Kinabukasan, maagang tumungo si Trina sa office nila sa Ortigas. Pagpasok pa lang ay hindi na maipagkakailang kilalang-kilala siya kahit ng mga customers nilang nagtitingin ng mga sasakyan sa kanilang showroom. Bakit naman hindi? Katrina Ferrer is one of the best women F1 drivers in the country. Matunog ang pangalan niya mula nang manalo siya sa isang biggest competition na ginanap sa Abu Dhabi ilang taon na rin nakararaan. Mas lalo na ngayon na naging bahagi rin siya ng industriya bilang isang fashion designer. But she's still down to earth woman and has a lot of charity activities. Subalit isang bagay lang talaga ang hindi pa niya nakukuha at nais sana niyang abutin. Ang kaniyang pusong hanggang ngayon ay sutil pa rin sa pagmamahal sa isang taong wala namang pakialam sa kaniya.
Hay, Kameron, may labs! Kailan mo ba ako papansinin? Pinagbabawalan mo na naman kami ni Kreisha na magkita at dahil diyan sa kasungitan mo, mas lalo pa kitang minahal na unggoy ka. Nakasalumbaba siya habang tinitingnan ang mukha ni Kameron Severino sa monitor ng kaniyang laptop. She's lucky to have his first love picture on her monitor. Ninakawan pa niya ito ng larawan noon habang binubuksan nito ang pinto ng kotse nito sa labas ng bahay nito.
She took a few sighed while also playing her ballpen in the table. Naroon na naman siya sa kaniyang imahinasyon na kasama niya ang binata sa iisang lugar. How I wish to be with you always, my love? Kahit araw-araw mo akong sungitan ay ayos lang sa akin. Kailan ko kaya matitikman ang mga mahihigpit mong yakap at maiinit mong halik? Oh, my Kameron!
"Hoy!"
"Anak ng⸻" Nagulat siya at nanlaki ang mga mata niyang napatitig sa taong nanggulat sa kaniya. It was her brother, Tristan, who startled her while she's in the middle of being fancy to Kameron. "K-Kuya?!"
Tristan put his both hands on his chest while staring at her with massive looked. "What are you doing, Katrina Ferrer? Are you dreaming again about that man? Kailan mo ba talaga titigilan ang isang iyon at mag-concentrate ka sa business natin? If I can't help myself, I'll bury that man alive. Masyado ka ng nababaliw sa kaniya," banta ni Tristan sa kaniya.
She winced. "Ang kill joy mo, shupatid. Nandoon na ako sa momentum ko tapos bigla ka na lang manggugulat," inis niyang tugon dito. "At gusto mo pa yata akong magluksa. What do you want, huh?"
Tristan shook his head once. "Whatever." Tinanggal nito ang pagkakasalikop ng mga braso sa dibdib. "Just check your email. I send someone important."
"And it's all about what? Siguraduhin mo lang na maganda iyang email mo⸻"
"Katrina!" sigaw ng kapatid niya. "Will you please shut your mouth and check your email? Masyado ka na yatang kampante at kung makaasta ka ay hindi ako nakakatandang kapatid mo?" Halatang galit na ang tono ng boses ng kapatid nito.
"O-Okay, fine." Alam na niyang naiinis na ang kapatid niya sa mga inasal niya kaya magseseryoso na siya. Umayos siya ng pagkakaupo saka hinarap ang monitor ng laptop. Noon niya binuksan ang email na tinutukoy ng kapatid. "Women Ferrari World Competition in Abu Dhabi next year? Wow. But, uhm, I am not interested."
"Tingnan mo muna ang mapapanalunan," muling sambit ni Tristan.
She scrolled down and the she saw something excitement. "Oh, my god! Ito iyong gustong-gusto kong Ferrari car." Nanlaki ang mga mata niya sa nakitang magiging grand prize ng competition.
"Just think about and I am here to support you. Sige na at may client meeting ako. Just tell me if you are decided then we need to prepare ahead of time. I have to go." Kumilos na ito at naglakad palabas ngunit muli itong natigilan at humarap sa kaniya. "At pwede ba, magtrabaho muna tayo bago iyang pagmamahal sa unggoy na iyon. Hindi naman kayo bagay. Siraulo iyon kahit kaibigan ko pa iyon." Muli rin itong tumalikod at tuluyang lumabas ng kaniyang office.
