Eloisa's POV:
Pagka Alis ni sir Jordan ay kaagad akong nag linis ng katawan upang makapag palit ng damit. Nang makapag palit ako ng damit ay agad na sumalampak ako sa aking higaan.
Gusto ko ng matulog ngunit ayaw akong dalawin ng antok. Pilit na pumapasok sa isipan ko ang mukha ni sir jordan. Mukhang hindi totoo ang sinabi ni rina dati na masungit ito. Pareho namang mabait ang magkapatid. Siguro ay mabait din ang kanilang ama o ina. Mapalad sila dahil pareho silang may mga magulang. Samantalang ako nag iisa na nga lang si inay ay nawawala pa ito.
Sa palagay ko ay tama naman ang sinabi sa akin ni sir david. Hindi ko nalang masyadong didib-dibin ang pagka wala ni inay. Marahil ay may dahilan ang diyos kung bakit nangyayari sa amin ito ni inay.
Sa dami nang mga nangyari sa buhay ko ay nakalimutan ko nang usisain pa si sir david tungkol doon sa ramon del Castillo na yun. Kailangan malaman ko kung ano ang kaugnayan niya kay inay.
Kung may kaugnayan man siya kay inay ay sana wala siyang ginawang masama kay inay. Hindi deserve ni inay ang mga paghihirap na nararanasan niya. Naging mabuting ina sa akin ang inay. Sana dumating ang panahon na bumalik na siya.
Habang lumalalim ang gabi ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Kinabukasan ay tinutoo nga ni adrian na pupunta siyang muli at niyaya niya akong kumain. Habang kumakain kami ay panay ang kwento nito at panay din ang aming tawanan. Halos pinag titinginan na kami ng ibang mga kumakain sa restaurant dahil napapalakas na pala ang tawa ko.
Maya maya ay biglang tumunog ang cellphone nito. Napansin kong kumunot pa ng bahagya ang noo nito ng makita niya kung sino ang tumatawag.
" hello who's this?" tanong niya sa kabilang linya.
" ah sir sa parking po ito. Ako po yung guard na naka duty ngayon.. Ahmm.. Sir yung sasakyan niyo po kasi.. may bumasag ng salamin ninyo.." tugon ng kausap niya sa kabilang linya.
" what?! At sino namang siraulong nag basag ng salamin ko?!" tanong nito sa kausap niya.
" eh yun nga po sir eh.. Hindi po namin malaman kung sino ang gumawa dahil may isang sasakyan ang naka hinto kanina sa mismong tapat ng kotse ninyo kaya hindi po nahagip ng cctv. Nang chineck naman po namin ang plate number ng sasakyan na naka hinto ay wala po siyang plaka.. " tugon ng kanyang kausap sa kabilang linya.
" sige sige papunta na ako diyan. Paalam nito sa kausap niya. At pagka tapos ay agad na tumingin ito sa akin.
"loisa sorry.. Mukhang kailangan na nating mag madali sa pagkain.. Tumawag yung guard sa parking at may bumasag daw ng salamin ng kotse ko."
" ay ganun.. Sino daw ang may gawa?" agad na tanong ko dito.
" yun nga ang problema eh.. Hindi daw nahagip ng cctv dahil may nakahintong sasakyan sa mismong tapat pa daw ng kotse ko. At ito pa nung chineck daw nila ang plate number nito ay wala daw nakakabit na plate number. " muling tugon nito sa akin.
Pagka sabi niyon ay dali dali naman naming tinapos ang pagkain. Nang matapos na kaming kumain ay kaagad na binayaran ni Adrian ang aming kinain at tumayo na upang magtungo sa parking lot kung saan naka park ang sasakyan ni adrian.
Pag karating palang namin sa parking ay kaagad na kaming sinalubong ng guard. At sinamahan patungo sa kinapa parkingan ng sasakyan ni adrian. Laking gulat namin dahil halos magka durog durog ang buong bahagi ng harapang salamin ng kanyang sasakyan.
