Eloisa's POV:
Pagkabalik namin sa kuwarto ay nauna akong maligo sa dalawa. Nang matapos na akong maligo at makapag bihis ay nag paalam ako sa kanila na kakausapin ko lang muna si sir david bago kami mag byahe paalis ng hotel.
Ngunit naikot ko na ang buong hotel ay hindi ko parin makita si sir david kaya nag pasya akong tawagan ito upang tanungin kong nasa hotel pa ba siya. Nakaka isang dial palang ako ng sumagot ito.
" Hello loisa.. Sorry hindi na ako nakapag paalam sa inyo kanina.. Hinatid ko na kasi si klariz kanina sa condo niya. Bakit may kailangan ka ba?" Agad na bungad nito sa akin.
" ahmm.. Wala naman sir itatanong ko lang po sana kung may balita na kayo tungkol doon sa babaeng matanda kagabi na kamukha ng nanay ko? " agad na tanong ko dito.
Narinig kong nag buntong hininga muna ito sa kabilang linya bago nag salita.
" ahmm.. Loisa nasaan ka ngayon? " Tanong nito sa akin.
" nandito pa po ako sa hotel sir.. " sagot ko dito.
" sige hintayin mo ako diyan.. Babalik ako diyan.. Gusto kitang maka usap ng personal tungkol sa nanay mo.. Ihahatid na rin kita sa apartment mo.. " saad nito sa akin.
" okay po sige.. Pauunahin ko nalang sila rina na umuwi .." sagot ko dito at nawala na ito sa linya.
Pagkatapos kong makausap si sir david ay naglakad na ako pabalik ng kuwarto. Pagka balik ko ng kuwarto ay tapos na maligo sina rina at joy at kasalukuyan ng nagbibihis ang mga ito. Kinausap ko sila at sinabihang mauna na sila umuwi dahil hihintayin ko pang makabalik si sir david dahil gusto daw ako nito makausap ng personal tungkol sa nanay ko.
Pumayag naman ang dalawa at inihatid ko nalang sila sa labas ng gate upang pasakayin ng taxi. Nang makaalis ang dalawa ay agad naman akong naglakad pabalik ng kuwarto iidlip nalang muna ako dahil mukhang matatagalan pa si sir david.
Nang makapasok ako ng kuwarto ay kaagad naman akong humiga sa kama dahil pakiramdam ko ay antok na antok ako.
Makalipas ang tatlumpong minuto ay nagising ako upang umihi. Bumalik ako sa higaan upang ituloy ang pag tulog ngunit may sampung minuto na akong nakahiga at hindi na ako maka tulog pa ulit kaya nagpasya na akong lumabas na at doon ko nalang hihintayin sa labas si sir david.
May kalahating oras pa ang lumipas ng dumating na si sir david. Agad kong kinuha ang bag ko at sumakay na sa kotse ni sir david.
3rd Person POV:
Tinanghali ng gising si Jordan ng mga sandaling iyon. Nang maihatid niya kasi si eloisa sa kuwarto nito ay dumiretso pa siya sa bar na nasa loob ng hotel. Naisipan niya munang uminom ng ilang baso ng alak upang magpa antok kaya halos umaga na siya nakatulog ng makabalik siya ng kuwarto.
Katatapos lang nila ni Roxanne kumain ng agahan ng madaanan niya si eloisa na nakaupo sa lobby. Batid niyang may hinihintay ito. Lalapitan niya sana ito upang tanungin ngunit niyaya siya ni Roxanne na magpapasama daw ito sa pool dahil gusto pa nito muling mag swimming bago daw umuwi.
Nang maihatid niya na si Roxanne sa pool ay nag paalam siya dito na iihi lang. Pero ang totoo ay dumiretso ito sa lobby upang balikan si eloisa. Lalakad na sana ulit siya upang lapitan si eloisa ngunit nakita niyang papalapit si david dito at akmang ihahatid pa nito si eloisa sa bahay dahil mula sa kinatatayuan niya ay sinundan pa niya ang ito nang palihim hanggang sa makarating sila ng parking area nakita niya pang sumakay si eloisa ng kotse ni david.
Nang makita niyang umandar na ang sasakyan ni david ay saka lang siya umalis sa kinatatayuan niya at nag lakad na pabalik ng pool dahil baka hinahanap na ito ni Roxanne.
David's POV:
Nang nasa maynila na kami ni eloisa ay nag pasya akong dumaan muna kami sa isang mall sa las Piñas upang mag hanap ng restaurant na makakainan. Nang makapasok na kami ay nakakita kami agad ng restaurant na malapit lang sa mall entrance doon ko nalang siya niyaya na kumain.
Habang naghihintay kami ng aming inorder ay nag simula na akong mag paliwanag dito. Tumikhim muna ako bago nag salita.
" ahmm.. Loisa.. Regarding doon sa sinasabi mong kamukha ng nanay mo ay wala silang nakita na matandang babae na bulag na gaya ng sa nanay mo.. Inisa isa na ng mga tauhan ko lahat ng mga empleyado doon upang makapag tanong ngunit wala silang nakita ng gaya sa sinasabi mo. Maging mga guards na naka duty ay isa isa na ring tinanong at lahat sila ay iisa lang ng sinasabi. Wala daw naka pasok at naging bisita kagabi na matandang bulag. Imposible naman daw na hindi nila malaman kung bulag ito. Dahil bawat may pumapasok na guest ay tinitingnan nila ang dalang mga invitation card ng mga ito.