Napangiti na lang siya. Kung iba pa ang naging kapatid niya baka hindi lang pagpapaalala at pang-aasar na matatanggap niya rito. Masuwerte na rin na ganoon lang ang ginagawa ni Tristan sa kaniya sa likod ng pagiging baliw niya kay Kameron. Ano ba ang gagawin ko? Mahal ko ang unggoy na sinasabi mo, Kuya Tristan. Napapailing na lang siya saka muling tiningnan ang monitor niyang naroon ang larawan ni Kameron. Kung hindi lang tumunog ang telephone sa kaliwang bahagi niya baka maghapon na naman siyang nakatunganga sa kaniyang opisina. In the end, she's busy with her daily routine task as the co-owner of Ferrer Buy and Sell Cars Company.
KINAGABIHAN, nagkita sila ni Chubby sa isang eat all you can restaurant. Ang kaibigan niya na kapatid ng kaniyang iniirog na si Kameron. Despite of being strict ni Kameron, gumagawa pa rin ng paraan ang kapatid nitong magkita sila lalo na ngayon na kararating lang nito galing Australia. Mula rin nang dumating ito ay halos gabi-gabi na rin silang kumakain sa iba't ibang restaurant dahil na-miss nito ang Pilipinas.
"Woah! Ang sarap!"
Halos mapuno na ang bibig ni Chubby sa kakasubo ng mga pagkaing nasa harapan nila ng bestfriend nitong si Trina. They are in the Korean restaurant in Mandaluyong and it was eat all you can serve food. Mag-iisang oras na rin sila sa naturang establishment at hindi pa ito titigil hangga't hindi nauubos ang pagkain nakahilira sa buffet table.
"Busog na ako, Chubby!" reklamo niya. Mukhang puputok na ang tiyan ko sa kabusugan.
"A-Anong b-busog? K-Kumain k-ka pa," wika nito habang puno ang bibig ng lettuce na nilagyan ng beef.
"Pahinga muna tapos kakain ulit ako. Halos gabi-gabi na tayong nag-sasamgyup at hindi ka ba nagsasawa?" tanong niya.
Dinampot nito ang baso ng juice at uminom bago siya tinugon. "Hindi ako magsasawa. I miss this Korean food, you know! Pagbigyan mo na ako at kakabalik ko lang galing Australia. Alam mo, mag-grilled ka na lang diyan."
"Pambihira ka talaga! Hindi ba uso sa'yo ang diet, 'te?" Mukhang luluwa na nga iyang damit mo sa kabusugan, Chubby. Gusto niyang matawa sa kaibigan na tila sabik na sabik sa pagkain at siya namang nahawa na rin. Sira ang diet ko nito. Paano na ang Dawn Zulueta scene ko nito with Kameron? Eh, gumulong pa ako sa sobrang bigat.
"Nope. Food is layf, gurl. My nickname is Chubby, so I will prove to them that I patronize with that name."
"Kalerky! Partida nanggaling ka pa niyan sa Australia. You promised that you will be the sexiest, hot, lovable, and seductive woman in the world. Anong nangyari, te? Mukhang mas lalo kang bumilog?"
"Bilog ka rin naman. Fair lang tayo."
"It's your fault, Chubby. Paano na ako magugusuhan ni Kameron may labs kung sarili ko ay hindi ko man lang iniisip?" Basted na naman ako sa kaniya. Bilog lang naman ako ngunit mas malala ka, bruhang ito!
"Do you still have a crushed on him?"
Tumango ito sabay sabi nang, "Oo."
"Sa lahat pa ng magugustuhan mo ay si Kuya pa. He's a ruthless and heartless billionaire ever!" May pa kumpas-kumpas pa ito ng kamay habang may hawak na chopstick.
"Maganda nga iyon, e. He's not ruthless and heartless but a hot and seductive man I ever met. I can't wait; he will drive me crazy when it comes to bed!"
Napatitig ito sa kaniya na tila may iniisip. "My god, Trina! Naiisip mo pa ang mga bagay na iyan sa kapatid ko? Matanda iyon sa'yo ng limang taon, hello!"
Sumulyap ito sa kaniya. "What's the matter with that? Age doesn't matter anymore. At kahit matangkad siya kaysa akin, magpapantay din kami! Ikaw nga naging desperado ka rin kay Ranzel noon. Fair lang tayo," banat niya rito.
Mukhang binawian niya ito kaya ito napangiwi. "That was twelve years ago, Trina. Isinumpa ko na ang tukmol na iyon sa ibabaw ng puntod ng mommy ko. And don't even mention his name at allergic ako!"