Agad na tumawag si Adrian sa mga police at pina imbestigahan kung sino ang ma-aaring gumawa nito sa kotse niya.
Matapos na makausap ni adrian ang mga police ay ibinaling niya sa akin ang kanyang paningin at nag salita.
" loisa sorry.. Hindi na kita ma ihahatid pa sa inyo.. Pasasakayin nalang kita ng taxi ha.. Promise next time babawi ako sayo.." saad nito at ngumiti ng bahagya.
" no its okay adrian.. I understand.. Sana lang kung sino man ang gumawa sa pag basag ng salamin ng sasakyan mo ay sana mahuli at maparusahan.. Sige ha aalis na ako.. "
" sigurado ka talaga loisa okay lang?.. " muling tanong nito.
" ano kaba okay nga lang.. Hindi mo naman kagustuhan ang nangyari.. At tsaka napa tawa mo naman ako kanina sa mga kwento mo habang kumakain tayo.. " agad na tugon ko dito.
" okay sige tara hatid na kita sa sakayan ng taxi.. " muli pang saad nito.
At naglakad na kami patungo sa sakayan ng taxi. Nang makasakay ako ay kumaway pa ako sa kanya bago tuloyang isinara ang pinto ng taxi.
Samantala sa kabilang dako
" hello sir okay na po ang ipinapagawa ninyo. Siguradong umuusok na sa galit ang ilong ni adrian. Sige po sir balitaan nalang po ulit namin kayo." sagot ng isang lalakeng naka itim na Jacket sa kanyang kausap.
" okay good job! Your money will be deposited into your bank account. " saad ng nasa kabilang linya.
Lumipas ang halos isang buwan at naging okay naman ang lahat mas nadagdagan pa ang mga negosyanteng gustong mag invest sa company.
Araw ng martes ngayon ganap na alas dos ng hapon at ito ang araw ng kaarawan ko. Nagpa alam ako kay sir david na mag out ako ng maaga dahil mamaya maya lang ay darating na sa apartment sina ella at aling pasing inimbita ko kasi ang mga ito na mag punta dito sa maynila dahil wala akong panahon na magbakasyon sa Quezon.
" Joy, mauuna na akong mag - out sayo ha.. Ikaw na munang bahala dito.. Baka kasi mapa aga ang dating nina ella at aling pasing.."
Saad ko dito at tinapik ito sa braso.
" ah sige loisa ako na bahala dito.. Tatawagan nalang kita kapag may iba pang mga concern.. Happy birthday ulit loisa! Sa wakas! Hindi ka na teenager ngayon! " tugon niya sa akin at tsaka kumindat pa.
" okay sige thanks joy!" saad ko dito bago tuloyang naglakad palabas ng pinto.
Nang makarating ako ng bahay ay hindi na ako nagulat na naka bukas ang pinto dahil habang nasa biyahe ako pauwi ay nagtext sa akin si ella na nasa apartment na nga daw sila at kausap na nila si nanay ursula.
Ibinilin ko kasi kay nanay ursula na darating ang matalik kong kaibigan at nanay nito. Marahil ay ibinigay na ni nanay ursula ang duplicate ng susi ng aking apartment.
Dere deretso akong pumasok ng bahay at sa may pintuan palang ay narinig ko na ang boses ni ella.
" nay grabe matao pala dito sa maynila ano.." saad nito sa kanyang inang si aling pasing.
Tumikhim muna ako bago nag salita. " hi ella! Aling pasing.. Masaya po ako at nakarating kayo dito.. Kamusta po pala si mang cardo? Bakit naman po hindi siya sumama.. " agad na bungad ko sa mga ito.
" hi loisa my friend! Happy birthday!.. Pasensya kana at wala manlang ako sayong regalo.." agad na saad ni ella at niyakap ako.
