Chapter 4 - KABANATA 3

Sobrang lakas pa rin nang tibok ng kaniyang puso at hindi pa rin siya makapaniwala na may trabaho na siya. Matapos ang ilang linggong paghahanap ng mapapasukan ay sa wakas, nakahanap na rin siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala sa kaniyang isipan kung gaano ka laki ang kaniyang magiging sahod kahit na simpleng katulong lang naman ang trabahong kaniyang papasukan.

Mayaman siguro ang kaniyang magiging boss kaya siguro ganoon ka laki ang sahod. Hindi rin naman pumasok sa kaniyang isipan na baka scam 'yon dahil na rin siguro ay mapagkakatiwalaan ang mukha ng lalaking lumapit sa kaniya. Napaka guwapo nito at sa tingin niya ay parang nakita na niya ito noon pero hindi lang niya matandaan.

Nang makita niya kung gaano ka laki ang kaniyang sasahurin ay naging desperada siya. Hindi niya rin naman masisisi ang kaniyang sarili dahil sa kadahilanan na gusto na niyang makahanap ng trabaho. Ilang linggo na rin kasi siyang walang nagagawa at kahit na hindi man magsalita ang kaniyang Ina sa tuwing lumalayas siya para maghanap ng trabaho ay alam niya na nag e-expect ang na makahanap na siya ng trabaho.

Maliban sa rason na gusto na niyang magkatrabaho para hindi na magalit ang kaniyang Ina sa kaniya ay gusto na niyang lumayas at lumayo sa kanilang bahay. Delikado din naman kasi kung sa bahay lang siya namamalagi. Nandoon ang kaniyang Step dad at kahit na wala pa itong ginagawang masama sa kaniya ay hindi pa rin siya makampante dahil sa klase ng mga tingin na binibigay ng matanda sa kaniya.

Naawa siguro ang Diyos kaya binigyan na siya ng trabaho. Kung hindi siguro siya doon dumaan ay baka stress pa rin siya ngayon dahil walang mahanap na trabaho. Sa kabila ng lahat ng paghihirap na nadaan niya sa mga nakalipas na araw ay sa wakas, na suklian na rin ito ng kaginhawaan. Kaya din siguro ay hindi siya madaling sumuko kahit na hirap na hirap na siya sa kaniyang buhay dahil sa pagmamaltrato ng kaniyang mga magulang sa kaniya ay dahil naniniwala siya na pagkatapos ng bagyo ay may bahaghari na lilitaw.

Nang makarating na siya sa kanilang bahay ay sobrang laki ng kaniyang ngiti. Iwan niya ba, pero ngayon lang ata siya naging excited na ibahagi sa kaniyang Ina na may trabaho na siya. Hindi naman siya nakaramdam ng ganito noon. Kaya din siguro ganito nararamdaman niya ay excited siya na sabihin sa Ina niya na malaki ang sahod na kaniyang matatanggap. Sigurado siya na matutuwa ang kaniyang Ina.

Mabilis na pumasok siya sa loob ng kanilang bahay at naglakad papunta sa kanilang sala. Nang makarating na siya roon ay kaagad na nakita niya ang kaniyang Ina. Inaayos nito ang sariling buhok habang seryosong nanunuod ng palabas. Mag-isa lang ito at wala ata ang kaniyang mga step siblings at step father. Napatingin ang kaniyang Ina sa kaniya nang mapansin siya nito pero kaagad din binalik ang tingin sa tv screen. Napalunok nang paulit-ulit si Hera at hindi mapigilang kabahan.

"Ma… may sasabihin po ako," mahina niyang wika at dahan-dahang lumapit. Napatigil ang kaniyang Ina sa kaniyang ginagawa at napatingin ulit sa kaniya. Tumaas ang kilay nito habang blangko at walang pagmamahal na tumingin sa kaniya.

"Ano?" tamad na tanong nito. Napalunok ulit nang paulit-ulit si Hera bago binuka ang labi para magsalita.

"May trabaho na po ako…"

"Talaga? Mabuti naman at hindi ka na maging pabigat dito. Magkano ba sahod mo?" Kahit na inaasahan na niya iyon na reaksyon ng kaniyang Ina ay hindi pa rin niya mapigilang masaktan. Pero dahil ay special ang araw na ito dahil nga ay malaki ang kaniyang magiging sahod ay hindi siya nag paapekto sa sinabi nito. Nilunok niya ang bumabara sa kaniyang lalamunan at ngumuti.

"Mala–"

Bago pa man niya masimulan ang kaniyang sasabihin ay may isang tili ang pumutol sa kaniya. Napaigtad siya at mabilis na napaikot. Sumalubong sa kaniya ang masayang mukha ng kaniyang dalawang kapatid at ang kaniyang step father. Nakasuot ng pormal na damit ang kaniyang kapatid na babae habang ang kaniyang step father at kapatid na lalaki ay pangbahay lang.

