Simula ng mangyari ang mga nangyari sa akin, hindi na kailanman ako natahimik. The pain, the torture I have to go through kept my days lonely and my nights sleepless. I was writhing for something to satisfy my deep yearning for sweet rebuttal.
They said revenge is not ours, it's God's but I'm just a human with frailties. I cannot for all that happened to me let this go easily. I wanted to get even and being evil is all I needed to be.
I needed to be like this.
I needed to be a wicked Mrs. Gastrell.
For all the shits I have experienced, for all the gunks I have tasted, there's only one way to pay this forward. Cholo is the way and the only way.
But... the enfeeblement in me is growing as I looked upon my husband who's staring at something in his palms. Malamlam ang mga mata nito habang nakatitig sa nakabukas nitong palad. Nakatayo ito sa may bungad ng hagdan at nakatulala sa kamay. The look on his face reminded me of the past Cholo I loved. Those grey tantalizing eyes which soften every time he looks at someone he cherishes, the very same eyes who had looked at me with adoration and resentment simultaneously.
"Are you hungry? You have anything particular you want to eat for breakfast?" tanong ko habang pababa sa hagdan. Inayos ko ang strap ng suot na black long duster dress. Nakita ko pa ang mabilisan nitong pagpamulsa para siguro itago ang kung anumang tinititigan kanina bago sumunod sa paglalakad ko papunta sa kusina.
"Just anything you usually cook," sagot nito na nakapagpatigil sandali sa akin sa pagbukas ng refrigerator. Himala at mukhang iba ang ihip ng hangin ngayon.
Nilingon ko siya na nasa likod ko lang pala at nagmamasid sa mga kilos ko. "Really? Kakain ka na ba talaga ng luto ko?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
He stopped as if he realized something and then shrugged his shoulders. "Why not? It's about time I taste my wife's cooking. Hindi ba ikaw na rin ang namimilit sa akin na kainin ang mga luto mo?"
"Yeah. You really need to know how magnificent I am when it comes to cooking after you tasted me. Gusto ko sanang maging dessert mo pero nauna na 'ata akong maging appetizer." Kinindatan ko pa siya saka bumalik sa paghahalungkat nang maaring lutuin sa ref.
I felt him come near my back and volunteered silently to hold the doors for me. Lumuhod naman ako nang kaunti para buksan ang veggies compartment.
"Hmmm, but I still prefer your taste, my personal fave."
Napangisi ako. "Ew, Cholo Gastrell. Napaghahalataang kulang ka sa ensayo pagdating sa pambobola ng babae. Is that all you've got? Nasaan na ba ang ilang taon na training mo? I still remembered how women here all praise you. Kulang na nga lang ay halikan nila ang lupang nilalakaran mo." Kumuha ako ng ilang mga gulay at prutas sa rack at tumayo na. Isinarado naman ni Cholo ang ref at sumunod sa akin sa mesa.
"Nah, I've cancelled my membership in the club. It got to the point of being boring. Besides, may magagalit."
Natigilan ako. Yeah, of course. Elizabeth will get angry at him. But come to think of it. Even when they're together, Cholo is still seen in the premises of La Vida Club which means he has never been loyal to the woman.
"I won't mind knowing it now. You have needs. I just wished you have been so careful. Ayokong maging stepmom nang wala sa oras."
Narinig ko lang ang pagtawa nito sa likuran ko bago ito umupo sa silya at tiningnan ang ginagawa kong paghihiwa sa mga gulay. I tried so hard not to get conscious but his mere presence is really making me hard to ignore him.
"Stop staring at me as if..." I froze when I realized that I was about to say it.
"As if what?" tuya nito.
Ibinaba ko ang kutsilyo sa gilid ng chopping board at sinalubong ang pilyong mga mata ng asawa.
"As if we're back to those times eight years ago. As if it's that time again when I thought you really cared for me, Cholo. Just a question, may naramdaman ka ba sa akin noon k-kahit kaunti man lang?"
Pareho kaming natigilan sa sinabi ko. Muntik ko nang sabunutan ang sarili dahil nadulas ako. I shouldn't have said it. I shouldn't have let it through my mouth. Dapat sa utak ko lang iyon.
