Chapter 20 - Chapter: 20

Eloisa's POV:

Mabilis akong nag lakad upang mahabol ko ang matandang babae. Malapit ko na itong maabutan. Nakita ko itong lumiko sa kaliwa at halos limang hakbang nalang ang pagitan namin ng mabangga ko ang babaeng serbidora na may hawak na bote ng alak. Nahulog ang bote ng alak sa sahig at nabasag ito kasabay ng pagka basag ng bote ng alak sa sahig ay kaagad na kumalat ang likido sa sahig at kasabay nun ay nadulas ang babaeng serbidora. Agad ko itong tinulungan maka tayo. At nang makatayo na ito ay dali dali na akong tumakbo sa kinaroroonan ng matandang babae ngunit hindi ko na ito matanaw pa. Lumakad ako ng lumakad hanggang sa mapunta ako sa hardin inikot ko ang aking paningin lakad takbo kung inikot ito at nang hindi ko makita sa hardin ay tumuloy akong nag lakad sa may gawi ng swimming pool magbabaka sakali akong makita ko ito doon. Habang naglalakad ako ng mabilis ay panay tawag ako dito ng

" Inay! Inay! Inaaay...! Nasaan ka na po inay!..."

Hindi ko na napansin na nakukuha ko na pala ang atensiyon ng lahat ng taong nadadaanan ko. Halos lahat sila ay nakatingin sa gawi ko. Nang marating ko na ang pool area ay paikot ikot akong naglakad dito. Hanggang sa marating ko na ang dulo ng pool may narinig akong tumatawag sa pangalan ko. Ngunit hindi ko ito pinapansin dahil si inay ang gusto kong makita. Wala akong ibang nasa isip ng mga oras na yun ay kundi ang makita ko si inay. halos pabalik balik kung nilakad ang pool. Hindi ko ramdam ang pagod ko. Kahit na medyo nararamdaman ko ng nahihilo ako ay hindi ko ito ininda. Patuloy lang ako sa pag tawag ng pangalan ng inay ko.

" Inay, inay, inaaaaay!.. Saan ka na po! Parang awa mo na nay mag pakita ka sa akin! Ako ito si eloisa...! Naaay...!" Huminto ako sandali nang muntik na akong madulas at aakma na sana akong tatakbo ulit nang may biglang humawak sa braso ko pagtingin ko ay Si david basang basa pa ito at tumutulo pa ang tubig sa katawan niya.

" Loisa what happen?! May problema ka ba? " tanong nito na na may pag aalala sa boses.

Tanging iling lang ang naisagot ko ng hindi nakatingin sa mukha nito. Iniikot ko parin ang aking paningin sa paligid Tumalikod ako kay david at muli ay patakbo akong umalis babalik sana ako sa loob upang doon umikot ulit nang biglang tuloyan na akong nadulas at nahulog sa pool. Hindi ko napansin na may sira palang tiles sa gilid ng pool. Naapakan ko ito at naging sanhi ng pagbagsak ko sa tubigan. Nahulog ako sa may parteng malalim. Agad akong nataranta ikinampay kung pilit ang mga kamay ko dahil hindi ako marunong lumangoy. Nakainom na ako ng tubig at nahihirapan na rin akong huminga. dahil napasukan na nang tubig maging ang ilong ko patuloy ko parin na ikinampay ang mga kamay ko nang biglang may nararamdaman akong mga brasong pumulupot sa katawan ko at hinila ako paitaas. Tinulongan niya akong maka sampa sa itaas. Itinulak niya ang pang upo ko paitaas. Nang makasampa na ang kalahati ng katawan ko ay kaagad kong itinaas ang dalawa kong binti upang tuluyang maka sampa.

Hingal na hingal ako at pilit na hinahabol ang aking pag hinga. Bahagya pa akong umubo ubo dahil sa tubig na nainom ko. Hindi kaagad ako naka tayo umupo muna ako saglit sa sahig. Naramdaman kong may humila sa dalawa kong braso para maka tayo ako. Nang maka tayo ako ay sandali ko pang ipinikit ang mga mata ko at hindi ko na napigilang umiyak. Napa hagulhol na ako ng iyak. Dala na rin ng takot at pag takbo ko ng matagal ay naramdaman kong unti unting bumibigay ang mga tuhod ko. Hanggang sa may nararamdaman ulit akong may mga bisig na sumalo sa akin. Pilit kong iminumulat ang mga mata ko. Mukha ni jordan ang nasilayan ko. At naka titig siya sa mga mata ko na may pag aalala.

" What's wrong?.. Anong nangyayari sayo bakit ka takbo ng takbo..?!" He ask me in whisper.

Mag sasalita na sana ako ng biglang dumating sina joy at Rina na kapwa hingal na hingal. Lumapit na rin si david at halos sabay-sabay silang nag salita.

" Can you please calm down loisa.. Ano bang problema? Baka may maitulong kami sayo..?" Agad na tanong sa akin ni david.

" Loisa ano ba nangyari ha. Bakit bigla ka nalang tumakbo?.. My god! Nawala ang lasing ko sayo friend pinag pawisan kami kakahanap sayo.." tanong naman ni rina.

Hindi kaagad ako nakapag salita huminga muna ako ng malalim.

" Si inay nakita ko.. Nakita ko siya rina.." Tanging na sabi ko at nag lakad muna ako papunta sa upuan na malapit sa kinaroroonan namin dahil nanghihina parin ang mga tuhod ko. Agad naman din silang nag lakad at sumunod sa kinaroroonan ko. Nang maka upo ako ay muli akong nag salita.

