Chapter 24 - 24

Flashback

"Still cold? Should I hug you tighter?"

Umiling lang ako sa tanong ni Cholo saka nagsumiksik sa tagiliran nito. Nakauwi na kami sa tinitirhan namin mula sa dinner sa restaurant sa isang mall. Hindi na kami sumamang kumain sa ina nito dahil alam naman ni Cholo kung paano ako tratuhin ni Donya Teodora. Mabuti na lang talaga at napakamaalalahanin nito. Ginagawa nito ang lahat para hindi ako maipit ng pamilya nito.

"Karina..." bulong nito sa may tenga ko kasabay ng isang halik sa may bumbunan ko.

"Bakit?" bulong ko rin nang hindi nagtataas ng tingin dito.

Alam ko ang ibig nitong gawin. Nararamdaman ko sa bawat gabi na nagtatabi kami sa iisang kama. Ibubulong niya ang pangalan ko tapos hihintayin ang sagot ko. Sa mga gabing iyon ay hindi ako sumasagot. Ngayon lang dahil... Baka ito na ang huli.

Tumaas ang kamay nito sa tenga ko at pinaglaruan ito.

"After all of this, can I still see you?"

Pumikit ako at kinagat ang dila. Pinigil ko ang pagpatak ng mga luha. Nang mahamig ang sarili ay kunwari akong natawa.

"Ano bang klaseng tanong iyan? Oo naman. Siyempre. Makikita mo pa rin ako kung gusto mo akong makita. Nasa kabilang bayan lang naman ako nakatira."

Hinalikan niya ako sa tuktok ng ulo bago pinaglaruan na naman ang tenga ko. Nakikiliti ako sa ginagawa nito pero hinayaan ko na lang siya. Maaaring ito na ang huling pagkakataon na mararamdaman ko ang presensiya na.

"Karina, as cliche as it may sound but... Do you believe in love at first sight? Iyong bang unang kita mo pa lang sa kaniya, nagulo na ang buhay mo. Hindi na siya maalis-alis sa isip mo kahit na anong gawin mo. You keep on wishing that she'll come back to the same spot that you left her to be. You keep on wishing that you'll see her again in the faces of strangers and in unlikely places that you've been to."

Napapikit ako sa mga naririnig. Para kasing inilalarawan nito ang eksaktong nararamdaman ko para sa kaniya. Unang kita ko pa lang sa kaniya na nakangiti ay para bang tumigil sa pag-inog ang mundo ko. Ang kaniyang mukha, ngiti, at kulay-abong mga mata ay sapat na para tumibok nang walang kasinglakas ang puso ko. Hindi niya ako kailanman pinatulog sa mga gabing nagdaan magmula noong unang maglapat ang mga mata namin.

"Hindi pa," pagsisinungaling ko. "Ikaw ba, naranasan mo na?"

Matagal muna ito bago sumagot.

"Yeah, only once and never did I looked back since."

Lumayo ako nang kaunti sa kaniya at itinaas ang mukha rito. Sinalubong ko ang nangungusap na mga mata nito. Bumaba ang tingin ko sa nakaawang na labi nito. Magagalit ba siya kapag ako ang naunang humalik sa kaniya?

"Cholo?" tanong ko nang hindi pa rin inilalayo ang titig sa mga labi nito.

"Yeah?"

"P-pwede ba kitang halikan?" halos pagsusumamo ko na. Ipinikit ko ang mga mata para hindi ako matukso na tingnan ang mukha nito.

Narinig ko ang mahinang pagtawa nito at ang pag-abot niya sa likod ko palapit dito. Impit akong napasinghap ng idantay niya ang isang hita niya sa binti ko at ikulong ako sa loob nito.

"Only if you open your eyes and kiss me," bulong nito.

Dagli akong nagmulat ng mga mata para lang mapasinghap nang walang babalang sakupin niya ang mga labi ko. Nagulat man ay nagpaubaya na rin ako. Hinayaan ko siyang gawin ang lahat sa akin.

"You're so beautiful, Karina," bulong nito sa tenga ko habang hinahalikan ang leeg ko. Ang mga kamay nito ay nasa dibdib ko na at nagpapakasasa. Kanina pa nito nahubad ang suot ko na pantulog.

Wala na akong nagawa kundi umungol bilang sagot. Magaling si Cholo na kilatisin ang katawan ko. Parang mas kilala pa nga niya ako base sa kung paano nito nalalaman ang gagawin sa akin para mas masiyahan pa ako.

