Chapter 36 - KABANATA 35

Dahan-dahan na minulat ni Hera ang kaniyang mga mata at natagpuan ang kaniyang sarili na nakakulong sa mga braso ni Lucas. Hindi niya mapigilang mapangiti at maingat na inangat ang katawan para mahalikan ang noo ng natutulog na lalaki. She glanced at the wall clock and realizes that it's already ten in the morning.

Napabuntong hininga si Hera ay umalis sa kama nang hindi ginigising ang natutulog na lalaki. Nagpunta siya sa comfort room ng kuwarto ni Lucas at nilinisan ang sarili. She wash every corner of her body with Lucas' body wash. Nang matapos na siyang maligo ay kinuha niya ang maliit na towel na nakasampay sa sulok at gamit iyon ay tinuyo niya ang kaniyang buhok. Pagkatapos ay ang kaniyang katawan. Nagsuot muna siya ng robe bago lumabas sa shower room.

Nang makalabas na siya ay sumalubong sa kaniya ang nakahigang si Lucas. Walang saplot ang magandang katawan ng lalaki. Ang mukha nito ay nakabaon sa unan at yakap-yakap iyon. Wala sa sarili na napatingin si Hera sa matambok na puwet ni Lucas at napatakip na lang ng kaniyang mga mata. Kahit na ilang beses na niyang nakita iyon ay hindi pa rin niya mapigilan na mahiya.

Pinaypayan niya ang sarili nang magsimulang uminit ang kaniyang pakiramdam. Kaya bago pa man siya makapag-isip nang masama ay mabilis na naglakad siya papunta sa pinto. Pero syempre bago siya tuluyang umalis sa silid ng lalaki ay tiningnan muna niya ang bilog na bilog na puwet ng lalaki.

Mukhang mas malaki pa ang puwet ni Lucas kaysa sa akin...

Napanguso na lang si Hera sa kaniyang naisip. Malaki naman ang kaniyang puwetan at sa totoo pa nga ay maraming naiinggit sa kaniya dahil sa kaniyang puwet. Malaman daw kasi iyon at matambok. She's always proud of her body. But seeing Lucas' butt every single day, parang sinampal sa kaniya ng katotohanan na mas malaki pa ang puwet ni Lucas kaysa sa kaniya.

But still, kahit na malaki ang puwet ng lalaki kaysa sa kaniya. Lucas doesn't care about that. In fact, he loves her butt so much.

Speaking of butt, naalala niya tuloy ang nangyari noong nagdaang araw. Nagising na lang siya na yakap-yakap ni Lucas ang kaniyang bewang mula sa likod. Ang mukha ng lalaki ay nakabaon sa kaniyang puwetan na para bang dibdib niya iyon.

"Lucas!" sa gulat ni Hera ay hindi na niya napigilan ang sarili at biglang napasigaw. Napaungol ang natutulog na si Lucas at halata sa mukha nito na nadisturbo niya ang tulog nito. Pero hindi na iyan ang importante ngayon.

Bumangon si Lucas at umupo sa kama. Napakusot-kusot ito ng kaniyang mata na parang isang bata. He yawned and look at her with sleepy eyes.

"Hmm? What's wrong love?" he mumbled softly and immediately bring her closer for a hug. Pinigilan ni Hera ang kiligin nang tawagin siya ni Lucas sa endearment ng lalaki sa kaniya. Sinuntok niya ang dibdib nito.

"I-iyong mukha mo! S-sa puwet ko!" Halos hindi na niya maayos ang kaniyang salita dahil sa kakaibang emosyon na bumalot sa kaniyang puso. Hindi alam ni Hera kung hiya ba iyon o inis. Tumaas lang ang kilay ni Lucas.

"What about it?" parang wala lang na tanong ng lalaki na nagpalubo sa kaniyang mga pisngi. Hera crossed her arms on her chest brazenly.

"I-it's uncomfortable. Puwede ka naman sa d-dib dib ko, h-huwag lang sa puwet..." Sa sobrang hina ng boses ni Hera nang sabihin niya ang mga katagang iyon, akala ni Lucas ay pinaglalaruan lang siya ng kaniyang tainga. Nang makita ng lalaki ang pamumula ng pisngi ni Hera, doon niya napagtanto na hindi nga siya pinaglalaruan ng kaniyang isipan.

He let out a husky chuckle and embraced Hera even more tightly. Hinalikan niya ang pisngi ni Hera bago binaon ang kaniyang mukha sa leeg nito.

"Alright, I'll bury my face into your chest next time."

