"Good morning, everyone!" masayang bati ni Trina sa kakambal niya at sa ama nitong nasa sala. Umupo agad ito katabi ng ama niyang nagbabasa ng diyaryo.
"Good morning, Kat. Masaya yata ang anak ko. Mukhang may magandang nangyari sa iyo," puna ng ama nito.
"Nothing so special, 'Tay. Parang hindi naman kayo sanay sa mala-diyosa niyong anak na laging mataas ang level ng energy," tugon niya sabay napatingin sa kapatid.
"Mala-diyosa? Mala-diyosa ng mga bakla. Umayos ka nga, Trina. Parang hindi ka babae kumilos," sita ng kapatid nitong si Tristan. May ginagawa ito sa laptop habang nakaupo sa kabilang side ng sofa at nagkakape.
Napaismid siya. "Hmm. Inggit ka na naman, kapatid. Mabuti nga at diyosa ako para damay ka na rin. Look at you, kung hindi lang siguro tayo magkakambal, I think, ang chaka mo!" Hindi naman talaga pangit ang kapatid niya. Trip lang niya itong asarin dahil mahilig din itong mang-asar sa kaniya.
Chaka pala, ha. Then I would tell Kameron that you like him. I should call him right now." Kinuha na nito ang cell phone sa tabi.
"Hoy, Tristan!" Sabay tumayo siya at nilapitan ang kapatid upang pigilan na tawagan si Kameron. "B-Biro lang! Ito naman, hindi na mabiro. Ang pogi mo kaya!" bawi niya.
Ngumisi ito. "Akala mo, ha. Hoy, ikaw. Tigilan mo na iyang kapitbahay natin dahil wala kang mapapala sa unggoy na iyon! Kahit kaibigan ko iyon, saksakan iyon ng kasungitan at suplado ang isang iyon. Kung hindi lang kita kapatid, baka itinapon na kita sa Afghanistan," banta nito.
Sumulyap siya sa ama niyang napapangiti sa kanilang dalawa. "Tatay, oh. Ang sama-sama talaga ni Tristan. He doesn't showed his support on me eversince. Kapatid ko ba talaga ito?" Naghahanap siya ng simpatya sa ama niya.
"Hay, naku. Kayong dalawa talaga. Ikaw naman, Trina. Sa dinami-dami ng lalaking gugustuhin mo, iyong anak pa ng kapitbahay natin. Maghanap ka naman ng lalaking matino. I mean⸻iyong hindi masyadong masungit at tipong mamahalin ka," payo ng ama niya. "Kung bakit pa kasi iyang si Tisoy ang napili mo at mabuti na lang kami lang ang nakakaalam na may gusto ka sa kaniya."
"Tatay, naman. Pati rin ba ikaw? Bakit ayaw niyo sa kaniya? Gwapo naman siya kahit nuknukan siya ng kasungitan," pagtatanggol niya. Kahit pa man noon ay ipinagtatanggol na niya si Kameron sa mga ito.
Napailing na lang ang tatay niya at hindi na lang nagsalita. Ipinagpatuloy na lang din nito ang pagbabasa ng diyaryo dahil kahit anong sabihin nito ay lumalabas lang naman din sa kabilang tenga niya. Her father knows her very well when he's giving her a piece of advice about her feelings to Kameron.
"Magmahal ka na lang ng iba, huwag lang ang isang iyon. Ayoko siyang maging bayaw. You're loving a man that owns a hell. Kahit kaibigan ko pa ang isang iyon, hindi ako boto para sa kaniya. Tandaan mo ito, Trina, hanggang pagkagusto ka lang sa kaniya. Kapag nalaman kong nakipagharutan ka sa isang iyon, makikita mo talaga."
Napaismid na lang siya sabay hawi ng kaniyang buhok sa balikat. Kontrabida lagi ang kapatid niya sa tuwing pinag-uusapan nila ang kaibigan nito. Kaibigan mo ba talaga si Kameron? Hindi nga kayo close, eh.
