Eloisa POV:
Isang linggo na ako sa bago kong trabaho. Araw araw akong tumatawag kay sir david para mag report dito ng mga update lalo na kung may mga bagong investors na gustong mag invest sa company namin. Tumutulong din kasi ako na mangalap ng mga puwedeng mag invest sa company. Gumawa ako ng mga fosters at slogan para mag advertise at mukhang nakaka tulong naman ito dahil may mga ilang tumatawag na para mag inquire. Masaya ako sa trabaho dahil pakiramdam ko mas lalo pang lumalawak ang kakayahan ko at mas nagkakaroon ako ng confident sa sarili ko medyo mahiyain kasi ako at unti unti na itong nawawala dahil kung sino sino ang nakaka usap ko araw-araw dito sa trabaho. mayroon na rin akong assistant si joy. Kapapasok palang namin sa office dahil katatapos lang namin mag ikot sa buong gusali. Nag sisimula na kaming gumawa ng mga panibagong advertisement ng may kumatok sa pinto. Tumayo si joy at sinilip kong sino yung kumakatok. Pag balik niya ay may dala na siyang dalawang naka sobre.
Tinanong ko ito kung ano yung hawak niya. " ano yan joy at ang aga aga may Delivery tayo?.."
" hindi ko nga po alam mam eh.. Bubuksan ko na po muna.." sagot niya sa akin.
Nang mabuksan niya na ay ibinigay niya sa akin ang isa bago nag salita. " wow maam invitation cards pala ito para sa party ng company.. At sa sabado na pala ito maam.. Pupunta kaba maam? " sunod sunod na tanong nito sa akin.
" hey joy! Diba sinabi ko na sa iyo na wag mo akong tinatawag na maam.. Loisa nalang itawag mo sa akin. pakiramdam ko tuloy matanda na ako.. 19 palang ako joy.. " kaagad kong puna dito.
Kung tutuusin mas matanda pa nga ito sa akin ng tatlong taon dahil nasa 22 na ito at ako ay 20 palang sa darating kong kaarawan. Binuksan ko muna ang envelope na ibinigay niya sa akin at hindi na muling nag salita pa at nakita ko na invitation card nga ito at may naka lagay pa na pangalan kung para kanino.
Magsasalita na sana ulit ako ng tumunog ang cellphone ko.
" hello Loisa, Did you receive the invitation card I sent?.." si david ang tumawag at ito ang bungad niya sa akin.
" yes sir david.. Kaka receive lang po namin ngayon.. Thanks po.." kaagad kong sagot dito.
" dapat pumunta kayo ha. Isang taon ka na ring empleyado ng company at gusto kong makilala ka ni Daddy. Nai kwento ko kasi sa kanya na ikaw ang bago kung manager.. Isama mo rin ang assistant mo. " sabi nito sa akin.
" okay po sir noted.." tanging naisagot ko dito at nawala na ito sa linya.
Rina's POV:
Kumakain ako sa canteen ng biglang maisip ko si eloisa.
" kamusta na kaya ang babaeng yun.. Namimis ko na yun ah.. Gusto ko sana siyang tawagan para kamustahin kaso.. Wala naman akong cellphone number niya... hmmm..." Sabi ko sa aking isip habang sumusubo ng pansit. Ito kasi ang napili kong meryendahin dahil ilang buwan na rin akong hindi nakaka kain ng pansit. Mula nang umalis si eloisa ay wala na akong kasabay sa Pagkain kung bakit naman kasi nalipat pa siya.
" Paano ko kaya makukuha ang Contact number ni eloisa.. Kung bakit naman kasi sa halos isang taon naming pag sasama dito sa office ay hindi ko manlang nakuha ang cellphone number niya.. Kainis naman." Muli kong sabi sa aking isip.
Nag patuloy ako sa pagkain ng may maalala ako." aha! Kay sir david pala baka pwede ko namang makuha. Malamang na araw araw-araw tinatawagan ni eloisa ito para mag report. Pasahan nga pala ng report ngayon malamang ako nanaman ang uutusan nila na mag dala sa office ni sir david. Tamang tama mamaya makaka usap ko si sir david.. " Muli kong saad sa aking isip.
Mabait si sir david kaya hindi ka mahihiyang kausapin ito. At nang matapos na akong kumain ay kaagad na din akong bumalik sa puwesto upang madala ko na ang report sa office ni sir david.
Nang makuha ko na ang report na ipapasa kay sir david ay dali dali na akong umakyat patungo sa office ni sir david. Kumatok ako sa glass door na nasa bungad at nang may sumagot ay kaagad ko itong binuksan. Bumungad sa akin ang secretary ni sir pag lapit ko palang dito ay kaagad ko ng tinanong kung nandiyan si sir david at nang sinabi nitong nasa loob si sir ay kaagad akong nag tungo at kumatok. Nang sumagot ito ay tuloyan ko ng binuksan ang pintuan. Binati ko muna ito bago nag tanong.
