Adam POV
Pinauwi ko sila
Habang ako dumiretso sa council
Nababagabag ako sa natuklasan ko
Ang kapatid ko ay nakipag alyansa sa mga Mellodux
Iyon ang sinabi sakin ng konseho na hindi ko parin mapaniwalaan hanggang ngayon
Ano bang iniisip niya ?
Ganun na ba talaga siya kasakim sa kapangyarihan para kumampi sa masama laban sa sarili niyang pamilya ?
At hanggang ngayon nasa palasyo pa rin siya
Nag aalala ako para sa kaligtasan ni Ama at Ina
Hindi ko pwedeng ipaalam sa iba baka matunugan niya kami ,pasikretong ipinaalam sakin ng tatlong miyembro ng konseho
Tanging kami pa lang ang may alam lalo na at hindi pa rin namin sigurado kung nakay kanino ang buong katapatan ng iba
"Kamahalan ,mabuti at dumating ka na.Nasa loob na po sila " salubong sakin ni Hatrius kaya tinanguan ko na lang siya
Pagdating ko sa loob ,lahat ng mata napunta sakin
"Magandang araw kamahalan" sabi ng lahat sabay tayo at nagsiyukuan
"Maupo na kayo" sabi ko
"Bakit niyo ako pinatawag ?" tanong ko at hindi na nagpaligoy ligoy
Tingin ko naririto ang lahat pati na rin ang taksil kong kapatid kaya nakakapagtaka
"Nagkaroon na ng bagong lead sa kinaroroonan ng pinuno ng Mellodux sa pangunguna po ng ikalawang prinsepe" sagot ni Ginoong Tarus
Lihim akong napangisi , bahagyang sumulyap sakin ang tatlo na para bang nag uusap kami gamit ang mga mata
"Mabuti naman kung ganoon ,ipapadala ko agad ang mga tao ko
Upang lusubin ang pugad nila " sabi ko
"Ngunit kamahalan , lubhang panganib ang dulot nito kung hindi muna natin pag hahandaan ang paglusob " sabi naman ni Aloha
Napatango tango naman ako
"Kung ganun anong suhestiyon niyo ? tanong ko
" mahal kong kapatid , bakit hindi ang mga magagaling na estudyante ng ating paaralan ang ipadala doon
Ngunit sa palagay ko ay aabot pa ng mga ilang buwan ang paghahanda nila lalo na sa pag eensayo ng kakayahan upang matalo ang kalaban " sabi ng taksil na prinsipe
Alam ko ang iniisip niya kaya pag bibigyan ko siya lalo na at may sarili akong plano
"Kung sang ayon kayo , sige yun na lang ang gagawin natin " sabi ko kapagkuwan
Wala namang iba pang umimik kaya tinapos ko kaagad ang usapan
Mabilis na nag alisan ang lahat kasama na ang kapatid ko
Maliban sa aming apat
"Anong plano niyo kamahalan ?" Tanong ni Vlad , isa sa mga miyembro ng konseho
Ngumisi ako
"Maglalaro tayo "makahulugang sagot ko na ikinatawa nila
" Maglagay ka ng tauhan na may kakayahang makarinig ng kahit sa malayo sa tinutuluyan ng kapatid ko " sabi ko kay Greg ,
Tumango naman ito
"Babalik na ako , kailangan kong pagplanuhan ng maigi ang mga susunod kong hakbang
Magpadala rin kayo ng mensahe sa headmaster ng Akademya , kailangan ko ang lima sa pinakamagaling na estudyante na may malakas na magi at sabihan mong gusto kong makaharap sila ,mamayang gabi
Ipasok niyo rin sa akademya ang Zahr " sabi ko sakanila
"Masusunod" sagot nilang tatlo
Ako ang pinuno ng konseho pero tanging ang mga miyembro lamang ang tanging may alam nito pati na rin ang tatlong knights ko
Pero ang tatlong kasama ko ngayon ang mata at tainga ko sa loob
Ang totoo lima sila
Hindi ko pa nilalabas ang dalawa na inaakala nilang hindi pabor sakin
Sa sampung tao na nasa konseho kabilang na ako
Lima ang alam kong tapat sakin kaya ako ang ikaanim
Ang alam siguro ng kapatid ko nasa kanya ang katapatan ng dalawa na yun kaya hindi ko mapigilang matawa
Alam ko ang bawat kilos niya kaya alam ko na ito ang susunod na hakbang
Pero uunahan ko na siya
"Naipadala ko na kamahalan ,sa Green forest daw niya kayo katatagpuin mamayang ika sampu ng gabi " sabi nito kaya napangisi ako
"May ipapadala akong mensahe mamaya , hintayin niyo na lang " tumango naman sila kaya mabilis na akong tumayo at nagteleport papunta sa bahay namin
