Chapter 15 - Chapter: 15

David POV:

Nang maihatid ko na si klariz sa meeting place nila ng kanyang ina ay tumawag muna ako sa secretary ko upang sabihin na mali late ako ng pasok dahil dadaan na muna ako sa bahay para makamusta si dad ng personal. Pag dating ko sa bahay ay nakita ko si Dad na naka upo sa upuan na malapit sa may pool. Agad ko itong binati.

" Hi dad.. Good morning!" bati ko dito at nag lakad papalapit dito.

" good morning din iho.. Halika maupo ka dito.." sabi niya sa akin.

Agad naman din ako umupo sa upuan na nasa harap niya.

" kamusta kana dad? Sumasama parin ba ang pakiramdam mo?.. Bakit nga ba mag isa ka lang dito, hindi ba dapat may kasama kayo palagi.. Paano nalang po kung atakihin kayo ulit walang maka kasaklolo sa inyo kaagad.." agad na tanong ko dito.

" meron naman ako kasama dito iho ang mommy mo pumasok lang siya saglit sa loob dahil may kukunin daw.. Salamat iho at inuwian mo ako ngayon.. Paano nalang kapag nag asawa  na kayo ni klariz.. mas lalong hindi ka na makaka pasyal dito.. "  sabi pa ni dad.

" hindi pa naman ako mag aasawa dad.. At kung mangyari man yun ay uuwi parin naman ako dito paminsan minsan... O kung gusto niyo po ay dito nalang kami titira ng mapapangasawa ko.. Para at least kung hindi man ako maka uwi ay may kasama parin kayo dito. Kamusta nga pala si Mommy dad.. Madalas parin ba siyang umaalis? Kung madalas parin niya kayong iiwan ay kukuha nalang ako ng private nurse para---"

mag sasalita pa sana ako ng narinig kong may tumikhim sa likuran ko. Si mommy pala at may bitbit itong dalawang slice ng cake sa plato. May kasama rin siyang katulong na may dala naman ng isang pitsel na juice. Tumayo ako at hinalikan ito sa pisnge bago ako nag salita.

" hi mom.. How are you?.. I'm asking dad If you're here.." sabi ko dito at umupo ito sa isa pang upoan na katabi ni Daddy. Bago ito nag salita.

" yes i'm here.. Why is there's a problem if I go out and go for a walk?"  tanong nito sa akin at tumingin kay dad.

" There's no problem mom... I just told dad, that I was going to get a private nurse for him. so if you ever left, someone would look at him right mom?.. "  dagdag ko pa. hindi ito umimik at tumingin sa akin ng matalim.

Nang hindi parin siya umiimik ay Muli akong nag salita." come on mom! Ayoko naman po na kay dad lang umikot ang oras ninyo. Gusto ko po malaya kayong maka pamasyal kahit kailan niyo gusto. At sa tuwing umaalis po kasi kayo ay nag aalala ako kay dad.. Hindi ko naman po mapipigilang umalis kayo, kaya lang sana pumayag na kayo na kumuha tayo ng private nurse. " muli ko pang saad dito at dinampot ang isang basong juice at ininom.

" sige, If that's what you think will be better for your father go on and get a private nurse for your dad.. " sagot nito sa akin. At bahagyang umirap pa.

Tumingin ako kay dad at seryoso lang ang mukha niyang naka tingin sa akin. Narinig kong tumikhim ito at nag salita.

" i think i dont need a private nurse son.. Mas lalo ko lang mararamdamang papaliit na ng papaliit ang mundo ko.. Marami naman tayong katulong at Regular naman na nag pupunta dito ang private doctor ko. Kaya hindi ka dapat mag alala sa akin anak.."  sabi nito at tumingin kay mommy. Bahagya naman akong tumango ng marinig ang sinabi niya. At muli akong nag salita.

" sige dad pag bibigyan ko kayo.. May punto rin naman po kayo.. Kahit bihira lang po ako umuwi dito ay nag aalala parin naman po ako sa kalagayan ninyo. Lalo na si kuya madalas ding nasa out of town.." sabi ko pa dito at ngumiti ng bahagya.

Mga ilang minuto ding katahimikan ang namayani sa amin. Habang naka tingin ako kay dad ay napasin kong malaki ang ibinagsak ng katawan nito. Siguro ay dahil sa mas madalas na siyang atakihin sa puso ngayon. Nasa 57 na si dad pero kung titingnan mo itong mabuti ay mas matanda ng bahagya ang itsura nito kumpara sa edad niya. Ilang beses na rin itong nagpa balik balik ng hospital. Noong nakaraan lang ay halos dalawang buwan itong naglagi sa hospital. Maya maya ay narinig ko itong nag salita.

" tumatanda na ako anak at maiksi na ang buhay ko.. Kailan niyo ba ako bibigyan ng apo ha. Kayong dalawang magkapatid ay may balak pa ba kayong mag asawa ha.. Puro negosyo nalang ang inatupag ninyo.." tanong ni Daddy sa akin.

