Nang matapos kong kantahin ang kantang she's gone ng steal heart ay may ilang babae at lalake pa ang lumapit sa akin upang mag request na kantahin ko ang mga napili nilang kanta.
Hindi naman ako nag dalawang isip na pag bigyan sila. Buong puso kong kinanta ang kanilang mga song request. pambawi na rin sa eksenang aking nagawa kanina. Nag mistula akong isang concert queen sa maliit na entablado. Mabuti nalang at nagka taong alam kong kantahin ang mga ipina pakanta nila sa akin. Masaya ako habang kumakanta dahil nakikita kong napapasaya ko sila. Nang makaramdam ako ng pagod ay nag pasya na akong tumigil at bumaba na ako ng entablado.
Pagkababa ko palang ay agad na akong sinalubong nina rina at joy. Niyakap nila ako at pinapurihan. Tuwang tuwa daw sila dahil nakita nila akong nag I-enjoy matapos ng pang yayaring naganap kanina.
Hinila ako sa kamay at dinala sa pool. Niyaya nila akong maligo na dahil hindi pa daw ako naliligo. Agad ko naman silang pinag bigyan. Tuloyan ko ng nilublob ang sarili ko sa tubigan at nag lunoy sa mababang parte nito.
Naging masaya naman ako ng gabing iyon. Tuloyan kong pinag enjoy ang aking sarili dahil alam kung bukas ay back to work nanaman kami at magiging busy nanaman ang magiging araw ko.
Bukas ko nalang din iisipin ang tungkol sa nakita kong babae kanina na kamukha ni nanay. Nangako naman si david na paiimbestigahan niya kaagad bukas ng umaga kung may bulag nga na matandang babae ang pumasok sa gusali.
Nag kuwentohan kami at paminsan ay nag bibiruan at nag hahabulan din sa pool. May ilang mga kalalakihan din ang lumapit sa amin at nakipag kilala at sandaling mga nakipag kwentohan at tapos ay magpapaalam na aalis na dahil hinahanap na daw sila ng mga kasama nila. Nang akma na kaming aahon sa pool dahil balak na naming bumalik sa kuwarto upang makapag pahinga ay may isang lalaki na matangkad naman ang lumapit sa akin at nakipag kilala. Siya daw si adrian isa sa mga bisita nila jordan at david. Maputi ito at guwapo halos kasing tangkad lang din ito ni david. Anak daw siya ng isa sa mga kasosyo sa negosyo ng mga del Castillo.
Nang mapansin nina rina at joy na wala pa itong balak umalis at mukhang mag tatagal pa dahil may balak pa ata itong makipag kwentohan sa akin ay nagpa alam na sa akin ang dalawa na iiwan muna nila ako sa pool at mauuna na daw silang bumalik ng kuwarto at babalikan nalang daw nila ako maya maya.
Tumango naman ako sa mga ito bilang tugon sa kanilang sinabi na magpapa iwan muna ako sa pool. Ayaw ko naman kasi maging bastos kung papalayasin ko ang lalaking kakarating lang at gustong makipag kwentohan sa akin. Nang umalis na sina joy at rina ay Umupo ako sa gilid ng pool habang naka lubog ang dalawa kong paa sa tubigan. Ang lalakeng si adrian naman ay tumayo sa parteng pinag upuan ko at tsaka isinandal ang kanyang katawan sa pool at naka taas pa ang dalawa niyang braso sa ibabaw ng pool at naka tingin sa akin habang nagku kwento ito.
Napag alaman ko na isa pala siyang doktor at kasalukuyang naka asign sa ospital na malapit lang din sa pasay. Nalaman ko rin na nag iisa lang pala siyang anak ng kanyang mga magulang at taga pagmana pa ng iilang mga negosyo ng kanyang pamilya.
