Chapter 44 - Chapter: 44

Samantala ang binatang si Jordan ay nakiki-pagtalo sa babaeng si Roxanne.

" Roxanne anong ginagawa mo dito? Diba wala na tayo?!"

Tanong ni jordan kay Roxanne sa may kataasang boses.

" diba sabi ko naman sayo honey hindi ako papayag na makipag hiwalay sayo.. At tsaka mommy mo ang nag-invite sa akin dito noh.."

Paliwanag ng babaeng si Roxanne kay jordan. I-iling iling naman si jordan dito na pilit inaalis ang mga kamay ni roxanne na naka-pulupot sa braso niya.

" ano ba roxanne bitawan mo nga ako! Wala ka ng karapatang kumilos ng ganyan sa harap ko! Mula ng malaman ko na ganung uri ka pala ng babae.." saad pa ni jordan kay roxxane.

" Jordan patawarin mo ako mahal parin kita.. Nagawa ko lang yun isang beses lang.. Huwag mo naman gawin sa akin to oh... Please jordan.. Ikaw naman talaga ang pinunta ko dito kasi gusto kong mag-usap tayo ng maayos.. " paliwanag pa ng babae sa binatang si jordan.

Mag-sasalita pa sana si jordan dito ng tumunog ang kanyang cellphone. Nang kunin niya sa kanyang bulsa ang cellphone ay nakita niyang si david ang tumatawag sa kanya.

Akma niya na sanang sasagutin ang tawag ng bigla siyang halikan ni roxxane sa labi. At Biglang ipinulupot pa ni roxanne ang dalawa nitong braso sa kanyang leeg. Hindi kaagad naka-kilos si jordan sa ginawa sa kanya ng babae. Iniisip niya kasi na baka masaktan nanaman niya ito.

Nasa ganoon silang sitwasyon ng Dumaan si eloisa sa kanilang likuran. Tumikhim pa ang dalaga bago nag-salita.

" ahmm.. Excuse me! Bakit diyan pa kayo tumambay?! Alam niyo bang naka-harang kayo sa daanan.."

Nagulat ang dalawa ng mag-salita si eloisa. Sabay silang napalingon sa deriksyon ni eloisa. Nang makita naman ni eloisa na nakatingin na sa kanya ang dalawa ay walang lingon likod siyang tuloy tuloy na pumasok sa pintuan ng comfort room.

Habang umiihi ang dalaga sa loob ng cubicle ay nang-gagalaiti siya sa inis.

" kaya pala hindi ko siya makita kanina.. Busy pala sa pakikipag-landian!.." bulong ni eloisa sa kanyang sarili.

Matapos namang umihi ni eloisa ay humarap lang siya sandali  sa salamin na nasa gilid ng pinto upang sipatin kung ano ang kanyang itsura. Sinuklay niya lang bahagya ang kanyang buhok gamit ang kanyang daliri.

Nang makuntento na ito ay salubong ang kanyang kilay na lumabas ng comfort room. Naabutan niya ang dalawa na nasa labas parin ng cr. Mas lalong nag-salubong ang kilay ni eloisa. Hindi niya na muling pinansin pa ang dalawa at dere-deretso na siyang naglakad patungo sa bulwagan.

Naririnig niya na kasi na nag-sasalita na ang emcee kaya dali-dali na siyang nag-lakad patungo dito.

Nang dumating siya sa bulwagan ay hindi niya mahanap sina rina at joy sa dami rin kasi ng mga naka-tayong bisita na nag-aabang sa pag-labas ng birthday celebrant.

" Ladies and gentlemen let's all greet the birthday celebrant Mrs. Vicky del Castillo!.." hudyat ng emcee kay donya Vicky para lumabas na ito.

Nang marinig ni eloisa ang sinabi ng emcee ay nagpasya siyang mamaya nalang hahanapin ang dalawa. tining-kayad niya ang kanyang ulo upang mas makita ang ina nina david at jordan dahil ngayon niya palang ito makikita.

Excited siya sa di malamang dahilan. Nang hindi niya parin ito masyadong makita dahil mas matangkad sa kanya ang lalaking nasa kanyang unahan ay umikot siya malapit sa may entablado. Nang makuntento na siya sa kanyang puwesto ay tumayo na siya doon.

Dahan-dahang naglalakad ang ginang palabas ng entablado habang malawak ang ngiti sa labi. naka-hawak ito sa braso ni don Ramon.

Nang marating na nito ang entablado ay nakangiti itong kinuha ang Microphone at nag-salita.

Habang ang dalagang si eloisa naman ay nanlalaki ang mga mata sa kanyang nakikita. Ang matandang babaeng nag-sa salita ngayon sa harapan ng entablado na siyang birthday celebrant umano ay ang kanyang ina.

Napahawak si eloisa sa kanyang mukha at kusang dumaloy ang kanyang mga luha. Luha ng kasiyahan dahil nakita niya ng muli ang mahigit isang taong nawawala niyang ina.

Nang matapos nang magsalita ang ginang ay unti-unti ng nag-sipag balikan sa kani- kanilang mga upuan ang mga bisitang nakatayo. Ang dalagang si eloisa naman ay titig na titig parin sa ginang na noo'y naglalakad na sa gawi niya kasama ni don ramon. Marahil ay ipapakilala na nito kay eloisa si donya Vicky.

Nang tuluyan ng marating ng mga ito ang kinatatayuan ni eloisa ay napansin nila kaagad na umiiyak si eloisa.

Mag-sasalita na sana ang don ramon nang biglang yumakap si eloisa kay donya vicky.

" inay!.. Nay.. Ang tagal kitang hinanap.." kaagad na wika ng dalaga sa donya.

