Dumalaw si Trina sa bahay ng bestfriend niyang si Kreisha, isang umaga. Matagal-tagal na rin siyang hindi nakakapunta sa bahay nina Raven dahil abala siya sa trabaho at ibang mga bagay-bagay. Isama na ang mahal kong si Kameron. Mabanggit lang na dadalaw ang kapatid ng bestfriend niya sa bahay nito, nagkukumahog na siyang tumungo rito. Isang araw nga lang ang lumipas nang magkita sila, miss na niya agad.
"Kreisha! Nandito na ang diyosa mong kaibigan!" sigaw niya sa main entrance door pa lang ng bahay ng kaibigan.
"Aba, diyosa nga ang bumungad sa pinto ng bahay ko. Diyosa ng mga kabaklaan," maagang asar ni Raven sa kaniya. Pababa ito ng hagdanan na kalong ang anak nitong si Reish na magdalawang taong gulang na.
Napangiwi siya. "Hmm. Ikaw talaga, Raven. Hindi ka na talaga nagbago. Bakit hindi mo na lang ako suportahan sa pagiging diyosa ng bawat taon? Kung hindi dahil sa akin, hindi mahawaan si Kreisha ng kagandahan ko." Bumaling siya agad sa baby. "Hi, Baby Reish. Ang kyot-kyot talaga ng inaanak ko! Come here to ninang," sambit niya saka niya inilahad ang mga kamay upang lumapit ito.
"Syempre, saan pa ba magmamana ang anak ko. Mana sa tatay ito," pagmamayabang ni Raven.
Lumapit naman sa kaniya ang baby na tila kilalang-kilala siya. "Kyot ka ba? Acute, oo. See? Lumalapit ang anak mo sa diyosang tulad ko. Uhm, ang bigat mo na, anak. Parang kailan lang, kalong-kalong ka ng ninang habang henehele ka. Ngayon, big boy ka na."
"Malalaman lang kung maganda ka kung maganda rin ang lahi mo. Ano na, Trina. Wala pa rin ba? Hindi ka pa rin maka-iskor sa crush mong si Kameron?"
"Sino iyon?" tugon niyang kunwaring may sakit na limot. "At bakit mo naman nasabing crush ang masungit na iyon?" Wala siyang pinagsabihan maliban sa mga girls na nakahalata sa feelings niya kay Kameron.
"Baliw ka talaga. Halata kayang crush mo ang tukmol na iyon kahit hindi mo pa sabihin. Walang makakaligtas sa instinct ko pagdating diyan. Hay, sa lahat pa ng gusto mo, siya pa. Kawawa ka. Sa iyo muna si Baby Reish at may meeting ako online. Nasa kusina si Kreisha at naghahanda ng almusal. I'll go upstairs," paalam nito.
"Bastos talaga iyang bibig mo, Raven. Parang hindi mo bayae iyong kausap mo. Sige lang, go lang. Ako na ang bahala sa munting prinsipe," tugon niya saka niya inaaliw ang baby habang kalong niya.
"All right. Huwag mo ilapit sa unggoy, ha." Tumalikod na ito pagkatapos saka naglakad paakyat.
"Unggoy? Bakit? May zoo na ba kayo rito?" kunot-noong tanong niya.
"Mamaya darating iyong unggoy mong crush! Huwag mong ilapit at baka mahawa ang anak ko!" sigaw nito.
"Siraulo ka talaga, Raven. Hindi ka na nagbago," sambit niya sa sarili na lang. "Hay, iyong tatay mo talaga, puro kalokohan. Sana huwag ka roon magmana. Tara na sa iyong mommy, anak."
Dinala ni Trina ang bata sa kusina kung saan naroon si Kreisha na abala sa paghahanda ng almusal. Pasado alas-siyete pa lang ng umaga at napaaga rin ang pagdalaw niya. Gusto niyang siya ang mauna kaysa mauna roon si Kameron na bibisita.
"Kreisha! Uhm, wow! Ang bango naman niyan!" puri niya sa niluluto ng kaibigan. "Mahilig na pala si Raven sa fried rice ngayon at hindi na diet ang lolo mo. Nagbago na ba ang panlasa niya? Lason kaya ilagay mo riyan, tutal, virus ang laman ng utak ng asawa mo."
Natawa si Kreisha. "Gaga! Eh, 'di nawalan na ako ng asawa kapag ginawa ko iyon. Siguro maaga ka na naman niyang ina-alaska ka, 'no?" Abala ito sa sandok na pinanghalo sa fried rice.
"Hay, wala namang bago roon." Pumuwesto siya sa upuan ng table counter. "Mabuti nga at hindi ka nababaliw sa asawa mo kapag nang-aasar iyan sa iyo."
"Hindi naman. Nakakatuwa iyang asawa ko na iyan lalo na kapag nakikipaglaro siya sa anak namin," tugon nito.
