Pagka alis ko sa apartment ni eloisa ay dumiretso na ako sa kinapa parkingan ng kotse ko. Pumasok ako agad ng kotse ngunit hindi ko pa binuksan ang makina nito. Sandali pa akong nag isip muna.
" Kawawa naman ang batang yun wala siyang kamag anak at maging ang nanay nito na nag iisa niya lang na kasama sa buhay ay nawawala pa. Paano ko kaya matutulongan si eloisa.." sabi ko sa aking isip at nagbuga ng hangin bago binuksan ang makina ng sasakyan. Muli ko pang nilingon ang gawi ng eskinitang pinasukan namin kanina bago ko pinaandar ang sasakyan.
3rd person POV:
Kinabukasan ay maagang umalis si eloisa patungo ng trabaho. Muli naging busy sila ni joy sa trabaho dahil may dalawang negosyante nanaman ang nag inquire sa kanila at gustong mag invest.
Alas singko na ng hapon at nag hahanda na ang dalawa para umuwi. Pinauna na ni eloisa si joy na umuwi dahil hindi pa siya tapos sa pag liligpit ng kanyang mga gamit. Nang makalabas si joy ng pintuan ay maya maya ay may biglang kumatok.
" sino kaya to.. Kakaalis lang ni joy imposible namang si joy to hindi naman niya kailangang kumatok na.." saad ni eloisa at nag lakad papalapit sa pinto. Agad naman niyang binuksan ang pinto pagkalapit niya.
Laking gulat niya ng si jordan ang bumungad sa kanya. Sandali pa siyang natigilan at napaawang ng bahagya ang kanyang labi.
" sir Jordan.. Ahmm.. Ano pong ginagawa niyo dito sir?.. Paalis na po sana ako para umuwi.." saad nito kay jordan at binuksan ng malawak ang pintuan.
" sige pasok po muna kayo sir at umupo.. Ipag titimpla ko lang po muna kayo ng maiinum.." muli pang saad dito ni eloisa.
Dumiretso naman si jordan sa loob at agad na umupo sa coach na malapit sa may tv. Habang nag titimpla si eloisa ng juice para kay jordan ay may kumatok ulit sa pintuan. Akma na sanang bubuksan ni eloisa ang pinto ngunit nag salita si jordan.
" ako na ang magbubukas.."
Sabi nito kay eloisa.
Kaagad din naman ito tumayo at binuksan ang pituan. Nagulat pa ito ng pag bukas niya ng pinto ay si adrian ang bumungad.
" uy pre, kamusta? Dito ka na pala nag o-office din pre?" Bungad nito kay jordan. At tuloy tuloy na pumasok. Hindi naman umimik si jordan.
Tapos ng mag timpla ng juice si eloisa naglalakad na papunta sa may coach. Nang mapansin kaagad nito si Adrian. Nilapag niya muna sa center table ang juice ni jordan. Si jordan naman ay umupo muli sa coach na pinag upuan niya kanina at uminom ng juice at kinuha ang magazine na nasa harap niya.
" uy Adrian nandiyan ka pala.. napapasyal ka ata?" tanong ni eloisa dito.
" hi loisa!.. Pumasok na ako ha.. Yayain kasi sana kita kumain sa labas bago ka umuwi sa inyo.." tugon nito at ngumiti ng malawak.
" ahmm.. Sige ba.. Kaso matakaw ako Adrian baka mapamahal ka ng gastos.!" tugon nito kay adrian at tumawa ng malakas.
" okay lang loisa kahit ubusin mo pa lahat ng pagkain sa restaurant!.. " agad din namang tugon ni adrian dito At tumawa din ito.
Si jordan naman ay napatingin sa dalawa at naiiling iling nalang habang dinampot muli ang baso ng diyos at uminom. Hindi na nakapag pigil si jordan at tumikhim muna bago nag salita.
