng dalaga.
" kaya lang tinakot mo talaga ako.. Grabe ka!.. Akala ko may gustong pumatay na sa akin!.."
Pagka-sabi niyon ay hinampas pa nito sa braso si jordan. Hinawakan naman siya ni jordan sa magka-bilaan niyang pisngi.
" salamat talaga baby.. Hindi ka galit.. Kinabahan din kaya ako.. Baka lalo mo akong ayawan niyan." paliwanag ng binata dito.
Ngumiti lang si eloisa ng malapad dito At umiling-iling.
" tara na baby kain na tayo.."
Hinila siya sa kamay ni jordan upang tulongang maka-tayo mula sa kama. Nang maka-tayo na sila ay hindi pa nito binitiwan ang kamay ng dalaga at dinala ito papunta sa isang bahagi ng kuwarto.
Sa terrace. may terrace pala sa gilid ng kamang hinigaan ni eloisa kanina at medyo may kalakihan din ito. Kasya ang pang dalawahang lamesa at may space pa sa gilid.
Namangha si eloisa ng makita niya ang laman ng lamesa. Puno ito ng masasarap na pagkain at mayroon pang red wine sa tabi.
Ang mga ilaw rin na naka-paligid sa terrace ay iba't ibang kulay. At kapag humarap ka sa kanang bahagi ay matatanaw mo ang walang hanggang kalawakan. Na punong puno ng mga nag-kikislapang bituin.
Napag-tanto ng dalaga na nasa isang mataas na lugar pala sila.
Inalalayan siyang maka-upo ni jordan sa upuang naka-lagay sa lamesa.
" wow jordan ang ganda dito!.. Ang sarap ng hangin.. Para tayong lumulutang sa alapaap..."
Saad ni eloisa na puno ng pag-hanga sa paligid.
Natawa naman si jordan sa sinabi ng dalaga.
" alapaap talaga baby!.. Tara na nga kumain na tayo baka nalipasan ka na ng gutom niyan!.. " komento naman ni jordan sa sinabi ni eloisa at muling tumawa ito.
Natawa na rin si eloisa sa sinabi niya. Habang kumakain sila ay panay naman ang tanong ni jordan sa dalaga kung anong mga pinag-kaabalahan nito ng mga nag-daang buwan.
Nag-kwento naman ang dalaga dito at sinabi niyang binigyan pa siya ulit ni david ng isa pang project na hahawakan. Ngunit hindi na nila pinag-usapan pa ang tungkol sa pakikipag-date niya kay adrian.