Tinanong niya ako kung may boyfriend na daw ba ako. Nang sinabi ko na wala ay nag paalam siya na kung pwede niya raw akong ligawan. Pumayag naman ako dahil sa palagay ko ay wala naman masama kung mag papaligaw ako. Mukhang mabait naman ito. Patuloy kaming nagkukwentohan at paminsan ay nagtatawanan din. May pagka joker din pala itong si adrian kinukwento niya kasi sa akin ang mga kalokohan niya noong estudyante palang siya.
Nag panggap daw siyang patay noong nasa ojt palang siya ng pagiging doktor. Nang akma na daw na ooperahan na siya ng mga kapwa niya estudyanteng doktor ay bigla daw siyang gumalaw at nag takbohan daw ang mga kapwa niya estudyante.
Tawa ako ng tawa ng matapos niyang ikuwento iyon sa akin. Habang tumatawa ako ay hindi ko namalayan na napapalakas na pala ang tawa ko.
Nang sa likurang ko ay may baritonong boses na nagsalita.
" uhmm.. Mukhang nag kakasiyahan kayo diyan ah.."
Nilingon namin ito at si Jordan ang lalaking nag salita. Lumapit ito at umupo sa kaliwa malapit sa akin. Bigla tuloy akong akong na pipi at napahinto sa pag tawa. Si adrian ang muling nag salita.
" hey bro! Ang sarap ng kwentuhan namin nitong si rina. Ang sarap pala tumawa nito. Tawang tawa siya sa mga kuwentong barbero ko!" Sabi pa nito at tsaka tumawa ulit.
Hindi ko rin tuloy napigilan na tumawa pa ulit at palakas pa ito ng palakas. Napansin ko naman na naka tingin sa akin si jordan at naka kunot ang noo nito. Napansin naman ito ni Adrian at nag salita.
" hey Jordan! Pare, bakit seryoso yata ang mukha natin ngayon. Nag away ba kayo ng girlfriend mo?.." Tanong ni Adrian kay jordan.
Nag bawi ng tingin sa akin si jordan at tumingin ito kay adrian. " hindi naman bro.. Ayun nandoon na sa kuwarto namin at inaantok na daw siya kaya hinatid ko na kanina. " Sagot nito kay adrian.
" hinatid na daw niya sa kanilang kuwarto.. Ibig sabihin may nangyayari na sa kanila.." Sabi ko sa aking isip.
Hindi ako umimik at patuloy na nilalaro ang tubig sa aking paa. Narinig kong nag salita ulit itong si adrian." uy pre ang tagal niyo na ng girlfriend mo ah.. Wala pa ba kayong balak na magpa kasal.?" tanong ulit ni Adrian kay jordan.
Sumagot naman kaagad si jordan dito. " ewan ko kay Roxanne.. matagal ko na siyang niyaya dahil gusto ko ng magka anak ay ayaw pa naman daw niya dahil hindi pa raw siya sawa sa pagiging modelo niya.. " Muling sagot ni jordan kay adrian. Nag salita ulit si adrian.
" ganun ba pre! Naku buntisin mo na kasi para hindi na maka tanggi pa. Kapag buntis na yun ay wala na siyang magagawa kundi ang magpa kasal sayo.. " sabi pa ni adrian at tsaka tumawa.
Hindi na muling sumagot pa si Jordan sa sinabi ni adrian. Agad na nag salita ulit si adrian at mas lumapit pa ito sa akin.
" uy loisa, natahimik ka na diyan.. Hindi ka na nag salita pa.. Nag punta lang dito si jordan ay nag seryoso ka na diyan.." tanong nito sa akin at bahagyang tinapik pa ako sa braso.
" eh kasi wala naman akong alam sa pinag uusapan niyo.. At tsaka parang usapang panlalaki naman yan.. " sabi ko dito at humikab.
Tahimik lang si Jordan at bahagya pang tumingin ito sa akin. Nag salita ulit si Adrian.