Nagulat ang donya sa narinig mula kay eloisa. Tinawag siya nitong inay. Hindi kaagad nakahuma si donya vicky dahil sa pagka-gulat.

Habang si don ramon naman ay nagulat din sa narinig mula kay eloisa. Nakita niyang bahagya pang namutla ang mukha  kanyang asawa.

Nang mahimas-masan si donya vicky ay kaagad niyang itinulak si eloisa at sinampal ito.

" hindi kita kilala! Sino ka bang babae ka! Anong sinasabi mong ako ang ina mo?! Baliw ka ba!" bulyaw kay eloisa ni donya vicky.

Kaagad namang lumapit si don ramon dito at pinigilan niya ang kanyang asawa dahil muli pa sana nitong sa-sampalin si eloisa.

" hindi po ako ma-aaring magka-mali kayo po ang inay ko.. Kamukhang kamukha niyo po.. Inay ako po ito si eloisa nay.. Bakit hindi niyo po ako makilala?..."

Muli pang saad ni eloisa sa ginang na nanlilisik parin ang mata sa inis.

" hindi mo ba narinig huh! Hindi kita anak! Ni hindi nga kita kilala!" muling saad ni donya Vicky sa malakas na boses.

Tuluyan namang humagul-hol si eloisa sa narinig mula kay donya Vicky na Hindi siya kilala nito.

" iha.. Paanong siya ang ina mo? Asawa ko siya?..saad din ni don ramon kay eloisa.

Iyak parin ng iyak ang dalaga halos manlabo na ang kanyang mga mata sa dami ng luhang umaagos dito.

Sa di kalayuan naman ay napansin na ni david na nag-kakagulo ang mga tao. Agad naman siyang naglakad papunta sa gawi ng kanilang mga magulang. Nadatnan niyang umiiyak si eloisa.

" bakit eloisa anong nangyari?" tanong nito kay eloisa.

" sir david siya po ang nanay ko.."

At dahan dahang tumingin ito kay donya Vicky.

" loisa nag-kakamali ka.. Paanong siya ang nanay mo.. eh siya ang mommy namin ni kuya jordan.."

Tugon ni david kay eloisa.

" hindi ako maaring magka-mali siya ang inay ko..."

pagkasabi niyon ay may narinig si eloisa na mga nagkikislapan sa kanyang harapan. Nakarinig pa siya ng mga boses na waring mga bubuyog sa tabi-tabi.

Hindi niya na matiis ang kahihiyan at dali-dali siyang tumakbo palayo ng bulwagan.

Habang tumatakbo si eloisa ay naramdaman niyang may biglang humila sa kamay niya at kaagad siya niyakap.

" why loisa? Bakit ka umiiyak?.." tanong ng taong yumakap sa kanya.

Nabosesan niya ang taong nagsalita agad niyang inangat ang kanyang mukha upang makita ito. Si adrian ang lalaking nakayakap sa kanya ngayon at hinihimas pa ang kanyang likod.

" shhh.. Stop crying loisa.. Nandito ako pag usapan natin kung ano man yang problema mo.. Huwag ka na umiyak ha.."

Saad nito kay eloisa at hinimas himas pa nito ang buhok ni eloisa.

Sa may di kalayuan naman ay nakatayo ang lalaking si jordan. Nakita niya ang pangyayari na biglang niyakap ni adrian si eloisa. Sasalubongin niya sana si eloisa ngunit naunahan siya ni adrian. Kumuyom ang kanyang kamao sa nakitang pag-yakap nito kay eloisa.

Hindi niya na matiis ang nakikita nagdisesyon na siyang lapitan ang mga ito. Nang makalapit siya sa mga ito ay bahagya pa siyang umubo upang makuha ang atensyon ng mga ito.

" adrian bitiwan mo siya.."

Utos niya sa binatang si adrian na yakap parin si eloisa ng mga sandaling iyon.

Lumingon sa gawi ni jordan si adrian ngunit si eloisa ay nakasubsob parin ito sa dib-dib ni adrian at patuloy na umiiyak.

" bakit Jordan pare anong problema mo?! Pag mamay-ari mo na ba si eloisa?!"

Tugon nito kay jordan habang salubong ang mga kilay nito.

Hindi umimik si jordan sa sinabi ni adrian bagkus ay hinawakan nito sa kamay si eloisa at hinila palapit sa kanya.

" ano ba jordan! Pwede ba tigilan mo na ako! " bulyaw ni eloisa dito at hinila pabalik ang kanyang kamay.

" tara na adrian mas lalo lang sumasama ang pakiramdam ko dito.." utos ni eloisa sa binatang si adrian.

" okay let's go babe.." agad na tugon dito ni adrian at iginiya na si eloisa palabas ng masyon ng mga del Castillo.

Hindi naman nakapag-salita ang binatang si jordan sa narinig na pahayag ng kanyang minamahal na dalaga. Naka-kuyom ang mga kamao nito na tinatanaw ang dalawa habang papalayo.

Iniisip niya na galit sa kanya ang dalaga dahil sa nasak-sihan nito kanina ng halikan siya ni roxanne ng biglaan. matapos na gawin iyon sa kanya ni roxanne ay pilit niya itong pinapa-alis na ng mansiyon hinatid niya pa ito sa sasakyan nito kung saan naka-park upang siguraduhin na aalis ito.

At kababalik niya lang kanina galing sa parking ng makita niya si eloisa na tumatakbo habang umiiyak. Sayang lang at naunahan siya ni adrian na makalapit dito. Nag-buntong hininga si jordan ng malalim bago tuluyang umalis sa kinatatayuan niya at nag-lakad papunta sa bulwagan.