Chapter 49 - Chapter: 48

" maiba nga pala tayo iha.. May sadya ka ba sa pag-uwi mo dito o gusto mo lang talaga mag-bakasyon..?" Tanong ni aling pasing sa dalagang si eloisa.

" yun nga po aling pasing.. May sadya po talaga ako kaya umuwi ako dito..

ahmm.. Aling pasing may na ikuwento po ba sa inyo dati si nanay na may kapatid siya o kamag-anak na kamukhang kamukha niya?.. "

Tugon at tanong ni eloisa kay aling pasing habang kasalukuyan itong sumusubo ng pizza sa bibig. Tumingin si aling pasing kay eloisa at tumuwid ito ng pag kakaupo bago nag-salita.

" hmmm.. Kapatid wala siyang naku kwento sa akin loisa eh.. Tungkol sa lola at lolo mo lang ang nai ku-kwento niya.. Bakit iha may problema ba?.."

Balik na tanong ni aling pasing kay eloisa. Pagka sabi niyon ay dinampot nito ang basong may lamang soft drinks at uminom. Ang mag-amang ella at mang cardo naman ay naka tingin din kay ella na waring nag hihintay ng kanyang sasabihin.

Nag buga muna ng hangin si eloisa mula sa kanyang bibig bago ito muling nag salita.

" ganito ho kasi.. Nung birthday party ng nanay ng boss ko ay pumunta ho ako.. Nang makita ko ho ang nanay nila ay napag kamalan ko hong si inay.. dahil kamukhang kamukha po talaga siya si nanay.. Magka iba lang ho sila ng kulay dahil medyo maitim ang kulay ni nanay kumpara kay mrs. Del Castillo bukod po doon ay halos magka-pareho na ho sila.. Sa mukha, panga-ngatawan at maging height po ay hindi rin po sila nag kakalayo kaya akala ko po talaga na si nanay ko ito.. "

" ay ganun loisa! Nakaka pag taka nga yun noh!.. " agad na kumento ni ella habang ngumu-nguya pa ito.

Nangunot naman ang noo ni aling pasing sa narinig. Maging si mang cardo ay napa tigil sa pag nguya at napa deretso ito sa pag kaka-upo.

Hindi naman nakapag salita agad si aling pasing. Naka tabingi pa ang ulo nito na waring may inaalala. Gayon din si mang cardo ay tahimik lang na naka tungo ang ulo at may iniisip din. Tanging si ella lang ang ngumu nguya at patingin tingin sa gawi ng kanyang mga magulang.

Ilang minuto pa ang lumipas at binalot sila ng katahimikan tanging tunog ng pag nguya lang ni ella ang maririnig.

Palipat lipat naman ang tingin ni eloisa sa dalawang matanda na kapwa tahimik at nag iisip. Napansin ni eloisa na tumingin sa kanya si aling pasing. Maya maya pa ay nag salita na ito.

" alam mo loisa parang may nabanggit sa akin dati ang nanay mo tungkol sa tatay mo eh.. Hindi ko lang masyadong matandaan.. Pero__ parang nabanggit niya dati sa akin na hindi naman totoong adik ang naging tatay mo__

" ay oo tama! Tama naalala ko na!.. Bata ka pa nun nag lalaba kami sa ilog.. Nag ku-kwentohan kasi kami nun habang nag kukusot ng damit.. Ang sabi niya__.. Hindi daw taga Quezon ang tatay mo at hindi totoong ginahasa daw siya.. Nag mamahalan daw sila ng tatay mo noon kaso bigla nalang daw nawala ito at hindi na nag pakita pa ulit sa kanya..

Oo loisa.. Yun nga! Tama sinabi niya yun sa akin.. Pero ng tanungin ko siya noon kung sino ang tatay mo ay hindi niya sinabi sa akin bigla nalang siya tumahimik nun.. Kaya hinayaan ko nalang.. "

Mahabang pag ku-kwento ni aling pasing kay eloisa. Matapos nitong mag salita ay muli itong uminom ng Soft drinks sa basong hawak nito.

" talaga ho hindi pala ako bunga ng pang gagahasa.. Salamat naman.. Ang buong akala ko kasi ay bunga ako ng kasalanan ng tatay ko.. Buong buhay ko ho kasi isang beses lang nasabi sa akin ni nanay ang tungkol sa tatay ko.. Kaso sino naman kaya ang tatay ko?... "

Tugon ni eloisa kay aling pasing na isinandal pa ang kanyang likod sa sandalan ng kanyang kina uupuan.

" kung ganun maaring buhay pa ang tatay mo loisa.. Kaso saan tayo mag sisimula ng pag hahanap sa kanya.. Handa akong tumulong loisa sa pag hahanap kung gusto mo.." sabat naman ni mang cardo kay eloisa.

" salamat ho mang cardo.."

" kung gusto mo sasamahan kita bukas na mag tanong tanong sa matatagal na nating kapit bahay.. Baka may alam sila sa totoong nang yari sa nanay mo.. " muli pang saad ni mang cardo kay loisa na may konting laman pa ng pagkain ang bibig nito.

" yun nga din ho ang naisip kong gawin bukas mang cardo.. Baka sakaling may makuha akong impormasyon pa sa dating naging buhay ni nanay.. " tugon ni eloisa kay mang cardo.

Hindi na muling nag salita pa si mang cardo tumango tango lamang ito sa sinabi ni eloisa.

" oo ganun na nga lang talaga ang gagawin natin iha.. Ang mag tanong tanong.. Pasensya ka na yun lang talaga ang naalala ko.. Hindi naman kasi ganun ka pala kwento ang nanay mo.. Kung mag kwento man ito ay pili lang.." muli pang saad ni aling pasing at inubos na ang laman ng basong hawak nito.

