Chereads / YOU'RE MY STRENGTH / Chapter 5 - Find another job

Chapter 5 - Find another job

I've been walking around a quiet sometime now .I'm finding the exit but whatever I do I'm still coming back where I came from the start.Parang paikot ikot lang ako.I tried to look around and shoot , this place looks familiar .I've been here if I'm not mistaken.I walk faster to the biggest tree I saw and checked it ,and yes I saw the carved letter and this only means one thing :I'm here in this park where everything happened.I lost my strength that makes me fall into my knees.I tried to recall every details of what happened on that day ,but I can't .It seems that my mind was blocked to remember something important.I tried again but again I failed.

I'm starting to lose my consciousness in this place when I feel someone poking me..

'hey! Miss gising ,hoy!'

Nagmulat ako bigla ng mata at nakita ko ang mama na nakatayo sa gilid ng kama ko na inis na inis na nakatingin sakin.

'b-bakit?' tanong ko sakanya

he sarcastically laugh

'haha, baka nakalimutan mo na kamo na yaya kita , pero mas una pa akong magising sayo ,tingnan mo alas nueve na ganyan ba ang oras ng gising ng katulong ? Gutom na ako pero wala paring makakain sa kusina ,ano ba yan ! May bisita ako miss pero ayun ,nanginginig rin siya sa gutom ! Kanina pa kita ginigising pero mukhang sarap na sarap ka sa tulog mo .Dapat matuto kang gampanan ang tungkulin na binibigay sayo , masyado kang pabaya.Dapat man lang nagset ka ng alarm clock diba kasi alam mo na tungkulin mo ang gumising ng maaga !' mahabang litanya niya

Gusto kong magsalita pero pinigilan ko ang sarili ko at hinayaan siyang sumabog sa sobrang inis.Para sa isang lalaki ,masyado siyang madaldal.

'Oh ano ,tutunganga ka nalang jan magdamag ? Magluto kana dun dahil gutom na gutom na ako !' sigaw niya sa akin bago tuluyang umalis ng kwarto ko at pabalyang isinara nito ang pinto..

Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko.Oo sabihin niyo nang mababaw ako pero kasi ang bigat ng pakiramdam ko ngayon.Parang ang sakit at ewan ko kung bakit eh sanay naman akong sigawan at maliitin ng kung sino..

Mabilis kung pinahid ang luha ko at dumiretso sa cr para maghilamos tas pumunta sa kusina para ipagluto siya

Mabilis lang akong natapos , lumabas ako para sabihing luto na pero wala siya sa sala .

baka nasa kwarto niya

Pero bawal ako don, yun ang isang rule na binigay niya , bawal akong tumapak kahit sa tapat lang ng kwarto niya , as if .

Nang hindi ko siya makita , pumasok nalang ulit ako sa kwarto ko , maglalaba ako ngayon , pansin ko kasing tambak na ang labahin ko.Yung damit naman niya pinapalaba lang niya sa laundry shop na malapit dito ,

Lunch time na nang matapos akong maglaba , pero chineck ko may pagkain pa naman tas wala siya may lalakarin daw , pinagkibit balikat ko nalang..

_________________________

Halos isang buwan na rin simula nung sigawan niya ako at pansin ko sa loob ng panahong iyon madalang nalang siya umuwi ,gusto kong magtanong pero baka singhalan niya lang ako at sabihang wala akong pakialam , at alam kung wala dapat akong pakialam pero medyo nag aalala ako ewan ko ba.

Sa totoo lang mahigit dalawang buwan na ako dito pero di ko pa alam ang pangalan niya at hindi rin niya alam ang pangalan ko , gusto kung sabihin sakanya pero hindi naman siya nagtatanong.Para kaming mga estranghero na nakatira sa isang bahay.Nagiging curious ako sakanya lalo na't nakita ko siyang kasama si Renzz nung nakaraaang linggo.

Hatinggabi na pero wala pa rin siya, siguro hindi na naman siya uuwi katulad rin nung mga nakaraang gabi ,at mas lalo akong nagtaka pero isinawalang bahala ko nalang dahil nakaramdam ako ng antok..

Mataas na ang sikat nang raw ng magising ako.Kung andito lang siya siguro nasigawan na naman ako , pero dahil tahimik ibig sabihin wala siya .

Mabilis kung inayos ang sarili ko at lumabas ng kwarto .Nagsimula akong maglinis ng buong bahay.Bandang alas onse na nang matapos kung linisin ang buong kabahayan pero wala pa rin siya.May narinig akong busina ng sasakyan at dahil sa pag aakalang siya yun ,hinayaan ko nalang .Mayamaya pa may narinig akong kumatok

Bakit siya kumakatok?I thought

Binuksan ko ang pintuan at bumungad sakin ang isang magandang babae

Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa, medyo nanliit ako sa sarili ko kasi kumpara sakanya mukha talaga akong katulong

'Ano hong kailangan nila?' tanong ko sakanya

'Who are you ? Where is Jace?' pabalik na tanong rin niya sakin

Jace? sino yun?

Napansin niya atang hindi ko kilala ang sinasabi niya kaya nagsalita ulit siya

'Hinahanap ko yung nakatira dito' may kinalikot siya sa cellphone niya sabay pakita ng picture sakin

'Ahh , so Jace pala pangalan niya ..

sabi ko sabay tango tango

'What? hindi mo kilala ang amo mo ? '

Nagtataka ko siyang tiningnan ,Paano niya nalaman na katulong ako ?

'Oh don't give me that look, of course I know you're his maid ,just look at yourself you really look like one, hindi ka naman mukhang girlfriend kasi you don't have ' sabay tingin sakin mula ulo hanggang paa 'class'.

