Chereads / Her Irascible Billionaire / Chapter 6 - Chapter 5

Chapter 6 - Chapter 5

"Are you sure that you're fine?"

"Ayos lang ako," tipid niyang tugon. Ano, Trina? Natameme ka sa kaharap mo? Akala ko ba bida-bida ka? Kanina pa siya piagsasabihan ng kaniyang sarili mula nang sagipin siya ni Kameron sa pagkalunod niya sa pool. Nakapagpalit na rin siya ng damit subalit sa kapatid nitong si Kreisha ang gamit niya.

"Next time, huwag ka ng dumaan sa pool kung magugulatin ka pala," muling sambit ni Kameron sa kaniya habang malalim ang mga titig nito.

Sinalubong naman niya ang mga tingin na iyon. "B-Bakit mo kasi ako sinigawan?" tanong niya. Sa wakas ay naglakas loob din siyang tanungin ang binatang may kasungitan pa rin kahit na ito pa ang may kasalanan.

"And why you are here? Wala rito ang kapatid ko, and don't tell me may plano kang mag-swimming na ni hindi ka naman pala marunong lumangoy." Tinanggal nito ang pagkakasalikop sa braso nito saka ito umupo katapat niya.

"Nagbigay ang nanay ko ng beef caldereta para sa daddy mo dahil nalaman naming may sakit siya. Kaya lang naman ako napunta sa pool area para... para puntahan ka at tanungin kung maayos lang ba ang lagay niya. Malay ko ba na bigla-bigla ka na lang diyan sisigaw ng hoy. Maka-hoy ka naman," nakanguso siyang tugon dito. Ang totoo niyan, gusto lang talaga kitang makita. Bakit ba? Suplado nito. Kung hindi ka lang gwapo, baka itinapon na kita sa Basilan.

"Daddy ko ba talaga ang gusto mong kumustahin?" Mukhang may ibig sabihin ang tanong nito sa kaniya.

"Why? May sakit ka ba? Mukhang okay ka naman, ah. Natural iyong daddy mo ang kukumustahin ko dahil para ko na rin tatay iyon. Sumbong kaya kita sa kapatid ko na muntik na akong malunod dahil sa iyo," banta niya. May dalaw na naman ang isang ito at ang lakas ng topak. Sino ba talaga ang babae sa aming dalawa?

"Then do it. Dalawa pa kayong ilunod ko."

"Kita mo itong taong ito. Ikaw na itong may kasalanan, ikaw pa itong nagsusungit. Sige ka, instant ang karma." Kapag ikaw na-inlove sa beauty ko, hindi mo talaga matitikman ang alindog ko. Gusto niyang matawa sa mga pinag-iisip niya. Pero syempre, biro lang iyon. Ikaw pa ba, malakas ka sa akin. Baka nga luluwang ang undies ko sa iyo! Bahagya siyang napangiti.

Napakunot noo ang kaharap. "And what's that smile for?"

Nagbawi siya ng ngiti rito. "W-Wala." Syete ka, Trina. Nahuli ka tuloy.

Napailing si Kameron sabay sabi nang, "Para akong nakipag-usap sa bata." Tumayo ito. "Umuwi ka na at huwag ka ng bumalik dito," pagtataboy nito.

Napatayo siya. "Pupunta ako rito sa ayaw at sa gusto mo. At saka, bawas-bawasan mo iyang kasungitan mo. Nawawala ang good vibes sa bahay na ito at amoy alak ka pa."

"Whatever. Alis na," muli nitong pagtataboy sa kaniya. "Hindi kita kaano-ano para pagsabihan ako."

"Hindi nga." Mabuti na nga lang na hindi mo ako kaano-ano. Paano naman ang puso ko na kapag nagkataon na kapatid kitang herodes ka!

"Kung dadayo ka rito, magdala ka ng sarili mong life vest. Tanda mo na, hindi ka pa rin marunong lumangoy."

Aba! Nang-asar pa. "Driver ako. F1 driver at hindi ako swimmer. Nag-aral akong magmaneho at hindi lumangoy. Diyan ka na nga! Mahirap kang kausap!" Bye! Masungit kong irog. Tinalikuran niya ito at nagmartsa palabas.

"Katrina!"

Napahinto siya sa paghakbang.

"Sandali."

Noon lamang siya lumingong muli rito. "Oh? Miss mo na agad ako?" Kunwaring pinagtaasan pa niya ito ng kilay.

"Come here," wika nito. Tinapunan na naman siya nito nang malalim na titig na halos nauupos na siya.

"Why? May sadya ka? Ikaw ang lumapit. Ang lagay ba ay ang barko ang lalapit sa daungan?"

"Lalapit ka ba o hindi?" ultimatum nitong tanong.