Lumipat ang halik niya sa dibdib ko at isinunod ito. Napasabunot na lang ako sa buhok niya habang mas idinidiin pa ang sarili rito.

Itinapon ko muna lahat ng takot at inhibisyon. Akin na muna ang gabing ito, akin na muna ang ngayon.

Tinulungan ko si Cholo na matanggal ang pajama nito. Kanina pa ako hubo't hubad sa paningin niya pero himalang wala na akong hiyang maramdaman kagaya noong una. Ang gusto ko na lang ay makulong uli sa maiinit na braso nito at maramdaman siya sa loob ko. Parang... Parang gagawin ko ang lahat para lamang maging isa kami ngayong gabing ito.

"Kiss me, baby," sabi nito sa paos na tinig nang nasa ibabaw ko na siya at nakatukod ang mga siko sa magkabilang-gilid ko. Pareho na kaming hubad, humihingal, at pawisan sa kabila ng lamig na buga ng aircon.

Hinila ko siya sa batok at ibinigay ang hinihiling nito. Gumanti ito ng walang kasing-alab. Tinupok nito ang natitira ko pang pag-aalinlangan. At nang tuluyan na niya akong angkinin, pinigilan ko ang sariling pumikit. Sa halip ay kinagat ko ang ibabang labi at iniyakap ang braso at mga hita rito.

Nakadilat lang ako sa buong durasyon, isinasaulo ang mukha ni Cholo sa utak ko. Sa bawat galaw nito, sa bawat ungol, sa bawat pagbuka niya ng bibig para habulin ang hininga, at sa bawat pagkakataong tinatawag niya ang pangalan ko—lahat ng iyon ay babaunin ko sa pag-alis ko. Itatatak ko ang lahat sa pinakatagong bahagi ng utak ko at itatago hanggang sa kaya ko nang buksan muli ang mga alaala.

Sinapo niya ang pisngi ko at mariin akong hinalikan bago nito mas binilisan ang paggalaw. Napakapit ako sa braso nito nang hindi ko na makontrol ang sarili. Ilang sandali pa ay sumabog na ako. Kasabay nang sandali kong pagkawala sa katinuan ay ang pagtulo ng luha ko.

Kinuha ni Cholo ang mga kamay ko at itinaas sa ulunan saka ko naramdaman ang pagsabog nito sa loob ko. Naghahabol sa hangin na bumagsak ito sa ibabaw ko at pinatakan ng halik ang leeg ko.

"Stay here with me, Karina. Promise me," nagawa pang sabihin nito sa pagitan nang manaka-nakang halik at hingal.

Hindi ako kumibo sa takot na baka malaman niyang umiiyak ako. Dapat masaya kami ngayon. Hindi pwedeng haluan ng kalungkutan ang huli naming pagkakataon na magkasama.

Nang bumalik na sa ayos ang aming mga paghinga at nagawa ko na ring hamigin ang sariling emosyon, doon lang namin napagtanto ang nangyari.

Nag-aalala ang mukhang hinanap niya ang mga mata ko.

"I didn't pull out," sabi nito sa nag-aalalang tono. "A-are you safe?"

Hindi ako kumibo. Doon ko pa lang napagtanto ang maaring konsekwensiya sa nangyari. Umiling ako at nag-iwas ng mga mata.

"Hindi ko alam," sabi ko sa mahinang boses.

Nagdaan ang katahimikan. Kung hindi lang sa mainit na katawan nito na nakalapat pa rin sa akin ay hindi ko iisping may kasama pa ako sa silid na ito. Maya-maya pa ay inabot niya ako at niyakap.

"It's okay. Don't be afraid. I got you. Always. I'll be here for you no matter what happens. Hinding-hindi kita pababayaan."

Kung naiba lang siguro ang sitwasyon at kung hindi pa ako nakapagpasya sa gagawin ay baka napanatag na ako sa ibinibigay niya na kasiguraduhan sa akin. Pero wala na.

Nakapagpasya na ako.

Iiwan ko na siya. Aalis na ako sa Cerro Roca at hinding-hindi na babalik pa kahit na anong mangyari.

Tama ako na hindi kami pwedeng dalawa ni Cholo. Tama na ang iilang linggong pagpapakabuhay sa ilusyon. Oras na para gumising ako at harapin ang reyalidad kahit gaano man kasakit ang magiging kapalit nito. Para sa pamilya. Para sa ama at kapatid ko.

"Salamat," sagot ko rito bago tumugon sa yakap nito.

Salamat, Cholo. Sa lahat-lahat. Salamat sa mga alaala.

Sana... sana mapatawad mo ako.