Chapter 23 - Chapter: 23

Eloisa's POV:

Kinabukasan ay maaga akong nagising alas siyete palang ay gising na ako. Pakiramdam ko ay inaantok pa ako. Ngunit hindi na ako maka tulog. Muli nanaman kasi pumasok sa isip ko si inay.

Tumingin ako sa dalawang katabi ko masarap parin ang tulog nila at mga nag hihilik pa. Kagabi ay isa lang ang naririnig kong nag hihilik ngunit ngayon ay dalawa na. Nag tanggal ako ng muta sa aking mga mata gamit ang aking daliri nang matapos ay nag pasya na akong bumangon at dumiretso sa banyo upang mag hilamos at mag toothbrush. Nang matapos ay agad na akong lumabas.

Paglabas ko ng banyo ay nakita kong gising na si joy at naka upo na sa gilid ng kama. Tanging si rina nalang ang tulog pa at nag hihilik parin.

" Good morning ms. Loisa.." bati sa akin ni joy at ngumiti.

" Good morning din joy.." bati kong ganti dito at tsaka naglakad patungo sa gawi niya.

" ms. Loisa bakit ang aga mong nagising? O baka hindi ka naman natulog niyan..?" tanong kaagad nito sa akin.

" natulog naman ako joy.. Nang maalipungatan nga lang ako ay hindi na ako maka tulog pa ulit dahil sumagi sa isip ko si nanay at ang babaeng nakita ko kagabi." tugon ko dito.

" sino nga pala nag hatid sayo? Sorry hindi ka na namin nabalikan ni rina sa pool kagabi.. Sobrang antok na kasi kami.. Tsaka si rina kasi medyo nahihilo daw.. Eh diba nga mas marami kaming nainom na alak kagabi..." paliwanag pa nito sa akin.

" hindi okay lang.. Hindi naman ako nalasing kagabi kaya nakauwi naman ako ng mag isa lang.. " tugon ko dito at ibinaling ko sa ibang deriksyon ang aking paningin baka kasi mapansin ni joy na nagsi sinungaling ako.

Maya maya ay unti unti na ring nagigising si rina. Nagulat pa ito nang makita niya kaming gising na.

" oh bakit ang aga niyo nagising! Nakakalimutan niyo na ba na linggo ngayon at walang pasok sa office!?.. " Tanong nito sa amin ni joy. Nagka tinginan kami ni joy.

" oo nga pala noh! Linggo ngayon!" halos sabay naming saad ni joy at nagtawanan pa kaming dalawa.

" eh kasi sabi ni sir jordan kagabi na matu----" hindi ko na tinapos ang sasabihin ko dahil naisip ko na baka mag usisa pa ang dalawa at bigyan ng malisya ang nangyari kagabi buhat nang umalis na sila sa pool at pag hatid nito sa akin dito sa kuwarto.

" Oh bakit hindi mo itinuloy?! May mga nangyari ba kagabi na ayaw mo ipaalam sa amin ha loisa?!"  tanong ni rina at tuloyan na itong bumangon at umusog pa papunta sa gawi ko. Nakatingin ito sa mukha ko na para bang may hinihintay na sasabihin ko na gusto niyang malaman.

" ah... Wala naman naalala ko lang kasi narinig kong may kausap si sir jordan at sabi niya doon sa kausap niya na may pasok pa daw sa office bukas. " pagdadahilan ko dito.

Sandali akong nag isip. " oo nga noh.. Bakit sinabi ni sir jordan kagabi na may pasok kami ngayon..  pero Nawala rin sa isip ko yun ah.. Ano kayang dahilan eh magpapa turo pa nga sana ako na lumangoy kay adrian kung hindi lang siya sumingit. Oo nga humikab ako pero wala pa sana akong balak na matulog nun.. " Sabi ko sa aking isip.

" Hoy eloisa macaraeg! Anong iniisip mo diyan?! Naku huh! hmmm... Mukhang may dapat kaming malaman ah! " sabi pa nito at tumitig ng masama sa akin.

" wala nga! Masyado kayong tsismosa.. Kung ano anong iniisip niyo diyan. " kaagad na sagot ko dito at muli pa akong nag salita.

" Sige na nga mag hilamos na kayong dalawa at nang makapag almusal na tayo nagugutom na kaya ako. " muli ko pang saad sa mga ito. napasin kong umirap si rina at bahagya namang tumawa si joy.

kaagad din namang tumayo ang dalawa at halos sabay pang nag tungo ng banyo. Nang matapos ang dalawa ay sabay-sabay kaming lumabas ng kuwarto at nag tungo sa bulwagan. hinanap namin ang iba pa naming mga kasama sa office. Binabay bay namin ang daan patungo sa bulwagan ng makita namin si david na naglalakad din at ang girlfriend niya papuntang bulwagan din marahil dahil iisa lang ang deriksiyon na tinatahak naming lima. Nang makarating kami sa bulwagan ay nakita namin na nadun nga ang iba pa naming mga kasama. Karamihan sa mga ito ay may tangan ng pagkain sa mga kamay at ang iba naman ay naka upo na sa table at kumakain na.

Nagtungo kami sa table na pinaglalagyan ng mga pagkain upang kumuha ng gusto naming kainin. Nauna sa pila ang dalawa at ako ang nasa huli. Nilinga linga ko ang aking paningin sa paligid hinahanap ko ang waitress na nabangga ko kagabi. Gusto ko kasing humingi ng paumahin dito dahil hindi ko na nagawa pang kausapin ito sa pag mamadali ko kagabi. Gusto ko ring malaman kong may sugat ba ito para maipa gamot ko.

