Napamaang si Kameron sa kaniyang nasabi rito tungkol sa gusto nitong kapalit. Kahit siya ay nabigla rin sa sinabi niyang iyon ngunit hindi na niya maaaring bawiin. In the mere fact that she's sincere with that but it wasn't a good sign to tell it to him. Isa pa, babae siya at ang pangit tingnan na siya pa mismo ang nagsabi na gusto niyang makipag-make love rito. Ano ba itong mga naiisip ko?
"Sigurado ka na iyan ang gusto mo?" tanong nito. Malalim lang ang tingin nito sa kaniya at mababa lang tono ng boses nito wari ay tinatantiya nitong totoo ba o biro ang sinabi niya.
Bahagya siyang nagulat sa reaksiyon nito. Umaasa siyang magagalit ito o kaya naman ay magsusungit sa kaniya ngunit kabaliktaran ang nangyari. Napalunok siya. Pinagpapawisan na rin siya ng malamig kahit na naka-high ang air condition sa loob ng study room. Syete! Bakit naman kasi iyon ang sinabi mo, Trina? Nababaliw ka na talaga. Gusto niyang bawiin ang sinabi niya ngunit huli na. Sana umobra ang naisip ko.
"U-Uhm..." Muli na naman siyang napalunok subalit maya-maya lang ay bigla siyang pumalatak nang tawa. "Of course, not! Haler! Biro lang naman iyon! Ano ka ba?!" bawi niya. Kahit huli na upang bawiin ang sinabi, umaasa pa rin siyang maniniwala ito. Hinawi niya ang iilang hibla ng buhok sa kanang bahagi niya sabay lihim na napakagat ng labi. Idinaan na naman niya sa kalokohan subalit nanatiling ganoon pa rin ang reaksiyon ng binata.
"Sabagay. Ano pa ba ang aasahan ko sa iyo kung hindi puro kalokohan. Malaki ang respeto ko sa bagay na iyan, Trina. And it's not worth to say. You can ask me whatever you want but I can't do that thing with you." Iniangat nito ang baso saka muling uminom ng alak.
Awts! Eng sheket nemen! Hindi pala pwede ang one night stand. "As I said, biro lang iyon. Masyado ka naman seryoso. Anyway, pag-iisipan ko muna kung ano ang gusto ko. Kung bakit pa kasi ganyan ang sinapit mo. May alam ba si Kreisha tungkol dito o ang daddy mo?"
Umiling ito. "Wala. I never told anyone except you."
"All right." Magseseryoso na siya rito. "Uhm, tingnan na lang natin by next year."
"Okay. What do you want me to do to support you?"
"Pehenge ng pendesel! I mean— mag-e-ensayo lang naman ako." Hay! Bakit ba hindi ko mapigilan ang karisma ng isang ito? Lumabas na kaya ako?
"Sabog ka na naman kausap, Trina. All right. Let's end this conversation, and let's talk about it next year. Just make sure that you will win the race."
"Wish me luck," she said. "Alam na alam mo talagang hindi kita bibiguin, 'no? So, magiging mabait ka na sa akin?"
Tumayo na ito. "Depende. Sige na. Marami pa akong gagawin."
"Pinagtatabuyan mo na naman ba ako?" Tinignan lang siya nito. "Sabi ko nga na lalayas na ako." Tumayo rin siya ngunit sa pagtayo niya ay bigla siyang nahilo. Noon lang niya naramdaman ang tama ng alak sa katawan niya.
Biglang natapilok ang isa niyang paa at nawalan ng balanse. She was about to fall in the carpeted floor but Kameron was there to instantly support her. Hinapit nito ang baywang niya ngunit dahil nakainom din ang binata ay nawalan din ito ng kontrol. Shit! Sabay silang bumagsak sa sahig na nakadagan naman sa kaniya si Kameron. Mabuti na lang at hindi nabagok ang ulo niya sa kung saan bahagi ng sahig.
"Aray ko!" impit niyang wika. Tumama ang likod niya sa carpeted na sahig ngunit hindi naman malala.
Right there and then, Kameron was in the top of her. Halos buong bigat nito ay dama ng katawan niya at hindi lamang iyon. Walang pagitan ang distansiya nila sa isat' isa na pati paghinga nito ay dama niya. While she's staring at him, she feels that he was in pain. Marahil ay madaganan niya ang kamay nitong nakahawak sa baywang niya kanina.
"Shit," sambit nito.
"S-Sorry." Lihim na naman siyang napakagat labi. She smells his masculine scent even he's drunk. Staring at her irascible man closer was the great experience she had with him. The chestnut color of his eyes with thick eyelashes, his perfect nose figure, his kissable red lips, and a squared type of face make him more attractive. Everything about him was perfect for her glimpse. Sa dami-dami niyang nakilala, kay Kameron lang talaga siya tinamaan nang todo.
"Trina..." he whispered.
