Nakasalumbaba si Katrina habang nag-re-reminisce sa mga kahapon nila ng binatang iniibig niya. Hindi niya makalimutan ang sandaling palagi siyang naroon sa tuwing kailangan nito ang tulong niya o kaya naman ay nagkukusa na siya. Naroon siya sandaling lugmok na lugmok ang binata sa patong-patong na problema nito lalong-lalo na sa kapatid nitong si Kreisha. But she was always there for them and to give comfort for Kameron. Kahit sinusungitan pa rin siya nito ay hindi naman agad siya sumusuko makamit lang talaga ang tunay na hangarin niyang mapansin bilang isang tunay na babae.
Ang isang bagay na hindi pa niya makalimutan ay ang unang halik na pinaranas nito sa kaniya at nasundan pa iyon ng ilang beses pa. Subalit walang sinabi ang binata kung ano ang ibig sabihin ng mga halik na iyon ngunit ayos lang sa kaniya. Sapat na ang maranasan niya sa sandali ng buhay niya ang mahalikan ng taong gustong-gusto niya mula pa man noon.
"Here's your coffee." Inilapag ni Kameron ang tasa ng kape sa harapan niya. "Kanina ka pa tulala riyan at malalim ang iniisip mo. Are you thinking about the competition?"
Naroon siya sa opisina nito at tinawagan siya ng binata upang pag-usapan ang tungkol sa competition mga ilang buwan na lang ang nalalabi. Kanina pa siya nakasalumbaba dahil hindi sa pag-iisip tungkol doon kung hindi sa sandaling kasama na naman niya ito. And yes! They are both comfortable to each other right now. Ang masaklap lang talaga ay tila kapatid lang ang turing nito sa kaniya. Darn it!
"Yeah," wala sa isip niyang tugon. Ikaw naman itong lagi kong iniisip. Bakit ba kasi ayaw mo akong ligawan? Ako na lang kaya ang manligaw sa iyo? Pwede ba? Ngayon naman ay nakatitig na naman siya sa kapeng iniinom nito. Sana ako na lang ang tasa para araw-araw kitang nahahalikan. Hay, Kameron. Abot-kamay na kita pero ang layo mo pa rin sa akin.
"Are you listening?" nagtaas ng boses na nagtanong ito.
"Ha? A-Ako ba ang kausap mo?"
"Hindi. Kausap ko iyong kape ko," sarkastiko nitong tugon sa kaniya. "Are you sure that you're fine? Para na naman akong kumausap ng hangin sa kawalan," reklamo nito.
"Ang sungit mo, besh! May iniisip nga ako at pasensiya na kung hindi kita narinig." Destructive talaga ako sa gwapong impakto na ito na may kasungitan. Hindi na talaga nagbago kahit noon pa. Mababaog ako sa lalaking ito kahit hindi ko pa nasubukan.
"Did your brother Tristan knows about our deal?"
"He doesn't know about it. Ayokong sabihin sa kaniya ito dahil pare-pareho tayong mapapahamak. Ikaw ba? May alam na ba si Kreisha tungkol sa kalagayan ng kompanya mo?"
"Nothing. Wala akong sinasabi sa kaniya kahit isa dahil ayokong magulo ang buhay nila ng asawa niyang si Raven. They are out of my jeopardy and⸻"
"And I'm in?" Saka niya hinawakan ang tasa at sumimsim.
Napatitig ito sa kaniya saka nito inilagay ang kape sa kaliwang bahagi nito. "I trusted you. Alam kong hindi mo ako bibiguin, Trina. But don't worry. I will give you the best reward that you really wanted," he meaningfully said.
She stared at him for a second and then she smiled. "Huwag mo akong pinapaasa, Kameron." Muli niyang inilapag ang tasa ng kape malapit sa kaniya. "Baka magsisi ka kapag ang hiningi ko ay best reward talaga." Ngumiti siya rito. "I'm curios with that best reward of yours." Bibigyan mo na ba ako ng lahi, may labs?
"Hindi kita pinapaasa. If my company is stable, you can invest with a higher interest plus the perks that you could get from it. And I will invest in your company with your brother too. Alam ko naman na ako lang ang hindi pa sumali sa investment na nagaganap sa pagitan namin. Also, I will give you a free trip wherever you want. Just tell me, and I will prepare it for you."
Napaismid siya. Hindi niya inaasahan na ang pagkikita nilang ito ay mauuwi lang pala sa pagkadismaya niya. Wala talaga chance na masolo niya ito kahit pa man sa trip. She's expecting of more excitement than the best reward he was referring earlier. Ano ba kasi ang aasahan ko? Kameron isn't that kind of man I am fascinating or the sweetest man I am looking for in this entire universe. Isang malaking tuod ang isang ito at hindi man lang nakaramdam na gusto ko ang magkalahi sa kaniya. Ako na kaya ang gumawa ng first move?