" ano ka ba ella okay lang yun.. Ang mahalaga nakapunta kayo dito.. At napasaya niyo kaya ako.." tugon ko kay ella at tsaka ibinaba ang dala dalang shoulder bag sa gilid ng lamesa.
" Happy birthday iha.. Mabuti naman at napasaya ka namin.. Hindi na sumama si mang cardo mo at alam mo naman yung taong yun walang kahilig hilig mamasyal. Ewan ko nga ba sa taong yun hindi maiwan iwan ang quezon kahit sandali." saad naman ni aling pasing.
Maya maya pa ay dumating na ang mga inorder kung pagkain sa isang sikat na fast food restaurant. Kaagad ko naman silang niyayang kumain at pinuntahan ko na rin sina nanay pasing upang anyayahang kumain. Masaya kaming nagsalo salo at nagkuwentohan habang kumakain. Panaka naka din kaming napapatawa dahil bibo ang apo ni nanay pasing na si buboy. Sa edad na tatlong taon nito ay marunong ng kumanta kahit pautal utal at may kasama pang pagsayaw habang kumakanta.
Tumawag naman sa akin si sir david at binati ako ng happy birthday at sinabi niyang may regalo daw ako sa kanya at sa pagpasok ko na daw niya ibibigay ang kanyang regalo. Sinabi pa nito na tiyak na matutuwa daw ako kapag nakita ko na ang regalo niya sa akin.
Nagpaalam naman ako dito na kung maaari hindi na muna ako papasok bukas dahil ipapasyal ko sa mall ang aking mga bisita. Pumayag naman ito kahit na dalawang araw pa nga daw akong hindi pumasok ay okay lang.
Kinabukasan ay maaga kaming gumayak at ipinasyal ko sa isang sikat na mall sa ortigas sina aling pasing at ella. Tuwang-tuwa ang mga ito dahil first time lang daw nila makapunta ng mall at sa ganoon kalaking mall pa daw. Kumain kami sa ilang mga sikat na restaurant at tsaka ibinili ko sila ng iilang mga damit sa loob Department store at gayun din si mang cardo ay hindi ko rin kinalimutan na isama sa pag bili ng mga damit.
Nang mag sawa na kami sa kakaikot ay nanood naman kami ng sine at tuwang tuwa din ang mag ina. Iku kuwento nalang daw nila kay mang cardo ang kanilang mga naging karanasan sa pagpunta ng mall.
Nang bandang alas siyete ng gabi ay napag pasyahan na naming umuwi dahil maaga pa daw ang mga itong magba byahe pabalik ng quezon. Nagtext na daw kasi sa kanila si mang cardo at pinapauwi na daw sila.
Kinabukasan ay hinatid ko muna sa sakayan ng bus sina ella at aling pasing bago dumiretso ng opisina.
" loisa.. Maraming salamat talaga ha.. Nag enjoy talaga kami ng husto ni inay.. Mag iingat ka palagi dito my friend.. " saad ni ella at niyakap ako ng mahigpit. Ngumiti lang ako dito at hinimas himas ang kanyang likod.
" oo nga iha.. Nag enjoy talaga kami. Sana maka pasyal ulit kami dito sa iyo.. At sana sa pagkikita natin ulit ay kasama mo na ang iyong nanay sonya.. " agad na saad din ni aling pasing. At tinapik tapik ako sa braso.
" ay talaga ho aling Pasing salamat ho at nag enjoy din ho kayo sa pagpunta dito. Mag iingat ho kayo sa biyahe.. Ako rin ho ay nag enjoy na makasama kayong muli.. At mag dilang anghel ho kayo.. Sana ay Makasama ko na ulit si inay.." tugon ko dito at niyakap ito.
Muli namang yumakap sa akin si ella at hinalikan ako sa pisngi. Nang may dumaang bus pa Quezon ay sumakay na ang mga ito. Kumaway kaway pa ako sa mga ito habang nagsisimula ng umandar ang bus.