Chapter 46 - Chapter: 46

Nang tuluyan ng isara ng taong nag-hatid ng pag-kain dito ang pintuan ay dali-dali namang inabot ng matandang bihag ang tray ng pagkain at nag-simula na itong kumain.

" kailangan maging malakas ako tatakas ako dito.. Hindi ako papayag na hanggang dito nalang ako.. Paano na ang anak ko.. Malamang matagal niya na akong hinahanap.." bulong ng matanda sa kanyang sarili habang kumakain.

Sa mansiyon naman ng mga del Castillo ay nag-paalam na ang don kay donya vicky na gusto na nitong mag-pahinga sa kanilang kuwarto. Pumayag naman ang donya at kaagad na tinawagan nito ang private nurse upang ma-alalayang makapanhik ang don sa kanilang kuwarto.

Nang dumating na ang private nurse ng don ay kaagad naman itong umalis na patungo sa kanilang kuwarto.

Pagkarating sa kanyang kuwarto ng don ay muli niyang sinabihan ang kanyang nurse na iwan na siya nito at bumalik nalang kapag oras na ng pag-inom niya ng gamot. Nang maka-labas na ang nurse nito ay kaagad na kinuha ng don ang kanyang cellphone at may idi-nial na numero ng cellphone dito.

Mga ilang dial pa ang ginawa ng don bago may sumagot sa kabilang linya.

" hello major del gado.. Gusto kong pa-sundan mo sa iyong mga tauhan ang asawa ko.. May duda akong may kinalaman siya sa pagka-wala ni sonya.. Iti-text ko sayo ang bawat oras na mawawala siya dito sa bahay.."

Utos ng don sa taong kausap niya sa kabilang linya. Agad namang sumagot ang nasa kabilang linya.

" sige ho don ramon.. Ako na ho ang bahala maghanap sa taong susunod sa bawat galaw ng asawa ninyo.. "

" handa akong mag-bayad ng doble major mahanap niyo lang si sonya.. Tumawag sa akin ang tauhan mo kanina na may nakakita daw kay sonya na nag-lalakad sa isang bakanteng lote.. Pero hindi pa sila ulit tumawag sa akin para sa update. " saad pa ng don kay major del gado sa kabilang linya.

" sige ho don ramon ako na ho ang bahalang mag-follow up sa mga tao natin.. " agad na tugon ni major del gado kay don ramon.

" sige salamat major.. " paalam ni don ramon dito.

Nang mawala na sa linya si major del gado ay muling itinago na ng don ang kanyang cellphone at tumuloy na ito sa kanyang kama upang humiga.

Samantala matapos na ihatid ni adrian si eloisa sa apartment nito ay kaagad na ring nag-paalam ito na aalis na upang makapag-pahinga na si eloisa.

Nag taxi nalang si jordan pabalik ng mansiyon. Pagka-baba palang ni adrian ng taxi sa harapan ng mansiyon ng mga del Castillo ay nakita na niyang naka tayo si jordan sa tapat ng maliit na gate.

Hindi naman ito pinansin ni adrian pagka-abot niya ng bayad sa taxi driver ay kaagad na siyang nag-lakad at dumaan sa gilid ni jordan kamuntikan niya pa ngang masagi ito.

Isang hakbang palang ang layo niya dito ay narinig niyang nag-salita ito.

" adrian layuan mo si eloisa.."

Kaagad namang huminto si Adrian ng marinig niya na nag-salita si jordan.

" what?! Tama ba ang narinig ko bro?! Inuutusan mo akong layuan ko si eloisa? Nag-papa tawa ka ba bro! Hindi mo naman siya pag-aari para angkinin! At sino ka para utusan ako?! "

Akma na sanang hahakbang si Adrian para tuluyang iwanan na si jordan ngunit narinig niyang muli itong nag-salita.

" 10 million adrian.. Kapalit ng pag-layo mo kay eloisa.."

Muling napa-hinto si adrian pagka-rinig niya ng sinabi ni jordan at tuluyan itong humakbang pabalik sa kina-tatayuan ni jordan.

" 10 million?! Ganyan ka ba talaga bro? Lahat ng gusto mong mangyari ay idinadaan mo sa pera?! "

" huwag na tayong mag-lokohan adrian.. Alam kong hindi ka naman ganun ka seryoso kay eloisa.. Nakita kita noong nakaraang araw na may kasamang babae sa labas ng hotel.. Lalaki din ako adrian kaya alam ko ang mga galawan mo.. "

Tugon ni jordan kay adrian na naka-titig pa sa mukha nito habang nag-sasalita.

" eh paano kung sabihin ko sa'yong ayoko. Gusto ko si eloisa bro. Kung nakita mo man ako na may kasamang ibang babae yun ay pampalipas oras ko lang. Tungkol naman kay eloisa ay seryoso ako sa kanya."

Tugon naman ni adrian kay jordan na naka ekis pa ang mga braso nito sa kanyang dib-dib habang sina salubong ang tingin ni adrian sa kanya.

" at baka hindi mo alam bro! Na alam ko! Na ikaw ang nagpa-sira sa sasakyan ko noong nakaraan! Pasalamat ka hindi kita kinasuhan! Dahil iniisip ko ang pagiging magka-ibigan ng ating pamilya!"

" alam mo naman pala bro kung paano ako kumilos diba?! So sumunod ka nalang.. Layuan mo si eloisa. " muling saad ni jordan na nakipag titigan na kay adrian.

