Chapter 33 - Chapter: 33

May sampung minuto din akong nag hintay sa entrance ng hotel bago muling bumalik si sir Jordan.

Medyo may kalayuan pa ito sa akin ng agad ko itong makita. Pinag mamasdan ko siya habang nag lalakad.

Bagay na bagay sa kanya ang porma niya. Dumako ang paningin ko sa kanyang dib-dib. Medyo fitted kasi sa kanyang katawan ang suot niyang polo.

Bumabakat ang mala six pack niyang mga muscles sa malapad niyang dib-dib. Halatang alaga din sa gym ang katawan nito.

Gaya ni sir david ay guwapo din ito. Mas lamang lang ito ng tangkad kay sir david.

Mas moreno din ang kulay ng balat nito kung ikukumpara sa kulay ng balat ni sir david.

Sa madaling salita mas lalaking tingnan ito kay sir david. Hindi nga sila magka mukha kahit na mag kapatid sila. Dahil si sir david ay kamukhang kamukha ni don ramon. Marahil si sir jordan ay kamukha ito ng kanyang ina.

" naku mukhang pinagpa pantasyahan ko na ata ang dalawang mag kapatid!.." bulong ko sa aking sarili.

Habang pa palapit ito sa akin ay nakangiti ito na halos umabot hanggang tenga. Kitang kita tuloy ang mga mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin.

Tulad ni sir david ay parang modelo din ito sa isang sikat na magazine. Mas guwapo pa nga siya kung ikukumpara sa mga ito.

Sa isiping yun ay muli ko nanamang naramdaman na uminit nanaman ang mukha ko.

Nang mga limang hakbang nalang ang layo nito sa akin ay kaagad kong niyuko ang aking mukha.

Nag panggap ako na may kukunin lang sa loob ng aking bag upang hindi nito mapansin ang kulay ng mukha ko.

Nang tuloyan na itong na kalapit sa akin ay kaagad itong nag salita.

" hey loisa.. What's wrong?.. May na kalimutan ka ba sa kotse?"

Tanong nito sa akin na may halong pagtataka ang kanyang tinig.

" ahmm.. Wala naman po sir.. Naalala ko na po naiwan ko pala sa bahay kanina.."

Agad na tugon ko dito. At bahagyang sumulyap dito.

" ano yun baka kailangan mo na ngayon..? Bilhin nalang natin dito.. Sa bandang dulo kasi nitong hotel ay mayroong mall baka nanduun ang hinahanap mong gamit.. "

Muli nitong tanong sa akin. Nang marinig ko iyon ay tumingala ako dito bago nag salita.

" ah-- eh.. Hindi naman po masyadong importante sir.. Okay lang po.."

Tugon ko dito at nginitian ko ito ng malapad.

Napansin niya kaya na namumula ako.. Huwag naman sana. Nakakahiya.. Eloisa pigilan mo naman ang sarili mo girl..

Saad ko sa aking isip.

Pagka sabi ko niyon ay ngumiti ito sa akin.

" let's go na baby.. Baka nagugutom ka na.."

Matapos niyang mag salita ay akma niyang hahawakan ang kamay ko.

Inilayo ko ito kaagad bago niya ma-abutan. At nag panggap na inaayos ang aking damit.

" ahmm.. Sige po sir let's go na.." tanging na bigkas ko dito.

" huwag na po ninyo ako hawakan sir.. Sa sabayan ko nalang po ang mga hakbang ninyo.." muli ko pang saad dito.

Pagka sabi ko niyon ay ngumiti ulit ito sa akin.

At nag simula na itong humakbang. Sinusundan ko naman ito kung saan siya lumiko.

May nadaanan kaming escalator napansin kung Isinenyas niya ang kanyang kanang kamay patungo sa deriksiyon ng escalator. Pina una niya ako sa pag lalakad at ng akma ko ng ihahakbang ang aking mga paa ay naramdaman kong hinawakan niya ako sa aking braso upang alalayan. Hindi ko naman ito pinansin at hinayaan ko na lang.

Nang maka akyat na kami sa ika lawang palapag ng hotel ay binitiwan niya rin naman kaagad ang aking braso.

Iginala ko ang aking paningin sa paligid.

Namangha ako sa aking mga nakita. Para akong nasa ibang bansa. Ang gaganda ng mga design ng mga ilaw at sobrang liwanag ng mga ito.

At ang mga taong nakaka salubong namin ay halatang mga mayayaman ang gaganda ng kanilang kasuotan ma pa lalaki man o babae ay hindi nag papa huli sa ganda ng kanilang mga bihis.

Hindi ko tuloy maiwasang sipatin ang Suot kung damit. Okay naman ang suot kong damit. Buti nalang ito ang napili kong suotin kanina.

Salamat nalang kay rina at ni regaluhan niya ako ng ganito.

Dahil kung ako lang ay mukhang hindi ko mabibili ito dahil mukhang mamahalin din itong suot ko.

Mga ilang hakbang pa ang aming ginawa ng huminto kami. Hinawakan niya muli ako sa braso upang igiya papasok sa restaurant na nasa tapat na namin.

Isang fine dining restaurant ang pinasukan namin. Pagka pasok palang namin sa entrance ng restaurant ay may isang waiter na kaagad ang lumapit sa amin at itinuro kami sa pan dalawahang mesa sa isang sulok ng restaurant.