Inikot ko ang aking paningin sa bandang likuran at nakita ko nga ito na nagse serve sa isang mesa may hawak itong tray na may lamang mga pagkain. Kaagad akong naglakad palapit dito. Hinintay ko munang mailapag niya lahat sa mesa ang laman ng tray na dala niya at tsaka ko kinausap ito.

Sinabi ko dito na ako ang naka bangga sa kanya kagabi at tinanong ko kung may mga sugat ba siyang natamo dala ng pagkakadulas niya kagabi. Sinabi naman nito na wala naman daw at okay lang daw siya. Ngunit hindi parin ako nakontento at sinipat sipat ko pa ang katawan niya kung wala ba talaga siyang sugat. Naka pants ito ng slacks na uniform kagabi kaya marahil wala nga siyang sugat sa ibabang parte ng kanyang katawan. Ngunit ng sipatin ko ang isang parte ng kamay niya ay may nakita akong isang sugat na maliit lang naman marahil nasagi ng kamay niya ang bubog na nagkalat sa sahig at nasugatan siya.

Kumuha ako ng isang libo sa wallet ko at inabot dito. Sinabi kong pambili niya ng gamot. Sa una ay ayaw niya pang tanggapin dahil maliit lang naman daw ang naging sugat niya at hindi ko naman daw sinasadya na mabangga siya. Ngunit sa bandang huli ay napilitan na itong tanggapin ang ibinibigay ko dahil ayaw ko siya paalisin sa kintatayuan niya.

Nang maibigay ko dito ang pera at nakapag sorry ako dito ay agad naman akong naglakad na upang kumuha na ng pagkain at nang makakuha na ako ng aking makakain ay kaagad ko na ring hinanap sina rina kung saang table kumakain ang mga ito. Nang makita ko na kung saan sila naka puwesto ay agad naman din akong umupo katabi ang mga ito.

" Saan ka ba nag punta loisa? Aba't kanina ka pa kaya namin hinihintay. Matatapos na tuloy kaming kumain.." Tanong ni rina sa akin.

" hinanap ko kasi ang babaeng serbidora na nabangga ko kahapon.. Nako konsensya kasi ako dahil hindi man lang ako nakapag sorry kahapon sa kanya.. " agad na sagot ko dito.

" oh nahanap mo naman ba? " Tanong pa ulit nito sa akin.

" oo nakita ko siya nagse serve sa isang table kanina.. " sagot ko dito. Hindi na muli pang nag tanong si rina.

Naunang matapos kumain sa akin ang dalawa. Nang matapos sila sa pagkain ay hindi sila tumayo at inantay nila ako na matapos kumain. Nang matapos kumain ay tsaka kami bumalik ng sabay sabay sa kuwarto upang maligo.

David's POV:

Kinabukasan palang ng maaga ay  inutusan ko na ang mga tauhan ko na magtanong tanong kung talaga bang may naging bisita o trabahador kagabi na babaeng bulag. Nag aalala din kasi ako kay eloisa sa nakita ko kagabi ay bakas ko ang pag hihirap at pag aalala niya sa pagkawala ng kanyang ina. Hindi ko maintindihan ang sarili ko sa nararamdaman sa kanya. Natatakot ako na baka kung anong maging masamang dulot sa kanya sa kakaisip niya sa nanay niya. Malaki pa naman ang naitulong niya sa akin buhat ng gawin ko siyang manager. Nagkaroon kami ng mga investors at unti-unting nakaka bawi ang kumpanya sa pagka lugi. Nang makita ko siya kagabi na Kumakanta at mukhang nag I-enjoy naman ito ay parang nabunutan pa ako ng tinik. Mayroon akong pakiramdam na ayoko siyang makitang nalulungkot. Mamaya nga pagka hatid ko kay klariz sa condo ay kakausapin ko ito.

Nasa ganoon akong pag iisip ng tinawag ako ng isa sa mga tauhan ko na inutusan kong mag imbestiga tungkol sa babaeng bulag.

" ahmm.. Sir, inikot na po namin itong buong hotel at lahat din po ng tauhan dito ay natanong na namin.. Iisa lang po silang lahat ng sagot.. Wala daw po dito trabahador na babaeng matanda at bulag pa." agad na  paliwanag nito sa akin at may isa pang dumating na isa ring kasama nito.

" sir, chineck ko na po ang lahat ng kopya ng cctv nila dito. Wala naman po kaming nakitang babaeng bulag. Babaeng matanda po marami po.. Pero bulag na matanda ay wala po.. Doon naman po sa kuwarto na tinuluyan nila ms. Eloisa kagabi ay sira po ang dalawang cctv kaya wala po akong makuhang record doon. " Mahabang paliwanag pa nito.

Sumabat naman ang isang nauna." oo nga po sir.. Kahit ang mga security guards ay wala din daw silang naalalang bulag na naging bisita kagabi. Kasi lahat naman daw po ng bisita kagabi ay tinitingnan nila ang dalang invitation card. Eh di sana napansin na daw nila kung bulag habang kinakausap nila. Pero wala daw po talaga. Baka naman sir namalik mata lang talaga si ms. Eloisa.. " sabi naman nito.

At maya maya ay dumating pa ang iba kong inutusan at halos lahat sila ay pare pareho lang ng sinasabi. Mas lalo tuloy akong nag aalala kay eloisa lalo na at nalaman kong wala pala itong ibang kamag anak sa probinsiya nila at maging dito sa maynila ay wala din siya alam na kamag anak. Paano nalang pala kapag may hindi magandang mangyari dito sa dalaga mag isa lang siya.

Naiiling iling ako habang naka tanaw sa malayo. Maya maya pa ay naalala kong nasa harap ko pa pala ang mga inutusan kong tauhan. Kaagad ko naman sila sinabihang maaari na silang umalis pero huwag parin sila titigil sa pag imbestiga dahil baka may iba pa silang makuhang impormasyon.