" loisa diba may pag uusapan pa tayo tungkol doon sa bagong investors natin?" singit nito sa pagitan ng pag uusap ng dalawa.
Hindi kaagad nakapag salita si eloisa naisip niya amo nya parin ito at kapatid ito ng nag bigay sa kanya ng trabaho kaya hindi niya pwedeng ipahiya ito sa harapan ni adrian.
" ay oo nga pala adrian.. Sorry ha.. May meeting pa nga pala kami ni sir Jordan ngayon.. Bukas nalang kung okay lang sayo.." saad ni eloisa kaya Adrian at ngumiti ng tipid dito.
Napakamot naman ng ulo si adrian. " ganun.. Sige okay lang.. Basta! Bukas dapat matuloy na tayo ha.. Susundoin ulit kita bukas ng ganitong oras loisa.. " tugon nito sa sinabi ni eloisa.
" okay sige hihintayin nalang kita dito.." muling tugon ni eloisa kay adrian at ngumiti ng malawak dito.
Lumapit si adrian kay eloisa at tinapik pa nito sa kamay si eloisa bago humakbang palabas ng pinto.
" sige aalis na ako loisa bukas nalang! Bye!" saad pa nito bago tuloyang lumabas ng pintuan.
Pagka alis naman ni Adrian ay tsaka naman binalingan ni eloisa si jordan.
"sir ano nga po palang pag uusapan natin bakit kayo napa punta dito sa office?" tanong ni eloisa dito at umupo sa coach na kaharap ni jordan.
Tumingin si jordan kay eloisa at nag tama ang kanilang mga paningin. Si eloisa ang unang nagbawi yumuko ito at hinalukipkip ang dalawa pa niyang kamay.
" wala naman gusto ko lang makita itong office mo at gusto lang kitang kamustahin? Ayaw ko lang din si adrian para sayo.. Kaya sinabi ko na may pag uusapan tayo." tugon nito kay eloisa na nakatingin parin dito.
Nag angat ng tingin si eloisa ngunit hindi parin siya tumingin kay jordan.
" Ayaw ko naman po husgahan yung tao sir.. Eh ano naman kung babaero siya wala naman akong pake dun dahil hindi ko naman siya boyfriend.." tugon ni eloisa dito at sinalubong na nito ng tingin si jordan.
" okay! Bahala ka kung yan ang gusto mo basta ako binalaan na kita na babaero yung si Adrian. " saad pa nito at tsaka tumayo at hinila sa kamay si eloisa.
" ako ayaw mo bang maka date? " Tanong nito habang hinihila ang kamay ni eloisa patayo.
" date? Tayo magdi date? Okay sige! Maka libre manlang ako ng hapunan ngayon. " tugon nito kay jordan at tuloyang tumayo na at kinuha ang shoulder bag niyang naka patong sa ibabaw ng lamesa. At tsaka sumunod na kay Jordan upang mag tungo sa parking kung saan naka park ang sasakyan ni jordan.
Nang makarating sa parking ay kaagad namang pinag buksan ni jordan ng pintuan si eloisa sa harapan niya ito pina upo at nang makapasok na ito ay dumiretso na siya sa driver's seat.
Jordan's POV:
Dinala ko si eloisa sa isang fine dining restaurant sa isang mall sa pasay. Habang kumakain kami ay panaka naka ko siya sinusulyapan. Naka suot nanaman sa kanya ang kanyang malaking eye glass at mahaba nanaman ang kanyang kasuotan. Ewan ko ba hindi ko maintindihan ang sarili ko parang mas gusto ko siya na ganun ang ayos niya.
Dahil kaya sa nag sawa na ang aking mga mata na nakaka kita ng mga babaeng daring kung manamit at mga liberated o dahil sa mas gusto kong ako lang ang nakaka kita ng tunay niyang ganda. Hindi kaya Nahuhulog na ako sa kanya.
