Callix POV
Its already 10
We are here in Green forest gathered together
Di bale 9 kami lahat
Napakaliit kung tutuusin pero okay na to kasama naman namin ang kamahalan
"Ano pong plano ?" tanong ng isang estudyante
I found out that this students who are with us are the top 5 most powerful students of Azalus Academy
But unfortunately we are much stronger than them
We are on our high level but sadly hindi naman kami kasali sa ranking ng buong school
"We'll divide the group in three
3 person per group
Our main goal is to save the captive students
Kill them if they get on your way
But all of you
You have to
Stay alive " sabi ni Adam
"Got it sir" sagot ng lima
Tumango lang kaming tatlo
"Dito tayo ulit magkita kita " sabi pa niya at naglakad na
Sumunod naman kami
We have to move faster
We only have 2 hours
Sa wakas narating din namin ang lugar
na pinagkukutaan nila sa ngayon
May mga maliliit dito na tahanan
Napakadilim rin ng paligid na parang aakalain mong walang nakatira
Walang makikita na liwanag maliban sa pinakadulong bahagi ng nayon na to
Ano bang nangyari dito ?
Nasaan na ang mga nakatira dito?
May mga narinig kaming kaluskos kaya naghanda kami
Parami sila ng parami at palapit din sa kinatatayuan namin kaya mabilis na nagtago kami
"Pinuno ano po bang susunod naming hakbang ?" tanong ng isang boses lalaki na kasapi ng mga naglalakad ngayon , siguro ito ang kaliwang kamay ng pinuno
"Sa ngayon ,wala muna ,matatagalan pa sila bago sumugod kaya may oras pa tayo para gawin ang hangarin natin
Ihanda mo ang lahat , itutuloy natin ang pag pupulong sa may bulwagan " sabi ng isang tao na may malalim na boses ,siya siguro ang pinuno , ramdam ko ang napakalakas na enerhiya na nagmumula sa kanya .Gusto kong malaman kung sino ang taong ito .Nababatid kong nabibilang siya sa mataas na katungkulan kung ganito kalakas ang presensya niya
Nilingon ko ang kinaroroonan ng kamahalan , mariin lang siyang nakapikit.Palagay ko napakalalim ng iniisip niya sa ngayon
Unti unti nang nawala ang mga boses nila pati na rin ang yapak nila pero nanatili pa rin kami sa pinagtataguan namin
Hinintay namin na tuluyan silang mawala para makahinga kami ng maluwag at makawala na rin ang itinago naming presensya para hindi kami nila maramdaman
" They'll be having a meeting so we must hurry
Check all their dungeons
You must do it quick.I think something's off ,stay alive everyone. " sabi ni Adam at mabilis na niyang pinasunod sakanya ang dalawa pa niyang kasama
Sa kabila naman kami tumungo ng isang kasamahan ko at ng kambal ko
Pinasok namin ang napakadilim na pasilyo
Nakakapagtakang walang mga nagbabantay dito
Marahil tama ang kamahalan na may kakaiba
Pinag aralan ko at pinakiramdaman ang paligid , pero bakit halos wala namang kakaiba maliban sa napakatahimik nitong lugar na to
Bakit nila binabaan ang seguridad kung andito ang mga bihag nila ? O baka naman isa lang patibong ito
Shit!
Kinakabahan ako
Pakiramdam ko may masamang mangyayari
"Hanapin na natin ang kulungan nila " halos pabulong kong sabi sa dalawa
Tumango naman sila
Kaya mas binilisan namin ang galaw
Sa totoo lang napakahirap nito lalo na at hindi naman namin kabisado ang pasikot sikot sa ligar na to at halos wala kaming makita sa sobrang dilim
"Tingnan natin sa daan na yun " sabi ng kambal ko habang tinuturo niya ang isang madilim rin na pasilyo
Mabilis kaming pumunta at tama nga
Isa itong lagusan papunta sa mas malalim na bahagi dahil pababa ang daanang ito
Siguro dun nila inilagay ang mga bihag
"Madali na kayo " sabi ko
Mabilis naming narating ang pinakailalim nito
Sobrang kadiliman nag sumalubong samin
Nakakasulasok ang amoy dito
May mga ungol kang maririnig
Mga hikbi ,pagtangis marahil dahil sa sobrang paghihirap
Ang sakit marinig ang mga malalakas na hiyaw nila na para bang may nananakit sakanila
Ang pag sigaw at pagmamakaawang patayin na lang sila
Ano bang nangyayari dito ?