"Mabuti na nga lang din at hindi nagmana itong anak niyo sa kaniya. Look at him, oh. He's so nice and he's not crying. Kung ibang baby pa ito, hindi ito magtatagal sa pagkakarga ko. Mukhang nagmana sa iyo si Baby Reish."
"Huwag mong lakasan iyang boses mo at baka marinig ka ni Raven. Ayaw niyang nakakarinig na mana sa akin ang anak nami. You know, pride ng isang Venecio na dapat sa kanila lang magmana ang anak nila. Anyway, pupunta pala rito si Kuya Kameron para bumisita. Nasabi ko na sa iyo, hindi ba?"
"Oo." Bruha! Kaya nga ako nandito, 'di vah? "Ano na naman ngayon lung pupunta ang masungit mong kapatid? Don't tell me na hanggang dito sa pamamahay niyo ay palalayasin niya ako. Iyang kapatid mo na talaga, Kreisha, namumuro na iyan sa akin. Allergic siya kapag nasa paligid ako, kung hindi lang ako matino mag-isip, iisipin ko talagang may gusto iyan sa akin. Kaya lang ay no good talaga iyang ugali ng kapatid mo sa akin. Hanep! Masyadong brutal," komento niya.
Natawa si Kreisha sa sinabi niya. "Brutal agad? Gurl, mabait iyang kapatid ko kahit ganyan ang ugali niyan. Hindi nga lang nagkaka-girlfriend kaya ganyan. Yayain mo na kayang magpakasal ang kapatid ko?"
"Anakan na muna niya ako kahit isa bago ko siya pakasalan!"
"Gaga!" Sabay hampas nito sa balikat niya.
"Makahampas naman ito!" Bumaling siya sa baby. "Mapanakit talaga iyang nanay mo, anak. Mabuti na lang at pumayat na siya, eh 'di tumalsik na tayong dalawa." Ngumiti ang bata. "Ay, sang-ayon ka kaagad, baby. Naku, trulalo iyan!" Subalit napatigil din siya sa pagbibiro dahil naalala niya na nasa panganib ngayon ang kompanya ng kapatid nito. Hangga't nandito ako, hinding-hindi ko pababayaan ang may labs Kameron ko!
"Dinamihan ko na ang pagluluto dahil dito rin mag-aalmusal ang kuya. Ibigay mo muna ang anak ko sa yaya niya at tulungan mo na akong maghanda ng almusal."
"Akin na ang baby."
Sabay silang napalingon malapit sa entrance ng kitchen nang bumungad doon si Kameron. Marahan itong naglakad palapit sa kanila habang silang dalawa ni Kreisha ang biglang tumahimik. Sheyt! Ang gwapo ng herodes na ito! Make me pregnant na please! Gusto niyang isigaw iyon ngunit kailangan niyang maging demure. Baka mapabuga na naman siya ng kape kapag sinabi ko ulit iyon.
"Hoy, bingi ka ba? Sabi ko akin na iyang pamangkin ko. Hindi iyong lung ano-ano iyang tinuturo mo," pagsusungit na naman nito.
Napabungisngis si Kreisha sa likuran niya habang siya naman ay ngumiwi sa binata. "Doon ka muna sa tiyuhin mong masungit, baby." Hindi lang unggoy itong kaharap ko, dragon na lava ang ibinubuga. Maka-hoy din ito parang hindi ako kilala. Withdraw ko na kaya ang deal natin? Ibinigay niya rito ang pamangkin nitong si Baby Reish. "Sana lang ay hindi ka magmana riyan sa tiyuhin mo talaga."
Kinuha ni Kameron ang bata at ito naman ang nagkarga saka ito tumalikod na at lumabas ng kusina. Napapailing na lang siya sa talaga sa kasungitang taglay ni Kameron kahit pa ito ang apple of her eye. Kapag may gusto talaga sa isang tao, hindi na alintana ang ugali. Sana may chance naman siyang magbago kahit sa panaginip ko lang. Kulang ka lang talaga sa... Hindi niya mabanggit-banggit ang bagay na iyon at napangiti lang. Ganoon daw ang basehan kapag ang lalaki laging mainitin ang ulo o kahit naman sa babae.
Matapos niyang tulungan si Kreisha, inutusan naman siya nitong tawagin na ang masungit nitong kapatid. Siya naman na umoo lang, pinuntahan naman niya. Natagpuan niya ito malapit sa pool area habang inaaliw nito ang pamangkin. Naririnig pa niya ang tawa ni Baby Reish habang tuwang-tuwa ito sa tiyuhin. Right there, she finds another side of Kameron. Marunong pala siyang makipaglaro sa bata. Nanatili muna siya sa puwesto niya habang pinagmamasdan ang dalawa. Nag-i-imagine na naman siya na kung sakaling mag-ama niya ang naroon, siya na siguro ang pinakamasayang babae sa buong mundo.
