Kameron was sitting at his living area on his room while facing his laptop. He wouldn't be at his office since his father got sick. His sister wasn't there because of her trip twenty days duration from Dubai to South Africa. Hindi na niya pinigilan ang kapatid na umalis lalo na at nangako naman itong magtitino na pagbalik nito. Kailangan din niyang tingnan ang ama niyang nilagnat kagabi ngunit maayos naman ang lagay nito kinaumagahan. He's there to keep his family safe. Iyon naman talaga ang papel niya simula noong mamatay ang kaniyang ina. Nangako siya rito na aalagaan niya ang kaniyang ama at ang kapatid niyang babae kahit pa may hinanakit siya sa ina noon. And it was one of the reasons why he's been out of his line. Well, he has the reason of being aloof and overprotective.
Tumunog ang cell phone niya sa tabi at tiningnan ang caller. Wigo? Dinampot niya ito at sinagot. "Hello?"
"Hey. Are you busy?" Wigo asked him.
"Not so. Why did you call? Kung wala kang mahalagang sasabihin, I'll drop this call."
"Sungit." Bahagyang tumawa ito sa kabilang linya. "Chill lang, bro. Masyado ka naman mainipin. I just want to tell you that your sister and Raven has the same flight bound to Dubai. Mukhang iisa lang din yata ang cruise ship na gagawin nila patungong Cape Town, South Africa. Are you aware about this?"
"What?!" Kumunot ang noo niya sa narinig mula kay Wigo saka napakuyom na rin ng kamao. Hindi siya makapaniwalang magkasama sa iisang trip ang dalawa na wala man lang siyang kaalam-alam.
"Hey. Don't get mad at them, bro. Malay mo at nagkataon lang dahil sinabi naman ni Raven na nag-iisa lang siya sa trip niya. I know this information since they are both on board in my airline and I am telling this information for your awareness. Huwag mo sanang bigyan ng kahulugan ito and let's see what's Raven's explanation about this issue."
"Hindi ko bibigyan ng kahulugan?" galit niyang tanong dito. "What are you suppose me to do? I let my sister do what she wanted to do in her life, being with Raven's presence? Not this time, Wigo."
"What do you mean by that?" he curiously asked.
Nagpupuyos ang damdamin niya nang mga oras na iyon. Walang alam ang ibang mga kaibigan niya tulad nina Wigo at tanging nakakaalam lang ay si Zack. Minsan na rin naging baliw ang kapatid niya sa pagmamahal nito kay Raven at ayaw na niyang maulit pa iyon. Hindi ka pa rin tumigil sa kabaliwan mo sa unggoy na iyon, Chubby!
"Still there, Kameron? Sana pala ay hindi ko sinabi ang bagay na iyon at mukhang gulo na naman pala ang magiging resulta."
"Salamat sa pagiging madaldal mo at may kalalagyan sa akin ang unggoy na iyon," banta niya.
Tumawa lang ito. "Bro, your sister isn't getting any younger anymore. Wala ka bang tiwala sa kaibigan mo?"
"Wala! At ayokong malaman na sasaktan lang ni Raven ang kapatid ko. I need to end this conversation and I want to talk to Raven. I'll kill him!"
"Bro⸻"
Hindi na niya ipinagpatuloy pa ang pakikinig kay Wigo at ibinaba na agad niya ang tawag nito. Lalo lang siyang nag-init sa ibinalita nito kaya naman ay nag-dial siya upang tawagan mismo si Raven. Maya-maya lang ay narinig na niya ang boses nito sa kabilang linya.
"Hello?"
"Isang tanong, isang sagot. Magkasama ba kayo ng kapatid ko sa cruise ship?" direkta niyang tanong dito.
Matagal bago nakasagot ito sa kabilang linya. Kung nasa harapan lang niya si Raven, baka hindi lang suntok ang inabot nito sa kaniya.
"Oo. Pero nagkataon lang na magkasama kami and it's not intentionally. I didn't know that we have the same itinerary," paliwanag ni Raven sa kabilang linya.
"Raven, you know already what I can really do to you just in case my sister does her insanity to you again. How much did you pay your cruise ship and I will make it double? Lumayo ka lang sa paningin ng kapatid ko," alok niya. Kung kailangan niyang gamitan ng pera, gagawin niya mailayo lang niya ito sa kapatid.
Natawa ito. "Kameron, wala akong gusto sa kapatid mo at hindi ko na kasalanan na mababaliw na naman siya sa presensiya ko. Kreisha isn't that type of my woman and don't dare to scare me or else I'll sue you. Have you forgot that I am a legal prosecutor?"