'Like duh, hindi papatol ang isang Jace sa mukhang paa' nakangisi niyang sabi sakin

Naasar ako sakanya pero aminin man o hindi , katotohanan naman ang sinabi niya at hindi insulto kasi kahit ako sa sarili ko aminado akong wala namang espesyal sakin pero medyo sampal din yun sa pagkababae ko at medyo masakit siya .

'Anyways, saan nga siya ?' tanong niya ulit

' wala siya dito , hindi na siya umuuwi dito tatlong araw na at wala naman siyang sinabi na kahit ano sakin' sagot ko sakanya

'hayy, sabagay , sino ka nga naman para sabihan ng whereabouts niya , What a useless crap , agghh I just wasted my time talking to a trash '

Inis niyang sabi tas mabilis na naglakad papunta sa sasakyan niya

Taena mong babae ka, hinayupak mas mukha ka pang basura kesa sakin kasi mukhang basura ang ugali mo , bwisit!

Asar na asar ako sa babaeng yun .Siya nga yung sumayang sa oras ko , ang kapal ng mukha..

Pero ha , kaano-ano niya kaya yung mama na amo ko.Bakit siya hinahanap? Ano yun wanted ba siya ? Nakapatay o baka scammer ? Yaan na nga

Naupo nalang ako sa sala at nagbukas ng TV .Busy ako sa panonood kaya hindi ko napansin ang pagdating niya kaya nagulat ako ng makitang nasa harapan ko na siya .

'Oh anong problema mo ?' parang naiinis niyang tanung sakin

'Ah w-wala ' sabi ko sabay iwas tingin at tinutok ang mata ko sa Tv pero wala na akong maintindihan , occupied na kasi ang utak ko.

Bumalik siya ulit sa sala at naupo sa kabila ,kaya tiningnan ko siya

Nakapikit lang ang mata niya habang nakasandal sa upuan .

'Nga pala may pumunta ditong babae at hinahanap ka ' pagbasag ko sa katahimikan

'Paano ka naman nakakasigurado na ako ang hinahanap niya?' tanung niya ng hindi man lang binuksan ang mata niya

'Ipinakita niya ang picture' sagot ko

'K.'yun lang sabi niya kaya kinagat ko nalang ang dila ko para di na ako makapagsalita ulit..

Mga ilang minuto ang lumipas ng magsalita siya ulit ,

'I'll give you a week to find another job and a place to stay.I'd leave this apartment next week at may bago nang titira dito.'

Para yung bomba na sumabog at pakiramdam ko nabingi ako .Naiiyak ako kaya tiningnan ko siya kung seryoso ba siya at nakita kong nakatingin rin siya sakin at muling pinikit ang mga mata niya..

Sunod sunod ang pagtulo ng luha ko pero walang boses na lumabas sa bibig ko , mabilis ko ring pinunasan ..

'W-why?' Yun lang , yun lang ang salitang nailabas ng bibig ko ..

'Don't ask ,' at tumayo siya ,pumasok sa kwarto niya .

Jace POV

When I saw her face , somehow I felt pity towards her,but i pity myself more. I don't have a choice .I'll be leaving this place and this country .I have to undergo medication abroad .

She's a dedicated person I know and I don't have any problem with her performance , but she also have to stand on herself , hindi lang dapat siya magsettle sa pagiging katulong ko .She has to explore and try to apply another job .

I'm thankful to her for exerting too much patience within two months but I guess, this have to end , and this will be the goodbye..

I hope she'll find a better job that will suits her well..

Hindi ko na siya pinapansin kahit nagkakasalubong kami sa loob ng bahay .I make her feel unwanted kasi ako na mismo ang gumagawa ng mga bagay na dati ay pinapagawa ko sakanya .

Napapansin ko ring umaalis alis siya ng bahay , siguro para maghanap ng bagong trabaho .Good for her then.

Napapadalas na rin ang pagsakit ng ulo ko, buwan na lang o baka mga ilang araw na lang ang bibilangin at umatake na naman tong sakit ko , pero anytime now , susunduin na ako ng kapatid ko at medyo nag aalala ako para sakanya baka hanggang sa oras na yon wala pa rin siyang tutuluyan .

Siguro marahil nagtataka siya kung bakit di ko inalam ang pangalan niya , ang totoo makakalimutan ko rin yun kaya bakit ko pa aalamin ,mas mabuti nalang tong pareho kaming estranghero sa isa't isa para walang hassle .

Medyo na attach ako ng kunti sakanya kasi nasanay ako kaya nga dinalasan ko ang hindi pag uwi para hindi ako mahirapang mag adjust pag wala na siya at malayo na ako .. dahil sa sakit ko

Ganito talaga ang buhay , unfair .Minsan mapapaisip ka ,bakit kung sino pa yung gustong mabuhay yun pa yung hindi binibigyan ng pagkakataon kasi minsan may taning , at bakit kung sino pa ang mga taong sinasayang lang ang mga buhay nila sa paggawa ng masama , pagsusugal , pagnanakaw, pagpatay at paggamit ng ilegal na droga iyon pa yung mahaba ang buhay at walang iniindang sakit na maaaring kumitil sakanila.

Kailan ba magiging fair ang buhay? Yung tipong kung may batas na nagpapahirap sa tao sana hindi lang para sa mga mahihirap ,dapat i apply din sa mayayaman at makapangyarihang tao

. ..

Pero sabagay ganito ang buhay, at ganyan ginawa ang mundo , hindi fair , pero kailangan daw ganun para maging balanse ang lahat

Pero kung ikaw ako na nakakaranas ngayon ng paghihirap dahil sa sakit nato

How will you cope up ?

Will you be able to play fair ? or get rid of another life to survive?