Nang magising ang dalawa ay ala-una na ng hapon. Muling nagpa-deliver si jordan ng pagkain.
Matapos nilang kumain ay napansin niyang inaantok parin si eloisa kaya sinabihan niya na itong matulog muna ulit bago niya ihahatid sa inuupahan nitong apartment.
Bandang alas tres naman ng hapon ay nagising na si eloisa.
" hi baby.. Gusto ko pa sanang umiskor ulit kaso tinulogan mo naman ako.." saad ni jordan dito na tumatawa pa.
Inirapan naman siya ni eloisa at hinampas sa braso.
" ikaw kasi!.. Ang sakit kaya ng buo kung katawan.. Hindi pa yata ako nito makaka-lakad.. "
Reklamo ni eloisa kay jordan. Niyakap naman siya ni jordan at sinuklay nito ang mahaba niyang buhok gamit ang daliri.
" sorry baby.. Mahal na mahal kasi kita.. Kaya hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko.. Bakit pananagutan naman kita ah.. "
Saad ni jordan dito at dinampian ito ng halik sa noo habang naka-hawak parin sa buhok ni eloisa.
Hindi naman sumagot si eloisa sa sinabi ng binata. Ngumiti lang ito ng tipid kay jordan.
" maliligo na muna ako jordan.. " paalam ni eloisa sa binata bago tumayo.
" gusto mo ako na mag-paligo sayo baby?.. Sabay na tayo!.." agad na tugon dito ni jordan.
" naku huwag na! Baka kung ano nanamang mangyari.. Masakit talaga jordan..." saad pa ni eloisa na halos na-ngingiwi pa ito sa kirot na kanyang nararamdaman.
Tango naman ang naging tugon ni jordan dito. nang akmang tatayo na si eloisa ay inalalayan pa ni jordan ito na makapasok ng banyo.
I-iling-iling naman si jordan na bumalik sa kama at humiga ulit. Gusto niya pa sanang angkinin muli ang dalaga ngunit naawa siya dito sa nakitang hirap nito sa pag-lalakad kanina ng alalayan niyang pumasok ito ng banyo.
Nang makalabas naman si eloisa ng banyo ay si jordan naman ang pumasok at naligo. Nang matapos maligo si jordan ay naka bihis na si eloisa ng lumabas ito ng banyo. Agad na rin itong nag-bihis upang ihatid si eloisa sa tinutuluyan nitong apartment.
Nang makapag bihis na si jordan ay agad na rin silang gumayak para ihatid si eloisa sa apartment na tinutuloyan nito. Muli pa nitong niyakap si eloisa ng mahigpit at hinalikan sa labi bago nila tuluyang nilisan ang lugar na naging saksi sa pag-iibigan nila.
Ganap na alas siyete ng gabi ng makarating ang mga ito sa apartment ni eloisa. Nagpasya si Jordan na hindi na pumasok sa apartment ni eloisa katwiran niya upang makapag-pahinga na raw ito dahil gagayak pa ito bukas patungong birthday ng kanyang inang si donya Vicky.
"Good night baby.. Hintayin kita bukas ha sa birthday party ni mommy.. Mag-iingat ka dito.. Double lock mo yung pinto ha.. I love you... Salamat sa tiwala..."
Saad ni jordan sa dalaga habang nakayakap dito ang mahahaba nitong braso. Hinalikan niya ito sa noo at ngumiti ng matamis dito.
" akin na nga pala yung susi mo ng sasakyan.. Ipapa-hatid ko nalang kay Arthur ang sasakyan mo bukas ng umaga.. " muli pang saad nito.
" sige ingat ka rin jordan.. Text mo nalang ako kapag naka-uwi ka na.. "
paalam ni eloisa sa binata at kinuha niya ang kanyang susi na nakalagay sa kanyang shoulder bag at ini-abot kay jordan.
Pagka-sabi niyon ni eloisa ay humakbang na patalikod si jordan at tuluyan ng naglakad patungo sa kanyang sasakyan.
Lumingon pa ito at kumaway bago tuluyang sumakay sa kanyang sasakyan.
Kinabukasan sa mansion ng mga del Castillo. umaga palang ay abala na ang lahat sa pag-aayos ng gaganaping birthday party ni donya Vicky del Castillo.
" ano okay na ba ang lahat?! Make sure na maganda ang magiging kina-labasan huh. Ayokong pumalpak kayo! Marami akong darating na bisita!" tanong niya sa mga catering na nag-aayos.
" yes ma'am okay na po.. Lahat po ay kumpleto na.. Tatapusin nalang po namin ang pag-aayos.. " tugon ng taong namamahala sa catering.
" mabuti naman kung ganun. Ayokong papal-pak kayo! Sige dalian niyo ang trabaho.." muli pang saad ni donya vicky sa mga ito.
Sa di kalayuan ay nag-lalakad ang dalawang magka-patid na david at jordan habang magka-akbay ang mga ito. Papunta sa gawi ng kanilang ina.
" hi mom! Happy birthday! "
Halos sabay na bati ng dalawang binata kay donya Vicky.
Niyakap ng mga ito ang kanilang ina at humalik sa pisngi.
" mabuti naman at wala kayo sa office ngayon mga iho.. Akala ko ay busy nanaman kayo.." Tanong ng donya na may paglalambing sa dalawang binata.
" pinag-handaan talaga namin ang birthday mo mom.." tugon ni david dito at umakbay pa sa kanyang mommy ito.
" oo nga mommy birthday mo ngayon kaya dito muna kami sa bahay ngayon.. " tugon naman ni jordan na hinimas-himas pa ng bahagya ang likurang bahagi ng kanilang ina.
