Chereads / Her Irascible Billionaire / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

Kameron went to his office at BGC around eleven in the morning. He's late on his conference meeting with his clients and now he's in hurry. Kasalukuyan siyang may kausap sa cell phone habang papasok sa elevator subalit ang mga empleyado roon na nakakasabay niya ay tipid lamang ang pagbati at pagngiti sa kaniya. Hindi rin sumabay ang mga ito sa pagsakay ng elevator dahil baka mapagbuntungan niya ng kaniyang kasungitan. Yes! He's aware of being irascible to anyone and being strict to his employees. Kaya hindi niya masisisi ang mga itong mailap sa kaniya.

"I have to drop this call and see you tomorrow. Bye." He pressed the end call button of his phone and then put it on his pocket. Subalit natigilan siya nang hindi pa nagsasara ang elevator at nakatingin sa mga empleyado niyang nasa bungad ng pinto ng elevator. "What are you doing, guys?" Nagsalubong na naman ang kilay niya dahil nag-alangan pa ang mga itong papasok o hindi. "Oh, c'mon! Get inside! I am in hurry!" bahagyang sigaw niya.

Nagkatinginan ang mga ito sabay nag-uunahan at nagtutulakang pumasok. Sa daming empleyado niyang pumasok sa loob ng elevator kasabay niya, napasandal pa siya. Siksikan na tuloy sila sa loob ng elevator. Jeez! This building has four elevators. Ganito na ba kadami ang mga empleyado ko? Bahagya niyang niluwangan ang necktie niya saka napatingin sa kaniyang wristwatch. Late na siya ng halos kalahating oras sa meeting niya at nagkataon pa na breaktime ng ibang empleyado kaya madami siyang kasabayan.

Nakailang bukas at sara din ang pinto ng elevator kaya mas lalong natatagalan siya. Damn that woman! Kung hindi lang niya ginulo ang araw ko, maaga na sana ako. And who are you would tell me that I am ugly, huh? May araw ka rin sa akin, Katrina Ferrer! Nagka-allergy siya nang masinghot niya ang bagoong sa kusina nila kanina kaya late tuloy siyang nakapasok. Hindi niya sinabi kay Aling Nina ang bagay na iyon dahil ayaw naman niyang itapon ito ng kanilang katiwala. Disgusting! Sa kakaisip niya sa pangyayari, huli na rin siyang nakalabas ng elevator.

Kameron was the CEO of the Severino Food Group of Companies. He managed their family business since his sister Kreisha Marie Severino has its own business in Australia. Nag-retiro na ang ama niya mula nang mamatay ang kaniyang ina ilang taon na rin ang nakararaan dahil sa sakit nito. Kahit pa man noon ay siya na rin ang nagdedesisyon lalo na ang paghihigpit niya sa kaniyang kapatid na minsan na rin naging marupok sa buhay nito.

Marami na rin siyang mga pinagdaanan kaya siya ganito sa ibang tao. He doesn't have trust on them and might thought that everyone has their own bait for him. Lalong-lalo na sa mga babaeng nakapaligid sa kaniya. Well, it was started when he was in college days and found out something horrible about his mother and her secret affair. Doon na nagsimula ang lahat kaya kahit na noong namatay na ito ay dala-dala pa rin niya ang pasakit na iyon. And then, he saw that on his father being drowned into dusky emotions. Kamuntik na rin malugi ang kanilang kompanya noon kung hindi lang niya ito naagapan. At the age of thirty-three, he wasn't thought about his relationship to opposite sex.

"Ella, will you cancel my meeting with Mr. Sy? I have to fetch my sister at the airport this late afternoon," wika niya sa secretary niya matapos ang meeting. Nasa loob na rin siya ng kaniyang opisina at inatupag naman ang kaniyang mga pipirmahan.

"Okay, Sir Kameron. Uhm, Mr. Anderson is waiting for you at the lounge area. Should I call him or you will go to the lounge?"

"Papasukin mo. Dito na kami mag-uusap," tugon naman niya na hindi na tinitingnan ang sekretarya.

"Okay." Tumalikod na agad ito at lumabas.

Siya naman ang tinitingnan ang mga perspective sa bubuksan nilang branch ng kanilang restaurant sa Alabang. Pinag-aaralan na rin niya ang magiging budget kung sakaling maitayo ito at ang mga materyales na kukunin sa isang kilalang engineering supplies company. Maya-maya pa ay narinig niya ang pagbukas ng kaniyang pinto saka siya nag-angat ng tingin. He saw Rick Anderson smiled at him while carrying a white folder.