Tumikhim ako at iniiwas ang tingin sa lalaki.
"Nevermind. Don't answer it. Walang kuwentang tanong."
"I did. I did feel something for you back then, Karina," sagot nito sa siguradong tinig.
Sumagap ako ng hininga at sarkastikong ngumiti.
"Is it about last night? Sinasabi mo lang ito ngayon sa akin dahil nakokonsensiya ka. Well Cholo, ayoko ng kahit anong awa mo. I want you back for real because you love me, not because you feel pity for me."
"You asked. I just answered. Hindi ko na problema kung ayaw mo akong paniwalaan but I tell you, it's the truth. Awa? You're not someone I should pity, wife. Now it's my turn to ask."
Kinuha ko uli ang kutsilyo at ipinagpatuloy ang paghihiwa. "Sure," ani ko.
"Have you loved me eight years ago, Karina? May naramdaman ka ba sa akin noon kahit kaunti lang?" ulit nito sa tanong ko.
Parang napasong nabitawan ko uli ang kutsilyo. Tumama ito sa baso na nasa gilid na may lamang tubig. Natumba ito at bago pa namin maagapan ay tumulo na ang likido sa sahig pero wala ninuman sa amin ang pumansin dito.
"Would I come back here if I had not loved you? Sino ba ang baliw na babalik pa dito sa bayan na nagpapaalala sa lahat ng kapaitan na kaniyang naranasan kung hindi lang naman mahalaga sa kaniya ang taong kaniyang babalikan? Cholo, kahit mabibilang lang sa mga kamay ang mga linggong pinagsamahan natin, minahal kita. It might sound farce to you but believe me when I say that I had never forgotten about you in all those years." May gusto pa sana akong idagdag sa sasabihin ko pero hindi ko na itinuloy. Tama na ang minsan kong kamalian kanina.
Hindi ito sumagot. Nakatitig lang siya sa akin nang blangko ang mga mata. This is the most difficult part of me when it comes to him. I can't read his expression especially when he looks at me this way. Dati pa man, palagi na lang akong nanghuhula kung ano ba ang ibig sabihin ng mga tingin niya, ng pasimpleng paghawak niya sa kamay ko, at nang mga ekspresyon na hindi ko mabigyan ng pangalan. Mula noon hanggang ngayon, nangangapa pa rin ako sa dilim kung paano ko babasahin ang isang Cholo Gastrell.
"Then let me check it out if you're really telling the truth."
Kinabig niya ako palapit at walang paalam na itinaas ang baba ko para salubungin ang mga labi nito. Nabigla man sa bilis ng kilos nito pero nagpaubaya na lang ako. I closed my eyes and opened my mouth for him.
Hindi ako tumugon noong una. I just let him explore my mouth which is trying to get familiar with my tongue. I don't know why he's doing it or what he meant by what he said but if it is what it takes to have his trust and love again then he could have all of my lips.
Umangat ang mga kamay ko patungo sa balikat nito samantalang bumaba naman ang kamay nito sa puwitan ko at sinapo ito. His kiss became deeper but the gentleness is still there. Muntik ko na ngang habulin ang bibig nito nang maglayo kami. I've longed for this moment to happen—him reminiscing our past together even if it's just through a kiss.
"So? How did it go? Did you confirm it?" tanong ko sa hinihingal na boses, magkalapat pa rin ang aming mga katawan at nasa balikat pa rin niya ang mga kamay ko.
Our eyes are on each other, delivering messages our tongues are too afraid to utter.
"It says errors ahead. I'll have to take another one just to make sure if I was right," bulong nito.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. With a grin on my face, ako na ang humila sa kaniyang batok para magtagpo uli ang aming mga labi. The kiss is still soft and soothing with a little bit of biting and sucking.
"Ano na? Did you finally able to get it clearly or do we have to kiss for another round until we ran out of breath? What do you think of it? Kasi ako, okay lang sa akin hanggang sa dumugo 'yang lips mo," wika ko habang naglalakbay ang kamay sa matigas na dibdib nito.
"Wife, don't be impatient. We have all day for that."