" next year po dad ay nag babalak na kaming magpa kasal ni klariz.. Marami lang po akong inaasikaso ngayon na trabaho.. May bago po kasi tayong itinayong condo unit na malapit sa casino.. Doon po naka focus ang atensiyon ko ngayon dad.." Magsasalita pa sana ako ng biglang dumating si kuya jordan. Malayo pa lang ay naka ngiti na ito. Nang makalapit siya sa amin kaagad akong tumayo at bahagya kaming nag yakapan at nag tapikan sa braso. At matapos ay lumapit naman siya kay mommy at humalik dito. At hinawakan sa isang kamay si dad. Bago nag salita.

" hi dad, nice to see you in good condition.. Sana ay tuloyan na pong gumanda ang pakiramdam ninyo. Sa sabado na po ang ika 25th years anniversary ng kumpanya.. Ang kumpanyang pinag hirapan ninyong itayo. Importanteng maka attend po kayo.." sabi nito at ngumiti. At pag katapos ay umupo siya sa upuang nasa tabi ko. Nang maka upo si jordan ay siya namang biglang tayo ni mommy.

" iiwan ko na muna sa inyo ang daddy ninyo at pupunta ako sa kusina para alamin kung luto na ang pagkain.. Para sabay sabay na tayong kumain ng tanghalian." huling saad nito bago tumalikod at nag lakad palayo. Tango lang ang tanging naisagot namin ni jordan dito.

Nang makaalis si mommy ay patuloy kaming nag kwentohan na tatlo. Namiss namin ang ganitong kwentohan at may kasama pang tawanan. Nag kuwento kasi si dad ng mga kalokohan niya sa mga babae noong kabataan niya pa. At sinabi niya pang kuhang kuha daw namin ni jordan ang karisma niya dahil hindi daw kami iniiwan ng babae kahit na wala kaming time sa mga ito.

3rd person POV:

Nang makapasok ng bahay si Vicky ang mommy nina jordan at david. ay dumiretso ito sa kuwarto at kinuha ang kanyang cellphone. Saglit itong nag basa ng mga text messages sa kanya at sandaling nag tipa upang mag reply.

Pagka tapos ay muli niyang ibinalik sa drawer ang kanyang cellphone at tsaka nag tungo na sa kusina. Pag dating niya sa kusina ay kaagad siyang nag tanong sa tagapag luto kung tapos ng maluto lahat ng pag kain at ng sinabi ng mga itong luto na lahat ay agad niya na ring inutusan ang mga itong ihain na sa lamesa. Nang masiguro nitong naka hain na ang lahat ay nagpasya na itong lumabas ng bahay at nag tungo na sa kinaroroonan ng pool kung saan naka upo parin ang mag aama. Saglit niya munang tintigan ang tatlo mula sa malayo at tsaka umiling iling. Mga ilang segundo pa ang lumipas ay nag lakad na ito papunta sa kinaroroonan ng mag aama.

Sabay sabay na kumain ang apat. At muli pang nag tawanan ang tatlo habang kumakain dahil panay parin ang kuwento ng ama ng dalawa habang sumusubo ng pag kain. Si donya vicky naman ay tahimik lang na kumakain at nakikinig sa usapan ng mag aama.

Hindi na rin nakapasok sa opisina si david dahil nagka yayaan ang tatlong lalake na manood nalang ng movie. At nang mapagod manood ng movie ang mga ito ay nag laro pa sila ng billiards. Nang sumapit na ang ala sais imedya ng gabi ay tinawag na sila ni donya vicky upang mag hapunan. Masayang natapos ang araw ng mga mag ama habang si donya vicky naman ay seryoso lang ang mukha habang naka tingin sa mga mag ama niya.

Kinabukasan ay maagang nagising ang dalawang mag kapatid. Sumabay silang kumain ng agahan sa kanilang mga magulang. Nang matapos ng kumain ay nauna nang magpa alam si david babawi umano ito sa mga naiwang gawain sa opisina niya dahil hindi siya naka pasok kahapon at nag text ang kanyang secretary na may kailangan siyang mapirmahan kaagad na mga papeles.

Habang si jordan naman ay nagpa iwan at hindi na muna umalis ng bahay. Sinamahan niya nalang ulit na manood ng movies ang kanyang ama. Ito kasi ang madalas na libangan ng kanyang ama dahil ipinag babawal sa kanya ng kanyang doktor na mag biyahe ng madalas. Muli tuwang tuwa ang matandang lalake dahil naka bonding niya ulit ng medyo matagal ang kanyang mga anak. Halos taon na rin kasi ang naka lipas ng huli niyang makasama ng matagal ang dalawa niyang anak. at madalas tanging ang asawa niya lang na si Vicky ang kasa kasama niyang manood ng mga movies.