Chapter 27 - Chapter: 27

Kinabukasan pagpasok ko ay wala pa si joy. Dumiretso ako sa aking table. Pagka lapag ko palang ng bag ay may nakita akong nakapatong na maliit na box. Nakabalot ito ng pang regalo at may ribbon pa ito na kulay pula sa itaas.

Kinuha ko ito at nakita kong may kasama pala siyang birthday card na nasa ilalim ng Gift box.

" To my dear eloisa Happy birthday to you! Accept this as a gift for you.  it is also a sign of my gratitude to you for all the things you have helped me to recover from the company's losses.

I think you also need to have it so you don't have a hard time getting to work every day. I hope you will like it!

From me,

David

Ang naka saad sa sulat.

Binuksan ko ang kulay pulang box at ng mabuksan ko na ito ay tumambad sa akin ang laman. Nag lalaman ito ng isang malaking susi na may naka ukit na malaking letter " H" sa itaas na bahagi.

Maya maya ay may kumatok. Binuksan ko ito at isang lalaki ang bumungad mukhang nasa 30's ang edad at naka uniporme ito. may i.d pang naka sabit sa kanyang leeg.

"Good morning maam" agad na bati nito sa akin at ngumiti.

"ay good morning din kuya!.. Ano pong kailangan ninyo?" saad ko at gumanti ng ngiti dito.

" ipinadala po ako dito ng kumpanya maam.. Tara sasamahan ko po muna kayo sa may parking.." tugon nito sa akin.

Bagamat hindi ko masyado batid ang sinasabi ni kuya ay sumama ako rito. Pag dating namin sa parking ay may nakita ako kaagad na kulay pulang kotse na may naka lagay na pulang laso sa bubungang bahagi nito.

Nang huminto kami sa harapan nito ay tumingin sa akin ang Lalaki.

" maam, yung susi niyo po?" tanong nito sa akin.

" ah.. e.. Eto po ba kuya?" saad ko dito at bahagya pang itinaas ang hawak kung susi.

" yes maam, iyan nga po.." agad na tugon nito at kinuha buhat sa aking kamay ang hawak kong susi.

Pagka kuha niya ng susi ay kaagad niyang binuksan ang sasakyan. At sinabihan ako na sumakay. Hindi ko na napigilan pang mag tanong dito.

" ahmm.. Kuya ano pong gagawin niyo? Saan po tayo pupunta?" tanong ko dito.

" ay hindi niyo po ba alam maam.. Hindi ba nabanggit sa inyo na dito ko nalang daw po kayo tuturuan na  magmaneho ng sasakyan para hindi na daw po hassle sa inyo na mag biyahe pa.. " tugon nito sa akin at bahagya pang natawa.

" ah okay.. Mga ilang araw daw po ninyo ako tuturuan?.. " muling tanong ko dito.

" isang linggo po maam.. Pero depende po iyon sa inyo kung madali kaagad kayong matututo ng pag mamaneho nito.." tugon ni kuya sa akin.

Nang matapos kung marinig ang sinabi ni kuya ay kaagad na rin akong pumasok ng sasakyan sa tabi ng driver seat niya ako pina upo.

At nag simula na siyang turuan ako ng mga dapat kung malaman. Tinandaan ko naman lahat ng dapat kung matutunan.

Matapos ang ilang oras na pag aaral ko ng pag mamaneho ay dumiretso na ako sa aking opisina nabungaran ko kaagad si joy na naka upo na at busy sa pagtitipa sa kanyang computer.

Dumiretso ako sa aking table at uupo na sana ng tumunog ang aking cellphone.

" hi loisa! How are you Do you liked my gift for you? I hope you liked it.." bungad nito sa akin.

" ahmm.. Yes sir.. Kaya lang po sana hindi na kayo nag abala pa.. Masaya na po ako na ibinigay ninyo sa akin ang trabahong ito.." kaagad na tugon ko dito.

