Chapter 30 - Chapter: 30

Nang tuloyan na kaming maka labas ng gate ay mas nauna sa akin si sir Jordan na maglakad patungo sa kinaroroonan ng aking sasakyan.

Nang marating niya ito ay tumayo siya sa gilid ng pinto nito.

At agad ko naman kinuha ang aking susi mula sa bag ng marating ko ito. Nang mabuksan ko ito ay agad akong pinagbuksan ni sir Jordan ng pintuan.

" Mag-iingat ka baby.." he said in a sweet voice.

Tumingin ako dito. At muli nag tama ang aming mga mata. Matagal mga ilang segundo rin kaming nagka titigan.

At ako na naman ang unang nag bawi ng tingin dito. Wala ata itong balak na alisin sa akin ang mga mata niyang naka titig.

Nangungusap ang mga mata nitong animo'y may gustong sabihin.

Kung ano yun ay hindi ko alam kung ano ito.

Nang akma na akong uupo ay hinawakan niya ang kamay ko at naramdaman kong pinisil niya ito.

" pwede ba kitang yayaing I-date ulit?.." tanong niya sa akin.

Umawang ng bahagya ang bibig ko ng marinig ang sinabi niya.

Nakaramdam ako ng mga paru parung nagliliparan sa loob ng aking sikmura.

Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko ng mga sandaling iyon.

Nakaramdam din ako ng excitement sa narinig ko. Hindi ko alam kung bakit at para saan.

Nang hindi parin ako maka imik dito ay muli siyang nag salita.

" baby... Gusto kitang makasama ulit... Pwede ba kitang sundoin sa office mo bukas?"

" ah-- eh--.. Si sige po.." tanging naisagot ko dito.

Naramdaman kong pinisil niya muli ang kamay ko.

"ingat ka sa biyahe mo baby.. Pwede bang tawagan mo ako kapag naka uwi ka na sa apartment mo?.."

Muli pang saad nito sa akin.

" sige po sir.. "  tugon ko dito.

At tsaka niya lang binitawan ang kamay ko.

Tuluyan na akong umupo sa aking sasakyan at tumango dito na may bahagyang ngiti sa aking mga labi.

Nakatingin parin ito sa akin.

" ahmm.. Sige po sir ba bye na po.. Salamat po sa pag hatid.." paalam ko dito.

At tuluyan na nitong isinara ang pinto ng sasakyan. Nang maisara niya ay agad ko na rin itong pinaandar.

Nakita kong kumaway pa ito ng magsimula ng umandar ang sasakyan ko.

Tango ang itinugon ko dito.

Mabilis lang ang naging biyahe ko pabalik ng office dahil walang traffic.

Nagulat pa ako pag bukas ko ng pinto ng tumili si joy ng makita ako.

" loisaaaaa...! My god! Girl ikaw na talaga! Ang haba haba kaya ng buhok moooo..! Iba talaga ang maganda eh noh!"

Agad na bungad nito sa akin pagka pasok na pagka pasok ko palang ng pintuan.

Hindi pa ito na kuntento at lumapit pa ito sa akin at hinawakan ang dalawa kung kamay.

" grabe girl.. Alam mo ba ng wala ka kanina ay nag punta dito si sir Jordan at hinahanap ka...?" saad pa nito na nakahawak parin sa mga kamay ko.

" ah talaga.. Bakit daw?"

" eh hindi ko alam eh.. Nung sinabi ko kasi na nag punta ka kina sir david ay umalis na rin siya kaagad.. Ni hindi nga manlang nag thank you eh! Basta tumalikod nalang at parang nag mamadali pa." tugon nito sa akin.

At binitawan niya na ang mga kamay ko. Agad naman akong nag lakad papunta sa table ko at inilapag ang bag kong dala.

" eh nag kita naman kami kanina sa bahay nina sir david.. Wala naman siya sinabi.. " tugon ko dito.

Hindi ko na binanggit pa na pina sakay pa ako nito sa sasakyan ng paalis na ako sa bahay nina sir david. Tiyak na hindi nanaman ako nito tatan-tanan kapag nag banggit pa ako dito ng tungkol kay sir Jordan.