"Asus! As if naman naniwala ako? Noong mabalitaan mong namatay ang girlfriend niya two years ago ay nakukumahog ka ng makauwi rito pero hindi ka pinayagan ni Kameron. And guess what? He is still single right now!" May balita pa rin naman siya kay Ranzel dahil alam niyang kaibigan ito ni Tristan.
"Pake ko? Nandito ako para sa turn over ng business ni Kuya Kameron and next week ay may cruise ako sa Dubai patungong South Africa."
"Ewan ko na lang talaga kapag nagtagpo ang landas mo ng sinasabi mong tukmol!"
"Well, tadhana na lang talaga ang makakapagsabi niyon."
Ipinagpatuloy na lamang nila ang pagkain at hindi na rin nagtagal sa lugar. Bumili na rin siya ng pasalubong niya para sa kaniyang kapatid.
PASADO alas-dose ng gabi nang mapuna ni Kameron ang kapatid na dumating na kasama ng kaibigan nito. Nasilip niya ang mga ito mula sa kaniyang kwarto sa third floor ng kanilang bahay. Dala lang ng kaibigan nitong si Trina ang kotse nito samantalang hindi naman nagdala ng sasakyan ang kapatid niya. There you are, woman. Nag-init na naman ang dugo niya dahil panay labas na naman ng mga ito. Malalaki ang mga hakbang niyang lumabas ng kwarto at bumaba.
Mapusyaw ang liwanag sa sala at pumuwesto siya sa sulok upang abangan ang kapatid niya. Hindi siya agad mapupuna roon. Nakita pa niyang marahang naglalakad ang kapatid niya dahil alam nitong sermon na naman ang aabutin nito sa kaniya. Para itong batang takot na mapagalitan ng magulang.
"Why do you come home late?" he seriously asked her sister.
Napatigil ito sa pag-akyat sa hagdanan nang maulinigan ang boses niya at tila alam nitong hindi maganda ang tono ng pagtatanong niya. Marahan itong lumingon saka lang siya nito sinulyapan.
"Is this the way how your nightlife in Australia?" muli niyang tanong dito.
"Kuya Kameron, k-kumain lang kami ni Trina."
God! Look at you, Kreisha. You're always doing that every night. Ni hindi ka na namin nakasama ng daddy na kumain ng dinner. Is this your plan? Ang lumubo ka nang lumubo kakakain ng mga unhealthy food sa labas at hindi ka na magkasyang pumasok dito?" Lumabas na ang mga litid niya sa leeg. Hindi na rin niya napigilan ang emosyon niya dahil kanina pa nila ito hinihintay ng kaniyang ama.
"Kuya, ang puso mo. Ito lang naman ang kasiyahan ko at stress ako ngayon," paglalambing ni Kreisha sa kaniya.
"You're worst than ever, Kreisha. I don't know what to do with you, woman! At kasama mo naman iyang bakla mong kaibigan na si Trina."
"Maka-bakla ka naman, babae kaya iyon. May lahing bakla lang," nakanguso nitong tugon.
"Huwag mo akong dinadaan-daan diyan sa hitsura ng mukha mo, Chubby." Mahina rin siya sa tuwing dinadaan siya sa lambing ng kaniyang kapatid.
Lumapit ito sa kaniya saka siya hinawakan sa braso at naglalambing. "Kuya naman. Hindi ka makakapag-asawa niyan kung laging nakakunot-noo iyang noo mo. Sorry na. Peace na tayo. Huwag ka ng sumigaw at baka magising si Daddy Tino. I'll promise to you, Kuya Kameron. After my cruise in South Africa, I'll do what you want."
"I already heard that promises of yours, my sister. Do it instead of breaking your promises, Chabelita." Sabay binawi niya ang braso rito at nagpatiunang umakyat. Hindi ako makakapag-asawa hanggang hindi ka titino sa buhay.
"I promise, brader."
Hindi na siya sumagot sa kapatid niyang sumunod na rin na umakyat tulad niya. Naalala niya ang sinabi ng kapatid niya tungkol sa pag-aasawa. He's thirty-four years old and has no plan to settle down. Marami pa siyang dapat gawin sa buhay lalo na ngayon na may nararamdaman na ang kaniyang ama. Nadagdagan pa ito nang umuwi na sa wakas ang kapatid niya. Sumagi rin sa isip niya ang kaibigan nito. Katrina Ferrer. Ikaw na naman ang kasama ng kapatid ko.