"Huwag mo kaming titigan diyan. Baka mausog," sambit ni Kameron saka ito sumulyap sa kaniyang gawi.
"Huh?! Mausog? B-Bakit? May nanuno?" Lumapit siya rito. "Let's have our breakfast, Kameron. Your sister and her husband are waiting for us. Ibigay mo na si Baby Reish sa yaya niya para makatulog iyong bata. Maaga raw iyan nagising at hanggang ngayon hyper pa rin. Nagmana nga sa tatay sa ka-hyper-an."
Tumayo si Kameron mula sa pagkakahiga nito sa couch karga ang pamangkin nito. "I have something to ask you. Huwag mong mamasamain," seryoso nitong wika sa kaniya.
"Hmm. Ano iyon?"
"Are you sure that you want a race from me?"
"Ha?" Tama ba ang narinig ko? Tinanong ni Kameron kung gusto kong magkaanak sa kaniya? Huwaaat? Oo naman!
"Narinig ko kanina na gusto mong magkababy na ako ang ama. What if we will push it through, huh? Isipin mo na lang na bayad ko iyon sa magiging utang ko sa iyo."
Hinanap niya sa mga mata nito kung seryoso nga ba ito o nagbibiro lang. The mere fact the he heard their conversation, doon pa lang hiyang-hiya na siya. Ito na rin ang pagkakataon niyang totohanin ang pagkakaroon niya ng lahat dito dahil ito na mismo ang nag-offer na bigyan siya o totohanin na.
"Uhm..." Napakamot siya sa batok. "Kasi...h-hindi naman ako seryoso sa bagay na iyon, Kameron. Alam mo kasi... may mga bagay talaga na biro lang kaya... kaya..."
"Kaya ka nauutal dahil seryoso ka talaga doon?"
"Uhm... m-mahirap kasing ipaliwanag. G-Gusto ko naman kaya lang..."
"Kaya lang, ano? Ikaw na nga itong bibigyan tapos ngayon aayaw ka?"
"Teka nga lang, seryoso ka ba? B-Biro lang naman sa akin iyon pero kung totohanin mo, why not? Si Kinne nga, madami na rin inampon. Kung wala nga akong magiging boyfriend, baka mag-ampon na lang din ako."
"Mag-aampon ka pa, eh bibigyan na kita. Madali akong kausap pero usapan natin na ikaw ang susuporta sa baby. Huwag ka na umasa sa akin. I don't have a company anymore just in case you won't win the competition. Mahirap pa ako sa daga kung sakaling mangyari iyon."
"Eh 'di alagaan mo na lang anak natin. Tutal, magaling ka namang taga-alaga kaysa magiging yaya ng baby. Tuwang-tuwa nga si Baby Reish sa iyo at mukhang nakakita ng clown," asar niya. "Kailan naman natin gagawin ang babay? Mukhang exciting iyan kaysa isalba ang kompanya mo."
"Huh! Mukhang tuwang-tuwa ka pa na wala na akong kompanya," nagsusungit na naman ito.
"Alam mo, napaka-shungit mo talaga. Iniisip ko pa lang na magkakalahi ako mula sa iyo, parang delubyo ang buhay ko. Hindi nga kita makakasama, nakikita ko naman ang nagkabuhol-buhol na kilay ng magiging anak ko." Napailing siya. "Tsk."
Napailing din ito. "Hay, bakit ba ako nakikipag-usap sa isip bata."
"At least, ready naman ang bahay-bata ko para magkababy tayo!"
"Siraulo ka talaga. Nevermind. Huwag mong seryosohin ang sinabi ko at binabawi ko na. My race would be have a disaster life with you." Saka siya ito naglakad at nilagpasan siya.
"Aba! Hoy, Kameron! Makapanglait naman ito wagas! Buhay prinsipe o prinsesa ang magiging anak natin, noh!"
"Sige, managinip ka pa!" sigaw nito habang papalayo.
Kabwisit! Pero sa ibang bahagi ng puso niya, kinilig naman siya. Mukhang may chance na magkakatotoo na nga ang pangarap niyang magka-baby dito. Naks, naman! Mukhang epektib ang kamandag ko, ah. Kaunti na lang at mapapaamo ko na ang tigre. Kapag bumigay ka talaga, lalapain kita nang buhay. Makita mo! Nagmartsa siya pabalik sa loob habang malawak ang pagkakangiti sa labi. Ni sa panaginip ay hindi niya aakalaing sasakyan ng binata ang kaniyang mga kalokohan. Well, iyon ay kung kalokohan lang talaga para dito. Gayunpaman, masaya siya para sa kanilang dalawa dahil nakikitaan na niya si Kameron na lalambot sa kaniya. Watch and learn, Kameron!