Habang nag-uusap ang tatlong mag-ina ay kasalukuyang nasa kwarto naman ang don ramon. Pinapainum ito ng gamot ng kanyang private nurse.
" okay na po don Ramon kumpleto na po ang nainom ninyong gamot.." saad dito ng kanyang private nurse bago tumango dito.
" okay sige makaka-alis ka na muna.. Balikan mo nalang ako mamaya.. Gusto kong mapag-isa.." utos ng don Ramon sa kanyang private nurse.
" sige po don Ramon.. " tugon ng babaeng private nurse sa don.
Hindi pa tuluyang nakaka-labas ang private nurse ni don Ramon ay tumunog ang cellphone nito. Agad itong sinagot ng don ng makita ang lumalabas na numero sa kanyang cellphone screen.
" hello ano may maganda na ba kayong balita? Nahanap niyo na ba siya?.." bungad ng don sa taong nasa kabilang linya.
" oho boss.. Ayun po sa mga napag tanungan namin ay May nakakita daw ho sa kanya kahapon na nag-lalakad sa isang bakanteng lote.. Papunta ho kami ngayon doon sa lugar na sinasabi nung taong nag-bigay sa amin ng source.."
Agad na tugon ng taong nasa kabilang linya.
" ganun ba.. Sige balitaan niyo ako kaagad kapag nahanap niyo na siya.. Siguradohin niyong ligtas siya ha. "
" okay po boss huwag po kayo mag-alala tatawagan ko ho kaagad kayo kapag nakuha na namin siya.." tugon ng taong kausap ng don sa kabilang linya.
Nang marinig ng don ang sinabi nito ay pinutol na niya ang linya at isinilid na sa bulsa ng kanyang polo ang hawak na cellphone nito.
Mga ilang oras pa ang lumipas ng ay unti-unti nang nag-dadatingan ang mga bisita ni donya vicky. Ang mag-kakaibigang sina eloisa, joy at rina naman ay dumating na rin sa mansyon ng mga del Castillo. Abala sa pakikipag-usap ang magka-patid na Jordan at david dahil karamihan sa mga bisita ng kanilang ina ay kakilalabdin nila ang mga ito.
Kasalukuyang nag-lalakad na sa loob ng mansyon ang tatlo. Habang nag-uusap ang dalawang babae na sina joy at rina nasa likuran naman nila si eloisa at palinga-linga sa paligid. Hinahanap ng kaniyang mga mata ang kanyang si jordan.
Hanggang sa narating na nila ang bulwagan kung saan ginaganap ang party. Ngunit hindi parin mahanap ng mga mata ni eloisa sa Jordan.
Si david naman ay nakita niya mula sa di kalayuan na may kasamang babae ang kanyang girlfriend na si klariz. Kinawayan siya nito ng makita siya. Nag-paalam naman si eloisa sa dalawa na lalapitan niya lang si david.
" hi eloisa!.. Mabuti at nakarating kayo.." agad na bati sa kanya ni david pagka-lapit niya palang sa mga ito.
Nakipag beso dito si eloisa at ganun din sa Girlfriend nitong si klariz na naka-ngiti sa kanya.
" syempre Naman sir.. Maaga palang sinabihan niyo na po ako.. At tsaka Malakas po kayo sa akin sir eh!.."
Kaagad na tugon ni eloisa kay david na may malawak na ngiti sa labi. May ilang minuto siyang nakipag-kwentohan sa mga ito ng dumating ang ama ni david na si don Ramon. Kaagad namang binati ito ni eloisa at nakipag beso dito.
" mabuti naman at dumating ka eloisa! Nakakita nanaman ako ng diwata sa ganda!.."bati ng don Ramon kay eloisa.
Namula naman bigla ang mukha ng dalaga hindi niya inaasahan na papu-purihan siya ng don ng ganun. Nang makabawi si eloisa ay kaagad naman siyang nag-salita.
" kayo talaga don ramon.. Kayo rin naman po ang gwapo ninyo sa suot niyo.. Sa inyo talaga nag-mana ang mga anak ninyo ng ka-guwapohan.."
Tumawa naman ang don sa narinig na papuri nito mula kay eloisa.
" hindi ko pa sayo maipapa-kilala ang birthday celebrant iha.. Mukhang busy dahil hindi ko makita.. Hayaan mo mamaya ipapa-kilala kita sa kanya kapag nakita ko siya.. " saad ng don kay eloisa.
" sige ho don ramon.. Salamat po.." tugon naman ni eloisa dito.
May ilang minuto pang nakipag-kwentohan si eloisa kay don ramon. Habang ang dalawang mag-kasintahan naman na David at klariz ay nag-paalam na sa kanila na aalis na muna at kakausapin pa daw nila ang mga bagong dating na bisita.
Tuwang-tuwa si eloisa habang ka-kuwentohan ang matandang del Castillo magaan ang loob niya dito sa una palang na nakilala niya ito.
Panay ang tawanan nilang dalawa dahil sa likas na madal-dal ang don ay napapasarap ang pakikinig ni eloisa dito habang nag ku-kwento ito.
Sa kalagitnaan ng kanilang kwentohan ay mayroong lumapit na matandang kasambahay kay don ramon at sinabihan ito na mag-sisimula na daw ang party kaya pinapa-punta na siya ng donya sa entablado.
Niyaya siya ng don na pumunta na sa party area. Ngunit ang dalagang si eloisa ay nag-paalam dito na tutungo muna siya sa comfort room.