Matapos naming kumain ay niyaya ko naman ito na manood ng sine pumayag naman ito. Pinili namin iyong may comedy na movie. Tawa siya ng tawa habang nanonood mas lalo pala siyang gumaganda kapag naka tawa. Tama nga ang sabi ni adrian noon sa pool na masarap kasama si eloisa dahil may sense of humor itong kausap at bukod dun ay prangka din ito. at higit sa lahat ay nakakahawa ang pagiging masayahin nito. Madali pala itong patawanin at bahagya pang namumula ang pisnge nito kapag tumatawa.
Habang nakatingin ako sa screen ng sinihan ay lumilipad ang isip ko. Ngunit nakakapag taka lang dahil ang taong iniisip ko lang naman ay ang taong katabi ko ngayon. Mukhang mamimis ko ata itong babaeng ito.
Nag decide ako na puntahan ito ngayon dahil mawawala ako ng isang buwan o higit pa dahil kailangan kong tutukan ng personal ang isang negosyo namin sa Hongkong. Nagka problema kasi kami ng malaki doon at hindi kayang solusyonan ng assistant ko ng mag isa. Mabuti nalang at pumayag ito na sumama sa akin kinabahan pa nga ako kanina ng magyaya sa kanya si Adrian kasi mukhang natutuwa siyang kasama ito.
Nang matapos ang pinapanood naming palabas sa sine ay alas otso pasado na ng gabi. Muli kong niyayang kumain ulit ito at muli ay pumayag naman ito. Ipinag take out ko pa siya ng makakain para may kainin siya bukas bago siya pumasok ng trabaho.
Nang matapos ay niyaya ko na siyang umuwi.
" loisa hatid na kita.. Saan ka nga pala nauwi?.." Tanong ko dito habang nasa parking na kami at pinag buksan ko siya ng pinto ng kotse.
" ah.. Sa may Muntinlupa po.. Nagre rent lang po ako ng apartment.." kaagad na tugon nito. Matapos nitong sumagot ay kaagad na rin akong pumasok ng sasakyan at pinaandar na ito.
Habang nasa biyahe ay tahimik lang ito waring may iniisip. Nang makarating kami ng kanyang apartment ay mas lalo pa akong humanga sa dalaga. Mag isa lang pala itong namumuhay doon at wala manlang siya kahit isang kasama mukhang delikado pa ang lugar na napili niya dahil may nadadaanang bakanteng lote at mukhang mga sira pa ang dalawang poste ng ilaw sa eskinita.
" sige po sir maraming salamat po sa pag hatid niyo.. Nabusog na po ako ay naka libre pa ako ng kakainin para bukas!Hindi ko na po kayo yayayaing pumasok dahil baka gabihin na po kayo sa pag uwi. Maraming salamat po ulit! " saad nito sa akin ng makapasok na siya ng pinto at ngumiti ng malawak.
" okay sige salamat din dahil nakipag date ka sa akin.. " tugon ko dito.
Mukhang nagulat pa ito sa sinabi ko at bahagyang namula.
" what?! Date pala talaga yun sir? Hindi ko po alam yun!.. Kung ganun kayo po pala ang first date ko!.." muli pa nitong saad at tumawa. Ang sarap talaga nitong tingnan habang tumatawa dahil bahagya nanamang namumula ang mga pisngi nito.
" sige loisa.. Ingat ka nalang dito mukhang delikado pa itong napili mong lugar.. I-lock mong mabuti ang mga pinto.. " huling saad ko dito bago tuloyang tumalikod at nag lakad na palayo.
Nang makaalis na ako sa lugar ni eloisa ay kinuha ko sa aking bulsa ang aking cellphone at tinawagan ko ang aking mga tauhan na asikasuhin nila bukas na bukas din ang pag lalagay ng ilaw sa poste na malapit sa apartment ni eloisa. Parang nakakaramdam ako ng takot para sa dalaga lalo na at madalas itong gabi na kung umuwi.