Nang maka upo na ako sa aking table ay kaagad kong nagtipa ng mensahe sa aking cellphone upang sabihan si sir david na nakabalik na ako ng opisina.

Nang makapag text na ako dito ay Inabala ko na ang aking sarili sa pag pirma ng mga papel na nasa aking table.

Nang lingunin ko si joy ay nakita ko pang nag kibit balikat pa ito bago naglakad pabalik ng kanyang table.

Dalawang oras pa ang lumipas ng mag-out kami. Pina una ko na itong umuwi.

Pagka uwi ko ng apartment ay saktong tumunog ang cellphone ko.

Sinipat ko kung sino ang tumatawag nakita kong pangalan ni ella ang lumalabas sa screen ng cellphone ko. Agad ko itong sinagot.

" hello ella! Kamusta na kayo diyan?.. Kakauwi ko lang ng apartment.."

" hello loisa! Okay naman kami dito.. Miss na kita my friend.. Kelan ka ulit uuwi dito sa atin?.." Tanong nito sa akin.

" huwag ka mag alala marami lang ako ginagawa ngayon sa office.. Kapag medyo naka luwang luwang ako ay magba bakasyon ulit ako diyan.. Miss na rin kaya kita ella.. " tugon ko dito.

" ikamusta mo na rin ako kina mang cardo at aling pasing ella ha.." muli kong saad dito.

Pagka sabi ko niyon ay sumalampak ako ng upo sa aking kama at tsaka humiga.

" sige sasabihin ko kina nanay at tatay.. Mukhang pagod na pagod tayo sa work ah my friend..?"

Tanong nito sa akin marahil narinig nito ang pag hikab ko sa kabilang linya

" ah oo eh.. Nag punta kasi ako sa bahay ng boss ko kanina para ihatid ang mga reports ko.. " agad na tugon ko dito.

" wow!.. Manager na manager ka na talaga niyan loisa!.. To the highest level na ang beauty ng friend ko!.. And I'm so happy for you loisa!.. Unti unti mo ng natutupad ang mga pangarap mo... Kulang nalang talaga si aling sonya.. "

Muling saad nito.

Nag isip ako sandali. Nag pasya akong hindi na muna ba-banggitin dito ang tungkol kay don ramon del Castillo.

Kailangan kong makilala pa ito ng lubusan malay ko ba kung talagang totoo ang kabaitang ipina pakita nito.

" salamat ella.. Dahil rin sa inyo ng pamilya mo kaya ko narating ang lahat ng ito.. Nawawala man ang inay pero hindi ninyo ako iniwan.. Nandiyan parin kayo naka alalay sa akin kahit na sa malayo kayo.. Maraming salamat din sa iyo sa pamilya ninyo.." tugon ko dito.

" wala yun loisa.. Mahal ka namin.. Huwag ka nga pala mag-alala palagi kung nililinis ang bahay ninyo.. Gaya ng sabi mo.. Para malinis ito pag balik ng nanay mo.. " saad pa nito.

Narinig ko pa itong nag buga ng hangin mula sa bibig buhat sa kabilang linya.

" huwag ka parin sana mawawalan ng pag - asa my friend.. Laban lang ha.. " muli pang saad nito.

" salamat ella.. Huwag niyo akong alalahanin dito okay lang ako.." tangi kong naisagot dito.

Hindi ko napigilang muling mag hikab.

" oh sige na.. Magpa hinga ka na muna diyan.. Tatawag nalang ako ulit.. Basta mag-iingat ka palagi diyan loisa ha.." paalam nito sa akin.

" okay sige ella.. Salamat ulit ng marami.. Kayo rin mag iingat palagi diyan.. Ba bye.. " huli kong saad dito at pinutol na ang linya.

Nang mawala na sa linya si ella ay bumangon na ako at nag bukas ng de latang tuna.

Ito na muna ang uulamin ko sa ngayon. Tiningnan ko ang kaldero at may tira pa akong kanin kaninang umaga. Hindi na ako magsa saing dahil marami rami pa naman ito.

Sa susunod na sahod ay bibili nalang ako ng personal ref para maka pamalengke ako tuwing day off ko. Baka magka sakit na ako sa palaging de lata kung ulam.