Nang ganap na kaming makalapit sa lamesa na itinuro ng waiter ay muli pa ako nitong inalalayang maka upo bago ito umupo.

Nag hihintay ako na mag bigay ng book of menu ang waiter. Ngunit walang namang inaabot sa amin ito.

Maya-maya pa ay may natanaw akong tatlong waiter na papalapit sa gawi namin.

Ang isa sa kanan ay may hawak na bouquet ng bulaklak habang ang dalawa naman ay may dalang tig iisang tray sa kamay at may mga laman itong pagkain.

Nang makita ang mga ito ni jordan ay kaagad itong tumayo at kinuha ang bouquet ng bulaklak na hawak ng isang waiter.

Nang makuha niya ito ay agad niyang iniabot sa akin.

" flowers for you baby.." saad niya sa akin.

Agad ko rin namang kinuha ito at ngumiti.

" oh thank you sir.."

Nang makuha ko iyon ay bahagya kong inamoy ang mga bulaklak bago ipinatong sa kaliwang bahagi ng table.

Habang ang dalawa pang waiter ay sabay sabay na inilapag lahat ng dala dala nilang mga pagkain.

Nang mailapag na lahat ng mga ito ay kaagad na ring umalis ang mga ito.

May sinabi lang ang isang waiter kay sir jordan na kapag may kailangan pa daw kami ay senyasan lamang daw siya mula sa malayo at kaagad daw itong lalapit sa amin.

Tumingin ako sa mga pagkaing na kalapag sa aming mesa. Halos lahat sila ay masasarap kung titingnan at amoy na amoy ko rin ang mga ito habang medyo umuusok usok pa.

Napa lunok ako ng laway. Pakiramdam ko tuloy ay gutom na gutom na ako.

Nang makaalis ang mga waiter ay tumingin sa akin si sir jordan na naka ngiti.

Gumanti naman ako ng ngiti dito.

" let's eat baby.. Sana magustuhan mo lahat ng inorder ko.." saad nito.

" mukha naman po masasarap lahat sir.. Sa amoy palang ay nakaka gutom na.."

Pagka sabi ko niyon ay agad na rin kaming kumain. Sarap na sarap ako sa lahat ng inorder ni sir jordan.

Habang kumakain kami ay nag salita ito.

" ahmm.. Baby pwede bang huwag mo na ako tawaging sir Jordan.. Jordan nalang.. Feeling ko tuloy ang tanda tanda ko na!.."

Matapos niyang sabihin iyon ay tumawa ito.

" ay ganun sir.. Sige pag bibigyan kita sir jordan! Pero sa isang kundisyon?!"

Agad na tugon ko dito habang ngumunguya nguya pa.

" at anong kundisyon yun my baby?.. "

Tanong nito sa akin at muling sumubo ng pagkain.

" pwede bang huwag mo na rin akong tawaging baby sir Jordan.. Because we both know that i am not a baby right?!"

Tugon ko dito at humagalpak ng tawa.

Tumingin ito sa akin na may kunot ang kanyang noo.

" why? Ayaw mo ba?.. Para kasi sa akin baby kita... "

Tugon niya. Seryoso parin siyang nakatingin sa akin.

" ah basta jordan huwag mo na akong tawagin sa ganun.. Kung may tatawag man sa aking ganun gusto ko ay ang boyfriend ko lang in the future.. Baka kasi marinig tayo ng ibang tao isipin nila na boyfriend kita.."

Paliwanag ko dito. At muling sumubo ng pagkain. Nakita ko siyang bahagyang lumambot ang mukha.

Dahil siguro sa sinabi kung boyfriend to be ko lang ang pwedeng gumamit ng endearment na yun sa akin.

Gusto ko si jordan Pero ang isiping may nag mamay ari na dito ay hindi ko kaya.

Hindi ko kayang agawin siya doon sa Girlfriend niyang si Roxanne ba yun. Babae din ako at alam ko ang pakiramdam ng maagawan ng minamahal kahit na hindi ko pa ito naranasan ay hindi naman ako manhid para hindi maunawaan ang mara-ramdaman ng babaeng si Roxanne.

Matapos kung sabihin yun ay hindi na ito muling nag salita hanggang sa matapos na kaming kumain ay wala paring nag sasalita sa amin.

Hanggang sa narinig ko itong umubo.

" are you done eating loisa?.. Tara let's go.. May isa pa tayong pupuntahan.."

Saad nito at inilahad ang kamay niya upang alalayan akong makatayo.

Mga ilang segundo rin akong naka tingin lang sa mga palad niyang naka lahad sa aking harapan. Nang muli itong mag salita.

" dont tell me kahit maalalayan manlang kita ay ayaw mo rin loisa?.."

Tumingala ako ng tingin dito at nakita kong naka ngiti na ito sa akin.

Bahagya ko itong nginitian bago humawak sa palad niyang naka lahad parin.

Nang maka tayo kami ay kinuha niya ang bouquet of flower na ipinatong ko kanina sa table.

Siya na ang humawak nito habang nag lalakad kami ay Nauuna ang nga hakbang niya sa akin at ako naman ay sumusunod lamang sa likuran niya.

Hindi parin kami nag uusap hanggang sa marating namin ang parking. Paminsan-minsan ay nakikita ko pa itong bumubuga ng hangin mula sa kanyang bibig.