Binitawan niya na ako at tumalikod para magpunta sa ref at kumuha ng malamig na tubig. Napangisi ako. Nagsinungaling pa ang gago. Tinigasan din naman siya kanina. I felt him on my stomach. Bahala siya kung gusto niya munang tikisin. Hindi naman ako ang sasakit ang puson.
"Hey, hub. Nalaman kong on leave ka. May kailangan ka bang asikasuhin for the time being? May maitutulong ba ako? Just tell me. Wala rin naman akong gagawin other than to be your confidante."
Isinarado nito ang ref at bumalik sa upuan para pagmasdan uli ako sa ginagawang paghihiwa naman ng mga prutas. Balak kong gumawa na naman ng smoothie.
"I need to iron out some plans for the oil exploration we will be conducting off the coast of Monte Vega. Kailangan ko munang iwanan ang post ko sa shipyard para dito. It's my pet project together with the Asturias," kaswal nitong sagot.
"Monte Vega? With the Asturias again? I hope it would just be strictly about business, Cholo. I'm a jealous type of woman lalo na at hindi ako masyadong secured sa relasyon na ito. Please no Elizabeth again this time 'cause I can't promise to be nice to her. Ubos na ako. Naubos na ang pasensiya ko sa kaniya. You might love her but it's me who's with you and I'm your wife. Need I say more?"
Nagbuntunghininga lang ito bago tumayo at hinaplos ang tenga ko.
"What should I do to help you? I might get myself a weapon in case you might think it's fun to wield your knife at me. Come on."
Gusto kong ismiran ito dahil sa obvious na pag-iwas nito sa topic. He could have nodded or said yes but he chose to dodge the question aside which hurt my ego. I get it. Mahal na mahal niya ang babae at sampid lang ako sa buhay niya ngayon. Sooner or later, aalis din ako.
"Punasan mo na lang ang mesa at sahig. Or you can call the helpers if you want to," tukoy ko sa mga basang bahagi dulot ng nabuwal na baso.
"Iyon lang ba? Easy." He turned to get a towel to dry the table but I stopped him again.
"Cholo."
Lumingon siya sa akin nang nagtatanong ang mata. "Yes? Any more requests, madam?" pabiro nitong tanong.
Umiling ako. "Nothing. Just answer my question." I paused for a while before I answered his questioning eyes. "So what did you get from the kiss? A confirmation or a refutation?"
Hindi hinihiwalay ang titig na bumalik siya sa tabi ko at itinaas ang kamay para haplusin ang bibig ko.
"Your lips still taste the same. I never realized I missed them until last night and now," saad nito sa tonong nagbabalik-tanaw.
"But?" I whispered sensing that there are still words he purposely left unsaid.
Tumaas ang daliri nito at hinaplos ang gilid ng mata ko. "Your eyes and smile. They have become strangers in your familiar face."
Animo binuhusan ako ng nagyeyelong tubig sa winika nito. Para na ring sinabi nito na hindi na ako ang dating Karina na nagustuhan nito noong una.
"I'll pray for the day when your smile will reach your eyes again. Ngayon ko lang nalaman na iyan pala ang matagal ko nang hinahanap na makita sa iyo. Until then, I'll be by your side, Karina."
Kanina pa nakaalis si Cholo para kumuha ng map pero nakatulos pa rin ako sa kinatatayuan. Natitigilan pa rin na hinawakan ko ang mga mata at bibig na kanina ay hawak nito.
Tama nga ako. Ginagawa lang ang lahat ng ito ni Cholo dahil sa nasaksihan niyang kahinaan ko kagabi. I mean, sino ba kasi ang matinong tao na magbabago ang pakikitungo sa taong kinamumuhian nito overnight unless may nangyaring hindi inaasahan?
"Your eyes and smile. They have become strangers in your familiar face."
Mapait akong napangiti. Kahit sino pa sigurong tao ang makaranas sa naranasan ko ay magbabago.
Minsan... hindi ko na nga kilala ang sarili ko. Para na akong patay na gumagalaw dahil lamang sa pait at galit.
"I'll pray for the day when your smile will reach your eyes again. Ngayon ko lang nalaman na iyan pala ang matagal ko nang hinahanap na makita sa iyo. Until then, I'll be by your side, Karina."
Sana nga, Cholo. Sana tumupad ka na sa pangako mo na pinako mo noon.