Chapter 45 - Chapter: 45

Nang makarating si jordan sa bulwagan ay nakita niya ang kanyang mommy at Daddy na nakaupo at nag-uusap.

" hey jordan! Saan ka ba nang-galing at ngayon lang kita napansin huh!.." bungad ng mommy niya ng tuluyan siyang makalapit sa mga ito.

" at tsaka teka, nasaan nga pala si roxanne kanina lang ay nakita ko siyang dumating dito. Bakit ngayon ay hindi mo siya kasama? Diba girlfriend mo siya anak kaya dapat na asikasuhin mo siya.." muling saad ng ina ni jordan.

Ang kanyang ama naman ay tahimik lang na naka-upo na waring may iniisip.

" ah si roxanne.. Umuwi na siya mom.. Masama daw ang pakiramdam.. " pag-dadahilan ni jordan sa kanyang ina.

Habang ang dalawa naman na sina adrian at eloisa ay magka-sabay na umalis palayo ng mansiyon. Sasakyan ni eloisa ang ginamit nila at si adrian ang nag-mamaneho nito. Ti-next nalang ni eloisa ang dalawang babae na sina rina at joy na nauna na siyang umalis katwiran niya sa mga ito ay dahil sumama ang kanyang pakiramdam.

Nang malayo-layo na sila sa mansiyon ay inihinto ni adrian ang pag-mamaneho ng sasakyan at i-pinarada ito sa tabi ng daan.

Inalis nito ang seatbelt sa kanyang katawan at marahan na lumapit kay eloisa na kasalukuyan Paring umiiyak.

" tahan na loisa.. Ano ba kasi talagang nangyari ha..? Nakita ko nga kanina yun.. Ang ginawang pag sampal sayo ni mrs. Del Castillo.. Pero bakit ka niya sinampal sa anong dahilan?..."

Tanong ng binatang si adrian kay eloisa. Sumagot naman ang dalagang si eloisa na humikbi-hikba pa.

" adrian.. Kuwan kasi.. Yung sinasabi nilang si mrs. Del Castillo.. Siya ang nawawala kung nanay adrian.. "

" what?! Pero paano nangyari yun loisa.. Eh halos kasabay kung lumaki sina jordan at david dahil matalik na kaibigan ng mga magulang ko ang kanilang parents.. Dati ko pa nakikita si mrs. Del Castillo.. Paanong siya ang nanay mo?.. "

Tugon ni adrian dito na may kunot pa ang mga noo.

" hindi ko alam adrian kung paanong nangyari.. Pero sigurado ako na siya ang nanay ko.. Kasi kamukhang kamukha niya talaga ang nanay ko.. Pero ang ipinag-tataka ko ay bakit hindi niya ako kilala.. "

Saad pa ni eloisa na bagama't tumigil na sa pag-iyak ay humi-hikbi parin ito habang nag-sasalita.

" hindi ko naman naalalang na-aksidente si donya vicky ng malala para sabihin na maa-aring ginamit niya ang mukha ng nanay mo kaya sila naging magka-mukha.."

Muling saad ni adrian na humawak pa sa kanyang baba habang nag-iisip.

" hindi naman kaya magka-hawig lang talaga sila ng nanay mo loisa..? At sa sobrang pagka-miss mo sa nanay mo ay napapag-kamalan mo ng siya si donya Vicky.. "

Paliwanag ni adrian kay eloisa na naka-titig sa mukha ng dalaga.

" imposibleng mapag-kamalan ko lang na siya ang nanay ko adrian.. Kasi magka-tulad sila halos ng katawan.. Maging height ay mag-kasing taas din sila ni inay.. Mas maputi lang si donya Vicky kay inay dahil medyo morena si inay.. At bulag ito.. Kung sa boses naman ay may pagkaka-hawig din sila.. "

Salay-say ni eloisa sa binatang si adrian bago ibinaling ang paningin sa labas. Hindi naman umimik si adrian sa sinabi ni eloisa sa kanya. May ilang minuto ding lumipas na kapwa sila tahimik kahit kaluskos ay walang maririnig.

Hanggang sa humugot ng malalim na hininga si adrian bago humarap sa gawi ni eloisa. Inabot niya ang kamay ng dalaga bago nag-salita.

" gusto mo ihatid na muna kita sa tinu-tuloyan mong apartment para makapag pahinga ka..."

Tumingin ng marahan si eloisa kay adrian at tumango dito.

" siguro nga adrian kailangan ko munang magpa-hinga upang mas makapag-isip.. Sige uuwi na muna ako.."

" okay sige ihahatid na kita ha.. Hindi mo pa kayang mag drive.. Magta-taxi nalang ako pabalik ng mansiyon.."

Muling tumango si eloisa dito na may tipid na ngiti sa labi. Gumanti ng ngiti si adrian dito at nag simula ng buhayin ang makina ng sasakyan. Bago tuluyang patakbuhin ang sasakyan ay muling tumingin pa ito kay eloisa at ngumiti.

Samantala sa mansiyon naman ng mga del Castillo may kausap si donya vicky at don ramon na kapwa negosyante at kasosyo sa negosyo nang tumunog ang cellphone ng donya. Bahagya pang nagulat ang donya sa pag-tunog ng kanyang cellphone. Pa simple naman siya nagpa-alam sa kanyang asawang si don ramon del Castillo na may kakausapin lang siya sa kanyang cellphone. Tango naman ang naging tugon ng don sa sinabi ng donya sa kanya.

Kasunod niyon ay marahang naglakad palayo ang donya. Luminga muna ito sa paligid upang tiyaking walang makikinig sa pag-uusapan nila ng taong tumatawag sa kanya. Nang matiyak na walang naka-sunod sa kanya ay sinagot na nito ang taong tumatawag sa kaniya.

