Chapter 17 - Chapter: 17

Rina's POV:

Alas sais imedya na ng gabi at mag sisimula na ang party ngunit wala parin si eloisa. Narito ako ngayon sa harapan ng malaking gate at nag hihintay kay eloisa. Tinatawagan ko ito ngunit hindi ko makontak.

Nakita ko sina sir david at sir jordan na magka akbay habang nag uusap sa may gilid ng Entrance door at kinakamayan ang bawat taong pumapasok. Maya maya pa ay may nakita akong sasakyan na huminto sa harap mismo ng gate. Gumilid ako ng kaunti upang hindi maka abala sa daraanan nila. Maya maya pa ay may bumaba na lalaking naka uniporme marahil ay ito ang driver ng kotse. Binuksan nito ang pinto ng kotse at may bumaba na matandang lalake at kasunod ay matandang babae naman. Ang matandang lalake ay namu mukhaan ko dahil nakita ko na ito ng ilang beses na pumupunta sa office. Ito ang ama ng mag kapatid na jordan at david. At ang kasama nitong matandang babae ay marahil ito ang asawa niya ang ina nina sir jordan at sir david. Mababakas ang angking ganda nito kahit matanda na. Medyo maliit lang ito kung ikukumpara sa height ng matandang lalake matangkad ito na halos kapantay ng taas ni sir david. Maganda ang kanilang nga kasuotan tanda na galing sila sa isang mayamang pamilya. Nang maka baba na itong pareho ay nag lakad sila papasok ng malaking gate at nang mapansin ito ng mag kapatid na jordan at david ay kaagad naman nila itong sinalubong. Niyakap ng dalawa ang matandang lalake at pareho naman silang humalik sa pisngi ng matandang babae. Inalalayan nila ang mga ito papasok ng malaking pintuan. Nang maka pasok na ang mga ito ay kaagad naman ng nag salita ang emcee. Tanda na dumating na ang importanting tao na inaantay ng lahat.

" Good evening everyone! Lets all welcome wholeheartedly and greet the respectable man who is

Behind The success of the Del Castillo construction firm. The founder owner and president Mr. Ramon del Castillo together with he's wife mrs. Vicky del Castillo!"

At narinig ko mula sa labas na nag palakpakan ang lahat ng taong nasa loob at kasunod ay ang magandang musika na tinutugtog ng mga sikat na musikero ng bansa tanda na nag simula na ang kasiyahan.

Tumingin ako sa aking orasan na suot alas siyete na ng gabi ngunit wala parin si eloisa. Muli kong dinial ang kanyang numero. Naka dalawang dial pa ako ng sumagot ito.

" Hey loisa, asan ka na girl?! Kanina pa ako nag hihintay sa iyo dito sa labas. Nag sisimula na sila sa loob.." agad na tanong ko dito.

" sorry nandito pa ako sa restaurant ng mall friend.. Pinauna ko na ngang pumunta diyan si joy at mukhang matatagalan pa ako dito.. Inaantay kong dumating ang kliyente. Nag text kasi ito sa akin na mali late ng dating dahil may emergency daw itong inasikaso pa. Sige na pumasok ka na sa loob baka hinahanap ka na nila doon. Sa loob mo nalang ako hintayin. Tatawagan naman kita kapag papunta na ako diyan.." Agad na sagot nito sa akin.

" Okay sige papasok na ako sa loob.. Bakit naman kasi ngayon ka pa nag karoon ng ka meeting tumapat pa talaga sa okasyong ito. Basta loisa pagka tapos mo diyan bilisan mo na kaagad ang pag punta rito ha.. Sige na nga ba bye na. " Huli kong sinabi dito bago ko ibinaba ang tawag.

Eloisa's POV:

Katatapos lang tumawag ni rina at hinihintay na daw ako nito dahil nag sisimula na ang party.

" Naku sana dumating na yung ka meet ko.. Kanina pa akong ala sais dito halos mahigit isangĀ  oras na ako dito ah.. Mabuti nalang talaga at pinauna ko na si joy.. " bulong ko sa aking sarili

May isang oras pa ang naka lipas bago dumating ang ka meeting ko na si mr. Agoncillo. Nang makita ko na ito na papalapit sa kinaroroonan ko ay agad akong tumayo at nakipag kamay dito. Agad naman kaming nag umpisa nito. Inisa isa kong namang ipina liwanag ang mga dapat niyang malaman mga rules and regulations at ang mga makukuha niyang mga benefits kapag nag invest siya sa company. Sa bandang huli ng matapos na kami ay nag desisyon siyang mag iinvest siya nang sampung milyon. Ibinigay ko na kaagad sa kanya ang magiging kontrata na pinirmahan niya naman kaagad. Nang matapos kami ay alas nuwebe pasado na ng gabi. Dali dali naman akong lumabas ng mall upang mag hanap ng taxi papuntang party. Nang naka sakay na ako ng taxi ay agad kong tinawagan si rina para sabihan ito na papunta na ako.

Rinas's POV:

Pumasok na ako sa loob ng matapos ang pag uusap namin ni eloisa sa cellphone. Nang maka pasok ako ay naka salubong ko si sir david at may hawak itong wine glass sa kanang kamay habang naka pasok ang isang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon. Napaka gwapo nito sa suot niyang kulay abo na tuxedo at kulay itim na pantalon. Mababakas na alaga nito ang kanyang katawan dahil medyo bumabakat sa suot niyang polo ang pumuputok ata nitong mga muscles.

