Eloisa's POV:
Mag aalas diyes na ng gabi ng makarating ako sa venue ng party. Natagalan ako sa biyahe dahil may nag banggaan na truck at van sa kalye ng zapote area papuntang cavite. Tumagal ng halos isang oras bago nakuha ang dalawang sasakyan na naka hambalang sa kalsada.
Nang makababa ako ng taxi ay kaagad kong tinawagan si rina upang ipaalam dito na nasa labas na ako ng gate. Nang makausap ko na ito ay maya maya lang ay natanaw ko na siya na naglalakad papunta sa gawi ko.
Agad ko siyang sinalubong sa pag lalakad. Saglit kaming nag yakapan at nag beso beso. Iniabot niya sa akin ang dala niyang Paper bag na nag lalaman ng aking pamalit na damit. Kinuha ko iyon at agad niya ako sinamahan sa comfort room na nasa gilid ng hardin.
Pumasok ako sa loob ng medyo may kalakihang cubicle at doon nag bihis. Pagkalabas ko ng cubicle ay kaagad akong nilapitan ni rina na nag hihintay lang sa gilid ng pintuan. Naka suot ako ng kulay pulang bistida na pa v-neck ang neck line At may maliit itong manggas. Medyo hapit sa aking katawan ang dalang damit ni rina. Medyo mahaba naman ito na lagpas tuhod ang haba. Pinarisan ko ito ng suot ko ng kulay puting doll shoes na mayroong lasong design sa harap. Tinanggal ko sa pagkakatali ang aking buhok at sinuklay ito nang matapos na ako sa pag susuklay ay muli ko itong itinali ng mataas at nag lagay lang ako ng pulang Lipstick sa aking labi at isinuot kong muli ang pula at malaki kong eye glass at tsaka nag wisik ng kaunting pabango sa aking katawan.
Nang matapos na ako ay niyaya ko na si rina na lumabas. Nang maka labas na kami ng comfort room ay kaagad akong nagpa alam kay rina na hahanapin ko si sir david. Nag lalakad ako papunta sa loob ng bulwagan. Habang naglalakad ako ay may nadaanan akong isang napaka laking Swimming pool at nakita kong maraming mga naliligo dito at ang iba naman ay naka tayo lamang sa may gilid ng pool at may mga hawak na baso sa kamay at umiinom. Marahil mga bisita ito na dumalo ng party. May ilan ilan naman akong nakikita naninigarilyo sa bandang sulok ng pool. Napansin ko rin na napa liligiran ito ng maraming mga ibat ibang kulay ng bulaklak at halaman. Mayroon ding fountain sa may gitnang bahagi ng pool at may mga naka upo sa ibabang bahagi nito at nagkukwentohan. Sa di kalayuan ay mayroong maliit na stage at videoke kung saan pwedeng kumanta kung sino ang may gusto. may iilan ding babae at lalaki ang nag kukumpolan sa harap ng stage at pawang nag haharutan at nag tatawanan ang mga ito. Nang maabot ko ang dulong bahagi ng malawak na hardin ay may nakita akong isang malaking pintuan marahil isa rin itong pinto papasok sa loob ng bulwagan. Pumasok ako dito at habang naglalakad ako papasok ay naka rinig ako ng musika ng pag ibig para sa mga taong nag mamahalan.
Nang tuloyan na akong maka pasok ay may nakita akong stage sa gitna at may lalaking umaawit habang naka upo. Sa harapang bahagi naman ng stage ay mayroong mga magkaka pareha na sumasayaw ng sweet dance. At magka bilaang bahagi naman ay mayroong mga lamesang pabilog ang hugis at upuan na naka paikot dito. Sa dulo ng pahabang bulwagan na iyon ay may makikitang mas malaki pang pintuan kumpara sa pintuang pinasukan ko kanina. Marahil ito ang main entrance ng bulwagan.
Huminto ako sa aking paglalakad at inikot ang aking paningin agad kong nakita si sir jordan na naka upo sa harapan ng mataas na lamesa na may mataas ding upuan sa harap at may baso ding hawak sa isang kamay at may katabi siyang magandang babae na pang modelo ang katawan dahil matangkad ito at slim ang pangangatawan mahaba ang buhok nito na lagpas dibdib at kulay chestnut ang kanyang buhok. Nakita ko pang tumayo ang babae at bahagyang umupo sa dalawang hita ni sir at agad na pumulupot ang kaliwang braso ni sir jordan sa balakang ng babae. Marahil ito ang girlfriend niya.
Muli kong inikot ang aking mga mata upang hanapin si sir david at sa di kalayuan ay nakita ko na itong naka upo sa malaking sofa na pang dalawahan at may katabi din itong magandang babae at pawang nag tatawanan sila habang nagku kuwentohan. Nag lakad ako papunta sa gawi nila. Hindi pa ako nakaka lapit sa kanila ay nakita na ako ni sir david at kumaway ito sa akin. Nang makalapit ako sa mga ito ay kaagad namang tumayo si sir david at nag kamayan kami. Ipina kilala niya ako sa babaeng kasama niya na klariz daw ang pangalan at ito daw ang kanyang fiancée. Tumingin ako sa gawi ng babaeng kasama niya at nginitian ko ito. Ngumiti din ito pabalik sa akin. Niyaya niya akong umupo sa upuang nasa harapan nila. Nang maka upo ako ay inalok pa ako ni sir ng maiinom ngunit tumanggi ako dito.