"Heto na, lalapit na! High blood ka agad! Bakit ba kasi— ay!" Hindi siya makapaniwalang hinila siya ni Kameron patungo sa taas. "K-Kameron! S-Saan mo ako dadalhin?" Hindi umiimik ang binata. "Hey— Hindi pa ako handa! Kameron! Saan mo ako dadalhin?!" nag-iinarte niyang sambit. Eh, mey ged! Mey lebs!

Wala pa rin imik si Kameron sa kaniya hanggang sa dire-diretso silang umakyat at pumasok sa isang kwartong tila opisina nito. Pagkapasok nila ay agad nitong ini-lock ang pinto habang siya naman ay labis na kinabahan saka nito binitawan ang kamay niya. It was her first time to be with Kameron Severino in a private room and all of her mixed emotions she felt inside her. And the moment that he touched her hand, it was feeling heaven. Wala rin siyang ideya kung bakit naroon silang dalawa at hindi pa naman siya handa sa kung anong gagawin nito.

"K-Kameron... h-hindi pa ako ready. K-Kung may gagawin kang masama, l-labag iyan sa saligang batas. M-Mali ito," nauutal niyang sabi rito.

Lumapit ito sa kaniya habang siya naman ay napaatras hanggang sa napasandal ang likod niya sa pinto. She only stared at his massive looked at her while his furrowed forehead showed to her. Her heart was dumfounded, full of uneasy heartbeats and confusion. Kameron, hindi pa ako handa pero kung ito ang kagustuhan mo, sige lang. Pipilitin ko ang sarili ko dahil mahal kita. M-Mahal kita...

"Ambisyosa..." sambit nito.

"Ha?" Ano daw?

"Wala akong gagawin ako sa iyo. Let's talk about important matters and please, kumilos ka nang matino. Hindi iyong puro kalokohan iyang laman ng utak mo."

"M-Matino naman akong kausap, ah. At sinong hindi mag-iisip kung bigla-bigla mo naman akong hahablutin nang ganito. Para kang nakahablot ng kung ano sa kanto," reklamo niya habang pinilit niyang hindi salubungin ang tingin nito. "And what's that important matters, ha? Siguraduhin mo lang importante iyan kung hindi, ipapa-tulfo kita!"

"Hay, naku. Kahit isumbong mo pa ako sa lider ng mafia." Napapailing na lang ito sa sinabi niya. Kumilos din ito upang lumayo sa kaniya. "Feel free to stay for a while. Let's just talk about some matter regarding to your being a professional driver and not being as a swimmer. Nakakahiya namang pag-usapan na ang isang sikat na F1 driver hindi marunong lumangoy."

Napaismid siya saka ito sinundan. "Sige lang. Mang-asar ka pa at kapag may deal ka na gusto mong pag-usapan, it's a big no na kaagad." Study room pala ito ng bruhildong ito. Nakita niyang may bitbit itong bote ng alak at dalawang baso at ipinatong sa center table. Aba! Iinom pa ulit ng alak. Mukhang malaki ang problema ng isang ito.

"Maupo ka," utos nito.

"Ayoko nga," kunwaring pagsusungit niya. Ikaw lang ba marunong magsungit?

"Uupo ka ba o ipapa-salvage kita?" banta nito.

Napabuntong hininga siya. "Siraulo ka talaga, Kameron Severino. Kababae kong tao tapos kung ituring mo ako parang hindi ako magandang nilalang," reklamo na naman niya ngunit umupo rin siya. "Hindi mo ba alam na ang kausap mo ay isang diyosa?"

"Matagal na akong sirualo at hindi ka babae. Baklang babae ay puwede pa. And correction, hindi ka diyosa. Here. Uminom ka at samahan mo ako." Iniusog nito ang basong may lamang alak. "Tanggalin natin iyang hangin sa utak mo."

"Tss. Makaalipusta ang masungit na pangit." Napasulyap siya sa basong ibinigay nito. "Alak? Sa umaga? Kuya, okay ka lang? Ang agang tunggaan naman niyan." Whisky. Ang tapang ng alak niya. Halata talagang malaki ang problema ng isang ito. Bakit kaya?

"Don't call me, kuya. I am not your brother. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, isip bata."

"So? Eh, ano kung isip bata? What do you want me to call you? Honey, my love, so sweet? Ganern?" Isip bata nga ako pero kaya na kita bigyan ng lahi. Tawang-tawa na naman ang isipan niya.

Masama na naman ang tingin nito sa kaniya. "Hindi ka ba talaga titigil sa kaingayan mo? Do you want me to put your mouth with a duct tape?"

"Subukan mo at idadagdag ko iyan sa kaso mo. Akin na nga ito." Kinuha niya ang baso niya saka walang kahirap-hirap na nilagok lahat ang buong laman. Humahagod pa sa lalamunan niya ang alak na iyon ngunit kaya naman niya. Ang tapang nito. Muli niyang inilapag ang baso sa harapan nito. "Oh, uminom na ako. Ano iyong sasabihin mo at matapang na ako." Matapang na akong ibigan ka, labs!

