Chapter 19 - Chapter: 19

Umirap naman dito ang kanyang kasintahan at uminom sa basong hawak niya bago nag salita.

" Hey! Why are you laughing at me! Is there anything funny about what I said?! " Tanong ng babae kay jordan na mukhang naiinis na.

" Nothing hon.. Just never mind." Tanging naisagot nalang ni jordan sa babae. At tsaka ito muling uminom sa hawak niyang baso na naglalaman ng alak.

Eloisa's POV:

Tapos na akong kumain at naisipan kong tawagan sina rina. Ngunit naka ilang dial na ako ay hindi ito sumasagot maging si joy ay tinatawagan ko na rin at hindi rin ito sumasagot. Sinipat ko ang ang oras sa aking cellphone mag aalas onse na pala ng gabi. Tumayo ako at naisipan kong maglakad lakad para hanapin sila. Mga ilang sandali pa akong naglakad at sa di kalayuan malapit sa may pool ay natanaw ko sila na naka upo sa may upoan na nasa harapan ng isang puno. Kaagad akong naglakad pa palapit sa mga ito. Habang naglalakad ako papalapit sa mga ito ay napansin kong may hawak silang baso sa kani kanilang mga kamay. Nagku kwentohan sila at nag tatawanan. Nang makalapit ako ng tuloyan sa mga ito ay napansin kong mamula mula na ang kanilang mga mukha lalo na si joy. Mukhang alak ang iniinom nila. Tumikhim muna ako bago nag salita dahil mukhang hindi nila ako napapansin.

" uhmm.. Hey girls tawag ako ng tawag sa inyo ah.. Hindi kayo sumasagot. At mukhang nala lasing na kayo ah.. " Agad na tanong ko sa mga ito pagkalapit palang sa kanila.

Tumayo si rina at hinawakan ako sa kamay. " Hey loisa.. Come on let's join us! Kahit ngayon lang friend mag pakasaya ka muna okay.. Huwag ka masyadong serious sa buhay.. Tingnan mo sila oh ang saya saya nila." At itinuro ang mga nagkukumpulan na mga lalake at babae sa gitnang bahagi ng pool malakas silang nag tatawanan at waring nag hahabulan.

" Oo nga po ms. Loisa.. Lets enjoy the party! Bukas back to work nanaman po tayo niyan.. Samantalahin po natin ang gabing ito para makapag relax naman.." Agad na Saad pa ni joy. Tumahimik muna ako at nag isip sandali.

" alright sige! Sasamahan ko kayo pero huwag na kayong uminom ng marami ha.. Tingnan niyo ang pupula na ng mga mukha ninyo.. " Sagot ko sa mga ito at tsaka umupo sa  tabi ni Joy.

" Kamusta sis nagkita na ba kayo ni sir david? Nagka usap na ba kayo?" Agad na tanong sa akin ni rina ng maka upo na ako.

" Oo naka usap ko na siya bago ako kumain kanina ay hinanap ko muna siya at nakita ko siya kasama yung fiancee niyang si klariz.." Sagot ko dito.

Inabutan ako ng baso na may lamang alak ni Rina at kinuha ko naman ito. Inamoy ko muna bago ko ininom.

" don't worry sis hindi naman yan matapang its just a wine.. Huwag ka nalang uminom ng marami para hindi ka malasing. Mukhang hindi ka pa naman sanay uminom.." agad na saad ni rina at tinapik ako sa braso.

Nang marinig ko ang sinabi ni rina ay uminom muna ako nang kaunti nilasahan ko muna ito kung hindi mapait. At nang malaman kung hindi naman mapait at medyo manamis namis ito ay tuloyan ko na itong ininom. Panay ang kuwentohan naming tatlo at tawanan nakalimutan ko tuloy ang problema ko sa pagka wala ni nanay.

Nakaka limang baso na ako ng naiinom na wine ng makaramdam ako ng bahagyang pag iinit ng aking mukha.

Habang nag tatawanan kaming tatlo ay may dumaan sa harapan namin na isang lalake at babae na sobrang sweet sa isa't isa naka pulupot ang braso ng lalake sa balakang ng babae at ang babae naman ay halos nakayakap na sa lalake. Maganda ang babae at sexy sa suot niyang two piece swim suit na kulay itim at halos lumuwa na ang kanyang dibdib dahil tanging n*****s nalang ata ang natatakpan dito at ang lalake naman ay naka trunks lang ito na kulay abo at walang damit na pang itaas.