Pagdating ko tulog sila kaya hinayaan ko na lang muna
Magpapahinga na rin ako
May gagawin pa kami mamaya
Callix POV
Madilim na nang magising ako
Bumaba ako para tingnan kung gising na rin ba sila , at ayun nga nakaupo silang tatlo na parang sobrang seryoso ang pinag uusapan
"Mabuti at gising ka na kambal" si Allix
"Kanina pa ba kayo ?" tanong ko habang naglalakad sa isang upuan
"Medyo" sagot ni Hell
"Ano bang importanteng pag uusapan natin ngayon ?" tanong ko ulit ng makitang halos walang imik lang sila lahat
"Susugod tayo ngayong gabi ." simpleng sagot sakin ni Adam na nagpalaki ng mata ko
"Seryoso?" hindi makapaniwalang tanong ko
"Tss,mukha ba kaming nag bibiruan dito ?" sabat naman ni Hell na sinamaan ko nalang ng tingin
"Hindi alam ng council to,tama ?" tanong ko na kay Adam nakatingin
"They don't have to know " sagot nito ng hindi man lang ako sinusulyapan
"10pm at Green Forest ,we'll meet our comrades there" sabi nito
Napatingin kami sakanya
Comrades ? Uggh ! Sinu sino naman kaya ang mga yun ?
"5 strongest students of academy " wika nito ulit ng mapansin niya sigurong may pagtatanong na bakas sa mukha namin
"Get ready guys " saad nito bago tuluyang tumayo at iniwan kami
"Uhmm, sigurado ba siya sa pasya na to ?" Naninigurado kong tanong sa dalawa
Nagkibit lang sila ng balikat
Hayy ! Bakit naging biglaan yung paglusob ?
At bakit walang basbas ng ibang council member ?
Ano bang nangyayari ?
"Para kang tanga Callix ,tigilan mo na ang kakaisip jan ,ma iistress ka lang ,maghanda na lang tayo ,alam kong alam ni Adam ang ginagawa niya , magtiwala na lang tayo " sabi ng kambal ko
"What if we pay a visit to Zahrs' first?" suhestiyon ni Hell
Both of us agreed so we teleported immediately to the hospital
And there we saw her still sleeping peacefully.
"Tulog pa rin siya " rinig kong sabi ni Allix
Nakakapagtaka ,bakit ang haba ng tulog niya ?
Ang alam ko wala nang halong lason mula sa black smoke ang katawan niya
Dapat gising na siya ngayon at malakas na
Hayyy! Nakakapagod na talagang mag isip..
Pero medyo nanlaki ang mata ko ng unti unti kong nakita na minumulat niya ang mata niya
"N-asan ako? " tanong nito habang lumilinga linga at tinitingnan ang paligid
"You're still here in Azalea ,nakatulog ka ulit at naka confine ka parin di pa kasi masyadong bumabalik ang lakas mo " sagot ni Allix
"Uhh ,what happened ? And who are you guys ? " she asked
Ohh don't tell me she forgot what happened on that day we invaded Ferrer's laboratory in Zahrs' world ?
"Wala ka bang naalala kung pano ka napunta dito ? tanong dito ni Allix
Umiling iling ito
Shit ! What the hell's happening?
" Ah yeah ,I remembered ! I meet an accident on my way to the hospital right ? " parang natutuwang saad nito dahil may naalala na ito
But wait ! Hindi naman siya nadisgrasya
"Ahm ,bakit ka nga pala pupunta ng hospital ?" tanong dito ni Allix
Napaisip naman ito
"Uggh ,I can't remember ,though may nagpapapunta sakin dun but- but I can't remember his name " sabi nito na parang naguguluhan ulit
Napahawak ito sa ulo niya at parang nakakaramdam siya ng sakit base na rin sa pag ngiwi nito
Anong nangyayari ? Bakit wala siyang maalala kung na ikwento naman niya ito samin nung pagkagising pa lang niya ?
May iba bang nakialam dito ?
Tiningnan ko ang mga kasama ko at parang nagkakaintindihan kami sa tingin
"Who the hell erased her memories ? " tanong ng kambal ko
"maybe someone altered it ." pahayag naman ni Hell
Sino ? No one knows her existence except us and the council .
Is there a traitor out there ?
If meron kailangan naming malaman kaagad kung sino .
________