Napahilamos naman si eloisa sa kanyang mukha gamit ang palad nito.

" o siya sige na magpa-hinga ka na muna doon sa kuwarto ni ella.. Alam kong pagod ka pa sa biyahe iha.. Uy! ella ihatid mo na muna si loisa sa kuwarto mo.."

Utos ni aling pasing sa kanyang anak na si ella. Agad din namang tumayo si ella at hinawakan sa isang kamay si eloisa upang igiya papunta ng kanyang kuwarto.

Nang tuluyan ng maka pasok ng kuwarto si eloisa ay agad na rin siyang iniwan ni ella at muling bumalik sa sala at itinuloy ang naudlot na pagkain nito. Habang si mang cardo at aling pasing naman ay nag tungo na sa kusina at nag hugas Ng kanilang mga kamay.

Ang dalagang si eloisa naman ay kaagad na nagpalit ng damit ng lumabas si ella ng kuwarto. At umupo sa kama. Muli niyang tiningnan ang kanyang cellphone. Nang mabuksan niya ang screen ng kanyang cellphone ay nakita niyang marami na namang mis-call at text messages sa kanya si jordan.

Ganun parin ang tanong nito kung galit pa rin ba siya dito. Sa oras na yun ay naisipan na ng dalaga na sagutin ang text messages sa kanya ni jordan.

Sinabi niyang naiinis parin siya at ayaw niyang makita ito. Ngunit sa huli ng kanyang mensahe ay sinabi niyang huwag itong mag alala dahil okay lang siya.

Samantala sa kabilang dako.

Lingid sa kaalaman ni eloisa ay alam naman talaga ni jordan kung nasaan ito. Dahil nung araw na may nang-yari sa kanila habang tulog si eloisa ay kinuha ni jordan ng palihim ang cellphone nito. Walang kahirap hirap si jordan na kalikutin ang cellphone ni eloisa dahil hindi naman nilagyan ng password ng dalaga ang bago niyang biling cellphone.

Nilagyan ni jordan ng tracking device ang cellphone ni eloisa at In-activate niya kaagad ito at ikino-nekta niya ito sa kanyang cellphone.

Kung kaya't nalalaman ni jordan ng walang kahirap hirap kung saang lugar naroroon ang dalaga. Kung kaya't lingid din sa kaalaman ng dalaga nang mga oras na iyon ay kasalukuyang nasa biyahe na si jordan at malapit na ito sa kanilang baryo.

Habang si eloisa naman at ang pamilya ni ella ay kumakain na ng hapunan ng mga sandaling iyon. Pinag saluhan nila ang dalang inihaw na manok ni eloisa.

Nang matapos nang kumain ang mga ito ay kanya kanya na silang nag sipag pasukan sa kani-kanilang mga kuwarto. Ang dalawa namang mag-kaibigan na sina eloisa at ella ay nag tuloy muna sa sala upang doon mag kwentohan.

May isang oras pa silang tumambay sa sala ng mag pasya ang mga itong sa kuwarto nalang ituloy ang kanilang kwentohan.

Habang lumalalim ang gabi ay nakaramdam na ng antok ang dalawa at hindi nila namalayan na nakatulog na pala sila.

Sa gitna ng kasarapan ng tulog ni ella ay nagulat siya nang may maramdamang kuma-kalabit sa kanyang binti. Muntik pa siyang mapa sigaw ng makita ang kanyang tatay. Agad namang tinakpan ni mang cardo ang bibig ni ella ng makita niyang nagising na ito. At dahan-dahang inilapit ang mukha dito upang bulongan ito na lumabas.

Hindi pa kaagad si ella makahuma sa sinabi ng kanyang ama. Muli siyang tinapik ni mang cardo na tumayo na. Nang mahimas-masan naman si ella ay agad naman na itong lumabas ng dahan-dahan sa kanyang kuwarto.

Ang natutulog namang si eloisa ay walang kagalaw-galaw sa kanyang pagkaka-higa marahil sa pagod sa pag-mamaneho.

Mga ilang sandali pa ay may isang matangkad na lalaki ang walang ka ingay-ingay na pumasok sa loob ng kuwarto kung saan naroroon si eloisa at dahan-dahan itong tumabi ng higa kay eloisa.

Ipinulupot pa nito ang kanyang braso sa katawan ni eloisa. Ang dalaga namang natutulog ay gumalaw at itinaas ang kanyang kanang binti sa lalaking katabi niya kung kaya't naabutan nito ang pagka-lalaki ng taong kanyang katabi. Malakas ang pagkaka bagsak ng binti ni eloisa dito at sandaling namilipit ang lalaki sa sakit.

Nang mawala ang sakit ay dahan dahan itong tumagilid ng higa at tinitigan ang magandang mukhang ng dalaga. Ngi-ngiti ngiti ito habang nakatitig sa natutulog na dalaga. Nang mapag-sawa nito ang kanyang mga mata sa mukha ni eloisa ay unti-unti namang bumaba ang paningin nito sa umbok ng dib-dib ng dalaga. Naka sando lang ito ng puti at walang bra. Nanlaki ang mga mata ng lalaki sa nakikita niya. Medyo naka umbok pa ang pasas ng dalaga sa kanyang Papaya.

Napalunok ang lalaki sa kanyang nakikita. Hirap siyang pigilan ang kanyang sarili sa nais niyang gawin dito. Naramdaman niya ring unti-unting nabubuhay ang kanyang alaga. Kahit na naka patong ang binti ni eloisa sa kanyang hinaharap ay hindi ito mapigil sa unti unting pag laki nito.