Chereads / Her Irascible Billionaire / Chapter 11 - Chapter 10

Chapter 11 - Chapter 10

KINABUKASAN, tumawag siya kay Kameron upang makipag-usap dito. She has no choice but to tell him that she's in the compromise situation. Hindi naman niya kagustuhang magsinungaling pero ayaw naman niyang magkagulo sila dahil nakita pala sila ng kapatid niya. Ang problema, hindi sinasagot ang tawag niya. Nag-text na siya na rito ngunit wala man lang reply mula pa kagabi kaya tinawagan na lang niya si Kreisha. Kausap na niya ito habang nagmamaneho siya papasok sa kaniyang opisina.

"Besh, si Kuya Kameron mo, nagawi ba diyan sa inyo?"

"Ha? Bakit mo hinahanap ang kapatid ko? Oy, nami-miss mo na agad siya gayong nagkita lang kayo kahapon! Ikaw, ha. Hindi mo naman sinabi agad sa akin na kayo na pala ng kapatid ko!" tudyo nito sa kabilang linya.

"Ha?!" Nagulat siya. "Teka... Saan mo naman nakuha ang balitang iyan? Anong kami na ng kuya mo?" Nagkunwari pa siya na walang alam sa bagay na iyon. "At sinong Marites na naman ang nagpakalat ng tsismis na iyan?"

"Marites? Gurl, so ibig mong sabihin hindi totoo na naging kayo ng kapatid ko? Magsabi ka nga ng totoo, Trina. Kayo ba talaga ng kapatid ko o hindi?"

"S-Syempre hindi! I mean⸻" Napahampas siya sa manibela niya ngunit preno pala ang natamaan. "Ay, kamote!" Siya pa ang nagulat.

"Hoy, bruha! Anong nangyari sa iyo?"

"W-Wala. Nahampas ko lang ang preno. Iyan naman kasi iyang Marites sa paligid ng bahay niyo, ang bilis! Ganito kasi iyon, besh. Hindi naman kami talaga ng kapatid mo." Ipinaliwanag niya ang nangyari kahapon. "Hindi ko naman alam na nakita pala kami ni Tristan kahapon kaya gusto na nitong sugurin ang kapatid mo. Hindi na ako nakaisip pa ng idadahilan kaya nasabi ko na boyfriend ko siya kaya niya ako hinalikan. Iniiwasan ko lang naman na kung ano ang gawin ni Tristan sa kapatid mo. I don't want to make any trouble between my family to yours. Besh, tulungan mo naman akong makausap ang kapatid mo. Kapag nalaman niya ito sigurado akong magwawala iyon. Alam mo naman iyon!" Napapasuklay na siya sa sariling buhok habang nag-iisip kung paano makakausap si Kameron.

"My goodness, Kat! Hinalikan ka ng kapatid ko?" High speech ito sa kabilang linya sa narinig.

"Oo," sambit niya.

"Oh, my god!" Sabay napatili ito. "And that's the touble you were talking about when my brother kissed you and Tristan saw that scene? Tsk. Talagang magwawala iyon sa galit at hindi ko alam kung paano pigilan ang temper niya. He's damn like a furious dragon and I don't have idea what he really can do such this things, Trina. Jusko po! But I will try to call him. Babalitaan kita para makapag-usap kayo nang masinsinan at ayusin niyo ito. Okay lang sana kung tatanggapin lang ng kapatid ko iyon pero kilala natin si Kameron Severino. Buti sana kung si Wigo lang iyan o si Kaiser. Papayag pa iyon na magpanggap at ipapalabas na break na lang after a week. Mukhang epektib ang mga orasyon mo sa kapatid ko, ah. Naka-score ka kaagad."

"Oo. Kaya lang hindi maganda ang lagay ko sa ngayon. At tama ka. Ibang-iba ang kuya mo, bakla. Gusto ko ng mag-left the earth, besh," mangiyak-ngiyak niyang tugon sa kabilang linya.

"Don't worry, I'll try my best na both of you, hindi mapapahiya. Pero hindi ako mangangako. Kung magdemanda ang kapatid ko, itong asawa ko, libre na ang fee sa attorney."

"Sira! Demanda agad? Fake news nga lang para iligtas siya sa kapatid kong isa rin siraulo. Ewan ko nga ba doon kung bakit hindi sila magkasundo. There's something weird about them. Okay naman sila noong nasa Portugal tayo, right? Parang si Kameron at Raven lang."

"Pero at least, okay na sila ngayon. Asaran na lang, oo. Oh, siya. Ibaba ko na itong tawag at hinahanap na ako ng anak ko. I'll call you later."

"Okay, besh. Thank you, bye."

"Okay, bye."