"Don't you like it?" tanong nito na tila naramdaman nitong hindi niya gusto ang offer. Muli nitong kinuha ang kape upang sumimsim din.
"Make me pregnant," biro niya. Napabuga si Kameron sa iniinom nitong kape at saktong sa harapan niya tumalsik iyon. Agad siyang napatayo upang iwasan ito ngunit tumalsik na ito sa bahagi ng kaniyang blazer na suot. Kamuntik pa siyang mawalan ng balanse sa kinatatayuan niya. "Kameron! W-What the⸻" Napamaang na lang siya at nagulat dito.
Kahit ang binata ay nagulat din sa nangyari kaya napatayo rin ito. Nabasa ang ilang mga papel sa table nito. "Shit!" mura nito. Bumaling ito sa telephone at nag-dial. Kinausap nito ang secretary na magdala ng pamunas saka nito ibinaba at matalim ang mga titig sa kaniya. "This is your entire fault." Halatang nagtitimpi lang ito sa reaksiyon.
"Kasalanan ko? Binugahan mo na nga ako ng kape, Kameron. So, kasalanan ko pa rin?"
"And why did you say that you want a race from me?" galit nitong tanong.
Maya-maya lang ay pumasok si Ella na sekretarya ng binata. Siya naman ay kumuha ng tissue sa table at pinunasan ang damit na natapunan ng kape nito. Hay, Trina. Bakit mo ba sinabi iyon? Sira ka talaga. Nakakahiya! Hiyang-hiya siya nang ma-realize niya ang sinabing dapat sana ay biro lang. Hindi rin naman niya ini-expect na ganoon ang reaksiyon ng binata. Lahi lang ayaw pa niya. Ang damot!
"Miss Trina, may pamalit ba kayo? Mukhang namantsahan na ng kape ang suot mong blazer," nag-aalala si Ella sa kaniya.
"It's okay." Hinubad niya ang suot na blazer at ngayon ay naka-halter dress na lang siya. Litaw na litaw ang mapuputi niyang balikat. "I'm leaving so don't worry."
"Okay." Nakatingin pa ito sa kanilang dalawa saka ito tumalikod na at muling lumabas ng office.
"I will call you for any updates." Hindi siya makatingin nang diretso rito.
"Okay. Hindi ko alam kung kailan ka ba titino, Trina."
Noon niya ito tinapunan ito ng tingin. "Kapag bumait ka na. And I am just kidding earlier. Masyado ka naman kasing magugulatin at bawas-bawasan mo iyang pagkakape mo. Sige na at may date pa ako," pagsisinungaling niya. Kailangan niyang magdahilan dito dahil baka kung ano pa ang masabi niya.
"Date?" His forehead furrowed. "Ang malas ng magiging boyfriend mo. Magkakaroon lang siya ng alagain." Napapailing ito saka ito umupo sa swivel chair.
"Cute naman. Babush na. Baka paliguan mo na ako ng kape. Bye, Kuya Kameron." Bye, may labs. Wala na naman tayong natapos na pinag-usapang matino.
"Sige na at umalis ka na," ang boses nitong pinagtatabuyan na siya.
Isang sulyap pa ang ginawa niya rito na abala na sa laptop nito saka naman siya naglakad palabas ng opisina ng binata. Ang lahat na lang ay idinadaan niya sa biro dahil iyon lang din ang chance niyang makahirit dito. Well, it is one of her strategy to win his heart. At mukhang ang tanging karera na lang iyon ang chance niyang lalong mapalapit dito. A race to win your heart, my love.
Pagkaalis niya sa BGC ay nagtungo na siya sa Makati upang puntahan ang kaibigan niyang si Kinne. Naroon ito sa isa sa mga showroom nila dahil tinitingnan nito ang F1 car racing na gagamitin niya sa pag-eensayo. Bihasa ito sa pagtingin ng kondisyon ng sasakyan at dati rin sa larangan ng car racing. Kaya lang ay mas pinili nito ang kagustuhan nitong magtrabaho sa International Space Station o ISS.
Nag-park siya nang makarating sa showroom nila. Mabuti na lang at hindi siya inabutan ng rush hour at sakto lang ang daloy ng trapiko mula Mc Kinley hanggang doon. Dumiretso na agad siya sa loob upang hanapin ang kaibigan na naging malapit sa kanila kung hindi rin dahil sa kapatid nitong si Wigo.
"Kinne!" tawag niya. Nakita niya agad ito na binuksan ang harapan ng sasakyan at may inayos. Agad din naman itong lumingon at ngumiti sa kaniya. "Hi!" bati niya.
"Hi. Nandito ka na pala. Sakto at may ipapakita sana ako sa iyo."
"What is it? May problema ba sa sasakyan ko?" tanong niya saka siya tumingin sa ginagawa nito.