" ang kapal din naman talaga ng mukha mo jordan noh! Gawin mo kung ano ang gusto mo! Hindi ako natatakot sayo! Huwag mo akong subukan jordan! Wala na akong paki-alam ngayon kung mag-kaibigan ang pamilya natin! Kung ikaw nga wala kang paki-alam mismo sa paligid mo. "

Saad ni adrian kay jordan sa malakas na boses. Ngumisi naman si jordan dito.

" baka hindi mo alam bro na lubog na sa utang ang mga magulang mo dahil bagsak na ang kumpanya ninyo. At pati share ninyo sa kumpanya namin ay pinull-out na rin ng Daddy mo. Kaya ma-mili ka bro. Sampung milyon kapalit ng pag-iwas mo kay eloisa?! "

Hindi naka-imik si Adrian sa sinabi sa kanya ni jordan. Wala kasi siyang idea sa mga nangyayari sa negosyo nila dahil wala naman sa business ang hilig niya kundi sa medisina.

" pag-isipan mong mabuti bro. Malaking tulong iyon para sa mga magulang mo. Baka mapa-salamatan ka pa nila dahil naka-tulong ka sa kanila."

Huling saad ni jordan kay adrian bago ito humakbang papasok ng mansiyon. Si adrian naman ay naiwang mag-isa sa labas ng gate at kuyom ang mga palad nito.

Nag-tatagis ang bagang sa sobrang inis niya kay jordan at sa nalaman niyang katotohanan na wala siyang kaalam-alam sa pinag-dadaanan ng mga magulang niya.

Si jordan naman ay ngingisi-ngisi na nag-lalakad papasok ng kanilang bahay.

Eloisa's POV:

Habang naka-higa naman si eloisa sa kanyang kama ay mataman niyang iniisip kung bakit hindi siya matandaan ng kanyang nanay ng mag-kita sila nito sa mansiyon ng mga del Castillo.

Bakit kaya kamukhang kamukha ng nanay ko ang babaeng sinasabi nila david na mommy nila. Malamang siya rin ang matandang babae na nakita ko noon sa Company party at napag-kamalan ko ring si nanay.

Wala naman si nanay nababanggit sa akin dati na may kapatid siyang kamukhang kamukha niya. Ang madalas lang kasi i-kwento sa akin noon ni nanay ay ang lolo at lola ko. Wala siyang nababanggit sa akin na may kapatid siya.

Kung hindi talaga yun si nanay nasaan na kaya ito. Iniisip din kaya ako nito o nami-miss kaya ako nito gaya ng pagka-miss ko sa kanya.

Pero ang ipinag-tataka ko ay bakit kamukhang kamukha ni nanay ang babaeng yun. Anong koneksyon kaya nito sa nanay ko posible kaya na kapatid ni nanay si donya vicky.

Kailangan maka-uwi ako ng quezon para makapag-tanong sa mga taong matagal ng nakatira doon. Baka sakaling may nai-kwento sa kanila si nanay. O di kaya kay aling pasing sa nanay ni ella baka may alam siya kung may kapatid nga si nanay.

"Nay nasaan ka na ba kasi.. Miss na kita nay.. Sana walang nang-yaring masama sayo nay.." bulong ni eloisa sa kawalan habang umuusal ng panalangin na sana magpakita na sa kanya ang totoo niyang nanay.

Mas lalo tuloy bumigat ang pakiramdam ko. Dumagdag pa si jordan akala ko naka-hanap na ako ng taong masasandalan ko. Ang masama pa nito may nangyari na sa amin.

" bakit kasi ang tanga ko eh! Nag-tiwala kaagad ako kay jordan mukhang hindi ata yun kuntento sa isa lang pinag sabay talaga kaming dalawa ni roxanne o baka hindi lang kaming dalawa.." bulong ni eloisa sa kanyang sarili habang pumapadyak padyak pa ang kaniyang mga paa.

Kinabukasan pag gising ni eloisa ay buo na ang kanyang desisyon na mag-file ng emergency leave sa kanyang trabaho. Bago siya naligo ay idi-nial niya muna ang cellphone number ni David upang ipaalam dito na uuwi siya ng kanilang probinsya.

Nakaka isang dial palang si eloisa ng sumagot si david.

" good morning! Sir david.. Mag-pa paalam po sana ako sa inyo na uuwi ako ng probinsya.."

Agad na bungad ni eloisa kay david. Agad namang sumagot sa kanya si david.

" oo nga loisa.. Mukhang kailangan mo muna ng bakasyon.. Makaka-tulong yan sayo para makapag-relax.. Kelan mo ba balak umuwi? "

Tanong ni david kay eloisa sa kabilang linya.

" bukas sana sir.. Papasok lang ako ngayon para mag-iwan ng mga ibi-bilin ko kanila joy.. "

Saad ni eloisa kay david.

" okay loisa.. Suportado kita.. Mag-iingat ka sa biyahe mo ha.. Sabihan mo nalang ako kung naka-balik ka na ng trabaho okay.." tugon nito kay eloisa sa masiglang tinig.

" okay po sir.. Salamat po.. Paki-sabi nalang po pala sa parents ninyo na humihingi po ako sa kanila ng pasensya sa nagawa ko.. "

" okay no problem loisa.. Basta mag enjoy ka lang sa bakasyon mo.. Kahit Isang buwan ka pa okay lang.. Panahon na rin para bigyan mo ng break ang sarili mo.. Alam kong masyado kang sub-sob sa trabaho kaya halos wala ka ng pahinga.. Sige bye loisa.. Ingat ka.. "

Paalam ni david kay eloisa bago ito tuluyang mawala sa linya.