"Hi," bati nito. Naglakad ito patungo sa direksiyon niya.

"Hi," tipid naman niyang tugon. Muli niyang inilapag sa table ang mga papel at sumandal sa swivel chair niya. "Have a sit." Turo niya sa isang couch malapit sa kaniyang table. Maya-maya lang ay tumayo siya at tinungo ang kinauupuan ni Rick. "So, what would you like to tell me that you wouldn't want to discuss it via email?" tanong niya saka siya umupo katapat nito.

"Here. I have the contract of agreement about the business I always wanted to propose to you. Kaya lang ay lagi mong tinatanggihan ito dahil lagi mong sinasabi sa akin na hindi mo ito linya," panimulang wika ni Rick saka ipinatong sa center table ang folde na bitbit nito.

"Is it about the race game again? Look, I am not interested about it, Rick. Alam mo naman na pagpapatakbo lang ng isang Food Corporation ang alam ko. Isa pa, pustahan ang magaganap dito at wala akong kilalang woman driver na mag-da-drive para sa akin," direktang tugon niya kay Rick kahit hindi pa niya nakikita ang laman ng kontrata.

It was a game contract between him and Rick which suppose to happen in Dubai. Pupusta lang naman siya kapalit ng expansion ng Food Corporation nito sa naturang bansa. Magkakaroon siya ng instant investors na mga Arabo kasama pa ng malaking halaga at ang mapapanalunan niya sa karera. Kailangan lang niyang ipusta ang lahat ng shares niya at ang buong kompanya para sa larong ito. And it's not a good idea for him. Hindi siya susugal sa isang bagay na alam niyang magiging dahilan ng pagbagsak niya. Subalit paulit-ulit na rin ino-offer sa kaniya ng kaibigan niya ang bagay na iyon. Nakikita naman niya na successful ang business ni Rick sa Dubai nang dahil sa larong iyon.

"Dude, I will give you the best car racer driver if you sign the agreement. Malaki ang epekto nito sa mga bubuksan mo at take note, this is an international investment. Look at me, malaki na ang angat ko sa mga kalaban ko sa negosyo ko dahil marami akong investors." Sumandal ito sabay naka-de-kwatro.

"I still have doubts, Rick. Kung gusto mo ay ibang member na lang ng Billionaire's Club ang alukin mo tungkol sa bagay na ito. For me, it's a big no. Wala ka na bang ibang sasabihin at may susunduin pa ako sa airport." Tinapunan lang niya ito nang malalim na tingin at ipinahalata niyang wala siyang interes sa bagay na inaalok nito.

"All right. Mukhang sa iba ko na lang talaga ito ibibigay. But, you can take a look about the contract. Malay mo at magkaka-interes ka rin dito." Tumayo na agad ito. "Iiwan ko muna iyan at balikan na lang kita."

"Makulit ka rin, 'no? Sige na at mahalaga ang oras ko."

Napangiti ito. "Masungit ka pa rin hanggang ngayon, pare. Hindi ka pa rin nagbabago."

Tumayo na rin siya. "Do I need to change myself?"

"Hmm. Okay na iyan. Mag-asawa ka na kaya," biro nito.

"Get out of my office, Rick. Baka makalimutan kong kaibigan kita," pagsusungit na naman niya rito.

Malutong na tawa lang ang tinugon ni Rick sa kaniya saka ito naglakad palabas ng kaniyang opisina. Napailing na lang siya sa tinuran ng kaibigan niyang naging kaklase rin niya noon sa college kaya kilalang-kilala niya ito. Sinulyapan niya ang folder sa center table at dinampot ito. Dinala niya ito sa kaniyang table at inilagay katabi ng mga dokumentong dapat niyang pirmahan pa. He stayed a few minutes in his office before he went to NAIA Terminal 1. Susunduin pa niya ang kapatid na matagal na rin niyang hindi nakikita at nakakasama.

"Kuya!" Malayo pa lang ay sumigaw na agad ang kapatid niyang si Kreisha sa arrival area ng terminal 1 at patakbong patungo sa kaniyang kinatatayuan.

