Chapter 36 - Chapter: 36

Halos sumakit ang panga ko sa kakatawa. Nang mapansin kong sumeryoso na ang mukha ni jordan ay agad na rin akong huminto sa pag-tawa.

" ahmm.. Sir, maam.. Ilan na po ang anak ninyo?"

Pareho kaming napa-tingin sa pinang galingan ng boses. Ang mag-ina pala ay hindi pa umaalis.

Nagka-tinginan kami ni jordan sa isa't isa at muling bumalik ang mga paningin namin sa ale na nag-salita.

Ako ang sumagot dito.

" hindi naman po kami mag-asawa ate.. Ni hindi nga po kami magka-sintahan..  But we we're good friends po.."

Agad na Tugon ko at tsaka ngumiti dito.

" but soon magiging kasintahan ko po siya!.." sabat naman ni jordan at biglang hinawakan ang kamay ko.

" naku kinikilig naman ako sa inyong dalawa!.. Akala ko talaga mag-asawa kayo.. Bagay na bagay kasi kayong dalawa parehong maganda at guwapo..

Naku sir huwag mo nang pakawalan si maam.. Maganda po ang kumbinasyon ninyong dalawa kapag nagka-anak kayo malamang maganda at guwapo din!.. " muli pang saad ng ale.

" ay tama po ang sinabi ninyo ate! Hindi ko po talaga pakakawalan itong bini-bini na ito.. "

Agad na tugon naman ni Jordan dito. Habang ako ay biglang uminit nanaman ang buo kung mukha. Nakaramdam ako ng kilig sa sinabi ng ale at maging sa sinabi ni jordan.

Maya-maya pa ay may narinig kaming boses ng lalake na pawang may  hinahanap.

" ay naku ang asawa ko na yun! Hinahanap na kami! Sige maiwan na namin kayo ha. Good luck sayo sir sana mabihag mo ng tuluyan ang puso ni maam!.."

Saad pa ng ale at kumindat pa ito kay jordan bago tuluyang umalis.

" salamat!" sigaw pa ni jordan dito habang nag-lalakad na patalikod ang ale.

Bahagyang lumingon ang ale at kumaway pa ito sa gawi namin.

Nang tuluyang mawala ang ale sa paningin namin.

" let's go na Jordan.." saad ko dito ng hindi tumitingin.

" okay.. Let's go baby!.."

Tugon nito sa malambing na tinig. Sinipat ko ito ng tingin at bahagyang inirapan.

Nakita ko namang tumawa ito bago binuksan ang pinto ng kanyang sasakyan. Nang maka-sakay ako ay dali - dali na rin siyang umikot sa driver's seat upang sumakay.

Habang nasa biyahe kami ay nag taka ako sa aming dina-daanan. Nangunot ang aking noo dahil ang daang tinatahak namin ay ang daan papunta sa aking apartment.

Bakit mukhang alam ni jordan ang adress ng bago kung apartment gayong hindi pa naman ito na kaka-punta ni minsan sa bago kong tinutuloyan.

Hindi ko na mapigilan ang sarili kong mag-tanong dito.

" jordan.. Bakit alam mo ang daan papunta sa apartment ko? Diba ngayon lang naman ulit tayo nag-kita buhat ng umuwi ka dito sa Pilipinas?.."

Mula sa harapang salamin ng kotse ay nakatingin ako dito. Naka-kita ako ng paka-gulat sa mukha niya.

" hah.. Oo, ngayon nga lang talaga tayo nag-kita ulit.. Bakit ko alam? ka--- kasi... Sinundan kita pauwi noong nag-punta ka sa bahay namin.." paliwanag nito.

" ah okay.. Akala ko may lahi kayong mang-huhula eh.."

Pagka-sabi nun ay natawa pa ako. Nang sipatin ko si jordan sa kanyang gawi ay nakita ko itong naka-ngiti ng malapad.

May kalahating oras pa ang lumipas ng tuluyan kaming naka-rating ng apartment ko. Hindi na ako nag taka ng makita ko ang sasakyan kong naka-park na sa harapan ng aking pintuan.

Iniwan ko naman kasi kanina sa security guard ng building ang duplicate key ng aking sasakyan.

Inalalayan pa akong maka-baba ni jordan ng kanyang sasakyan.

" ano gusto mo bang pumasok muna?.. Kaso maliit lang ang apartment ko ha. Ito lang kasi ang nakayanan ng budget ko.."

" okay lang yan.. Mag-isa ka lang naman diyan diba.. Aanhin mo naman ang malaking bahay.. Mahihirapan ka lang din mag-linis.. Basta ang importante ay kumportable kang kumilos. "

Tugon nito habang naka-tayo sa aking likuran. Kasalukuyan ko na kasing Sinu-susian ang pintuan ng aking apartment.

Nang tuloyan ko na itong mabuksan ay kaagad din naman sumunod sa akin si jordan sa pag-pasok sa loob.

Pagka-pasok palang nito ay agad itong nag-tungo sa aking kusina at hinila nito ang upuan na naka-pasok sa pang dalawahan kung dining table.

Pumasok ako saglit sa kuwarto at inilapag ang dala kung bag sa kama. Nang maka-balik ako ay nakita ko itong iniikot ang kanyang paningin sa kabuuan ng aking apartment. Tumikhim muna ako bago nag-salita.

" ano gusto mo ba ng maiinom? "

Tanong ko dito.