Sumandal ito sa pagkakaupo sa sofa. "Madali lang. Ayoko sanang gawin ito but I have no choice. I don't want you to involve in my case but I need your help. Isang malaking kahihiyan sa akin ang humingi ng tulong sa isang makulit at madaldal na tulad mo pero as I told you, I don't have a choice," seryoso nitong sabi.

"Wow. Mukhang dibdiban na ito. What's this all about, Kameron? Teka, wala ka bang pulutan dito?"

"Naghanap ka pa talaga ng pulutan dito?" Hayun na naman ang pagsalubong ng kilay nito at pangungunot ng noo.

"Chill lang, okay. High blood ka na naman. Ano ba kasi iyon? Anong tulong ang gusto mo? Okay lang sa akin basta huwag ka ng maging masungit. Tatanda kang binata sa ginagawa mo. Sayang ang peg mo," biro niya. Ayaw lang niyang lalong maging seryoso ang usapan nila dahil mas lalong nagiging seryoso ang kaharap niya. And for the first time na naging open ito sa kaniya na talagang ikinabigla rin niya.

"Look, Trina. I'm damn serious. I want to find the best F1 driver and I thought you just earlier. Kung hindi mo sinabing driver ka, hindi pa ako makakapag-isip."

"Driver? For what?" Hindi siya makapaniwalang kailangan nito ang driver na katulad niya.

"I think you knew already about the Ferrari competition in women's division at Abu Dhabi, UAE. It will be happen next year and I was compromised. No. I mean— sad to say that I am dealing with the devil one. Naisahan ako ng kaibigan ko na sumali sa isang pustahan kapalit ng expansion ng business sa Dubai at sa ibang bansa pa. At first, tinanggihan ko siya dahil risky ang bagay na iyon. Kapalit naman nito oras na matalo ako ay ang kompanya ko, but I made a mistake. Aksidente kong napirmahan ang kontrata namin na iyon at naibigay ito ng secretary ko sa kaibigan ko. This is a hard decision that I am facing today," he explained.

Napatutop siya sa labi niya. "Oh, my god. Is this true? I mean— hindi mo ba tiningnan ang mga pinirmahan mo?"

"Hindi ko na napansin dahil magulo ang utak ko. Umuwi ang kapatid ko rito at hayun kasama si Raven sa cruise ship niya. Ang kapatid ko na iyon na nabaliw na naman sa unggoy na iyon," sambit nitong nagtitimpi lang sa galit.

"Shaks! H-Hindi ko alam na kasama si Raven sa cruise ship kung saan naroon din si Kreisha. Wait. Baka naman nagkataon lang kasi hindi naman naglilihim sa akin si Kreisha. And she's there to forget everything all the memories she had with Raven," depensa niya sa kaibigan.

Muli itong nagsalin ng inumin nilang dalawa. "I don't think so. Nagkataon man o hindi, tumigil na dapat siya. Ikaw itong kaibigan niya, bakit hindi mo pagsabihan iyang kapatid ko? Wala kayong ginawa kung hindi kumain at magkulitan. Hindi ba nangungunsumi si Tristan sa iyo?"

"Araw-araw. I mean— ever since ay kilala niyo na kami ni Kreisha. Heto kami. Kahit ako ay gusto kong makalimot. Kaya lang ay kakambal na ata ng tadhana ko ang manatiling makaalala." Sa haba man ng panahon, I'm still in love with you, pare kong Kameron. Wait, anong pinupunto ko?

"Disgusting life I ever had."

"Huwag ka naman ganyan. Ang swerte nila dahil may katulad mo na handa umintindi at handa mo rin silang protektahan. Anyway, alam ko iyong competition na iyon at hindi pa ako nagdesisyon. My brother told me about this and I need to decide before the end of month." Napatingin siya sa mga mata ni Kameron. Alam niyang seryoso ito sa mga binitawang salita. "Pwede naman akong maging driver mo pero kasi... ayaw ni Tristan na sumali akong may kasamang pustahan. I mean... ayaw niyang sasali ako nang dahil lang sa pustahan ng iba. Pero pwede naman na hindi ko sasabihin sa kapatid ko." Bahala na talaga. Gagawin ko ito para sa iyo kahit alam kong masyadong risky.

"Are you sure? Name your price, Trina. Kapag nabawi ko ang company ko, I'll make sure, I'll pay you triple."

"It's not all about money, Kameron." It's all about love. Gusto niyang sabihin iyon dito ngunit umurong na ang dila niya.

"You're priceless, isn't it? Hindi pwedeng walang kapalit, Trina. Like I said, ayokong idamay kita rito na hindi lang ako mag-be-benefits. What do you want, Trina? Gagawin ko ang lahat ng gusto mo, ipanalo mo lang ang karera."

"Ang gusto ko⸻ Make love with me."