Pagka tapos kong kumain ay biglang tumunog ang cellphone ko. Nang pasadahan ko ng tingin ang screen ay kumunot ang noo ko. Dahil Numero lang ang nakalagay sa screen.

Wala pa sana akong balak sagutin ito dahil nakakadala na madalas kasing may tumatawag sa akin mula pa noong mangyari ang party.

Kapag sinasagot ko naman ay hindi naman nagsasalita ang mga ito.

Ayaw parin tumigil sa pag tunog ng cellphone ko. Kung kaya't dinampot ko na ito at sinagot.

" hello?.. Sino po sila?.." agad na tanong ko dito.

" hey baby ako ito si jordan.. Bakit  hindi ka tumawag? Nasa bahay ka na ba?.." Tanong nito sa akin.

" ay opo nasa bahay na po ako.. Eh paano ko naman po kasi kayo tatawagan wala pala akong cellphone number ninyo..? " tugon ko dito.

" okay sige at least nakauwi ka na.. Sige pahinga ka na.. Goodnight baby.. " saad nito sa medyo paos na boses.

" sige po good night ba-bye sir.. " paalam ko dito bago pinindot ang end call button.

Kinabukasan pag gising ko ay mayroong excitement akong nararamdaman hindi ko matukoy kung para saan.

Dahil kaya ito sa kaalaman kung muli kung makikita si sir Jordan.

Nang matapos akong maligo ay nag hanap ako ng medyo maganda ganda kung damit.

Napili ko ang isang bulak laking kulay pink na bestida. May pagka off shoulder ito at mayroong maliit na manggas. Lagpas tuhod ko ito ngunit medyo hapit sa aking katawan. Maganda ang tela niya dahil malamig sa balat.

Regalo ito sa akin ni rina noong birthday ko. Kahit hindi kami nagkita noong birthday ko ay ipinadala naman nito ang kanyang regalo sa akin.

Noong unang kita ko dito ay hindi ko type ito. Ngunit ngayon ay naka karamdaman na ako ng pagka gusto sa bestida na ito.

Sinuklay ko ang basa kong buhok. Hahayaan ko nalang munang matuyo ito. Nag pahid ako ng light pink na lipstick sa aking labi at nag wisik ng kaunting pabango.

Nagustuhan ko ang pabangong gamit  ko ngayon. Regalo naman ito ni joy noong kaarawan ko. Binili pa daw ito ng kanyang boyfriend mula pa sa ibang bansa.

Nang matapos ako sa pag aayos ng aking sarili ay pinag masdan ko ang aking sarili sa salamin na naka sabit sa gilid ng aking kama.

Pakiramdam ko ay gumanda ako dahil unti unti na akong nagka kalaman mula ng mawala si nanay at sa tingin ko ay mas pumuti akong tingnan sa kulay ng damit na suot ko ngayon.

Nang makuntento na ako sa aking hitsura ay dinampot ko na ang shoulder bag ko na naka patong sa aking kama.

Nang makarating ako sa office ay bahagya pang nagulat si joy sa hitsura ko.

" wow loisa! Halos hindi kita makilala sa hitsura mo ngayon! Ang ganda mo talaga girl!.. Sana lahat kasing ganda mo.. At mukhang nagpapa sexy ka na ngayon ha.. Bakit anong meron? Hmm... Siguro inlove ka noh?!.."

Agad na tanong nito sa akin pagka pasok ko palang ng pintuan.

Hindi ako umimik dere deretso lang ako sa aking table.

" at infairness girl! Blooming ka talaga ngayon huh!.. " dugtong pa nito.

" ano kaba nag ayos lang ng kaunti inlove na kaagad?.. Hindi ba pwedeng nasa mood lang akong mag ayos..?" tugon ko dito.

At isinuot ang eye glass na naiwan ko kahapon sa aking table.

Narinig kong tumatawa si joy. Nilingon ko ito at pinandilatan ng mata.

" anong tinatawa tawa mo diyan ha mary joy? " Tanong ko dito.

" wala naman natutuwa lang ako sa magandang tanawin na nakikita ko ngayon.." tugon nito at muling tumawa.

" let's go na marami pa tayong gagawin.." saad ko dito.

Nang muli kung lingunin ito busy na ito kakatipa sa keyboard ng kanyang computer.