"I know what my right is and I didn't forget that you're an attorney, Mr. Ranzel Venecio. Oras na malaman kung may ginawa ka na namang kalokohan sa kapatid ko, I swear, hindi ka na makakatungtong sa bansang ito."
"Oops! That's against our law, Mr. Severino. Don't worry; I will take care of your sister. Ipapakain ko lang naman siya sa mga pating dito. Bye."
"Raven⸻" Tanging busy tone na lang sa kabilang linya ang narinig niya. "Shit!" Padaskol na inilapag niya ang cell phone sa center table saka napahilamos sa mukha. Kararating lang ng kapatid niya at heto na naman siya na nangungunsumi.
Si Raven lang naman ang lalaking kinababaliwan ng kaniyang kapatid noon at sa kabila ng kaniyang paghihigpit, patuloy din pala ang pagkagusto ng kapatid niya rito. He knew everything about Raven and her sister since then. Naroon pa na nag-aral ang kapatid niya sa US upang sundan lang ang kumag na Raven doon. Nalaman na lang niya iyon nang magkaroon ng hindi inaasahang pangyayari sa pagitan ng dalawa. Mula noon ay inilayo niya ang kapatid sa anino ni Raven at inilipat niya ito sa Australia. Until right now, tila naulit na naman ang pangyayaring iyon. Ilang sandali pa ay muling tumunog ang cell phone niya. It was his friend Rick Anderson who was calling him. Ayaw niyang sagutin ang tawag nito dahil mangungulit na naman ito tungkol sa inaalok nito ngunit ayaw tumigil sa pag-ring ang cell phone niya.
"Hello?" inis niyang sambit sa kabilang linya nang damputin ang cell phone at sagutin ito.
"Hey, Kameron. Mukhang galit ka na naman. Chill lang, bro."
"I don't have time to chill. What do you want, huh?" Hindi maganda ang bungad sa kaniya nang umagang iyon at ayaw na niyang madagdagan pa ito ni Rick.
"Bro, ikaw ang may kailangan sa akin ngayon. Still remember our agreement? Thanks for the sign, bro. Naibigay na sa akin ng secretary mo ang kopya ng agreement ko with your sign. So, congratulations and nakapag-decide ka na rin sa wakas. Humanap ka na rin ng Ferrari driver mo at⸻"
"What?! I didn't sign the agreement!" he fiercely said to Rick. "You know it from the start, Rick, that I will not take the risk for my company. Alam mo rin sa umpisa na mas mahalaga sa akin ang kompanya ko kaysa ang magwaldas ng pera na walang katuturan! Are you really out of your mind?!" Napatayo na siya sa sobrang galit niya.
"Kameron, hey! Don't get mad at me, bro. It's not my fault you to sign the agreement. Hindi rin kasalanan ng secretary mo dahil inabot lang naman niya sa akin ang folder ko. Now, kung hindi ka tutupad sa agreement na ito, I have the fully rights to do about your company. Or else, bumaba ka sa puwesto mo at magligpit ng mga gamit mo," banta nito.
"Damn you, Rick!" Halos lumabas na ang mga litid niya sa leeg sa sobrang galit dito. Naisahan na naman siya ni Rick na hindi niya namalayan. Noon niya naalalang nakasama pala sa mga pinirmahan niya ang folder na tinutukoy nito.
"See you next year, bro. Humanap ka na rin ng driver and them let me know. Sa ngayon, panghahawakan ko muna ang agreement na ito at kapag umabot sa oras na hindi ka susunod sa napagkasunduan natin, gagawa na ako ng aksiyon. Have a nice day, Kameron."
"Rick⸻" Binabaan din siya ni Rick ng tawag. "Damn you, all!" Sabay ibinalibag niya ang cell phone sa carpeted na sahig.
Halos mabiyak na ang ulo niya sa kakaisip sa sunod-sunod na kamalasang natanggap niya nang araw na iyon. Nagkasakit ang ama niya, kasama ng kapatid niya ang kinababaliwan nito at ngayon ay nasa hindi magandang sitwasyon ang kaniyang kompanya sa kapabayaan niya. He walked out of his room and went to their mini bar counter. Doon siya nagpakalunod sa alak upang kahit papaano ay mawala sa isipan niya ang mga naganap. Pasan na naman niya ang daigdig at wala ni isang karamay niya.
HABANG si Trina naman ay papasok sa bahay nila Kameron. May bitbit siyang pyrex bowls na may lamang beef caldereta. Nagluto ang nanay niya dahil paborito ito ng ama nina Kreisha at Kameron na ngayong nalaman nilang nilagnat ito. Nagdaldal na naman ang kasambahay nilang si Aling Nina kaya nila nalaman iyon.