Nakita rin ng mga tauhan ko ang record ng lahat ng cctv sa hotel na yun ngunit wala din naman silang nakita na katulad ng sa nanay mo.
May mga iilan kaming naging bisita na matandang babae kagabi ngunit walang bulag sa kanila at imposibleng isa sa kanila ang nanay mo dahil mga asawa sila ng mga business partners ni dad.. At lahat sila ay nakausap at nakamayan ko din.. "
Mahaba kong paliwanag dito.
Nang matapos akong magsalita ay nakita ko itong yumuko at nangingilid na ang kanyang mga luha. Tumayo ako at niyakap ito habang nakaupo. Hinimas himas ko pa ang kanyang likod.
" Huwag mo sana masyadong dibdibin ang pagka wala ng nanay mo loisa.. Alam ko kung gaano kang nasasaktan dahil sa pagkawala niya. Pero isipin mo rin ang sarili mo baka kung anong magiging epekto niyan sayo kapag hindi mo binawasan ang kakaisip mo sa nanay mo.. " muli ko pang saad dito.
Nagpunas ito ng kanyang mga luha sa mata at nang matapos ay tsaka ito nag salita.
" ibig niyo bang sabihin sir na nababaliw na ako dahil kung sino sino na ang napag kakamalan kong nanay ko? O dahil sa patay na ang nanay ko at multo niya nalang ang nakikita ko..." saad nito at muling umiyak.
" hindi naman sa ganun loisa.. Ang ibig ko lang sabihin ay kailangan mong kontrolin ang sarili mo.. Baka may masamang maging epekto sayo ang sobrang pag iisip.. Sa maiksing panahon ay napalapit ka na sa akin.. At ayoko naman makitang may mangyari sa iyong masama.. Nag aalala lang ako sayo na baka mapa bayaan mo na ang sarili mo at magka sakit ka.. " sabi ko dito at bumalik na sa aking upuan.
Maya maya ay dumating na ang aming inorder na pagkain. Sinabihan ko itong kumain muna kami bago ituloy ang aming pag uusap. Sumunod naman ito at agad na sumubo. Habang kumakain kami ay bahagyang sinusulyapan ko siya. Nakayuko lang siya habang kumakain batid ko na may iniisip ito. Umaasa ako na mapagtanto niya ang lahat ng mga sinabi ko sa kanya.
Mga ilang sandali pa ay natapos na kaming kumain. Hindi parin siya nag sasalita hanggang sa ako na ang bumasag ng katahimikan naming dalawa.
" loisa.. Nauunawaan mo ba ako? Nag-aalala ako sayo sana maunawan mo ang lahat ng sinabi ko sayo.. Magaling ka matalino at mabait na bata.. Alam kong magiging okay din ang lahat para sayo... Kung talagang buhay pa ang nanay mo ay babalik at babalik siya sayo.. Hayaan mo at magha hire ako ng taong maa-aring tumutok sa kaso ng nanay mo.. Okay na ba yun sayo?.. " tanong ko pa dito. Nag angat ito ng paningin. tumingin sa akin at tsaka tumango ng bahagya.
Ngumiti ako dito bago muling nilapitan at tinapik ito sa braso.
"o paano ihahatid na kita sa apartment mo.." tanong ko dito.
Tumango lang ito sa akin at ngumiti ng bahagya. Tinawag ko ang waiter gamit ang pag taas ng aking kanang kamay nang makita ako nito ay kaagad na lumapit at binayaran ko kaagad ang aming mga inorder. Medyo marami pa ang tira naming pagkain pina balot ko ito sa waiter at tsaka ibinigay kay loisa para may makain siya pag uwi niya ng apartment niya. Kinuha naman niya ito at nagpa salamat.
Habang nasa biyahe kami ay tahimik parin ito. Hinayaan ko na muna siyang makapag isip. Tsaka ko nalang ulit ito kakausapin sa susunod na mga araw. Pag hinto namin malapit sa apartment niya ay bumaba pa ako para maihatid mismo ito sa kuwarto na tinutuluyan niya.
" ano loisa okay ka lang ba.. Gusto mo samahan muna kita dito maya maya nalang ako aalis para may maka usap ka.." tanong ko pa dito ng makapasok siya ng pinto.
" opo okay na ako sir.. Huwag na po kayong mag alala sa akin... Napag isip isip ko po na tama ang sinabi ninyo.. Maari nga naman na maapektuhan ang trabaho ko kapag dinib-dib ko pa ang pagkawala ng nanay ko.. Salamat po pala sir sa pang unawa.. Na appreciate ko po lahat ng sinabi ninyo.. " sabi nito at tsaka ngumiti na nang malapad. Nakahinga naman ako ng maluwang ng makita kong ngumiti na ito at mukhang okay na nga siya.
" sige na aalis na ako ha.. Para makapag pahinga ka na.. Basta yung mga sinabi ko sayo isipin mong mabuti.." huling saad ko dito bago umalis.
" okay po sir thanks po ulit.." saad pa nito at tuluyan na akong tumalikod at nag lakad pabalik ng sasakyan.