"Trina, pakidala nga itong pasalubong ko kay Aling Nina. Nakalimutan ko itong ibigay kahapon," utos ng ina niyang naroon na. May bitbit itong maliit na paper bag at iniabot sa kaniya.
Bigla naman siyang na-excite at napatayo mula sa kinauupuan. "Sure, 'Nay!" Sabay kinuha niya ang maliit na paper bag habang malawak ang pagkakangiti sa ina.
"Oh, siya. Babalik lang ako sa kusina at tutulungan ko si Aling Mila. Bumalik ka kaagad at baka kung ano pa ang gagawin mo sa bahay ni Kameron. Katrina, babae ka. Hindi porkit alam ng mga tao rito sa bahay na crush mo iyong tisoy na anak ni Tino Severino. Aba, magpaka-demure ka naman, anak. Hindi pwede iyong para kang teenager kung makaasta sa first love mo," sermon ng ina niya.
"Si Nanay naman. Hindi naman alam ng kapitbahay natin na crush ko ang anak niya. Sekreto lang naman ng pamilya iyon kaya suportahan niyo na lang ako. I'm old enough, you know."
"Nagdadahilan pa iyang anak niyong isip bata, 'Nay. Kaunting-kaunti na lang at malalaman na ng buong mundong crush niya si Kameron Severino," singit ni Tristan. "Kulang na lang at ipagsigawan."
Napaismid na naman siya saka siya nagmartsang lumabas ng kanilang bahay. Lagi na lang siyang pinapaalalahanan ng kaniyang ina at kapatid tungkol sa lihim na pagtingin niya sa nakakatandang kapatid ng kaniyang best friend. Eh, anong gagawin ko?Eh, sa gusto ko iyong tao? Kung pwede lang sanang mamili ng mamahalin, hiniram ko na sana ang pana ni Kupido at ginamit kay Lee Dong Wok. Ako na sana ang asawa ni Mr. Grim Reaper. Ka-imbyerna!
Bata pa man noon si Trina ay malaki na ang pagkakagusto niya kay Kameron. She admired him most until this time. Wala siyang ibang gusto kung hindi ang binatang nuknukan ng kasungitan sa buhay. Bukod sa pamilya niya at kay Kreisha, sila lamang ang nakakaalam tungkol sa bagay na iyon.
Swerte na lang ang pagkakataong nakakuha sila ng bahay na malapit dito dahil na rin sa ilang beses siyang nanalo sa karera ng women's division sa car racing. They invested their money to put up their own buy and sell car business. And now, Tristan and her manage it. Pinaghirapan at pinagsikapan nilang palaguin ang lahat ng kanilang natamong tagumpay na magkapatid.
"Hello, Aling Nina!" bati niya kay Aling Nina na nagwawalis sa tapat.
Sumulyap agad ito sa kaniya. "Oh, Trina. Ikaw pala. Magandang umaga naman." Tumigil ito sa ginagawa at hinarap siya.
Nilapitan niya ito. Sayang. Nasa labas agad si Aling Nina. Hindi ko tuloy makita ang Kameron may labs ko. "Aling Nina, ipinapaabot ng nanay. Galing sila ng Pangasinan noong nakaraang araw at mukhang pasalubong niya ito para sa inyo."
Gumuhit sa mga labi nito ang malapad na pagkakangiti. "Ay, mukhang alam ko na ito. Bagoong!"
"Oho. Heto." Iniabot naman niya ang paper bag.
"Naku, salamat." Kinuha naman nito ang paper bag. "Miss na miss ko na ang bagoong na nanggaling sa Pangasinan at sigurado akong masarap na naman ang kain namin ni Lita nito." Tuwang-tuwa na ito sa nakikitang laman ng paper bag. "Ay, siyangapala. May niluto akong leche plan sa loob. Halika at tikman mo. Magdala ka na rin para sa inyo."