Anong ginawa sa mga bihag na to ?
May pinailawan ang istudyanteng kasama ko kaya nagkaroon ng kaunting liwanag dito
Ang daming kulungan !
Puno ito ng mga bilanggo
Ang iba naghihingalo na ...
May mga naliligo sa sarili nilang dugo
Bata , matanda , lahat na
Nakakasuka ang tagpo na makikita mo at nakakapangilabot ang nangyayari sakanila sa loob
Ang mga katawan nila na puno ng mga itim na pasa
May mga itim na insektong halos kumain sa katawan nila
Ano bang uri ng mga nilalang ito ?
Hindi ko mawari kung ano bang emosyon ang dapat kong maramdaman habang tinitingnan sila
Ano bang nangyari at nahantong sa ganitong pangyayari ang lahat ?
"U-ummmaaliss n-na k-kayo " sabi ng isang matanda na nagpatigil sa paglalakad ko
Kumpara sa iba , kaunti palang ang nalalamon sa kanya ,hindi pa siya tuluyang nakakain ng itim
"Ano pong ibig niyong sabihin ?" Hindi ko mapigilang itanong
"P-ppatayin n-nila a-ang l-lahat n-ng tao s-sa b-bayan u-umalis n-na k-kayo b-bago p-pa n-nila k-kayo m-maabutan " sabi niya kahit hirap na hirap na siyang magsalita
May sumasakal sakanyang itim na usok at mas nagiging agresibo ang itim na nilalaang sa pagsipsip sa kanya
Gusto ko silang tulungan pero walang utos mula sa kamahalan at lalong hindi ko alam kung pano ko iibsan ang pagdurusa nila
Hindi ako pwedeng magpadalos dalos dahil pwedeng ikapahamak yun ng kamahalan at lalo na ng mga taong narito ngayon
Hindi ko alam kung ano ang mangayayari oras na nabalot na ng buong itim ang katawan nila
"Wag po kayong mag alala, ilalabas po namin kayo dito ,hihingi po kami ng tulong sa kamahalan , magpakatatag po kayo " sabi ko mahit hindi ako sigurado para pampalubag loob lamang
Pero umiling iling lang ito
"I-ilayo m-mo a-ang p-prinsepe, a-alam n-nilang a-andito k-kayo ,p-pinaglalaruan l-lang n-nila k-kayo " sabi niya at naghahabol na siya ng hininga
Kinabahan ako
Kaya ba walang bantay dito ?
Ibig sabihin alam nila nag pagdating namin ?
Hindi to maaari !
"W-wala d-dito ang h-hinahanap niyo ,a-ang p-prinsepe p-punatahn m-mo n-na ,s-sa-sabihin mo n-nagpapasalamat a-ako s-sa k-kabutihan n-niya ,s-sana m-maging m-mabuti s-siyang h-hari " sabi nito ng hinang hina at tuluyan na siyang nalagutan ng hininga ng mismong puso niya ang kinain ng itim
Parang may komokontrol sa mga insektong ito
Ilang segundo pa akong natulala
"Umalis na kayo dito ,tulungan niyo ang kamahalan " sabi ng isang boses sa loob ng selda na hindi ko malaman kung sino pero siya lamang ang bukod tanging walang sugat na galing sa insekto na nagdudulot ng itim na pasa
"Tara na kambal ,may mga narinig akong ingay na parang naglalaban " sabi ni Allix
Tiningnan ko sila lahat
"Ililigtas namin kayo " sabi ko at mabilis na tumakbo na palayo sa lugar na yun para mapuntahan ang kamahalan
Sabi ko na , delikado ang planong to
Lalo na at walang alam ang buong konseho dito
Narating namin ang bukana
Nakita ko ang dalawang kasamahan ng kamahalan na hinang - hina habang nakikipaglaban pa rin
Maliban sa kanyang kamahalan na halos walang galos
Nakikipaglaban siya sa maraming Mellodux na nakapalibot sakanya
Nakahinga ako ng maluwag
Mabuti na lang at ligtas siya
Mabilis akong nagteleport sa tabi niya
"Wala sila doon kamahalan" sabi ko sakanya habang tinutumba ko ang ilang kalaban
"Alam ko dahil nakita namin ang ilang Azalin sa laboratoryo nila " sagot niya sakin habang seryoso pa rin sa pagpatay sa kalaban
Hindi na muna ako nagsalita
Kailangan naming mag focus lalo na at napapalibutan nila kami
Sa totoo lang halos wala naman kaming laban sa kanila
At nandito kami sa kuta nila na hindi handa
"Kamahalan ,hindi natin sila kakayanin lalo na at andito tayo sa teritoryo nila " mahinang sabi ko habang patuloy pa ring nagpapalabas ng iba't ibang mahika sa kamay ko
Nakakaramdam na ako ng pagod pero kailangan ko paring lumaban para sa kamahalan
"Cover the team 3 ,sila ang kumuha sa mga bihag , meet them at the entrance of the forest ,make sure all of them are safe at kung may lakas ka pa bumalik ka dito " mahinang utos sakin ng kamahalan na nagpakaba sakin
Mag papaiwan ba siya ?