He stared at her sister's image while wearing her sweetest smile to him but he notice something. Naningkit din ang mga mata niyang nakatitig dito dahil mas lalong iba na ang hitsura nito. Pati noo niya ang nakakunot na rin at tila nagdadalawang-isip siya kung kapatid ba niya ito.

"Kuya Kameron!" Sabay yumakap ito sa kaniya. "I miss you, kuya." Maya-maya lang ay kumalas ito sa pagkakayakap sa kaniya at tumingala ito upang tingnan siya. "K-Kuya, b-bakit ka ganyan makatitig? May dumi ba ako sa mukha?"

"Are you really my sister?" tanong niya. Nakakunot pa rin ang noo niya rito. Ibang-iba na ang kapatid niya kumpara noong huli niya itong nakita nang personal.

"Why? Of course, it's me! Wala namang ibang Kreisha Marie Severino ang bumaba mula sa eroplanong sinakyan ko mula Australia kung hindi ako lang. My god! Don't you recognize me, brother? Nakakita ka lang ng diyosa sa harap mo, natulala ka na at hindi makapagsalita."

"Balyena ang nakikita ko," asar niya sa kapatid.

Hinampas siya nito sa balikat ngunit naman malakas. "Kuya!" Napaismid ito pagkatapos.

"I can't believe it, Chubby. Hindi ka man lang ba naging conscious sa health mo. Look at you, para kang pinabayaan sa kusina," angil niya sa kapatid. "Nevermind. Let's go." Tinulungan na lang niya ito sa mga gamit na dala-dala ng kapatid. Chubby na rin ang tawag nila rito kahit pa man noon dahil sa tabain talaga ang kapatid niya.

"Anong masama sa pagiging chubby? Hindi pa naman ako dambuhala, right?"

"Ewan ko sa iyo."

"Ayos lang iyan, brader. Don't worry about me." Umangkla ito sa braso niya. "Na-miss kaya kita."

Hindi na siya umimik dito habang patungo sila ng parking. Alam niyang mula pa man noon ay tabain na talaga ang kapatid niya ngunit hindi lang niya inakalang mas lalo itong namilog ngayon. He saw her on their video calls but it's really different when he saw her in person. He always reminded her to maintain her health but he has a stubborn sister sometimes.

Pagdating naman nila sa kanilang bahay ay nakatunog na naman ang kaibigan ng kapatid niya. kakababa lang nila ng kotse saka naman biglang pumasok sa bakuran nila si Trina. Masama na naman ang tingin niya sa dalagang dahilan na nagka-allergy siya kanina.

"Trina! I miss you, beshy." Nakipagbeso-beso pa ito kay Trina.

"My god, Chubby! You're here! Akala ko ay samakalawa ka pa darating!" tugon naman ni Trina habang maligalig na kausap si Kreisha.

Lihim lang niyang pinagmamasdan ang mga ito habang ibinababa niya ang mga gamit ng kapatid niya. Nagkita na naman ang dalawang makukulit. Mga isip bata talaga.

"Akala ko rin. But I change my flight schedule kasi gusto ko ng umuwi. And now I am here, let's party!"

"Hoy! Kayong dalawa, anong party-party, ha?" sita niya. Biglang tumahimik ang mga ito nang magsalita siya. "You are not both going anywhere." Sumulyap siya kay Trina na tila sinalubong nito ang malalalim niyang tingin. "Ikaw, umuwi ka na." Tumalikod agad siya pagkasabi niyang iyon sa dalawa. Madaming kalokohan ang dalawa kaya siya naghihigpit sa mga ito.

"Masungit!"

Narinig niyang sinabi iyon ni Trina kaya napahinto siya sa paglalakad at muling lumingon sa dalawa. He throws his fierce look at her and then Trina smiled at him showing her finger with peace sign. Nagpaalam na agad ito sa kapatid niya saka ito tumalilis ng takbo tulad nang ginawa nito kanina. Napapailing na lang siya saka nagpatuloy sa paglalakad papasok ng kanilang bahay. He never cares of what Trina would felt about his being drastic to them and also her sister. He wanted them both to be matured enough at their age but as he saw earlier, it wouldn't be as easy as that. He's overprotective brother for his sister's own good. At hindi na pwede sa akin ang mga kalokohan niyong dalawa. Ngayon pa lang ay naiisip na niyang tatanda na naman siya sa konsumisyon sa mga ito. Jeez!