" diba sinabi ko sa inyo huwag kayong tatawag dito! Ang kukulit niyo ah!" bungad nito sa taong tumawag sa kanya.

" eh kasi po maam masama daw po ang pakiramdam niya.. may lagnat daw po siya maam.." tugon ng nasa kabilang linya kay donya Vicky.

" napakain niyo na ba siya? Baka naman nagugutom lang yan?! "

" ayaw nga po maam kumain eh.. Gusto daw po kayong maka-usap.. " tugon ng taong nasa kabilang linya.

" ina-artehan lang kayo niyan! Nag-papauto naman kayo! Sabihin mo sa kanya kung ayaw niyang kumain bahala siya kamo sa buhay niya! "

" Siguradohin ninyong hindi makaka takas yan huh! Kundi mayayari kayo sa akin. Mag bantay kayong maige sa paligid huwag kayong pa tanga tanga! Maliwanag ba! Kapag nag pumilit na lumabas ay huwag ninyong papayagan. Ikulong niyo lang siya diyan sa kuwarto niya. Maliwanag ba!?  At lahat ng nang-yayari diyan ay dapat ninyong ireport sa akin naiintindihan niyo ba?! " bilin pa nito sa kausap niya.

" yes maam masusunod po. " agad na sagot dito ng kausap niya.

" at siguradohin niyo rin na walang ibang makaka-kita sa kanya. Sa susunod na linggo ay dadalaw ulit ako diyan. Gusto ko paliguan niyo yan bago ako mag punta diyan ayokong maka amoy ng mabaho pag punta ko diyan. Naiintindihan ba!?"  muli pang saad nito sa taong nasa kabilang linya.

"yes maam maliwanag po.. Sasabihan ko din po ang iba pa nating mga tauhan tungkol sa mga ipinag bibilin ninyo." sagot ng kausap niya sa kabilang linya.

" okay. Huwag ka nga palang maka-tawag tawag ulit dito sa number na to. Mag text ka lang kung may sasabihin kang importante naiintindihan mo ba?!" huling saad nito sa kausap niya bago pinutol ang linya.

Nang tuluyan nang mawala ang kausap niya sa kabilang linya ay isinilid na nito sa bulsa ng kanyang hand bag ang kanyang cellphone at nag-lakad na ito pa-balik sa kinaroroonan ng kanyang asawang si don ramon.

Naabutan niya itong kausap parin ang kaninang kausap na nila bago siya umalis. Ngumiti siya sa mga ito nang tuluyan siyang makalapit at humawak siya sa braso ni don ramon ng may malawak na ngiti sa labi. Bahagya lang siyang nilingon nito dahil kasalukuyang nag-sasalita pa ito sa dalawang mag-asawang nasa harapan nila.

Nang tuluyan ng matapos si don ramon sa pakikipag-usap sa mag-asawang kanilang bisita ay marahan itong bumaling ng paningin kay donya Vicky.

" sino yung tumawag sayo kanina Vicky?.." agad na tanong nito sa donya.

" ah yun.. Isa sa mga kaibigan ko.. Binati lang ako dahil hindi daw siya makaka-punta dito sa party.." tugon dito ng donya.

" eh bakit kailangan mo pang lumayo?! Siguradohin mo lang vicky na wala kang ginagawang kalokohan."

Saad ng don dito sa may kataasang boses. Umiling-iling pa ito habang naka-tingin parin sa donya. Ang donya naman ay hindi na umimik sa sinabi ng don sa kanya.

Samantala sa kabilang dako.

" mga hayop kayo! Pakawalan niyo ako rito! Mga wala kayong puso! Wala akong ginawang kasalanan sa inyo para ganituhin niyo ako! Mga Hayop!" saad ng taong pilit na kuma-kawala sa pag-kakatali sa kanyang mga kamay at paa.

Ang mga kamay at paa nito na mayroon ng mga marka ng pagkaka-gapos ng mahabang panahon. May amoy na rin itong hindi kanais-nais. Marahil ay pinag halong dumi at ihi na kumapit na ang amoy sa kanyang katawan.

Habang nagsisi-sigaw sa loob ng kwartong walang ilaw at tanging sinag lamang ng araw o ng buwan ang nag-sisilbing liwanag na tumatama sa kanyang mukha na puno ng luha.

Maa-aninag mo ang lungkot sa kanyang mga mata na pawang namamaga na at nangingitim pa ang ilalim na bahagi nito. Ang kanyang buhok na gulo-gulo na sa pagkaka-tali at ang kanyang suot na kasuotan na halos nangingitim na sa dumi dala ng hindi pag-papalit ng mahabang panahon.

Maya-maya ay may nag-bukas ng pintuan ng kuwartong kinaroroonan nito.

" hoy! Sumisigaw ka nanaman diyan! Wala namang mangyayari sayo sa kasisigaw mo diyan! Mamamaga nalang yang lalamunan mo sa kasisigaw! Ang ingay-ingay mo! Manahimik ka nga diyan tanda!"

Bulyaw dito ng taong nag-bukas ng pinto sabay lapag sa sahig ng pagkaing dala-dala nito sa kamay.

" Ito ng pagkain mo. Kumain ka na at mukhang nababaliw ka na. Huwag ka daw mag-iinarte sabi ng boss namin. "

" mga hayop! Paparusahan kayo ng diyos sa ginawa ninyo sa akin. Patayin niyo nalang ako! Pagod na pagod na ako dito!"

Saad ng taong naka-gapos sa mataas na boses. Hindi naman nag-salita na ang taong nasa harapan niya. I-iling iling itong muling isinara ang pinto ng kuwarto.