Alam kung batid niya ang pag aalinlangan ko
"Go,wala na tayong oras" sabi pa niya
Gusto kong tumutol pero hindi ko nagawa ,mabilis na lang akong nagteleport palayo sa mga kalaban para hanapin ang iba kong kasamahan
Hindi rin ako nahirapang matunton sila
Walang malay ang mga estudyanteng dala nila
Kita din ang hirap na dinanas ng mga kasama ko dahil sa daming galos at sugat na natamo nila
Pero ibig sabihin nito , nagawa namin ang misyon
"Nasaan ang kamahalan?" tanong sakin ni Hell habang dahan dahan niyang ibinababa ang dala niyang walang malay na estudyante
"Pinaalis niya ako para abangan kayo" simpleng sagot ko
Pero kita ko ang galit sa mata niya ,pag aalala
"Bakit mo siya iniwan doon? Hindi ka ba nag iisip ? Pwede siyang mapahamak doon ?! " sigaw niya sakin
Hindi ko nagustuhan ang pagsigaw niya sakin
Kaya sinagot ko rin siya
"Akala mo ba hindi ko alam yun ha ? Pero kilala mo ang kamahalan ,pinaalis niya ako ! Alam kong may plano siya at hindi lang ikaw ang nag aalala sa kalagayan niya pero iniutos niyang ilayo muna sila at dalhin sa ligtas na lugar dahil kung hindi sila mailalagay sa ligtas na lugar ano pang silbi ng sakripisyo natin ngayon ? Ano pang silbi ng pagkakalagay sa alanganin ng buhay ng kamahalan ?!" naiinis ako at gusto ko ring magwala
Alam ko tungkulin kong pangalagaan ang kamahalan ngunit tungkulin ko ring sundin ang utos niya
Natahimik si Hell at napa buntung
hininga
"Kumilos na tayo ,babalikan ko ang kamahalan pero dalhin muna natin sila sa ligtas na lugar " sabi ni Hell matapos ang ilang segundo pero kalmado na ito ngayon
Binuhat na namin sila pati na rin ang ibang kasama namin ay tumulong sa pag buhat
Tahimik lang naming tinahak ang bukana ng Green forest
Nang marating namin ito ,nakita namin ang Headmaster ,bakas sa mukha nito nag pangamba
"Nasaan ang kamahalan ?" tanong nito kaagad ng makalapit kami
"Naroon pa ,naiwan siya " sagot ko
May bahid ng pag aalala at takot ang mata nito
"Ako ng bahala sa mga estudyante na to ,balikan niyo ang kamahalan ,siguarduhin niyong ligtas siya dahil alam kong alam niyo ang mangyayari oras na may mangyaring masama sa kanya " saad nito samin gamit ang malamig niyang tinig
Alam kong nag aalala ang Headmaster lalo na at isa siya sa pinakamalapit na tao sa puso ng kamahalan .
"Babalik kaming dalawa at maiwan na kayo ,tulungan niyo ang headmaster sa pagdala sakanila" sabi ni Hell sa dalawang estudyante na tumango lang
"Magpagaling rin kayo , huwag kayong lalabas na may galos ,lahat ng nangyari sa gabing ito ay mananatiling lihim " dugtong pa niya
Naiintindihan naman ito ng dalawa
"Aalis na kami " sabay sabi naming dalawa
Mabilis kaming nagteleport pabalik sa kuta nila
At doon ,nakita namin ang kalagayan ng labanan
Hindi kapani paniwala
Ang daming patay
Patay na kalaban
Lahat sila nakahandusay na wala ng buhay
Ang ilan nagiging itim na at unti unting nag lalaho na
Paano ? Ang kamahalan ba ang may gawa nito?
Ngunit nasaan siya ,hindi ko siya makita dahil sa kumakapal ng usok
Sana ligtas siya
At sana ligtas din ang iba pa pati na rin ang kambal ko ..
__________