" rina nakita ko si nanay.. Siya yun.. Hindi ako maaring mag kamali.. Ang height niya ang mukhang niya maging ang katawan ay siyang siya." Sabi ko sa mga ito.

" Baka naman na Malik mata ka lang friend.. Imposibleng mapunta dito ang nanay mo.. Diba sabi mo bulag siya. Eh paano siyang nakapag lakad ng mabilis..?" Kaagad na saad ni rina at nameywang pa ito.

Napa lamukos ako ng mukha ko dahil na ba blanko ako at Hindi pa ako makapag isip ng maayos dala nang pagka bigla ko kanina.

" okay ganito nalang bukas na bukas din ay magpapa imbestiga ako dito kung may matandang babae na bulag na pumasok dito. Okay.. Kasi pwedeng tama naman si rina loisa.. Maa aring namalik mata ka lang.. Dala ng sobrang pag iisip mo sa nanay mo..." Sabi pa ni david.

Sunod sunod na pag iling lang ang naisagot ko.

" sige loisa ha. Babalitaan kita bukas na bukas din okay.. Kumalma ka na muna ngayon.. At I-enjoy ang gabing ito. " Pagka sabi niyang yun ay napansin kong dumako pababa ang paningin niya sa katawan ko.

Doon ko lang naalala ang itsura ko naka suot nga pala ako ng two piece lang dahil hindi ko na naisuot pa ang binibigay ni rina kanina na pandoble. Dahil kaagad na akong tumakbo para habulin ang matandang babae.

Kaagad akong tumayo patalikod sa kanila. Nang akma na akong mag lalakad pabalik ng kuwarto ay biglang nag salita si rina.

"hey! Eloisa naman.. Matapos ang lahat ganun nalang tatalikuran mo nalang kami bigla.. Kaya nga tayo nag punta dito para mag swimming diba.. Tapos bigla ka nalang aalis.." protesta ni rina at kumamot kamot pa ito sa ulo.

" oo nga naman ms. Loisa.. Tama naman si rina akala ko ba magsu swimming na tayo... " tanong ni joy sa akin.

" sige girls.. Maiwan ko na kayo ha.. Enjoy the night.. Loisa! " paalam ni david na sa akin naka tingin at tumawa ng bahagya bago tumalikod palayo.

Napansin ko ring hindi pa pala umaalis pati si jordan. Nakatingin ito sa akin at nag tama ang mga paningin namin. Hindi ko matagalan ang pag titig niya kaya ako ang naunang nag baba ng paningin. Ibinaling ko kanila rina at joy ang mga mata ko.

" sige na nga mag swimming na tayo..." sabi ko sa kanila rina at joy. At agad naman na ngumisi ang dalawa.

Naisip ko kasi para maka bawi sa kanila dahil na pagod din sila sa kakahanap sa akin. Nang makita ko na hawak pala ni rina ang mala lambat na bestida na ipapahiram niya sana sa akin ay kaagad ko itong hinablot at isinuot. At nang maisuot ko ito ay kaagad naman akong hinila sa kamay ng dalawa papalapit sa mababaw na bahagi ng pool. Nang maka lapit kami sa pool ay kaagad ding lumusong ang dalawa sa tubigan habang ako naman ay nag pasyang umupo nalang sa ibabaw ng pool at nilaro laro ng mga paa ko ang tubig.

Seryoso parin akong nag iisip habang naka upo. Hindi parin kasi mawala sa isip ko ang itsura ng matandang babae kanina. Kamukhang kamukha talaga ito ni nanay. Napukaw ang pag iisip ko ng may marinig akong kumakanta sa stage. Agad kong inikot ang aking paningin sa kinaroroonan ng kumakanta. Maganda ang boses ng babaeng kumakanta.

Naisip ko tuloy na kumanta nalang din dahil ito naman talaga ang hilig ko. Kahit sa school dati ay sumasali ako sa mga events para lang kumanta. Nahasa ang boses ko dahil siguro sa palagi kong pakikinig sa radyo ng mga musika. Ito kasi ang naging libangan ko dahil wala naman kaming naging tv sa bahay. Nang matapos na ang babaeng kuma kanta ay tumayo ako at nag lakad papunta sa stage kung saan naka lagay ang videoke pinindot ko ang number na gusto kong kantahin. Ang Kantang Shes gone ng steal heart ang napili ko. Iaalay ko ito kay nanay. Nang nag sisimula na ang music ay nag salita muna ako.

" Good evening everyone.. I didicated this song for my mother.. Inay.. i miss you so much... And I love you... This song is for you." saad ko bago nag simulang kumanta.

" She's gone... Out of my life.. I was wrong.. I'm to blame.. I was so untrue.. I can't live without her love... In my life.. there's just an empty space.. All my dreams are lost.. I'm wasting away.. For give me.. Girl... Lady....Won't you save me.. My heart's belong to you... Lady,Can you forgive me.. For all I've done to you.. Lady, oh lady..

Ipinikit ko pa ang aking mga mata habang pa tuloy sa pag kanta..

She's gone.. Out of my life.. oh she's gone.. I find it so hard to go on.. I really miss that girl my love.. Come back.. Into my arms i'm so alone.. I'm begging you.. I'm down on my knees... Forgive me girl.... For all I've done to you...."

Hanggang sa matapos ko ang kanta at narinig kong nag palakpakan silang lahat.