" hi rina.. Right?" Tanong niya sa akin ng naka ngiti. Kaagad naman akong sumagot dito.

" ahmm.. Yes sir rina po.." Nginitian ko naman ito pabalik.

Muli siyang nag salita.

" Diba friend mo si eloisa? Bakit parang hindi ko siya nakikita.." muli niyang tanong sa akin.

" opo sir.. Wala pa nga po siya eh.. May imi meet daw siya na bagong investors sa mall sir at mukhang matatagalan pa daw siya dahil hindi pa raw dumarating ang ka meet niya. Pero ang sabi niya ay pina una niya na raw na papuntahin dito ang assistant niyang si joy.. " Sagot kong muli dito.

Uminom siya ng alak mula sa hawak niyang baso bago muling nag salita. " okay.. Kaya pala hindi ko siya makita kanina ko pa siya hinahanap eh. Yun pala ay wala pa siya.. Tinatawagan ko rin kasi siya kanina hindi ko naman siya makontak. Anyway kapag dumating na siya paki sabi sa kanya na agad niya akong lapitan ipapakilala ko kasi siya kay Daddy. " Huling saad nito.

" okay sir sige po sasabihan ko po siya kapag dumating na siya. Na kaagad niya kayong puntahan. " Sagot ko dito.

Matapos ay tumalikod na ito at nag lakad palayo. Napansin ko na may lumapit na babae kay sir david at yumakap ito at hinalikan si sir sa labi. Ito marahil ang Girlfriend niya. maliit lang ito na ang tantiya ko ay mga nasa 5'1" ang taas at ubod ng puti makinis ang balat at bakat na bakat sa kulay pink niyang long gown na pa off shoulder ang hubog ng kanyang katawan. Naka lugay ang lagpas balikat niyang buhok na kinulayan ng kulay pula. Dahil sa kulay ng kanyang buhok ay mas lalo pa itong pumuti tingnan. Maganda ito at mukhang mabait. Nang mawala sila sa paningin ko ay nag hanap ako ng mauupuan ngunit bago ako umupo ay kumuha muna ako ng makakain sa table na punong puno ng pagkain at may mga waiter at waitresses pa na naka tayo at nag hihintay ng magpapa assist. Pagka lapit ko palang sa table ay napalunok ako bigla mukhang masasarap lahat ng pagkain.

Kumuha ako ng konting kanin at tatlong klase ng ulam. Sinamahan ko na rin ito ng isang slice ng cake at isang baso ng strawberry juice. Pakiramdam ko ay gutom na gutom na ako hindi na kasi ako kumain sa bahay kanina bago umalis. Nang makakuha ako ng mga maka kain ay naglakad na ako pabalik sa napili kung upuan.

Natapos na akong kumain ay wala parin si eloisa. May nakita akong babae na papasok ng pintuan mukhang kakarating lang nito. Ito na marahil si joy na assistant ni eloisa. Palinga linga ito sa paligid mukhang Nag hahanap ito ng mauupuan. Itinaas ko ang kanang kamay ko at kinawayan ito. Nang mapansin niya ako ay naglakad siya sa gawi ko. Tumayo ako at kinausap siya.

" Hi! Ikaw siguro si joy.. Tama?" sabi ko dito at ngumiti. Ngumiti din ito at nag salita.

" hi, oo ako nga si joy.. Ang assistant ni ms. Eloisa.. Pina una niya ako na mag punta dito eh.." sagot nito sa akin.

Niyaya ko itong maupo. Bago ako nag salita ulit." ako nga pala si rina nakasama ni loisa sa makati head office.." pagpapa kilala ko dito nang maka upo na ito ay muli akong nag salita.

" ano gusto mo na bang kumain.. Halika samahan kita para kumuha ng pagkain.. Kakatapos ko lang din kumain eh.. " yaya ko dito.

" sige maya maya nalang medyo busog pa ako. Actually magkasama kami kanina ni ms. Eloisa sa mall at kumain muna kami kanina habang inaantay si mr. Agoncillo. Nang mag text si mr. Agoncillo na matatagalan pa daw siyang makarating ay nag decide si ms. Eloisa na paunahin na ako dito sa party.. " Sabi nito sa akin at inilapag ang shoulder bag niya sa table.

" ah.. I see kaya pala busog ka pa.. Oo nabanggit nga sa akin ni eloisa kanina ng tawagan ko siya na matatagalan nga daw na makarating yung kliyente. " Saad ko dito. Nang biglang mag ring ang cellphone ko. Nakita kong pangalan ni eloisa ang lumalabas sa screen.

" Hello rina.. Katatapos lang namin mag usap ng kliyente ko. Nasa biyahe na ako papunta diyan.. Nandiyan na ba si joy? "

Kaagad na bungad nito sa akin.

" Si joy oo nandito na siya kakarating lang niya. Hindi pa nga siya kumakain dahil busog pa daw siya. Kanina ka pa nga tinatanong sa akin ni sir david kong nasaan ka daw.. Sinabi niya pa nga na kapag dumating ka na daw ay puntahan mo muna siya." Sagot ko dito.

" okay sige didiretso muna ako sa kanya pagka tapos kong mag bihis mamaya diyan. Thanks rina.. Tatawag nalang ulit ako sayo kapag nasa gate na ako. " Huling sabi nito bago nawala sa linya.