"May problema pala ito sa turbo niya. Ilang taon mo na itong hindi ginagamit?"
Napatingin siya rito. Pinagmasdan na naman niya ang kabuuan ng kaibigan dahil hanggang ngayon ay naghihinayang pa rin siya. Lesbie na ito at may nobyang babae. "Dalawang taon na rin dahil hindi ako sumali nitong mga nakalipas na taon. Uhm, so, anong pwede nating gawin? Pwede naman akong mag-purchase ng bago kung kinakailangan dahil gusto ko rin masungkit ito. What do you think?"
"You don't need to do that. May latest F1 car racing ako sa Dubai. Kung gusto mo ay ipapadala natin ito rito at ako na ang bahala sa shipment. Mas moderno na F1 ang gagamitin, mas maigi."
"Are you sure? Hindi ba makakahiya sa iyo?"
"Wala iyon. Basta mag-donate ka na lang sa mga charity ko, ayos na ako roon. Oh, siya. I need to go and I'll fetch my kids from their school. At bibili pa ako ng needs ng bagong sanggol sa bahay." Isinara na nito ang harapan ng sasakyan.
"Ha?" Nagulat siya. "Nag-ampon ka ulit?"
"Oo. Namatay sa panganganak iyong nanay ng baby sa mismong ospital nina Riexen. Walang nag-claim na kamag-anak man lang at ang habilin kay Riex na huwag ipaalam na may anak siya. After that, she died."
"Oh, my god!" Nasapo niya ang bibig. "Nakilala niyo ba ang nanay ng baby at kung saan lugar siya? Kawawa naman ang baby."
"Pinaayos ko na kay Rendell at kay Raven since kailangan ng legal documents sa pag-aampon ng baby."
"Alam mo, pwede ka na talagang pagawaan ng rebulto. Tatlo na ang inampon mo at mabuti na lang ay hindi nagagalit ang kapatid mo."
Napangiti ito. "Wala siyang magagawa dahil hindi naman siya ang bibili ng diaper at gatas. Kung pwede ko lang ampunin ang lahat ng mga bata sa lansangan ay ginawa ko na. But I have a lot of charities to take care of them. If you win, pwede ka naman mag-donate as I said. Anyway, I need to go. Huwag ka rin mawawala sa binyag ng baby sa makalawa at gaganapin lang naman ito sa bahay ng kapatid ko."
"Sure. Ninang ako at ihahanda ko na rin ang pakimkim ko sa baby. Kunin mo na rin ninong si Kameron."
"Si Kameron na naman ang bukambibig mo." Napailing ito. "Ikaw, kailan ka magkakaroon ng baby… kay Kameron? Wala pa rin ba?" Tila pigil lang ang pagngiti nito sa kaniya dahil alam din naman nitong crush niya ang binata.
Hindi ba naman siya makapagpigil sa bibig niya saka siya napakamot sa batok. "Wala pa. Nasa itlog pa ng tatay niya este kay Kameron," biro na naman niya.
Lumawak ang pagkakangiti nito. "Kalokohan mo talaga, Trina. Wala na naman preno iyang bibig mo kaya ayaw niya sa iyo. Akala ko ba boyfriend mo si Kameron?"
"Hindi niya alam. Secret lang natin iyon."
"Ewan ko sa iyo. Alam mo, naghihintay lang naman siya sa iyo kung kailan ka titino. But as the many people said, someone who loves you, accept who you are and not what you have, it's love for real. Ngayon kung pipilitin natin magbago para lang magustuhan tayo ng taong mahal natin, ano pa ang silbi ng kasabihan na iyon. Mas maigi na lang na lihim na magmahal kaysa ganyan mindset. Pwede naman tayong magbago basta alam nating may chance."
"Mukhang may laman ang sinabi mo, ah. Sabagay nga naman ay may point ka. Sinabi rin ni Kameron sa akin iyan kanina kung kailan daw ako titino. Wait, is it a sign?" Bigla siyang nabuhayan ng loob.
"Sign of aging, Trina. I really have to go and my kids is waiting for me." Naglakad na ito papalayo sa kaniya.
"Hindi bagay sa iyo ang maging tatay. Bagay sa iyo ang maging nanay," pahabol niya.
"Whatever." Hindi na siya nito nilingon bagkus ay kumaway lang ito palabas ng kanilang showroom.
Siya naman ay nakatanaw lang sa kaibigan hanggang sa mawala ito sa paningin niya. Sumagi tuloy sa isipan niya ang sinabi nitong magugustuhan siya ni Kameron kung magtitino lang siya kaya lang ay malabong mangyari iyon. Kung mahal niya ako, tanggap niya ako na ganito ako. Kung bakit ba kasi isinilang kaming sabay ni Tristan at February pa. Mukha tuloy kaming isinilang ng leap year. My gosh! Ang byuti ko, napanis na sa kape ng damuhong iyon.