"Y-Yes, K-Kameron?" mahinang anas niya rin niya. Kaylapit ng mga labi nila sa isa't isa at dama na niya ang bawat paghinga nito. Nangingislap na naman ang mga mata niya sa sitwasyon nilang dalawa. Labs, halikan mo ako. Halikan mo, please!
"T-Trina..."
"Yes?" Ayan na! Ayan na ang mga labi niya!
"T-Trina... ang k-kamay ko! Naipit!" angal nito.
"Huh?! S-Sorry!" Mabilis siyang kumilos patagilid upang mabawi ni Kameron ang kamay nitong naipit. Nyemas! Akala ko ang hahalik na antipatikong lalaking ito.
"Ahh! Shit!" muling angal ng binata nang makuha na nito ang kamay. Agad din itong kumilos upang umalis sa pagkakadagan sa kaniya. Iwinagayway pa nito ang kamay na naipit habang kita niya ang ekspresyon sa mukha nitong napangiwi sa sakit.
Siya naman ay kumilos na rin upang bumangon. "H-Hindi ko alam na nandiyan ang kamay mo. I mean, alam ko pero hindi ko sinasadyang maipit." Umupo siya sa carpeted na sahig tulad ng binata at sumandal sa ibabang bahagi ng sofa. Malas! Akala ko pa naman ay hahalikan mo na ako.
"Kung bakit ka pa natalisod," umangal na naman ito.
Wow! Kasalanan ko na naman. Ikaw kaya nagpainom sa akin. "Pinainom mo kaya ako ng alak. Hellooo?" Nahihilo pa rin siya pero pinilit niyang tumayo. "Lalayas na ako." Napahawak pa siya sa sofa na nangangapa sa animo'y madilim ang paligid.
"Kaya mo?" Tumayo na rin ito.
"K-Kaya ko. Pinagtatabuyan mo na kaya ako—ay!" Kamuntik na naman siya.
Napailing si Kameron saka hinawakan ang braso niya. "Tara na. Ihahatid na kita sa inyo. Baka isipin mo ay masama na talaga akong tao."
Lihim siyang natuwa sa pagkakahawak nito sa braso niya. Kahit na may pagkamasungit ang binata, dama niya ang pagiging concern nito. Plus one point ka na naman, may labs! Pinapaibig mo ako nang ganito sa iyo. Maya-maya lang ay naglakad na sila palabas ng kwartong iyon.
"Huwag ka ngang dumikit. Masyado kang chansing," angal nito.
"Chansing? Sino ba ang may gustong hawakan ako? Siguro may gusto ka sa akin, 'no? Aminin!" asar niya.
"If you won't stop pissed me off, Trina. I warn you. Ihuhulog kita sa hagdanan," banta nito.
Napahagikhik siya. "How sweet naman. Ganyan ka pala magkagusto sa akin, masyado kang hot. Chill lang tayo." Mas makulit na siya ngayon dahil sa nakainom siya.
Binitawan siya nito. "Sige. Maglakad ka na lang mag-isa mo," inis nitong sabi sa kaniya.
"Ouch. Ang hard mo talaga. Get hard there!"
Mas lalo lang itong nainis sa kaniya. "Siraulo ka talaga!"
"Kameron!"
Napatingin silang dalawa sa lalaking naroon na sa pasilyo. It was Kameron's father seems that it witnessed of what happened to them at this time. May edad na ito ngunit matikas pa rin ang pangangatawan at hawig dito ang binata. Mula nang maging malapit siya sa pamilya ng mga Severino, ito na rin ang itinuturing niyang pangalawa niyang ama.
"What happen here?" tanong nito.
"Dad, bakit kayo bumangon?" kunot noong tanong ni Kameron sa ama nito at hindi alintana ang tanong nito.
"I'm okay. I don't have a fever anymore," tugon nito. "Hindi mo pa ako sinagot kung ano ang nangyayari dito at kung bakit mo sinisigawan itong si Trina. Are you okay, hija?"
Tumango siya sabay sabi nang, "I'm okay, Tito Tino. Kayo po? Sigurado po ba kayong ayos lang kayo? May ibinigay pala ang nanay ko na ulam. Iyong paborito niyong luto niya na beef caldereta."
"Oh!" Malawak ang pagkakangiti nito. "Kumain na ako kanina at hindi pa rin nagbabago ang luto ng nanay mo. Just tell her I'm relieved. Uhm, Kameron. Ikaw na ang bahala rito kay Trina. Babalik lang ako sa loob ng kwarto ko."
"Dad, hindi ako nag-aalaga ng mga makukulit. Trina will go home now and she's fine. Kita niyo namang labas-pasok iyan dito sa bahay." Sabay tumingin ito sa kaniya nang masama.
"Tito, oh. Iyong anak niyo masama ang tingin. Pinapalayas niya kaya ako kanina," pagsusumbong niya. Iyon lang ang lamang niya dahil malapit siya sa ama nito.