"Ho? S-Sigurado kayo, Aling Nina? H-Hindi kaya nakakahiya kay Tito Tino at kay Kuya Kameron?" Kuya Kameron pala, ha. Sabagay, iyon naman talaga ang tawag ko sa may labs ko na iyon. At jackpot akong makikita ko ang masungit na iyon.
"Oo. Halika na sa loob," yaya na ni Aling Nina sa kaniya.
Hindi na siya tumanggi dahil iyon naman din talaga ang sadya niyang makapasok sa loob. Nahihiya man siyang tumungo roon dahil hindi pa bumabalik ang kaibigan niyang si Kreisha na mula Australia ngunit nagsabi na itong darating samakalawa.
Bumungad sa kaniya ang magarang loob ng bahay ng mga Severino kung saan ilang beses na rin niyang napuntahan nang dahil sa kaibigan niya. They had a lot of memories there with her best friend Kreisha before she went to Australia. Dito rin niya madalas nakikita noon si Kameron na kahit patay-malisya lang ang binata sa presensiya niya, she doesn't care. As long as, nariyan lang ito sa paligid, masaya na siya.
Dumiretso na agad sila ni Aling Nina sa kusina habang wala naman siyang napunang tao sa paligid. Tulog pa siguro ang isang iyon. Sana lumabas ka man lang sa lungga mo, may labs. Sayang naman itong pag-aayos ko sa umaga.
"Maupo ka lang diyan at kukunin ko lang ang leche plan." Inilapag nito ang paper bag sa mesa.
"Ayos lang ako rito, Aling Nina."
"Naku, pasensiya ka na. Napag-utusan ka pa ng nanay mo na dalhin itong bagoong sa akin. Nasaan ba si Aling Mila?" Abala na ito sa paghahanda ng plato at kubyertos sa mesa upang matikman niya ang leche plan nito.
"Busy sa kusina kaya ako ang napag-utusan. It's okay, Aling Nina. Sanay naman akong mautusan ng nanay." Gusto ko lang talagang makita ang amo mong masungit at buo na ang araw ko.
Inilapag nito ang kinuha sa refrigerator. "Heto. Tikman mo at magdala ka na rin ng para sa nanay mo at kay Sir Tristan. Paborito niya ang leche plan na niluluto ko."
"Hmm. Mukhang masarap!" Kumuha siya ng tinidor upang tikman iyon.
"Dahan-dahan lang at baka tumaba ka lalo. Pero hayaan mo na at maganda ka naman. Sabi nga nila, mas chubby, mas sexy."
Awts! Napangiti siya. Parehas lang sila ni Kreisha na mahilig talaga sa pagkain. She's not too sexy but has curve of her own. Kahit malaman siya kumpara sa mga modelong nakikita niya, may ilalaban din naman siya. Wala, eh. Food is life.
"Kumain ka lang nang kumain diyan at tatawagin ko si Lita para mag-almusal. Wala rito si Sir Tino at mamaya pa ang uwi galing ibang bansa. Si Sir Kameron naman ay tulog pa sa taas," sambit nito saka ito naglakad palabas ng kusina.
"Sige, ho. Don't worry about me, Aling Nina. Ako na ang bahala sa leche plan." Hinila niya ang upuan saka umupo. Hmm. Ang sarap. Hindi nakakasawa ang leche plan ni Aling Nina. Sakto lang talaga sa tamis at mukhang mauubos ko ito.
"What are you doing here?"
Gulat siyang napalingon sa may bungad ng kusina. She stopped while staring at the man walking towards her with a massive looked of his eyes. His forehead furrowed and wondering what she's doing there. He wears his white rounded neck t-shirt and a black boxer shorts. Halatang kakagising lang nito at magulo pa ang buhok. Yet, he's still handsome than ever. Ang lalaking naroon pala ay ang kanina pa niya hinahagilap at nais masilayan man lang.