Nang sipatin ko ang mga mukha nila ay agad kong nakilala ang mga ito sina jordan at ang girlfriend niya marahil. Maya maya pa ay may dumaan ulit na couples magka holding hands naman sila at naka two piece din ang babae ng kulay pink at naka buhol na parang laso ang design ng pang ibaba nito sa magkabilaang bahagi at ang kasama niyang lalake naman ay naka trunks ng kulay itim at wala rin itong pang itaas na damit.

Nang sipatin ko rin ang kanilang mga mukha ay nakilala ko rin ang mga ito. Si david at ang fiancée niyang si klariz. Hindi sila napansin ng dalawa kong kasama na sina joy at rina dahil nag haharutan ang mga ito. Kinikiliti ni rina si joy sa tiyan at ang isa naman ay pilit na lumalayo dito habang iniikot ang kanyang katawan sa upuan.

Hindi ko parin inaalis ang mga mata ko sa dalawang paris na unti unti nang inilulubog ang kanilang mga katawan sa tubig. At tuluyan na silang lumangoy. Maya maya ay may nag abot sa akin ng isang basong may laman na alak. Nang nilingon ko ito ay si rina.

" Girls, tama na ayoko na uminom.. Medyo nag iinit na ang pakiramdam ko baka malasing ako.." Sabi ko sa mga ito at ibinaba ang baso sa table na nasa harapan namin.

" okay.. That's enough na my friend at baka malasing ka nga mahirap na hindi ka namin kayang buhatin ni joy kahit na payat ka ay matangkad ka naman.. " Kaagad na sagot nito sa akin at tumawa. Tumawa rin si joy at maging ako ay tumawa na rin.

" Sige ganito nalang bakit hindi tayo mag swimming para mawala ang init sa katawan natin.. Medyo kumonti naman na ang nasa swimming pool. " Saad ni joy sa amin at hinawakan kami sa kamay gamit ang magkabilaan niyang kamay.

" Ano sa tingin ninyo?.." muling sabi pa nito at itinaas taas ng sabay ang dalawa niyang kilay habang palipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ni rina.

" Oo nga noh! Why not! May baon naman akong extrang mga damit dahil sinabi naman nila puwede daw mag swimming! Tara swimming tayo matagal na rin akong hindi naka langoy buhat ng  huling umalis ang boyfriend ko." Sabat naman ni rina.

" me too! May baon din akong extrang damit! " agad na saad pa ni joy.

At naka tingin silang dalawa pareho sa akin. Na animo'y nag hihintay ng isasagot ko.

Nag isip ako sandali kung magsu swimming din ba ako. Maya maya ay tumango ako sa mga ito. Naisip ko wala naman siguro masama kung mag enjoy ako kahit panandalian lang. Nang tumango ako ay kaagad naman akong hinila ng dalawa sa magka bilaan kong kamay. Hawak hawak nila ako patungo sa isang kuwarto na pinag iwanan namin ng aming mga gamit kanina.

Nang makarating kami sa kuwarto ay kaagad na nag bihis ang dalawa habang ako naman ay humiga muna sa kama na naka lagay doon. Nang matapos na silang mag bihis at iniabot sa akin ni rina ang isa pang panligo na dala niya. Namangha ako sa suot ng dalawa mga nakasuot pareho ng two piece bathing suit ang mga ito. Kulay pula kay rina at kulay blue naman kay joy na mayroon pang maliit na lasong design sa harapang bahagi ng pang itaas nito.

" Wow! Ang sisexy naman ninyo! Hindi ko kaya mag suot ng ganyan ka sexy!" At tiningnan ko ang iniabot sa akin ni rina na pang ligo. Kumunot ang noo ko at tumingin sa kanila.

" Sorry girls, hindi nalang ako sasamang maligo sa inyo.. Doon nalang ako sa upuan na pinag upuan natin kanina.. Hindi ko kaya talaga mag suot ng ganitong panligo. Pero kung may dala kayong extrang Blouse at short ay sige go ako. Sasama akong maligo sa inyo. Pero kapag ganito ang isusuot ko its a big No! " Mahabang saad ko sa mga ito. At nagka tinginan silang dalawa.

" Eh ms. Loisa hindi ka naman pwede mag suot ng shorts at blouse doon habang naliligo. Wala ka naman po makikita doon na ganun ang suot. Pagtatawanan ka lang nila kapag naligo ka doon na ganun ang itsura mo.. At isa pa wala din po ako dalang short at Blouse tanging ito lang po ang nabitbit ko kanina bago pumasok sa trabaho.. " Paliwanag pa ni joy sa akin. At tumingin ito kay rina.