Wala na talaga siya sa sarili sa kakaisip ng bagay na iyon lalo na at alam na pala ni Kreisha ang kasinungaling hindi naman niya sinasadya. Maaaring alam na rin ng mga nakapaligid kay Kameron dahil instant na ngayon ang balita. Mas lalong nalalagay sa paligid ang kaniyang buhay ngayon dahil ibabaon na siya nang buhay ni Kameron. Pambihira, talaga! Pagdating naman niya sa kaniyang opisina. Agad siyang sinalubong ng kaniyang secretary na si Gershey na halatang balisa ito kaya napahinto siya at hinarap muna ito.

"G-Good morning, Ma'am Kat. Uhm, pasensiya ka na dahil sinalubong na agad kita dito. Kasi may naghihintay sa iyo na... boyfriend mo daw?"

"Ha? Boyfriend ko?!" Napaisip siya at kagyat na kinabahan. Halos manginig ang buo niyang katawan sa isiping maaaring si Kameron ang tinutukoy nito. "Please cancel my entire schedule today." Sabay nagmamadali siyang naglakad patungo sa kaniyang office.

"Ma'am, may meeting kayo ng isa sa may-ari ng isang sikat na car brand!" sigaw nito.

Hindi na siya tumugon pa sa secretary niya at dire-diretso na siya sa kaniyang office. Hindi na talaga niya alam ang gagawin niya kapag mismong ang iniisip niyang lalaki ay si Kameron na naghihintay sa loob. Anong gagawin ko? Baka wasakin niya ang opisina ko! Trina, this is your entire fault! Agad niyang binuksan ang pinto ng opisina niya at bumungad nga ang seryosong mukha ng lalaking laman ng kaniyang isipan. Kameron! Halos lamunin na siya ng lupa dahil hindi nga nagkamali ang kaniyang intuition.

"Oh, there you are." Ibinaba ni Kameron ang picture frame niya noong unang nanalo siya sa F1 competition.

"K-Kameron," maang niyang sabi sabay lihim na napalunok.

"Come here, my dear girlfriend."

She knows that it was a sarcastic word for her. Talagang alam na nito ang tungkol sa bagay na iyon. Gusto niyang umatras at tumakbo palabas pero kailangan niyang harapin ito. Marahan siyang pumasok at isinara ang pinto. Umiwas din siya sa mga tingin ni Kameron sa kaniya na kulang na lang ay balatan siya nito nang buhay.

"Don't be shy."

Inilapag niya ang bag niya sa ibabaw ng kaniyang office table at hinarap ito. Kailangang ipakita niyang hindi siya natatakot. "Kahapon pa kita tinatawagan. Ngayon mo lang ba nabasa ang mga messages ko?"

"Your boyfriend is busy person," he replied. Mariin pa ang pagkakabigkas nito sa salitang boyfriend.

"Hindi ko alam kung saan mo nalaman ang tungkol sa bagay na iyan pero magpapaliwanag ako."

"You should be. I need an explanation, Katrina." He put his hands on his chest while staring at her profoundly. "I woke up this morning and I heard from Aling Nina that we are already a... damn it!" Sabay napabuntong-hininga ito. "Ipaliwanag mo sa akin ito isa-isa!"

"O-Okay, fine! I know na malalaman mo rin ito dahil kahit ang kapatid mo ay alam din ang tungkol sa bagay na iyan. I called her earlier just to ask where to find you. Sorry, Kameron. Nakita tayo ng kapatid mo na hinalikan mo ako. Gusto ka niyang sugurin dahil iniisip may siyang masama tungkol sa iyo kaya pinigilan ko siya at sinabi kong boyfriend kita para tapos. And I don't even think that Tristan would tell it to my mother. Pati tuloy ang nanay ko ay pinaniwala niya kaya siguro nag-usap sila at nabanggit kay Aling Nina. It is not my intention to ruin your life and that's why I'm calling you yesterday to explain it to you. Kaya lang busy ka masyado."

"So, it's my fault?" Naroon na naman ang nagsalubong nitong kilay. "This is really disgusting, Katrina. And you're letting them to know that fake news? Don't you have a plan to explain that to them even into your damn brother?" galit na ang tono ng boses nito. "It's a simple thing, Katrina. Kung natatakot kang bawiin ito sa kapatid at magulang mo, ako ang magpapaliwanag. We are not getting any younger here and you should act matured enough to defend yourself. Hayaan mong sugurin ako ni Tristan and I will do my part to explain my side why did I kissed you yesterday!"

"Bakit mo kasi ako hinalikan? Masisisi mo ba ako na hindi na ako nakapag-isip ng idadahilan sa kanila. Ayaw mo palang tawagin kita ng kuya, eh, ano ang gusto mo? Tito Kameron? Ganern? Ikaw na nga tong iniligtas sa ka-hudluman ng kapatid ko." Nagpipigil lang siya sa inis dahil galit na naman ito sa kaniya at inasahan naman niya ang bagay na iyon.