Hindi siya pinansin ng tatlo at kaagad na nilampasan siya at dumiretso sa kaniyang Ina na may gulat na mukha. Kaagad na dinamba ng kaniyang nakakabatang kapatid na babae ng yakap ang kaniyang Ina, habang ang kaniyang isang kapatid at step father ay umupo sa tabi nito.

"Mom! May trabaho na po ulit ako! Natanggap ako bilang isa sa mga employee ng sikat na kompanya! 'Yong Whitfield Company po!" patiling wika ng kaniyang nakakabatang kapatid at hindi talaga maipagkakaila na sobrang saya nito. Nanlaki ang mga mata ng kaniyang Ina at nagsimulang manubig dahil sa sobrang saya.

"Talaga anak? Wow! Proud na proud si Mama sa 'yo!" Kahit na ang reaksyon ng kaniyang Ina ay napasobra sa kaniyang inaakala. Hindi mapigilan makaramdam ng sakit ni Hera dahil sa pinaghalo-halong emosyon. Inggit, galit at sakit. May natanggap din naman siya na trabaho pero bakit hindi ganiyan ang naging reaksyon ng kaniyang Ina? Anak din naman siya nito pero bakit ganoon?

Sa mga oras na iyon ay blangko lang na nakatingin si Hera sa kaniyang mga kapatid at sa kaniyang Ina at step father. Hindi niya alam kung ano ba dapat ang kaniyang magiging reaksyon. Namamanhid na ang kaniyang puso sa sakit at hindi niya alam kung makakayanan pa ba niya sa susunod na masasaktan na naman siya ng ganito.

Pinilit niya ang sarili na huwag maiyak sa harapan ng mga ito at pinalakas ang loob. Humigit siya ng hininga at pinakalma ang sumasakit at nagwawala niyang puso. Nang feel niya ay okay na siya ay binuka niya ang kaniyang bibig para magsalita.

"M-ma…" tawag niya sa kaniyang Ina pero hindi man lang ito lumingon sa kaniya at busy pa rin sa pagbibigay puri sa kaniyang nakakabatang kapatid. Napakuyom siya ng kaniyang kamao at hindi na napigilan ang sarili na umiyak. Bago pa man tumulo ang kaniyang mga luha ay mabilis na tumalikod siya at tumakbo pa punta sa kaniyang silid. Ni lock niya ang pinto at napadaos-dos na lang paupo. At doon, iniyak na lang niya ang sakit na nararamdaman.

Kinabukasan ay maaga siyang umalis ng kanilang bahay. Nilagay niya sa maliit na maleta ang kaniyang mga importanting gamit at mga damit na rin. Nang umalis siya sa kanilang bahay ay hindi siya nagpaalam sa kaniyang Ina at mga kapatid. Wala din namang silbi kung magpapaalam siya dahil wala naman ding pake ang mga ito sa kaniya.

Mag damag siyang umiiyak sa loob ng kaniyang kuwarto. Kahit na sanay na siya na ganoon ang ugali ng Ina ay kahit kailan ay hinding-hindi siya masasanay sa sakit na dulot ng kaniyang sariling pamilya. Hindi man halata pero sa loob-loob niya ay labis-labis na siyang nasasaktan. Pagod na pagod na ang kaniyang puso dahil sa sakit at parang gusto na lang niyang sumuko.

Dumating na din siya sa punto ng kaniyang buhay na gusto na lang niyang kitilin ang sarili. Sobrang down na down na siya sa kaniyang buhay dahil sa mga pinagsasabi ng mga ito. Na gusto na lang niyang mamatay, pero sa tuwing naiisip niya ang mga bagay na hindi niya pa nagagawa at gusto niyang gawin sa hinaharap ay nabubuhayan siya ng loob.

Maliban sa umaasa siya na baka ay magbago ang kaniyang Ina, isa sa mga maraming rason kung bakit hindi pa siya sumusuko ay dahil gusto niyang maging malaya sa hinaharap. Na sana ay maging malaya siya sa mga sakit at pagmamaltrato ng mga ibang tao sa kaniya. Just thinking about it makes her heart set on flames again.

Bandang tanghali na noong dumating siya sa terminal patungo sa lugar na iyon. Hindi siya masyadong pamilyar sa address na binigay ni Mr. Bryle, mabuti na lang talaga at may mga tao pa rin siyang napagtatanungan. Nag tanong siya sa kapitbahay nila na may mabuting puso at sinagot na man siya dahil nakapunta na raw ito noon.

Sasakay ka daw muna ng bus papunta sa lugar na iyon, at ihihinto ka sa isang medyo magubat na lugar. Noong una niyang narinig iyon ay hindi niya mapigilang matakot. Like sino bang hindi? Marami siyang nakikita sa mga pelikula na gano'n. Ihihinto ka sa isang liblib na lugar at doon ka pagsasamantalahan. Pero sabi naman ng kapit bahay niya ay hindi naman ganoon.

Nasa gitna daw kasi ng gubat ang subdivision na pupuntahan niya. Ang subdivision daw na iyon ay tirahan ng mga mayayaman na gustong humiwalay sa mausok at maingay na syudad. May mga bahay-bahay naman daw doon kaya hindi rin siya maliligaw kung makarating na siya roon.