" Naku sorry girls wala din ako dalang ibang extrang damit na kundi ito lang loisa yung ipapahiram ko sayo.. Sige na friend isuot mo na ito gabi naman eh.. At karamihan mga babae naman na ang naliligo sa pool eh.. Wala naman mawawala sayo kung mag susuot ka ng ganito kahit ngayon lang friend sige na please... " Pagku kumbinsi pa sa akin ni rina.

" Okay sige ganito nalang kung hindi magsu Swimming si ms. Loisa rina ay mas maige pang huwag nalang din tayong mag swimming.. Para walang maiiwan diba... Bumalik nalang tayo dun sa pinag upuan ulit natin kanina at ituloy nalang natin ang kwentohan.." Singit pa ni joy.

Ilang segundong namayani ang katahimikan sa aming tatlo ng mag salita muli si rina.

" Okay sige fine! Kung ayaw ni eloisa na mag swimming mas maganda ngang huwag na tayong tumuloy joy!.. " Sabi nito na parang nango ngonsensya.

Saglit akong nag isip. Akmang magpapalit na muli ng damit ang dalawa ng tumayo ako.

" Sige na nga! Sasama na ako! Nakakahiya naman sa inyong dalawa kung hindi kayo makakapag swimming. " At nag lakad na ako patungong banyo upang isuot ang panligo na pinapahiram sa akin ni rina. Nang matapos na akong magpalit ay kaagad na akong lumabas ng banyo. Pagka labas ko palang ng banyo ay agad kung nakita ang itsura ko sa salaming nakalagay sa may gilid ng kama na nakaharap mismo sa pinto ng banyo. Nakasuot lang naman ako ng kulay puting two piece at nagulat pa ako ng biglang sumigaw si rina.

" Wow! Loisa ikaw ba yan! Ang hot mo girl! Kung ako ang lalake ay paniguradong maglalaway ako. Ang sexy mo pala girl! Sana all may ganyang kagandang katawan! Naku kung ganyan ang katawan ko ay kahit hindi na ako mag damit pa! " Sabi ni rina na pumalakpak pa.

" Wow! Agree ako diyan rina! Grabe ang liit pala ng bewang mo ms. Loisa! At ang balakang mo pak na pak ang laki. Hubog na hubog ang katawan mo. Bakit ba hindi ako naging ganyan kaseksi sayo! At bukod pa doon ang ganda mo pa.. Haaay... Mapapa sana all ka nalang... " Sabi din ni joy habang naka pamewang pa.

" Oo nga! Ewan ko ba diyan kay eloisa! Pilit na itinatago ang kagandahan niya! Imbes na maging confident siya dahil sa gifted siya sa ganda at sexy ay siya namang manang kung manamit! Nasa maynila kana girl wala kana sa baryo niyo. Maano namang bawas bawasan mo yang pagka conservative mo. Ano shall we go!? At langoy na langoy na ako! Mag titinginan nalang ba tayo dito???! " Sabi ni rina na kumamot pa ng ulo.

Ilang sandali akong hindi naka imik. Tinititigan ko pa ang sarili ko sa salamin. Nang napansin kong binuksan na ng dalawa ang pinto at akmang lalabas na.

" Naku girls sorry, hindi ko talaga kaya.. Hindi ko keribels ang ganito ka sexy na suot.. " Sabi ko sa mga ito. Nagka tinginan ang dalawa sa sinabi ko na para bang nagkaka intindihan. Sabay silang lumapit sa akin at ubod lakas na hinila nila ako sa magka bilaang kamay. Tuloyan nila akong nakaladkad palabas ng kuwarto. Nang makalabas na kaming tatlo ay saka nila ako binitiwan.

" Sorry talaga girls pero hindi ko talaga kaya promise! Sana maintindihan niyo ako... Please.." Paliwanag ko sa mga ito at akma na akong babalik ulit sa loob ng kuwarto.

" Teka sandali! May terno nga palang panlabas na net itong swimsuit ko suotin mo nalang para hindi masyadong kita yang katawan mo! Saglit kukunin ko lang! " At patakbong lumakad si rina papasok ng kuwarto. Habang kami ni joy ay naiwan sa labas at doon na lamang naghintay.

Nang makabalik si rina ay may dala na itong kulay pulang parang lambat na style bestida.

" O ayan! Suotin mo loisa.. Para kahit papaano matakpan yang ikinakahiya mong katawan!" Bahagyang pahagis ang pag kakabigay sa akin ni rina kaya dumulas ito sa kamay ko. Akma ko na sanang pupulotin ito sa sahig ng may dumaang matandang babae na mabilis na nag lalakad sa gilid namin. Nabaling dito ang atensiyon ko.

" inay?.. " Tanging nasambit ko at kaagad akong nag lakad para maabutan ito.