Nang marating namin ang parking ay pinag buksan niya ako ng pintuan sa harapang bahagi. Hindi niya muna kaagad binuhay ang makina ng sasakyan ng maka upo ito.
Kinuha niya muna ang kanyang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon at may tinatawagan ito.
Nang sumagot na ang taong tinatawagan niya sa kabilang linya.
"hello Arthur paki hatid mo ang sasakyan ni eloisa sa kanyang apartment.." utos nito sa taong kausap niya sa kabilang linya.
" oo sa bago niyang tirahan ngayon.." muli pang saad nito sa kanyang kausap.
At pinutol na ang linya. Muli niyang ipinasok ang kanyang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon.
Tumingin ito sa gawi ko at ngumiti bago nag salita.
" are you okay eloisa?.. Baka may gusto kang pasyalan sabihin mo lang sa akin.."
" ahmm.. Okay lang jordan... Naparami yata ang nakain ko kanina kaya parang kinabagan ako.." tugon ko.
" what meaning hindi ka okay?! Tara samahan kita sa clinic para mabigyan ka ng gamot.. "
Saad pa nito at hinawakan ako sa balikat na waring nag hihintay ng isasagot ko.
" hindi okay lang ako.. Ganito talaga ang nara-ramdaman ko sa tuwing na paparami ang kinain ko. Nabibigla kasi ang tiyan ko.. Hindi ko rin kasi namalayan kanina.. Ang sarap kasi ng mga inorder mo.."
Tugon ko dito at tumawa. Naramdaman ko namang pinisil niya ng bahagya ang balikat kong hawak niya parin.
" are sure? Kinabahan ako sayo.. Kasalanan ko tuloy kung bakit sumakit ang tiyan mo.. "
" oo nga Jordan okay lang ako.. Huwag kang mag alala.. "
Agad na tugon ko dito. Pagka sabi niyon ay ako naman ang humawak sa kamay niyang naka hawak parin sa balikat ko at nginitian ko ito ng tipid.
" alright sige.. Basta sabihan mo ako ha kapag hindi mo kaya okay.. Or kung hindi parin nawawala ang sakit.. Para madala agad kita sa clinic.."
" okay.. Salamat.." muli kong tugon.
Nang matapos kung sabihin iyon ay kaagad niya ng binuhay ang makina ng kanyang sasakyan.
Muli pa nitong nilingon ang kina uupuan ko bago tuloyang pina andar ang sasakyan.
Mula sa hotel na pinang-galingan namin ay may kinse minutos pa kaming nag biyahe. Ibinaling ko ang aking paningin sa labas medyo madilim na.
Inihinto niya ang sasakyan sa isang Park. Pagka baba namin ay ay dinala niya ako sa isang parte ng park na mayroong mga upuang kahoy na naka helera at ang paligid nito ay na papaligiran ng iba't ibang kulay ng bulaklak. Mayroon ding mga puno na naka hilera sa magka bilaang bahagi ng parke.
At ang iba't ibang klase ng ilaw na nag bibigay liwanag sa paligid ang lubos na nakakuha ng atensyon ko. talaga namang nakaka tuwang tingnan ang mga ito. Para silang mga bituin sa langit na nag ni-ningning kapag gabi.
May mga napansin akong mga Couple na naglalakad habang nagku kwentohan at magka hawak ang kamay ng mga ito. Iyong iba naman ay naka upo sa damuhan at mayroong kinakain.
Mayroon din akong nakitang mga pamilya na naka upo ng paikot sa naka latag na tela sa damuhan at nagkukwentohan habang kumakain ang mga ito.
Mataas ang lugar na pinuntahan namin. Matatanaw mo halos ang buong laguna de bay.
Niyaya ako ni jordan na umupo sa upuang naka harap mismo sa laguna de bay.
Dahil mahaba ang upuang napili kung upuan ay doon na rin ito umupo sa tabi ko.
Itinaas niya ang magka bilaan niyang braso sa upuang kahoy at naka de kuwatro ang kanyang mga binti.
Ako naman ay pinag krus ko ang dalawa kung binti at itinukod ang dalawa kong kamay sa upuan.
Si Jordan ang unang bumasag ng aming katahimikan. Narinig kong tumikhim muna ito bago nag salita.
" nagustuhan mo ba ang view? Hindi ka ba na babaduyan sa akin dahil dito kita dinala?"
Matapos niyang sabihin iyo ay tumingin ako sa gawi niya ng may malapad na ngiti sa mga labi.
" ano kaba.. Gandang ganda kaya ako dito.. May ganito pala ka gandang lugar dito sa maynila..
nakaka-relax kaya.. At ang sarap ng hangin.. Parang sa probinsiya lang namin.. Very relaxing habang naka tingin ka sa manila de bay.."
Tugon ko dito at itinuro ang mga barkong naka himpil sa pampang at may mga iba't ibang klase din ng ilaw na nagbibigay liwanag sa gitna ng madilim na paligid nito.
" tingnan mo yun oh.. Ang ganda rin nilang pag masdan.. Para silang mga bituin sa kalangitan na iba't ibang kulay.."
Tumingin ako sa gawi nito at nakita kong hindi pala ito naka tingin sa itinuturo ko. Bagkus sa akin pala naka tuon ang paningin nito.
" oo maganda talaga.. Maganda ang tanawing pinag mamasdan ko ngayon.." tugon nito sa malambing na tono.
at walang paalam nitong dahan-dahang tinaggal ang suot kung salamin sa mata.