" ahmm.. Sir hindi po ako umiinom." sabi ko dito at ngumiti.
" okay. Good girl ka pala!" Agad niyang sabi at tumawa.
Muli siyang nag salita. " Kamusta ang meeting mo with mr. Agoncillo?" Tanong nito sa akin. Agad ko naman din itong sinagot.
"Okay naman po sir.. Pumayag po siyang mag invest sa atin. Kaagad ko na rin po siya pinapirma ng contract at ibinigay ang duplicate kami sa kanya.." Sagot ko dito.
Muli siyang nag salita. " hindi talaga ako nag kamali ng pagkuha sayo eloisa! Sa una palang may tiwala na ako sayo. Ang galing mo! Malaki talaga ang naitulong mo sa akin simula ng kunin kitang manager ko. At dahil doon ay nagpa pasalamat ako sa iyo eloisa ng malaki. Anyway kanina pa nga kita hinihintay at gusto sana kitang ipakilala kay Dad. Kaso pinag pahinga ko muna si dad sa kuwarto dahil alam kong pagod na ito sa pakikipag usap sa mga bisita. Mamaya kapag lumabas na sila ni mommy ay ipapakilala kita sa kanila.. Teka kararating mo lang ba? kumain ka na ba? " Tanong pa nito sa akin at bahagyang ngumiti.
" Yes po sir kakarating ko lang po.. Nagpaalam lang po ako saglit kay rina na pupuntahan ko kayo.. Medyo natagalan po kasi ako sa byahe dahil may nag banggaan na sasakyan sa kalye na papunta dito.. Kung wala na po kayong sasabihin ay maiiwan ko na po muna kayo ni maam klariz.. Medyo na gutom po ako sa biyahe sir.. " Sabi ko sa mga ito at ngumiti. Tumango naman sa akin si sir david at ngumiti gayon din si mam klariz ay bahagyang ngumiti pa ito sa akin.
Nang makapag paalam ako sa mga ito ay kaagad na rin akong tumayo at naglakad. Habang nag lalakad ay dinial ko ang numero ni rina. Agad naman itong sumagot.
" Hello rina.. Asan ka na.. Tapos na kaming mag usap ni sir david.. Kakain muna ako dahil nagugutom na ako.." Sabi ko dito.
" Nandito kami sa labas sa may upuan na malapit sa pool.. Kasama ko si joy... Sige kumain ka na muna diyan at pag katapos mong kumain ay tawagan mo ulit ako ha para puntahan ka namin diyan okay.. " Agad na sagot nito sa akin.
" Okay sige.. Maya-maya ay tatawagan nalang kita ulit.. " Huli kong saad dito bago pinatay ang tawag.
Luminga ako sa paligid at hinanap ang lamesang pinag lalagyan ng mga pagkain. Nang makita ko ito ay agad akong nag lakad patungo dito. Nang makalapit ay agad naman akong kumuha ng mga gusto kong kainin. Maraming pagkain at sa dami ng maaari mong pag piliang pagkain ay malilito ka pa sa gusto mong kainin. Kumuha lang ako ng dalawang klase ng ulam at medyo dinamihan ko ang kanin. Kumuha din ako ng salad at orange juice. Nang maka kuha na ako ay nag hanap na ako ng puwesto na maaari kong pagkainan. Sarap na sarap ako sa pagkaing aking napili at panay panay din ang ginagawa kong pag subo.
" Grabe nagutom ako ng husto sa tagal ng biniyahe ko.." Bulong ko sa aking sarili habang sumusubo at dinilaan ko pa ng bahagya ang daliri kung nalagyan ng sarsa ng kinuha kong ulam.
3rd Person's POV:
Habang kumakain si eloisa ay sa di kalayuan naman ay naka tingin sa kanya si jordan habang kausap nito ang kanya kasintahan.
" Parang Si eloisa yun ah yung bagong manager ni david.. Grabe ang lakas niya palang kumain.. Pero bakit hindi manlang siya tumataba.." Saad ni jordan sa kanyang isip habang naka tingin parin kay eloisa.
Napansin siya ng kanyang kasintahan na may tinitingnan dahil hindi ito sumasagot sa tanong niya. At sa ibang deriksyon naka tuon ang mga mata nito. Hinanap ng kanyang kasintahan kung saan nakabaling ang kanyang mga mata. At nakita nitong sa kinaroroonan ni eloisa ito naka tingin. Kapansin pansin ang kinaroroonan ni eloisa dahil bukod sa kanya ay wala ng ibang tao na naka upo pa sa lamesang kinakainan niya. Napa iling iling nalang si jordan habang naka tingin parin sa kanya. Muling nag salita ang babaeng kasama nito.
" Hey jordan! Kanina pa ako nag sasalita ah. Hindi mo manlang ako pinapansin. Sino ba kasi yung babaeng yun na tinitingnan mo mukhang kargador sa pier kung kumain. Nakakahiya parang patay gutom! Hindi yata siya nababagay sa lugar na ito." Sabi nito at bahagya pang umirap sa kinaroroonan ni eloisa. Narinig ito ni jordan at nagsalita.
" Grabe ka naman hon.. Marami lang kung kumain ay mukhang kargador na agad sa pier.. Baka gutom na guton lang ang tao kaya ganyan siya kung kumain.. " Sagot nito sa sinabi ng kanyang kasintahan at tumawa ng malakas.