Pagka-tapos makausap ni eloisa si david ay kaagad na siyang pumasok ng banyo upang maligo. Nang maka-labas ng banyo ay dali-daling nag bihis at umalis ng kanyang apartment.
Pag dating niya palang sa office ay naabutan niya na si joy na naka upo sa mini pantry nila at nag kakape.
" oh eloisa good morning! Bakit parang wala ka sa mood ngayon girl?.."
" good morning din.. Oo eh wala talaga.. Kailangan kung umuwi ng Province joy.. Pumasok ako ngayon para ituro sayo ang mga dapat mong gawin habang wala ako.." tugon ni eloisa kay joy.
Nilapag lang nito sa kanyang swivel chair ang dala niyang shoulder bag at folder at dali daling nag lakad patungo sa kinaroroonan ni joy.
Agad siyang nag-timpla ng kape gamit ang kanilang coffee maker at umupo sa upuan na naka harap kay joy.
" loisa bakit ka nga biglang umuwi nung party.. Talagang sumama lang ang pakiramdam mo?" agad na usisa sa kanya ni joy pag lapat palang ng pisngi ng kanyang pang upo sa upuan.
" ganito kasi yun joy.. Diba nakita niyo rin si mrs. Del Castillo?.. Kuwan kasi... Ahmm.. Kamukhang kamukha kasi siya ng nanay ko.. Pero nang makita niya ako ay hindi niya naman daw ako kilala.. Parehas na parehas sila ng mukha ni nanay at tangkad.. Maitim lang ng kaunti sa kanya si nanay pero pati katawan parehas din sila.. Kaya niyakap ko siya ng makita ko.. "
" ah.. Yun ba yung sinampal ka niya tapos sinisigawan?.. Nakita ka kasi namin nun ni rina eh.. Lalapitan ka na nga sana namin nun pero bigla kang tumakbo.. "
Tanong ni joy dito na naka panga-lumbaba pa habang nakatitig kay eloisa.
" oo yun nga yun.. Akala ko talaga siya ang nanay ko.. Kaya bukas uuwi ako ng quezon para mag tanong-tanong doon sa mga matatandang dati ng naka tira doon kung may alam sila sa pamilya nina nanay..
May duda kasi akong baka kamag anak ni nanay si donya Vicky o maaaring kapatid niya mismo ito.. "
Mahabang paliwanag ni eloisa kay joy.
" naku kung talagang kamag anak pala ng nanay mo si donya Vicky ibig sabihin kamag anak mo rin sina sir david noh.. Pero kung kapatid naman niya mismo ang nanay mo.. Grabe naman siya noh pinabayaan niya na nag hihirap ang nanay mo samantalang siya ayun sagana sa karangyaan mukhang hindi man lang naka ranas ng hirap.. "
Mahabang opinyon ni joy kay eloisa habang naka panga-lumbaba parin ito at panaka nakang umiinom ng kape.
" hindi natin masabi joy.. Mahirap kasi mag salita ng wala naman akong pinang hahawakan na makapag sasabi na talagang magka mag-anak sila ni nanay.. Sa pag uwi ko bukas sa Quezon ay umaasa akong may makukuha akong sagot sa aking mga katanungan.."
Tugon ni eloisa kay joy matapos na humigop nito ng kape.
" good luck sayo loisa.. Sana may magandang mangyari sayo doon sa pag uwi mo ng quezon.. Basta balitaan mo nalang ako ha.. " muli pang saad ni joy kay eloisa.
" oo joy.. Basta ikaw na munang bahala dito ha.. Pasyalan mo din doon sa kabilang site na hawak natin kapag hindi ka busy dito.. "
Bilin ni eloisa kay joy bago muling humigop ng kape.
" oo loisa.. Huwag kang mag alala dito ako ng bahala.. Marami ka namang naituro na sa akin kaya kahit papaano gamay ko na ang mga dapat gawin.. Tatawag nalang ako sayo kapag may itatanong ako.. " kaagad na tugon ni joy.
Bahagya namang ngumiti si eloisa kay joy. Matapos na uminom ng kape ang dalawa ay halos sabay ang mga itong bumalik sa kani kanilang mga office table.
Kinabukasan ala-sais palang ay gumayak na si eloisa para bumiyahe papuntang Quezon. Habang nag mamaneho ng kanyang sasakyan ay naalala niya si jordan. Mula kasi ng mang-galing siya sa birthday party at nasigawan niya ito ay hindi na muling tumawag pa sa kanya o kahit text man lang.
Na mi-miss niya na ang binata kahit na may nararamdaman parin siyang inis dito. Hindi niya kasi akalain na makikita niya sa ganoong posisyon si jordan na kahalikan nito si roxanne na sinasabi niyang ex girlfriend na niya. Napa iling - iling si eloisa ng kanyang ulo habang nag mamaneho ng kanyang sasakyan.
May dalawang oras ng nag mamaneho si eloisa ng kanyang sasakyan ng biglang tumunog ang cellphone niya. Nagpasya siya huminto muna sa tabing daan upang tingnan kung sino ang nag padala sa kanya ng mensahe.
Pagka bukas niya palang ng makita niya kung sino ang nag text ay kumabog na ang kanyang dib-dib. Si jordan ang nagtext tinatanong nito kung nasaan siya. Hindi nag reply si eloisa sa text ng binata. Nangingibabaw parin kasi ang inis niya dito.