" Hi sir, good afternoon." bati ko dito at ngumiti at nag salita akong muli. "ahmm.. Sir, nakakahiya man po ay kakapalan ko nalang ang aking mukha.. Itatanong ko lang po sana kung pwede kong malaman ang Contact number ni eloisa. Pasensya na po sa abala sir.." tanong ko dito sabay yuko ng aking ulo.
Agad naman siya sumagot. " it's okay.. Yah, i have her cellphone number.. " sabi nito at sandaling kumuha ng maliit na papel at nag sulat. Pagka tapos niyang mag sulat ay iniabot niya na sa akin ang papel. Nag pasalamat ako dito at kaagad ding lumabas.
Habang nag lalakad ako pabalik ng audit department ay nilabas ko ag aking cellphone sa bulsa ng aking Blouse at kaagad na dinayal ang numero ng cellphone ni eloisa. Nakaka isang dial palang ako ng sumagot ito.
"Hello loisa, si rina to.. Kinuha ko yung number mo kay sir david. Kamusta ka na diyan? Ang tagal na nating hindi nag kikita. Nung last day mo pa nga dito ay wala ako.. Na suspended kasi ako nun." Agad kong bungad dito.
" hi rina, ikaw pala yan.. Mabuti at nakontak mo ako.. Matagal ko na nga ring iniisip kong paano makukuha ang cellphone number mo eh.. Mabuti nalang tumawag ka. Mis na kaya kita.. Okay naman ako dito sa office ko. Kering keri ko naman ang mga ipina pagawa sa akin ni sir david. Nakakuha na nga rin tayo ng mga bagong investors eh.. Ikaw kamusta ka na rin diyan? " Tanong nito sa akin.
Agad naman akong sumagot dito. " eto malungkot kaya ako.. Wala na akong kasabay kumain.. Kung bakit naman kasi nalipat ka pa.. Pero sabagay maganda na rin iyan dahil mas makakapag ipon kana ng malaki para sa pag hahanap mo sa nanay mo.. Teka may tanong nga pala ako sayo bago ko makalimutan, ano pupunta ka ba sa party mamaya?" Muli kong tanong dito.
" Yun nga eh hindi ko pa sigurado dahil may schedule ako mamaya para makipag meet ng alas otso ng gabi doon sa isa nating Investor.. Alas otso pa kasi siya available at ngayong araw lang ang pwede ko siyang maka usap dahil pabalik na siya ng Hongkong bukas ng umaga. Kaya kailangan kong tiyagain ito. Sayang din kasi lalo na naikwento sa akin ni sir david na humihina na ang company natin. Pagkaka taon ko na ito para maka tulong kay sir. Susubokan kong maka habol mamaya pero teka, wala pala akong dalang damit kung sakali dahil akala ko makaka uwi pa ako ng bahay. Kahapon kasi hindi rin ako naka uwi dito na ako natulog sa office. Ala sais palang kasi ng umaga kanina ay nakipag meet din ako sa isang investor natin. Kaya ayun tinamad na akong umuwi ng bahay kahapon. " Paliwanag pa nito sa akin.
" naku! Damit lang ba ang problema mo.. Aysus, huwag mo ng problemahin dahil marami ako niyan sis.. Kakauwi lang noong isang araw ng boyfriend ko at madami siyang biniling damit para sa akin. Ako nang bahalang mag dala ng susuotin mo mamaya girl. Total magka sukat lang naman tayo ng katawan mas matangkad ka lang sa akin ng kaunti kaya malamang kasya din sayo iyong mga damit ko. " Agad kong sagot dito.
" O siyang sige sabi mo eh. Basta dalhan mo nalang ako mamaya para maka habol ako. Doon nalang ako mag bibihis. Nakakahiya din naman kay sir david kung hindi ako makaka punta dahil pina dalhan pa niya ako ng invitation card nung nakaraang araw lang at sinabi ko pa sa kanya na pupunta ako. Pero teka! Uy rina ha! Huwag naman seksing damit ang dalhin mo sa akin. Naku! Hindi ko talaga susuotin yan. Hanapan mo nalang ako ng mahaba alam mo namang hindi ako sanay sa mga seksing damit. " Muli pang saad nito at narinig ko pang nag buntong hininga ito sa kabilang linya.
" okay sige huwag ka mag alala girl! Pipilian kita nung simple lang okay. O ano masaya ka na ba. O siya sige na at baka hinahanap na ako sa baba inutusan lang kasi akong dalhin ang mga reports sa office ni sir david. Paano kita kits nalang tayo mamaya sa party ha girl. Tawagan mo ako kapag papunta ka na para maabangan kita sa gate at ng masamahan na rin kitang mag bihis okay. " muli ko pang sabi dito.
" okay sige thanks rina! See you later!.. " Paalam nito sa akin at pinindot ko na ang end call button.