Napahilamos ito sa mukha. "I don't know what to do with you, Katrina. Kailan ka ba magiging matino?" Nag-isip ito ngunit saglit lang. "Let's go to your house. We will let your parents know about this issue and your monster brother too that we are not together! You know what I mean!"

"Pero, Kameron! Sandali lang! You don't understand, eh."

"Alin ang hindi ko naiintindihan? Are you telling me that we will not let them know the truth? Katrina, I am not tolerating this kind of issues. This is critical and I am not those kind of person will go with your flaws. Mali iyon! Tara!" Hinawakan nito ang kamay niya para lumabas silang dalawa.

"K-Kameron... sandali!" Nagugulumihanan siya.

Subalit napatigil silang dalawa nang bumukas ang pinto ng opisina niya at iniluwa roon si Tristan. Nanlaki ang mga mata niya at labis na namang kinabahan sa kung ano ang mangyayari sa tagpong iyon. Subalit nang tinignan niya si Kameron, taas noo pa itong nakipagtagisan ng tingin sa kapatid niya. Mukhang nakalimutan niyang e-lock ang pinto.

"Oh! Nandito pala ang kaibigan ko at ang kapatid ko." Pumasok ito saka ini-lock ang pinto. "So, how are you, my friend. Mukhang nagkakamabutihan na kayo nitong kapatid ko at wala ka man lang balak na kausapin ako at ang pamilya ko? Nice!" Nagpalipat-lipat ito ng tingin sa kanilang dalawa.

"Tristan, magpapaliwanag⸻"

"I am here to explain everything!" singit ni Kameron sa naputol niyang sinasabi. "Hindi ko girlfriend ang kapatid mo, Tristan. I am here to listen her explanation and we will tell the truth to your parents if it's that possible."

"Oh, really? Kawawa naman pala ang kapatid ko dahil umaasa na naman pala siya sa wala. Pero hindi ko mapapalagpas ang ginawa mong paghalik sa kapatid ko." Dinuro nito si Kameron sa dibdib. "If you think that my sister is easy to get woman, not me, Kameron." Nagtagis pa ang bagang nito. "Hindi ko hahayaan na bastusin mo ang kapatid ko kahit pa kaibigan ka ng mga kaibigan ko." Bumaling ito sa kaniya. "Katrina Ferrer, mula ngayon layuan mo na itong lalaking ito," utos nito.

Napatingin siya kay Kameron saka bumaling sa kaniyang kapatid. Gusto na niyang umiyak sa tensiyon na namamagitan ss kanilang tatlo kaya binawi niya ang kaniyang kamay ngunit mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Kameron dito. Anong—

"No. Kung sa tingin mo nababahag ang buntot ko sa iyo, I am not coward as you think, Tristan." Nakipagtagisan ito ng tingin kay Tristan. "May sariling desisyon ang kapatid mo. She can choose and decide whatever she wants in her life. Kung ituring mo lang siya na parang bata na hindi tatayo sa sarili niyang paa, how would she be a better woman? And that kiss? She could sue me if she want if that's what you think, pambabastos! And I will never do that nasty thing in every woman I've met. Huwag mo akong itulad sa iyo na nasaktan lang ng isang beses, nanggagago na ng babae." Bumuntong-hininga ito at bumaling sa kaniya. "All right. I'll go in your house to meet your parents."

Tumango lang siya at hindi na nagsalita pa saka nito binitiwan ang kamay niya. Tumingin pa nang matalim ito kay Tristan saka ito naglakad palabas ng kaniyang opisina. Si Tristan naman ay hindi na rin nagsalita pa kay Kameron mula noong sinabi nitong nanggagago ng babae. Napaisip tuloy siya sa sinabi nito tungkol sa kapatid niya ngunit ayaw na niyang e-discuss pa iyon.

"Sa susunod, siguraduhin mong totoo iyang lumalabas sa bibig mo. Hay, pambihira! Mukhang naisahan ako ng impaktong iyon, ah." Napailing itong tumalikod at sumunod kay Kameron na lumabas ng opisina.

Naiwan na lamang siya roon na gulong-gulo ang isipan habang umupo sa couch niya. Hinilot din niya ang kaniyang sentido na kanina pa sumasakit nang dahil na naman sa kinasusuungan niya. Hindi ko alam kung tamang desisyon ba na makipaglapit ako kay Kameron. Ano ba ang problema? Ako ba o ang letseng pag-ibig ko sa herodes na iyon? Magbibigti na lang siguro ako sa lubid ng kapatid ko. Tuluyan na siyang napaluha ngunit hindi naman todo. Isa siyang matatag at makwelang nilalang subalit hindi rin naiwasan maging mahina sa parteng hindi niya kayang desisyunan.