"No would informed me that this is the extension of your kitchen going through here. Well, as you always did. Hindi na ako magtataka na isang araw ay dito ka na rin titira," seryoso nitong wika. Kumuha ito ng baso upang magsalin sa water dispenser.
Hindi pa rin siya makakilos. Sa tuwing nakikita naman niya si Kameron ay blangko na naman ang isipan niya. Hoy, Katrina Ferrer! Magsalita ka nga! Don't tell me, umuurong lagi iyang dila mo sa tuwing nakikita mo na iyang hinahanap mo! Pinagalitan niya ang sarili. Kailangan niyang harapin ito sa kahit anong paraan at baka malaman nitong ang sekreto niya.
"What's that smell, huh?" He sniffed.
Napaamoy din siya sa paligid at naamoy niya ang bagoong na ibinigay ng kaniya ina kay Aling Nina. "Uhm, iyan ata." Sabay turo niya sa paper bag. Sa wakas ay nagsalita ka rin, Trina.
"Is it anchovy?" tanong nito.
Wow! Ang lalim ng english ni Kuya Kameron. "Oo. Bagoong isda nga. Pasalubong ng nanay para kay Aling Nina. Sorry, medyo hindi maganda ang amoy sa ilong pero masarap naman iyan."
"Kung ano-ano na ang ipinapasok ni Aling Nina rito sa kusina. So, what are you doing here?" muli nitong tanong sa kaniya.
"Kumakain," mabilis niyang tugon. Muli siyang sumubo ng leche plan.
"Alam kong kumakain ka. Wala ba kayong pagkain sa inyo? Don't tell me, naghihirap na si Tristan at dito ka na nakikilimos ng pagkain." Umandar na naman ang kasungitan nito sabay nagsalubong ang kilay. "Hindi porkit kaibigan ka ng kapatid ko ay mamimihasa ka ng labas pasok sa bahay na ito."
"Ang damot at ang sungit mo. Meron ka ba? Huwag kang mag-alala at babayaran ko itong kinain ko." Tumayo na siya. Hindi ka pa rin nagbago, Kameron. Napaka-antipatiko mo pa rin at madamot.
"Ang dami mong sinasabi. Sige na, alis na."
"Hmp! Masama ka talaga," angal niya. "Lalayas talaga ako at isusumbong kita sa kapatid ko!" Nagmartsa na siya palabas ngunit napatigil din at bumalik. "Kuya, iyong... iyong leche plan na bigay ni Aling Nina. I almost forgot."
"No," mariin nitong wika. "Mukha ka ng balyena, kakain ka pa. Get out of my house." Pagtataboy nito sabay pinagsalikop nito ang braso sa dibdib.
Masama ang tingin na ipinukol niya rito saka umismid. "Mabuti na lang talaga at hindi kita naging kapatid dahil kung hindi⸻" Naputol ang sinasabi niya at nag-isip.
"And then, what?" Naghihintay ito sa sasabihin niya.
"Ang⸻ang pangit mo!" Sabay tumalikod siya at kumaripas ng takbo. Takbo! Bilis!
"T-Trina! S-Saan ka pupunta?!"
Narinig na lang niya ang boses ni Aling Nina at hindi na siya lumingon pa. Ayaw niyang makita ang reaksiyon ni Kameron na alam niyang mag-ala-Hulk na naman ito. Yes! And they are always like that. Kung hindi mag-asaran, magbabangayan. Taliwas sa mga bagay na gusto niyang gawin dito dahil nga sa iritable na itong makita siya. Kahit naman sa iba ay aloof na talaga si Kameron lalo na sa mga babae. And she doesn't know why. Even her sister Kreisha never told her the reason why is it that Kameron has that kind of character. Ang alam niya, nag-iba na lang ito bigla mula nang araw na muntik na siya nitong ihian.