" uy loisa inaantok ka na ba? Tara turuan nalang kitang lumangoy. Diba hindi ka marunong lumangoy kaya nga muntikan ka pang malunod kanina.. Tara doon tayo sa bandang gitna walang tao. Doon kita tuturuan.." sabi nito sa akin at bigla akong hinila sa kamay. Nang hinila niya ako sa kamay ay medyo nagulat pa ako dahil pakiramdam ko ay biglang lumamig ang tubig nang bumagsak ako sa tubigan at nabasa na ang kalahati ng aking katawan. napa hawak pa ako sa aking mga braso sa lamig ng tubig. Hihilain na sana ulit ako ni adrian palayo nang bumaba din si jordan sa tubigan at nag salita.
" mukhang inaantok na si eloisa pari.. Ihahatid ko na siya sa kuwarto nila.. May pasok pa kasi sa office yang mga yan baka hindi maka pasok." agad na saad ni jordan kay adrian.
Tumingin sa akin si adrian na parang hinihintay niya ang magiging reaksiyon ko sa sinabi ni jordan. Tumikhim muna ako bago nag salita.
" ahmm.. Oo Adrian eh..kailangan ko nang matulog.. At isa pa Inaantok na rin ako.. Salamat nalang ha.." sabi ko dito.
" ganun.. Sige next time nalang loisa.. Promise tuturoan talaga kitang lumangoy.." sabi nito sa akin.
Akmang tatalikod na ako nang mag salita ulit ito." bukas papasyalan kita doon sa office mo ha. Kakain muna tayo sa labas bago kita ihatid sa inyo." sabi pa nito sa akin at ngumiti.
" okay sige adrian.. Mauna na ako sayo.. " sabi ko dito at gumanti ako ng ngiti dito. Kumaway kaway pa ang kamay ko bago tuloyang tumalikod at nag lakad palayo. Paakyat na sana ako ng hagdan ng pool nang may maramdaman akong may naka sunod sa akin. Lumingon ako sa aking likuran at nakita ko si jordan. Siya pala ang naka sunod sa akin. Hindi ko ito pinansin at nagpa tuloy lang ako sa pag lalakad papunta sa kuwarto namin. Nang mapansin kong naka sunod parin ito sa akin ay hindi ko na napigilang mag salita dito.
"ahmm.. Sir doon din po ba sa kuwarto namin banda ang kuwarto ninyo?" tanong ko dito.
" hindi" tanging sagot niya.
" eh bakit po naka sunod kayo sa akin?" muli kong tanong dito.
" inihahatid ka papunta sa kuwarto niyo." agad na sagot nito sa akin.
" ah eh.. Bakit po? Alam ko naman po ang kuwarto namin. Hindi niyo na po ako kailangan ihatid. Sige na po mauna na po kayo baka hinahanap na kayo ng girlfriend niyo.. Kaya ko po bumalik mag isa sa kuwarto.. Salamat nalang po sir.." sabi ko pa dito. At mas binilisan ko pa ang lakad ko.
Muli ko siyang narinig na nag salita." loisa nanliligaw ba sayo yung si adrian? " tanong nito sa akin.
" ahmm.. Opo nag paalam po siya sa akin na manliligaw daw po siya sa akin. Bakit po sir? May masama po ba? Mukhang mabait naman iyong tao. At tsaka masarap po siyang kausap." sabi ko pa dito.
Patuloy parin siyang naka sunod sa akin. Hindi nalang ako umimik pa at nagpa tuloy nalang sa pag lalakad.
" mag iingat ka kay Adrian huwag ka masyadong mag papaniwala dun. " muli pang saad nito.
Hindi nalang ako nag salita pang muli. Hanggang sa makarating na ako sa pintuan ng kuwarto namin. Huminto ako at umikot paharap dito.
" ah sige po sir.. Salamat po sa pag hahatid ha. " sabi ko dito at bahagyang ngumiti. Tumango ito at tsaka ngumiti pabalik sa akin.
"good night loisa.." huling sabi pa nito bago tumalikod at nag lakad palayo.