Nang matanggal niya iyon ay nakita kong isinabit niya sa suot niyang Polo ang aking salamin.
" ang ganda talaga ng mga mata mo loisa.."
Dahil nanaman sa sinabi niyang iyon sa akin ay naka ramdam nanaman ako ng pag iinit ng aking buong mukha.
Mabuti nalang at gabi na kaya sigurado akong hindi niya mapapansin ang pag iiba ng kulay ng mukha ko.
Hindi ako umimik sa sinabi nito. Ibinalik ko ang tingin ko sa aking harapan. Nakita ko sa aking peripheral vision na umusog ito ng upo palapit sa akin.
Siguro ay mga isang pulgada nalang ang pagitan namin o wala na. Dahil ramdam ko na ang pisngi ng pang upo nito na tumatama sa kaliwang bahagi ng aking puwetan.
Hindi lang pag iinit nang buong mukha ang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon. Kundi pati na rin ng buo kong katawan dahil milyon milyong bultahe ata ng kuryente ang tumama sa akin dahil mas lalo pa itong dumikit sa akin.
Kung kaya't halos mag dikit na talaga ang aming pang upo.
Hindi ko maibaling baling ang paningin ko dito dahil mataman siyang naka titig sa mukha ko.
Natatakot akong ipagkanulo mismo ng sarili kong mga mata kapag nag tama muli ang aming mga paningin.
Ganito pala ang feeling ng may manliligaw. Sa probinsiya kasi namin ay maraming gustong manligaw sa akin ngunit sinasabi ko na kaagad sa mga ito na wala silang mapapala sa akin dahil wala pa akong balak na makipag relasyon.
Kung kaya't hanggang kaibigan lang nauuwi ang mga pag tatangka nila sa akin at ang iba naman ay umiiwas nalang sa akin.
Pero bakit kay jordan ko lang ito nararanasan. Nung kay adrian naman ay hindi ganito ang naramdaman ko.
Maging kay sir david ay hindi rin. Oo na guwapuhan ako noong una kay sir david at bahagya ring nakaramdam ng kilig.
Pero ang isang ito si jordan ay iba ang nararamdaman ko sa kanya. Iba ang epekto nito sa akin. Nahihirapan akong labanan.
Hindi ko mapigilan na mag buga ng hangin mula sa aking bibig. Pakiramdam ko ay hirap akong huminga sa ginagawa nitong pag titig sa akin.
Maya maya ay nag salita ito.
" loisa.." tawag nito sa pangalan ko.
Napilitan na akong ibaling ang aking paningin dito.
Pag pihit ko ng aking mukha paharap dito ay hindi ako tumingin sa mga mata nito. Nakayuko akong humarap dito.
" loisa.. Alam mo gusto kita.. Gustong gusto kita... Sana bigyan mo ako ng pag kakataon na maayos ang mga dapat kung ayusin.." saad niya sa mala paos na boses.
Pagka sabi niyon ay nag buntong hininga ito. At hinawakan niya ng mahigpit ang dalawa kung kamay. Nanatili lang ako sa pag kakayuko ng mga sandaling iyon.
Nag salita itong muli na hindi parin inaalis ang kanyang paningin sa aking mukha.
" loisa.. Hintayin mo ako ha.. Aayusin ko lang ang lahat.. Sana huwag ka nang magpa ligaw pa sa iba.. Nag seselos ako kapag may nakikita akong lumalapit sa iyo na ibang lalaki.."
Saad pa nito sa malambing na tono. Iniangat ko ang aking mukha dito at nag tama ang aming mga mata.
" Jordan... Paano mo gagawin iyon?.. May Girlfriend ka.. Ayokong maka sira ng relasyon.. At mas lalong ayokong maka panakit ng kapwa ko babae... "
Tugon ko dito. At muli akong yumuko dahil hindi ko matagalan ang mga mata nito. Ang mga mata nitong nag susumamo sa akin.
" halos isang taon na kaming nagkakalabuan ni roxannne.. Mula nang tanggihan niya ang proposal ko sa kanya noon na magpa kasal na kami dahil gusto ko nang bumuo ng sarili kong pamilya ay unti-unting lumayo ang loob ko sa kanya sa di malamang dahilan.."
Matapos niyang sabihin yun ay naramdaman kong hinimas nito ang dalawa kung kamay na hawak parin nito. gamit ang kanyang mga daliri.
Napalunok ako sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung anong itutugon ko sa mga sinabi niya.
Tumingala ako dito at nararamdaman kong totoo ito sa mga sinasabi niya. Mas lalo tuloy akong naguguluhan ngayon.
Hindi parin ako umiimik dito. Nag iisip parin ako ng mga dapat kong sabihin sa kanya.
" loisa... Kausapin mo naman ako.."
Tawag niya sa pangalan ko sa paos na tono.
Napilitan akong mag angat ng paningin dito.
" Jordan.. Sa totoo lang hindi ko alam ang sasabihin ko sayo.. Siguro Bahala na ang tadhana.. Kung talagang magiging tayo eh di magiging tayo.. Natatakot ako Jordan.. Ayokong masaktan at ayoko ring maka panakit.."
" sorry loisa kung napi-pressure kita.. Basta mag hihintay ako na dumating ang panahon na payagan mo akong makapasok sa buhay mo.. Yung tungkol kay roxannne promise lilinisin ko.. "
Pagkasabi niyon ay humugot ito ng malalim na hangin mula sa kanyang lalamunan.
Tango nalang ang tanging naitugon ko dito.