Saktong ala una na ng hapon siya nakarating. Puro kahoy ang makikita mo pero may mga ilang bahay naman din sa malayo. May malaking sign din na nakalagay na 'private subdivision' sa gilid ng karsada papunta siguro sa mismong subdivision. Akala niya ay wala siyang kahit ni isang tao na makikita pero laking gulat niya ng may makita siyang mga tricycle na nag-aabang sa crossing.

Napahigit ang kapit niya sa kaniyang dala-dalang maliit na maleta nang pagtinginan siya ng mga tao. Hindi mapigilang mapalunok ni Hera nang paulit-ulit dahil sa klase ng mga tingin na binibigay ng mga ito sa kaniya. Ang kanilang mga tingin ay nagbabaga at para bang isa siyang pagkain na gusto nilang damputin.

Kahit na natatakot siya ay nagsimula siyang maglakad papunta sa mga naka pila na tricycle. Ibubuka na sana niya ang kaniyang labi para mag salita pero kaagad na naunahan siya ng mga driver ng tricycle na nagwawala na.

"Miss beautiful! Sa subdivision ka ba? Dito ka na sa akin sumakay! With discount ito!"

"Miss! Huwag kang maniwala sa kaniya. Mas malaki discount sa akin!"

"Manahimik nga kayo at hayaan niyo si Miss Maganda na mamili!"

Laglag ang panga na napatitig si Hera sa mga driver na ngayon ay nag-aaway na kung saan ba siya sasakay. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o hindi. Napaka-iba kasi ng mga ekpresiyon ng mga ito kaysa kanina na parang mga nagugutom na lubo. Ngayon ay para na ang mga ito na puso na nag-aagawan sa isang masarap na isda.

Palihim na napatawa si Hera dahil sa pag-aaway ng mga ito. Hindi naman sila mukhang galit at parang naaliw pa habang pinag-aawayan kung saan ba siya sasakay. Kahit na ito pa lang ang pinaka una niyang kita sa kanila ay alam niya na kaagad na hindi masama ang mga ito. Hindi na niya pinansin pa ang kanilang pag-aaway at naglakad papunta sa isang tricycle na nasa gilid.

"Mga manong, huwag na po kayo mag-away. Dito na lang po ako sasakay," natatawa niyang wika sa mga ito kaya napatigil na sila. Walang nagawa ang mga driver ng tricycle kung hindi ay tumigil at e respeto ang kaniyang desisyon. Napangiti na lang si Hera at kaagad na sumakaw sa tricycle na kaniyang napili.

Nagpahatid siya sa driver sa mismong harap ng subdivision. Akala niya ay maglalakad pa siya pa loob at hanapin ang mismong bahay, pero laking gulat niya nang sabihan ng guard ang driver kung saan mismong bahay siya ihihinto. Na para bang inaasahan na nito ang kaniyang pagdating.

Nang nakarating na sila sa mismong bahay ay kaagad na nagbayad si Hera at bumaba na. Nanlaki ang kaniyang mga mata kasabay nang pag-awang ng kaniyang labi sa pagkamangha nang makita ang bahay. Napakalaki nito at maganda ang desinyo. Noon, sa tv niya lang nakikita ang mga ganito ka gandang mansion, ngayon ay nasa mismong harap na niya ito at dito na siya magtratrabaho.

Pinakalma niya ang nagwawala niyang puso at mabilis na naglakad papasok sa malaking mansion. Bukas na rin ang gate at tahimik ang paligid. Hindi naman siya nagtaka dahil bago siya nakauwi kagabi ay sinabi ni Mister Bryle sa kaniya na walang kahit ni isang tao sa mansion maliban sa may-ari. Hindi na rin siya nag tanong dahil nga ay sabi ng lalaki na kakalipat lang at wala panf mga trabahante.

Nanginginig ang kaniyang kamay nang pihitin niya ang siradura ng malaki at may kabigatan na pinto. Kung maganda sa labas ay mas lalong maganda sa loob. Sobrang taas ng mga kurtina at may magandang chandelier sa gitna. Ang mga gamit din ay halatang mga mamahalin at kumikinang pa.

Dumiretso siya sa gitna at napatigil nang may mapansing paa na sumobra sa couch. Hindi niya mapigilang mapalunok nang paulit-ulit at dahan-dahang naglakad papunta sa malaking couch. Parang may natutulog doon, baka 'yong amo na niya.

Dahan-dahan at walang kahit na anong ingay ang bawat pag hakbang niya. Nang nasa likod na siya ng couch ay dahan-dahan siyang dumungaw.

"Kyah!"

Mabilis na napatakip siya ng kaniyang mga mata pagkatapos niyang sumigaw nang sumalubong sa kaniyang paningin ang isang natutulog na lalaki. Okay lang sana kung tulog lang, pero laking gulat niya nang wala itong kahit ni isang saplot sa katawan. Kaya kitang-kita niya ang nakatayong hotdog nito.