"Salamat rito, Trina. Sigurado akong magugustuhan ito ni Sir Tino," sambit ni Aling Nina sa kaniya.
"Kumusta na si Tito Tino? Maayos naman ang pakiramdam niya?" tanong niya habang nakaupo siya sa sofa.
"Mabuti na ang lagay niya at bumaba na rin ang kaniyang lagnat. Napagod lang iyon sabi ng doctor at kailangan lang magpahinga. Maiwan na muna kita rito at ilagay ko lang ito sa kusina. Si Sir Kameron ay nandito rin upang magbantay sa daddy niya at mukhang mainit na naman ang ulo. Puntahan mo na lang siya sa mini bar," wika nito.
"Ah, sige. Salamat, Aling Nina."
"Oh, siya at maiwan na kita." Tumalikod na ito bitbit ang dinala niyang ulam.
Malamang ay magsusungit na naman ang isang iyon. Wala pa naman dito si Kreisha at ano na naman ang sasabihin ko sa masungit na iyon? Pero bahala na. Makita ko lang siya, buo na ang araw ko. Tumayo siya at tinungo ang mini bar ngunit imbes na sa loob dumaan ay lumabas siya sa kabila upang dumaan sa pool area. Malapit lang din ang mini bar nila sa bahaging iyon kaya doon na lang siya dadaan. Napuna niya ang magandang ambiance sa pool area kaya muntik na niyang makalimutang hindi nila bahay iyon. Ang sarap naman magtampisaw. Naliligo kaya si Kameron dito nang topless? Sheyt! Nakikinita ko na naman ang mga pandesal niyang nag-he-hello sa akin.
"Hoy!"
Gulat siyang napalingon sa sumigaw na iyon ngunit huli na dahil nagkamali ng pag-apak ang isa niyang paa dahilan kaya siya nadulas. Nasa gilid siya ng pool nang mga sandaling iyon kaya nahulog siya sa bahagi ng six feet ang lalim. Isa lang naman ang hindi niya natutunan sa buhay, ang paglangoy. Never niyang natutunan iyon dahil abala siya sa pagiging mahusay pagdating sa karera ng mga sasakyan at doon lang siya nakatuon.
Ikinukumpas niya ang mga kamay niya sa tubig habang paangat-palubog ang kaniyang mukha sa tubig. Nakainom na rin siya at kahit anong gawin niya ay hindi niya kayang abutin ng kaniyang mga paa ang pinakailalim. She's 5'7 in height but it wasn't enough to reach the deep part. Ang alam na lang niya ay may narinig siyang tumalon sa pool.
Someone grabbed her waist to lift her up from drowning. Nang matantiya niyang tao ang sumagip sa kaniya ay napahawak na lang siya rito. But the moment she realized that it was her knight in shining armor, Kameron Severino. Habang nakikita niya ang seryosong mukha nito, tila panandaliang tumigil ang kaniyang mundo. Yet, it was the first time they are closed to each other. Sa ganoong pangyayari pa na muntik na siyang malunod.
"A-Are you out of your mind?" asik nito nang mai-ahon na siya sa gilid ng pool.
Siya naman ay hindi makapagsalita dahil inuubo siya sa tubig na nainom niya at bumara sa kaniyang lalamunan. Nagulat na lang siyang hinawi nito ang buhok niya sa mukha at napatitig sa binata subalit naamoy niya ang alak dito.
"Are you okay?" pag-aalala nitong tanong. Bumaba na rin ang tono ng boses nito nang ma-realize nitong muntik na siyang malunod.
"A-Ayos lang ako." Muli siyang umubo. Subalit nangingilid na ang mga luha niya sa mata dahil kamuntik na talaga. What if Kameron isn't there to save her?
"Bakit ba nandito ka sa pool area? What are you doing here? Paano na lang kung wala ako, e 'di nalunod ka na?" Hayun na naman ang pagsusungit nito na minsan ay hindi nito kontrolado.
Napaluha na siya. K-Kamuntik na akong malunod at sesermunan mo pa ako? Hustisya, Kameron. Hustisya!
"S-Sorry! H-Hindi ako galit⸻ I mean⸻ I didn't meant to yelled earlier." Bahagyang nahirapan itong magpaliwanag sa nakita nitong reaksiyon niyang napaluha na. "Kaya mong tumayo?"
Marahan lang siyang tumango. Akala niya ay hahayaan na lang siya ngunit inilalayan pa rin siya nito. Noon niya nakitang may isang bahagi pala ng pagkatao ni Kameron ang pagiging mabuting tao at may malasakit din. She thoughts that he doesn't care about her or anyone. Siguro dahil na rin sa kailangan nitong sagipin siya at ito rin ang dahilan kung bakit nahulog siya sa gilid ng pool.