" no, you deserve more loisa.. Kulang pa nga yan pambawi sa lahat ng naitulong mo sa akin.." saad pa nito.

" okay sir.. Matatanggihan ko pa ba eh nandito na po.. Maraming salamat po sir.. Nagustuhan ko naman po.. Hindi lang po ako sanay sa mga materyal na bagay.. Pero malaking tulong nga po ito sa akin lalo na kapag umuuwi ako sa amin sa Quezon." muli kong tugon dito.

Medyo nag tagal pa ang aming pag uusap dahil may ilang bagay pang tinanong sa akin si sir david.

Matapos ang halos isang linggo ay natuto na akong magmaneho. At pagka lipas pa ng dalawang linggo ay nakuha ko na ang aking drivers license. Magagamit ko na ito papasok at pauwi sa trabaho. Ngunit mahihirapan naman ako sa parking ng aking sasakyan.

Eskinita kasi ang daan papunta sa mismong apartment na tinutuluyan ko. Hindi ko naman pwedeng i-park ng matagal sa labas ng kalsada ang aking sasakyan dahil sa mismong highway na ito. Mukhang kailangan ko ata mag hanap ng bagong matutuloyan. Ayaw ko pa naman iwan sana sina aling Ursula dahil mababait ang mga ito sa akin at nasanay na rin ako doon sa tinutuluyan kung kuwarto. Ngunit kung hindi naman ako lilipat ay hindi ko rin magagamit itong sasakyan na ni regalo sa akin ni sir david.

Nag pasya ako na hindi na muna gamitin ang sasakyan. Maghahanap nalang muna ako ng bagong matutuloyan.

Nang makauwi ako ng bahay ay kumain muna ako ng hapunan at tsaka nag tuloy sa bahay nina nanay ursula upang magpa alam sa mga ito na lilipat na ako ng ibang matutuloyan. Nang makausap ko ang mga ito ay agad naman silang pumayag. Nauunawaan naman daw nila ang dahilan kung bakit ako lilipat ng paupahan.

Nang dumating ang araw ng Linggo ay wala kaming pasok sa opisina kung kaya't maaga palang ay gumayak na ako upang  maghanap ng bagong matitirhan.

Sa ilang oras kung pag hahanap ay may nakita akong paupahan sa kahabaan ng kalye ng las Piñas. Hindi kalakihan ang bahay mayroon itong isang maliit na sala pagpasok mo ng pintuan at sa kanang bahagi naman ay ang pinto papasok sa maliit na kuwarto mayroon itong single bed na nakalagay na. At sa pag labas mo ng kuwarto ay makikita muna ang kusina at sa kaliwa naman ay ang banyo. Nagustuhan ko ang bagong paupahan na nakita ko dahil malawak ang labas nito na maaaring mag park ng sasakyan. Kung lalabas ka naman ay mga ilang hakbang lang ay ang mismong highway na. Mas mataas ang upa kumpara doon sa dati ngunit mas malapit lapit naman ito sa Pasay. Kahit papaano ay iikli ang maku konsumo kung oras papasok at pauwi ng trabaho.

Nang makapag down payment ako sa may ari ng bahay ay kaagad akong bumalik sa paupahan nina aling ursula upang kuhanin na ang mga iba ko pang gamit. Mabuti nalang at nagagamit ko na ang sasakyan ko kung kaya't hindi na ako mahihirapan pa sa pag bit-bit ng iba ko pang mga gamit.

Nang makabalik naman ako sa bahay nina aling ursula ay isa isa ko nang nilagay sa sasakyan ang iba ko pang gamit. Medyo marami na rin kasi ang naipundar ko mula ng gawin akong manager ni sir david. Nakabili na rin ako ng single foam na nagagamit kong higaan at  mayroon na rin akong maliit na cabinet na pinag lalagyan ko ng aking mga damit. May sarili na rin akong lutuan at lagayan ng mga gamit ko sa kainan.