Sa tuwing naalala ni Hera ang araw na iyon, hindi niya mapigilang mahiya at gustong bawiin ang kaniyang sinabi. Simula kasi noong sinabi niya ang mga katagang iyon ay ginawa talaga iyon ni Lucas. Every morning, she would always wake up with Lucas' face buried on her chest.

Noong una ay hindi siya komportable hanggang sa nasanay na lang siya ay hinayaan na nga ang lalaki. Sa sobrang bilis ng panahon, hindi inaakala ni Hera na magdadalawang buwan na pala simula noong nangyari sa office ni Lucas kung saan sinabi ng lalaki ang nakaraan nito.

After that day, the two of them became closer. Hindi alam ni Hera kung paano at kailan sila naging komportable sa isa't isa, pero natagpuan na lang niya ang kanilang relasyon na ganoon. She changed and Lucas also changed.

Pakiramdam ni Hera ay parang panaginip lang ang lahat. Hindi pa rin siya masanay-sanay kahit na anong pilit niya sa kaniyang sarili. She still thinks that everything's just a dream. Na kahit anong oras ay puwede siyang gumising sa katotohanan.

Kung panaginip man ito, isa lang ang kaniyang mahihiling, ayaw niyang gumising at kung maari, gusto niyang matulog habang buhay at managinip sa buhay na kailan man ay hindi niya inaakala na mapapa sa kaniya.

She's already happy with Lucas despite their social status. Mahal na mahal na niya ang lalaki at alam ni Hera sa kaniyang sarili na may nararamdaman din ang lalaki para sa kaniya. At alam din ni Lucas na may nararamdaman siya para sa lalaki. Kaya kahit na hindi nila sabihin sa isa't isa, they know too well their feelings for each other.

They don't just say it with words and show it through actions.

Nang makalabas na si Hera sa silid ni Lucas ay kaagad na nagpunta siya sa kabilang silid kung saan nandoon ang kaniyang mga damit para mag bihis. In the past two months, sa kuwarto na siya ng lalaki natutulog. Of course, noong sabihin iyon ni Lucas noon ay hindi siya pumayag at totol talaga. But then, wala naman din siyang magagawa.

In the first week she sleep with Lucas in his room, he was always having a nightmare. It was difficult and heart wrecking. May time pa nga na sumisigaw ang lalaki dahil sa bangungot nito. She watched him suffer. Wala siyang nagawa kung hindi yakapin lang ang lalaki sa tuwing dinadalaw ito ng masamang panaginip.

Sometimes, when she couldn't handle the pain of seeing him suffering just like that, naiiyak na lang siya. She felt like she's really useless for not helping him at all. Pero nang lumipas ang isang linggo ay bigla na lang natigil ang bangungot ng lalaki pero hindi alam ni Lucas iyon na mas lalong nag pasakit sa kaniyang puso.

Sa mga araw na kasama niya itong natulog, sa mga gabi na nananaginip pa ito, napagtanto ni Hera na hindi iyon natatandaan ni Lucas kinabukasan. Para bang may amnesia ito at hindi matandaan ang nangyari tuwing gabi. Kaya pala sa tuwing nagigising ito kinabukasan, nagtatanong ang lalaki sa kaniya kung may ginawa ba itong masama habang natutulog sila o ano.

That's where Hera realizes that Lucas wasn't aware of all his nightmares every single night. Hindi alam ng lalaki ang pinaggagawa nito sa tuwing natutulog ito. It makes Hera feel even more hurt. Nang hindi na binabanggit si Lucas, she was so happy. She's happy for him kahit na hindi alam ni Lucas sa mga araw na iyon kung bakit siya masaya.

She's happy for him because he won't suffer anymore. Sa mga gabi na parang mababaliw na ang lalaki dahil sa bangungot nito, she was there silently watching him while crying. She's proud of him for overcoming those obstacles. At kahit kailan ay wala siyang plano na sabihin sa lalaki ang mga nangyayari tuwing gabi noon.

After Hera put her clothes on, she immediately went to the kitchen to prepare for there branch. Habang nagluluto siya ay may bigla na lang yumakap sa kaniya mula sa likod. Hindi siya tumigil sa kaniyang ginagawa at humilig lang sa katawan ng tao na yumakap sa kaniya.

"Morning," Lucas greeted her in a soft tone. Binaon ng lalaki ang mukha nito sa kaniyang balikat at nagsimulang halikan siya roon. Mabilis na tumigil si Hera sa paghiwa ng bawang dahil doon. Baka kasi kapag hindi siya tumigil ay baka mahiwa niya ang kaniyang sarili.