Muli niyang ibinalik ang kanyang cellphone sa loob ng kanyang bag. At muling pina takbo ang kanyang sasakyan. Narinig niya pa muli na tumunog ang kanyang cellphone ngunit hindi na siya nag abala pang tingnan ulit ito.
Hanggang sa makarating siya ng bayan ng quezon ay hindi na siya nag abala pang muling tingnan ang kanyang cellphone. Mag aala-singko na ng hapon ng dumating siya sa kanilang baryo. Agad naman niyang ipinarada ang kanyang sasakyan sa tabing daan at dali-daling bumaba bit-bit ang nabili niyang pizza, inihaw na manok at softdrinks kanina sa bayan.
Mabilis siyang nag lakad patungo sa bahay nina ella. Ilang sandali pa ay narating na niya ang bahay nina ella. Kaagad niyang nakita si aling pasing na naka upo sa loob ng tindahan nito.
"Hi aling pasing!.. Kamusta ho?.. " agad na bati ni eloisa kay aling pasing sa nanay ni ella.
" uy loisa! Kakagulat kang bata ka! Bakit hindi ka manlang nagpa sabi na darating ka pala ngayon.. Eh di sana nasundo ka ni ella sa kanto.." bulalas ni aling pasing kay eloisa at kaagad itong tumayo at lumabas ng kanyang tindahan.
" okay lang ho aling pasing.. Hindi ko na ho kayo nasabihan dahil biglaan din ho kasi ang pag uwi ko dito.. Si ella nga po pala nasaan? " Tanong ni eloisa kay aling pasing na tuluyang naka lapit na sa kanya.
Agad naman siya nitong iginiya papasok ng kanilang bahay.
" wala pa si ella eh.. Isinama ng tatay niya kanina sa bukid pagka uwi niya galing eskwelahan.. Halika dito mo nalang hintayin sa loob.." tugon nito kay eloisa.
Ibinigay ni eloisa ang bit bit niyang pasalubong kay aling pasing bago umupo sa upuan na nasa tabi lang ng pinto.
" naku ano to loisa?.. Nag abala ka pa talagang bumili.. "
" konting makakain lang ho aling pasing.. " tugon ni eloisa dito at tuluyan ng umupo ito.
" o siya sandali lang at ilalagay ko sa plato tong mga binili mo.. Maiwan na muna kuta jan.." paalam ni aling pasing kay eloisa.
Tumango naman si eloisa dito na may ngiti sa labi. Maya maya pa ay naririnig niya na ang boses ni ella na kausap ang tatay nito na si mang cardo.
Pagka pasok palang ni ella ay nagulat ito ng makita niya si eloisa na naka tayo na sa harap ng upuan.
" wow loisa! Nandito ka! Grabe hindi ko inaasahan na makikita kita ngayon!.." saad ni ella na may kasamang tili pa at dali daling niyakap si eloisa. Maging si mang cardo ay nagulat din ng makita si eloisa.
Tsaka namang labas ni aling pasing galing kusina na may bitbit na ng dalawang plato na puno ng pizza sa kanyang dalawang kamay.
" nandiyan na pala kayong mag ama.. Tara na at tikman natin itong pasalubong ni eloisa na pizza hut.." baling ni aling pasing sa mag ama niya.
" wow pizza! Ngayon lang ako ulit makaka kain nito.. Thank you loisa!.." kumento ni ella na kaagad umupo sa upuang kaharap mismo ng center table na pinag patungan ni aling pasing ng plato na may lamang pizza.
Napa ngiti naman si eloisa ng marinig ang sinabi ng kaibigan. Maging si mang cardo ay umupo na rin sa upuan na katabi niya at kaagad na kumuha din ng slice ng pizza.
" mabuti naman iha at pumasyal ka ulit dito sa atin.. Ilang buwan na rin ang nakakalipas ng huli kang unuwi dito.." kumento naman ni mang cardo kay eloisa habang ngumu-nguya pa.
" ang sarap loisa.. Mamahalin siguro na pizza to.. Tara samahan mo kami kumain ni tatay.. " yaya ni ella kay eloisa.
" sige lang ella busog pa ako.. Kain lang kayo diyan.." tugon ni eloisa sa kanyang kaibigang si ella.
Maya maya pa ay dumating na si aling pasing na tangan ang bote ng softdrinks sa kanyang kamay at mga plastic na baso sa kabila pa nitong kamay.
" talagang kumain na kayong mag ama diyan! Hindi niyo manlang ako hinintay.. Ikaw talaga ella kapag sa pagkain ang bilis mo noh!.." bulyaw nito kay ella na sunod sunod ang subo ng pizza sa kanyang bibig.
" oh bakit ikaw loisa hindi ka kumakain.. Saluhan mo kami sa pag kain.. " tanong pa ni aling pasing kay eloisa.
" sige ho aling pasing kain lang ho kayo diyan.. Busog pa po kasi ako.." tugon ni eloisa sa matanda.
Habang kumakain ang tatlo ay naisipan ni eloisa na tingnan ang kanyang cellphone. Nagulat pa siya ng makitang marami na palang mis-call at text messages sa kanya si jordan.
Paulit ulit nitong sina sabi na huwag na siyang magalit dito at hayaan na muna siyang makapag paliwanag.
Ngunit ang dalagang si eloisa naman ay iiling-iling na muling ibinalik ang kanyang cellphone sa loob ng bag at hindi manlang nag abalang sagutin ang mga text sa kanya ni jordan.