Callix POV
Nakakainis naman tong Zahr na to
Hindi ba niya alam na may mahahalagang tao siyang kaharap pero kung balewalain niya kami harap harapan talaga
Tapos yung iba pa niyang sinasabi hindi namin maintindihan ,sabagay magkaiba kasi kame ng mundo kaya siguro ganun
Pero haisst wala siyang galang
Andito lang naman kasama namin ang isang miyembro ng council
Sabagay wala naman siyang ideya dito dahil isa lang siyang Zahr
Pero kung plinano ni Ferrer na gawin siyang espiya parang ang tanga naman ata niya
Eh malabo naman yang makapasok sa mundo namin dahil mortal siya
Maliban na lang kung may iba pang binabalak si Ferrer sa Zahr na to o di kaya'y may kakaiba sakanya
Pero wala eh
Natingnan na siya ng ilang manggagamot at lahat sila sinabing normal lang siya na Zahr
Wala siyang kapangyarihan kaya mas lalo tuloy nagiging palaisipan sakin at sa mga kasama ko
Kung bakit siya pa ang pinili ni Ferrer
Natitiyak kong may nakatagong dahilan
At kailangan namin yun matuklasan bago pa nila malaman na nasa amin siya
Haiiissssstttt!
Nga pala ang dami ko ng sinasabi ,hindi pa ako nagpapakilala
I'm Callixto Humps
twin bro of Allixter
At ako ang pinaka cute sa grupo ...
"Hayaan niyo muna siya .Bumalik na lang kayo sa pagtatanong pag fully recover na siya " si Ginoong Leon
"Sige po Ginoo" sabay naming sagot
"Mauna na ako sa inyo " sabi niya sabay labas sa pintuan at tuluyan nga na siyang naglaho
"Guys ,nagtataka lang ako kung bakit Zahr ang ipapadala na espiya ni Ferrer" si Allix
"Para hindi tayo maghinala ,yun lang ang nakikita kong rason
Sa ngayon " sagot naman ni Adam
Tumingin siya samin
"Alam kong hindi lang ako ang nag iisip na may kakaiba sa Zahr na to
Pero nakakapagtakang hindi iyon makita ng mga manggagamot
Marahil malakas na mahika ang pumoprotekta para walang mailabas na mahika siya at hindi malaman ng iba
O hindi kaya isa lang talaga siyang mortal
Naguguluhan pa ako
Pero kailangan na nating madaliin ang pagtuklas bago pa man malaman ni Ferrrer na andito na siya sa mundo natin
Baka dito na siya gumawa ng hakbang " sabi ni Adam at hindi kami makapaniwalang nakatingin sakanya dahil sa sobrang haba ng sinabi niya
Sinamaan naman niya kami ng tingin ng mapansin niyang para kaming mga tanga na hangang hanga na nakatingin sa kanya
Minsan lang siya dumaldal , at yun ay pag nasa misyon kami
Usually tahimik lang yan
Pero ngayon nakapag bigay pa talaga siya ng opinyon
Pambihira !
Ano kayang nakain nito ? Matanong nga para maipakain ko sakanya araw araw hahaha
"Stop thinking stupid things,Callix " saway ng kakambal ko nye nye nye
"Ano na bang sinabi ng council tungkol dito ? tanong naman ni Hell
" Ibabalik na ba daw natin siya sa mundo nila " tanong rin ni Allix
"No , hindi siya ibabalik , not unless we found the reason why she's chosen by Ferrer" sagot ni Adam
"Hah pano yun ? Kung mortal siya hindi kakayanin ng katawan niya ang manatili dito " react ko naman
"Isa nga yan sa nakapagtataka di ba ? Nakatagal siya dito ng isang linggo though wala siyang malay .A normal Zahr will die right after he/she stepped his/her foot in Azalea.Kaya isa siyang malaking puzzle sa miyembro ng council .We are ordered to keep an eye on her while she's staying here in our world" mahabang paliwanag ni Adam na ikinamangha na naman naming tatlo
Pero napailing iling siya
"I don't have a choice but to explain it to all of you so stop looking at me like I'm the weirdest creatures in the world" sabi niya na nagpatawa lang samin
"Wala naman kaming sinasabi ahh ,defensive mo bro ,naamaze lang kame " si kambal
"Lumabas na tayo baka magising pa siya sa kaingayan natin " si Hell
Kaya lumabas na rin kami
Kailangan namin mag report sa council ng iba pang details at kailangan naming malaman ang susunod na misyon na ibibigay samin
Hayyy!
Nakakapagod pero tungkulin namin to
"So ano palang sabi nila dun sa pagtakas ni Ferrer ? " tanong ni Hell
"Wala namang sinabi pero kailangan nating alamin kung sino ba ang pinakamataas na pinuno nila bago tayo gumawa ng panibagong hakbang " sabi ni Adam
"May lead na ba ang council ? " tanong namang ng kambal ko
"Last time na pumunta ako wala pa daw , pero pinatawag ulit tayo so baka may improvement sa pangangalap ng information " sabi ulit ni Adam
Napabuntung hininga naman kame
Its not an easy task
We have to risk our lives in every mission but we're doing this for the sake of all the Azalins in Azalea Kingdom
Its our duty to protect them
We're helping Adam ,it's also our duty to be on his side always and protect him whatever it cost
He is the future of our kingdom
The Royal prince ,the next line in crown
And the three of us are his knights
We pledge our loyalty to him and to our kingdom
We have to fight every battle with him
At masaya kami sa ginagawa namin dahil ito ang tadhana namin mula ng ipanganak kame
"Mag pahinga na kayo ,ako nalang ang haharap sa council " sabi niya ng madatnan na namin ang bahay na tinutuluyan namin
"Sigurado ka ?" tanong ko
Tumango naman siya kaya hindi na kami nagprotesta pa
Alam naming may mahalaga siyang pakay kaya niya kami pina iwan
Pabor naman sakin
Inaantok kasi ako
"Sige ingat" sabi ni Hell
Nagtuloy tuloy na siya sa paglakad habang tinatanaw lang namin siya
"Nagiging kakaiba ngayon ang kilos niya , pansin niyo ba ? " sabi bigla ng kambal ko
Napapansin rin pala nila iyo dahil nakita ko pa ang marahang pagtango ni Hell
Ano bang nangyayari ?
Malihim ang kamahalan pero kaibigan naman niya kami at pwede niya kaming pagkatiwalaan
Maliban na lamang kung tungkol ito sa kalusugan niya
O di naman kaya sa pamilya niya
Nanlalaki ang mata ko na napatingin sakanila
At ganun din sila sakin
Siguro pareho kami ng iniisip
"Gagawa tayo ng paraan para alamin ang bagay na to ." determinadong sabi ni Hell
Nag aalala kami
May ginawa ba ang pangalawang prinsepe sa kanya ?
Bakit wala siyang sinasabi ?
"Ipapadala ko si Alleid para mag manman " sabi ng kakambal ko kaya napatango lang ako
"Pumasok na tayo ,magpahinga na muna tayo para magkaroon tayo ng lakas .Babalikan pa natin ang Zahr baka magising na ulit yun " ako
Sumunod naman sila sakin
Pumanhik ako sa taas at pumasok sa kwarto ko
Nagpalit lang ako ng damit at nahiga sa kama
Dala ng sobrang pagod ...nakatulog ako
___________