Nang matapos kung isalan-san ang lahat ng mga ito sa sasakyan ay dumaan muna ako sa bahay nina nanay ursula upang makapag pasalamat sa mga ito sa magandang pakikitungo nila sa sa akin.

" aalis ka na pala talaga iha..  Paano mag iingat ka nalang doon sa bago mong tirahan ha.. Kapag may time ka sana ay maisipan mo kaming pasyalan dito.."

Saad ni nanay ursula sa akin.

" oho huwag ho kayong mag alala nay.. Ngayon pa hong may sasakyan na ako ay madali ko nalang kayong mapupuntahan.. Kayo din ho mag iingat din ho kayo palagi.. Maraming salamat po ulit nanay ursula.. " saad ko dito at bahagya niya pa akong tinapik sa aking kamay at ngumiti.

Matapos akong makapag paalam kay nanay ursula ay agad na rin akong nagbiyahe patungo sa bago kung tirahan. Nang makarating ako sa bago kung tirahan ay nakita pa ako ng may-ari ng bahay na si aling lorna at inutusan nito ang binatilyo nitong anak na tulongan ako sa pag bubuhat ng mga gamit ko papasok ng bahay.

Nang matapos ay inabutan ko ang bata ng isang daan.

" ito pang meryenda mo.. Salamat sa pag tulong mo sa akin.." saad ko sa bata. Nag pasalamat naman ito at umalis na.

Agad na akong pumasok ng bahay at inayos ang mga gamit ko. Nang makapag ayos ako ay nagpa deliver na lamang ako ng pagkain dahil nakaramdam ako ng pagod at gutom.

Nang matapos akong kumain ay agad na akong humiga. Habang nakahiga ako ay Sumagi sa isip ko si sir Jordan. Ilang buwan na ang naka lipas ng huli ko itong makausap.

" kamusta na kaya siya.. Bakit kaya hindi na siya ulit nagpa kita pa buhat noong niyaya niya akong makipag date sa kanya.. hmmm.. Siguro natakot siya sa akin dahil malakas pala akong kumain.." saad ko sa aking sarili habang nagku kut-kot ng kuko gamit ang aking ngipin. Natawa ako sa aking sarili at bahagya pang kinilig.

Kinabukasan araw ng lunes ay magpapasa ako nang report kay sir david. Ngunit nag text ito na hindi raw siya makakapasok ng kanyang opisina dahil inatake ang kanyang daddy kahapon at kasalukuyan itong nasa bahay na raw at nagpapahinga. Hindi niya raw muna iiwan ang kanyang daddy dahil nag lalambing daw ito sa kanya. Gusto raw siya nito makasama ng ilang araw.

Nagpasya akong tawagan si sir david upang tanungin kung kailan siya makakabalik ng opisina.

" hello sir.. Good morning!" agad na bati ko dito.

" good morning din loisa.. Napatawag ka may kailangan ka?" Tanong nito sa akin.

" ahmm.. Wala naman po sir.. Itatanong ko lang po kung kailan ang possible date na makakabalik kayo ng office? Mag papasa po kasi ako ng report at  may ilang bagay na idi-discuss po sana ako sa inyo tungkol sa mga bagong investors na nag-iinquire.." tugon ko dito.

" okay sige ganito nalang.. Can you come here at my house so we can talk personally about that..? "

Tanong nito sa akin.

" okay sige po sir puntahan nalang po kita diyan.. Text niyo nalang po sa akin ang exact address niyo.. " tugon ko dito.

" okay I'll text you my exact address.. Ingat. " saad pa nito sa akin bago nawala sa linya.

Nang mawala na sa linya si sir david ay bumaling ako kay joy na kasalukuyang nag titipa sa computer.

" joy pupunta lang ako kina sir david para makausap ko siya ng personal.. Ikaw na muna bahala dito. Kontakin mo nalang ako kapag may mga concern ha.." saad ko dito.

" okay loisa ako na bahala dito.. Ingat ka sa byahe.." agad na tugon niya sa akin.