" hindi na salamat.. Uuwi na rin ako para makapag-pahinga ka na.. Baka kapag nag-tagal pa ako dito ay hindi ko na gustohin pang umuwi.."

Saad nito na may malapad na ngiti sa kanyang labi.

" maharot ka talaga! Mabuti pa hindi nalang kita inalok na  pumasok pa dito!.. "

Tawa naman ito ng tawa sa sinabi ko. Nakita ko pang humawak ito sa tiyan niya habang tumatawa.

" sige tumawa ka lang! Ang saya saya mo ah!.."

" oo masaya talaga ako sobra!.. Na solo kita ng mahabang oras..

Parang ayaw ko na ngang umuwi hindi ko yata kayang matapos to.."

Pagka-sabi niyon ay agad itong tumayo at hinawakan ng dalawa niyang kamay ang magka-bilaang pisngi ko.

Pinsadahan niya ng tingin ang buo kong mukha na para bang kina-kabisado ang bawat korte nito. at pang huli ay huminto sa labi ko.

Nang akma niya nang ilalapit ang kanyang labi sa labi ko ay pinigilan ko ito ng aking palad at tinulak ang mukha niya.

" buwesit ka Jordan! Umuwi ka na nga! Gusto ko ng mag-pahinga!"

Saad ko sabay irap dito. At hinila ko na siya sa kamay palapit ng pintuan.

" sumusubok lang naman baka sakaling maka lusot.."

Paliwanag pa nito habang hila hila ko parin sa kamay.

Nang tumapat na kami sa pinto ay agad ko na itong binuksan.

" sige na makaka-alis ka na jordan! Gusto ko na talagang matulog inaantok na ako.."

Nagpanggap pa akong nag-hihikab upang mapaniwala itong inaantok na talaga ako.

Gusto ko na kasing umalis ito at baka bumigay na ako. Hirap na hirap na kasi akong mag-pigil pa.

Mabuti nalang kusa na itong lumabas ng pinto nang makita niya akong nag hikab.

" sige na nga aalis na ako.. Ayaw mo naman na akong makasama.. Salamat ulit baby ha.. Sobrang saya ko talaga.. Sana huwag mong kalimutan ang mga sinabi ko kanina.. Na hintayin mo ako.. Aayusin ko lang ang mga dapat kung ayusin..."

Saad pa nito sa akin. Muli ko nanamang napansin ang pag lambot ng mukha niya habang sinasabi sa akin ang mga katagang iyon.

" sige bahala na!.. Ingat ka nalang sa biyahe mo.. "

Tanging naitugon ko dito. Pagka-sabi ko niyon ay tuloyan na itong nag lakad ng naka-yuko ang ulo pabalik ng kanyang sasakyan.

Lumabas ako ng pinto at sinundan ito papunta sa kanyang sasakyan. Nang na buksan na nito ang pinto ng kanyang sasakyan at akma na siyang papasok ay nag salita ako.

" salamat din jordan.. Nag enjoy ako ngayong araw.."

Saad ko dito ng naka-ngiti na. Hindi ko na inantay pa ang isasagot niya. Mabilis akong tumalikod dito at nag lakad papasok ng apartment. Nang makapasok ako ng apartment ay mabilis ko ding isinara ang pintuan.

Ilang minuto pa akong nanatiling naka tayo sa likod ng pintuan. Siguro ay may sampung minuto pa ang naka lipas ng marinig ko ang pag bukas ng makina ng sasakyan nito. Dahan-dahan kung binuksan ng bahagya ang pintuan.

Gumawa lang ako ng konting siwang na sasapat na sa aking paningin upang masilip ko ang sasakyan ni jordan na unti-unti nang umaandar.

Nang tuloyan na itong makalayo ay isinara ko na ang pintuan at ini-lock.

Dahan dahan akong nag-lakad papuntang kusina upang umupo sa upuang inupuan ni jordan kanina.

Pakiramdam ko ay nang hihina ang aking mga tuhod. Feeling ko maraming nang-yari sa akin ngayong buong araw.

Napa-pikit ako ng aking mga mata at nag-buntong hininga ng malalim. Kamuntik na akong bumigay kay jordan kanina. Kailangan kong pigilan ang sarili ko dahil hindi tama. May girlfriend ito at pakiramdam ko ay nagka-sala ako sa babaeng si roxanne.

Nang una kung makita silang mag-kasama ng kanyang girlfriend ay nakita kung mahal na mahal siya ng babae. Nakita ko ito kung paano siyang yakapin at halikan ng babae.

Napa-iling ako nang maalala ko ang tagpong yun sa hotel na pinag-dausan ng party.

Nakita ko sila noon sa pasilyo papuntang comfort room na nag hahalikan. Naka-pulupot ang kamay ng babae sa leeg ni jordan at ang dalawang braso naman nito ay naka hawak sa bewang ng babae.

Nakaramdam ako ng kirot sa isang bahagi ng aking puso. Alam ko namang wala akong karapatan sa kanya dahil wala naman kaming relasyon.

Pero bakit ganito ang nararamdaman ko. Hindi pwede ito. Hindi tama. Kailangan pigilan ko kung anumang nararamdaman ko para sa kanya.

Hindi na kami pwede may nag mamay-ari na sa kanya. Kung iisipin ko naman ang sinasabi niya kanina na aayusin niya ang dapat niyang ayusin para walang maging hadlang sa amin ay mukhang malabo mangyari yun.