"Good morning, maganda ba ang naging tulog mo?" malambing na tanong niya pabalik kay Lucas at nagsimula ulit na maghiwa. Naramdaman niyang tumayo nang tuwid ang lalaki at pinatong ang baba nito sa tuktok ng kaniyang ulo. Gusto sana niyang magreklamo dahil sa matulis ang baba nito pero dahil ayaw niyang masira ang magandang mood nila ngayon, hindi na lang niya iyon pinansin.

"No, since you're not there when I woke up." Natigilan si Hera sa naging sagot ni Lucas. Binitawan niya ang hawak na kutsilyo at hinarap ang lalaki. Lucas is not totally naked now. May suot na boxer ang lalaki pero kahit ganoon ay bakat na bakat pa rin ang pagkalalaki nito.

"Lies. Nauna ka pa kayang nagising sa akin!" Inirapan ni Hera si Lucas na tumawa lang. Bumalik ulit si Hera sa kaniyang ginagawa pero bago pa man niya mahawakan ang patalim ay mabilis na inagaw iyon ni Lucas sa kaniya.

"Let me."

Iyon lang ang sinabi ng lalaki at kaagad na ito na ang tumuloy sa kaniyang ginagawa. Napangiti na lang si Hera ay humilig sa katawan ng lalaking mahal.

How she wish for this moment to last long.

"Lucas, kung ayaw mo. Puwede naman na ako na lang," saad ni Hera kay Lucas habang sila ngayon ay nasa loob ng kotse ng lalaki na papunta sa megamall ng lugar na ito. Nakalukot ang mukha ni Lucas habang ito ay nag d-drive.

Napabuntong hininga na lang si Hera. Gusto kasi ng lalaki na hindi na siya bumili ng mga damit sa mall dahil puwede naman daw itong kumuha ng isang sikat na designer para sa kaniyang mga damit. Syempre, ayaw niyang mangyari iyon. Mas gusto niya pa rin na mamasyal at mamili para sa kaniyang sarili ay syempre para rin sa lalaki.

Kanina niya pa pilit na pinakiusapan si Lucas pero mukhang wala na ata talaga ito sa mood. Sinabi niya sa lalaki na siya na lang pero hindi naman ito pumapayag. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin.

It's really hard when Lucas is sulking but of course, alam naman niya kung ano ang gagawin para mapaamo ulit ang mabagsik na liyon na ito.

"No, I'll with you." And after that, Hera just found themselves holding hands while walking inside the mall. Pinagtitinginan silang dalawa lalo na si Lucas na nakasuot pa talaga ng mamahaling brand ng shades. Laglag ang mga panga ng mga tao na nadadaanan nito dahil sa kaguwapuhan ng lalaki.

Hindi tuloy niya maiwasan mahiya pero dahil sanay naman siya na tingnan ng mga tao na may mapanghusgang mga mata ay hinayaan na lang niya ang mga ito. Pero syempre, tao lang din siya at naiinis. Lalo nang may narinig siya.

"Isa na naman kababayan natin ang nakaahon sa kahirapan."

Sa tingin ba ng mga ito na kahit na magkasama sila ni Lucas ay mayaman na siya? Nakakainis, gusto niyang magwala lalo na ngayon at may period siya. Mabilis siyang mainis pero dahil ayaw niyang gumawa ng eksena ay tinaasan na lang niya ang kaniyang pasensiya.

"Let's look here." Hinila siya ni Lucas sa isang expensive na clothing store pagkatapos ay sa iba naman. Nagpaubaya lang si Hera dahil kahit na anong gusto niyang pumunta sa mumurahing clothing store, hindi pumapayag ang lalaki.

"Here, isuot mo. I want to see you in this cloth!" masayang wika ni Hera at kaagad na binigay kay Lucas ang damit na basta na lang niyang dinampot sa gilid. May plano kasi siya pero gusto niya munang paalisin si Lucas.

Nagtagal ang tingin ng lalaki sa damit at pagkaraan ay nagpaalam sa kaniya para magpunta sa dressing room. Nang nawala na si Lucas sa kaniyang harap at mabilis na kumaripas siya ng takbo at umalis.

She wanted to look around just herself. Kapag kasi kasama niya ang lalaki ay hindi siya na eenjoy dahil sa mga tingin ng tao at dahil na rin sa gusto ni Lucas ang mga expensive na damit pero gusto niya 'yong mumurahin.

Mabilis lang naman siya na mawawala at babalik din agad sa lalaki.

Malaki ang ngisi na umalis si Hera sa lugar na iyon pero kaagad din nawala nang may bumangga sa kaniya.

"Ano ba! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!"

When Hera looked at the person she just bumped into, her heart almost dropped when she saw her Mother, together with her siblings and with her step father.