"Kameron, is that I taught you how to respect women?" kunot-noong tanong ng ama nito sa binata.
"Hindi naman siya babae. Kung gusto niyo, kayo na ang maghatid sa kaniya." Sabay tumalikod ito at mabilis na nagmartsang pumasok sa pinanggalingan nila kanina.
Nasundan nila ito ng tingin. "Tingnan niyo nga ugali ng anak niyo, ang swapang. Kanina lang ay gusto akong tulungan maglakad. Tapos ngayon… hay, ewan."
"Pagpasensiyahan mo na ang anak ko, Trina. Mabait naman iyan kaya lang ay ayaw niya talaga sa mga makukulit. Kung si Chubby nga ay halos lumabas na ang litid sa leeg niya kakasermon dito. Kung buhay lang sana ay asawa ko, hindi siya magkakaganyan." May lungkot ito sa mga mata nang mabanggit ang yumao na nitong asawa.
"Naku, ayos lang po iyon." Ayaw niyang malungkot ito at galing pa ito sa sakit. "Sanay na ako sa ugali ng anak niyong pinaglihi sa bulkan at dragon. Kulang na lang po talaga, apoy ang ibubuga."
Napangiti ito. "You always make me smile, Trina. Maswerte ang boyfriend mo."
"Wala nga po kahit isa." Ngiti-ngiti siya. Iyong anak niyo sana kaso tagilid pa. Mukhang hindi mabenta ang beauty ko sa mga dragon. Sa ahas na lang siguro ako magpapalapa.
"Wala? Oh, really? Sa ganda mong iyan? Sabagay, bata ka pa naman. Paano at hindi na kita masamahan sa baba. I need to go to my room, hija."
"It's okay, tito. Magpahinga na lang po muna kayo."
"Okay."
Tumalikod na rin ito at siya naman ay naglakad na rin pababa. Bahagyang nawala na ang tama ng alak niya sa katawan kaya kinakaya na rin niyang maglakad. Sa ganda kong ito talaga ay wala man lang nagkamali. Siguro iyong nakatadhana sa akin, naka-tsupon pa ngayon. Subalit napaisip siya nang makita niya ang larawan ng pamilya Severino sa sala at natuon ang mga mata niya kay Kameron. Balang-araw ay luluhod din ako at titingalain kita, may labs. Ay, bakit parang ang bastos ng naisip ko? Humugot siya nang malalim na buntonghininga. Titigil lang siguro ako sa kahibangan ko kung mag-aasawa ka na. Tatanggapin ko naman na hindi talaga tayo itinadhana. And it reli herts, may labs. Napapailing na lang siya at muling naglakad palabas ng bahay ng mga Severino. Hindi na rin siya papasok sa office nila at ipagpaliban ang ibang client meetings.
"Oh, bakit iba na ang suot mo?"
Napatingin siya sa kapatid niya nang makauwi na siya. "Nahulog ako sa pool." Hindi na siya nagsinungaling pa rito.
Nagulat ito. "Hah? Sa pool nila Kameron?"
"Oo," tipid niyang tugon.
"Mabuti at buhay ka pa," pang-aasar nito. "Hindi ka pa naman marunong lumangoy. Ayan! Kakapunta mo sa bahay na iyan, bangkay ka na talagang dadalhin dito."
"Tristan! Ano ba iyang mga pinagsasabi mo sa kapatid mo?" saway ni Aling Letty sa kapatid niyang siraulo rin.
"Ayan! Iyang kakambal kong matigas ang ulo, nahulog sa pool ng kapitbahay. Pinagdala mo lang iyan ng caldereta sa kabila, mukhang nababaliw na naman. Sino ang sumagip sa iyo? Don't tell me that man saved you?"
Napangiwi na lang siya sa kapatid niyang nakabulyaw na naman at sinapian. Nungkang pinagsalitaan pa siya nito ngunit kasalanan din naman niya. Kung hindi siya dumaan sa pool area, hindi sana siya mahuhulog.
"Katrina, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ng ina niya.
"Ayos lang, "Nay. Akyat na muna ako sa kwarto ko." Mabibigat ang mga hakbang niyang umakyat ng hagdan.
"Are you sure, anak?"
"Oho," tugon niya sa ina na hindi na lumingon pa.
"Hayaan niyo at matatauhan din iyan."
May pahabol pa ang kapatid niyang isa rin woman hater. Hindi rin niya masisi ito na lagi itong nagpapaalala sa kaniya na tama na ang kahibangan niya dahil minsan na rin itong nasaktan. And she knows that since high school days. Minsan naisip din niyang magkakambal talaga sila ng kapalaran ni Tristan dahil kahit sa buhay pag-ibig ay halos pareho pa sila ng sinapit. Muli na lang niyang itinuon ang sarili sa kanilang negosyo at ang deal nila ni Kameron.