Nagising ako
Na wala na siya
Umalis siya kaagad pero sabi niya sa sulat na iniwan niya pwede pa daw ako mag stay dito ng tatlong araw
Hindi ko alam pero naiyak ako
Nasasaktan ako nang hindi ko alam ang dahilan
Siguro dahil hindi man lang siya nagpaalam ng harapan ?
Pero sino nga naman ako ?
Buti nga at may iniwan pa siyang sulat na nagsasabing wala na ito
Kahit alam kong alam niya na hindi naman kailangan kasi estranghero kami sa isa't isa
Pero di ko mapigilang hilingin na
Sana gumaling ako agad para nakita ko man lang siya hanggang sa pag alis niya
Pero tumagal kasi ng dalawang araw kasi ang lagnat ko
Kaya wala
Paano na ako nito?
Ayoko nang magtagal dito
Sobrang lungkot ang nararamdaman ko kahit hindi naman dapat
Parang pakiramdam ko nag iisa na naman ako kaya imbes na magmukmok inayos ko ang sarili ko
Hindi ko siya kaano -ano
E ano ngayon kung iniwan niya lang ako bigla ?
Dapat wala akong pakialam
Inayos ko lahat ng gamit ko dahil aalis na ako ngayon dito
Hindi ko na matatagalan ang lugar na to
Hinanap ko ang calling card at tiningnan ito
Ready na akong tanggapin kung ano mang trabahong papasukin ko
______
Matapos kong tawagan ang number nung Dr. Ferrer ,sinabi niya saking pumunta sa address na pinadala niya sakin
Nag abang ako ng taxi na maghahatid sakin papunta sa lugar na to
Lorenzo Medical Hospital
Bakit ako pinapapunta sa ospital ?
Wala naman akong sakit ..
May dumaan na taxi kaya pinara ko
"Sa Lorenzo Medical Hospital po manong " sabi ko sa driver
Hindi lang siya umimik kaya hinayaan ko na lang
Mabuti na lang at hindi traffic
Ilang sandali pa natanaw ko na ang malaking gusali na may pangalan ng hospital na pupuntahan ko
"Dito na ma'am"
Binigyan ko siya ng isang libo at hindi ko na kinuha pa ang sukli
Galing kay Jace ang pera
Nag iwan siya ng sampung libo kasama ang sulat
Sabi niya para daw makapagsimula ako at panggastos ko daw
Wala akong choice kung hindi ang kunin yun dahil kailangan ko rin talaga ang pera na yun
Naglakad ako palapit na sana sa entrance ng hospital ng may pumigil sakin
"Sandali ." liningon ko siya ,at siya yung lalaking tinawagan ko
"Anong trabaho ba ang sinasabi mo ? Pwede ko na bang malaman ? " tanong ko
Ngumiti siya sakin
"Sige ,sumabay ka sakin .I'll discuss it to you in my office " sabi niya
Pero nakapagtatakang sa likod ng malaking ospital ang lakad niya
Sinundan ko lang siya kahit medyo kinakabahan ako
May mga nagtataasang damo at mga puno na sa bandang ito
"Saan ba ang opisina mo ? " hindi ko na mapigilan ang magtanong
"Malapit na " simpleng sagot niya
Ilang sandali pa nakita ko ang isang pintuan na malaki na kulay itim
Nandito ito sa pinakadulong bahagi na ng ospital
Nakakapagtaka
"Pasok ka " aya niya sakin
Kahit kinakabahan ako pumasok pa rin ako
May mga tao sa loob na napatingin samin
P-pero iba ang kulay ng mata nila
Pati na rin ang buhok nila ay kakaiba
Mga foreigners ba ang mga to ?
"Sumunod ka sakin papunta sa opisina ko " sabi niya sakin
Kaya sumunod ako
Napakalaki ng lugar na to pero di ba sa dulong bahagi na to?
Paano ?
Sa wakas narating din namin ang isang puting pinto
Binuksan ito ni Tristan at nakaramdam ako ng kakaiba
Inilibot ko ang mata ko
Wala namang kakaiba sa loob nito
May mga shelves sa gilid na puno ng iba't ibang libro
May mesa na para ata sakanya at upuan na para sa bisita
"Maupo ka " sabi niya
Kaya naupo rin ako
"So ,this is my office .I'll introduce myself again ,I'm Tristan Ferrer,hindi na ako magpapaligoy ligoy pa
I want you to be our spy
in Azalea Kingdom"
Napa kunot naman ang noo ko
Ano daw ? Spy ?
Kingdom?
Hah?
Anong kalokohan ba to ?
"Okay you look confused ,well I admit this is not an easy job for you but I know you badly want a job right ? So I choose you to be the candidate for this work.Well its up to you if you'll accept it or not .
If you'll accept this job ,I'll send you there right after your orientation
But if you decline the offer
I don't have other choice but to
kill you ..."
Nanlamig ako sa sinabi niya
Ano ? Papatayin ako pag umayaw ako ?
Sheet ! Mali ata ang desisyon ko na pumunta dito
"So ano na ? Accept or decline ? " tanong niya
"Can I think about it first ? " tanong ko
Tiningnan niya muna ako ng ilang sandali
Bago ngumiti at tumango
"Sige ,I'll give you until this afternoon ,and you have to tell me your decision before the sun set." Sabi niya
"You can leave now " sabi pa niya
Kulang nalang tumakbo ako makalabas lang sa loob nang silid na yun
Shit ! Sana hindi ako nagtiwala sa baliw na yun
Wala na talagang matinong tao sa mundo
Gawin daw ba akong spy da hell!
At ano bang kingdom pinagsasabi niya ?
Baka nakadrugs yun ?
Paano ba ako makakalabas dito ?
Ang tanong makakalabas pa ba ako ng buhay?
Pambihirang buhay nga naman oh !
"Who are you ?" Halos mapatalon ako sa gulat ng may nagsalita sa likod ko
Nilingon ko siya
Tiningnan naman ako nito ng mabuti
"So you'll be the the Zahr that'll be send to Azalea ,hmm you look weak " sabi nito
Weak ? Hayy sabagay tama naman siya
Di ko kasi naman hilig ang mag exercise.
"Ano ba kayo ? Bakit ganyan ang mga hitsura niyo ?" tanong ko sakanya kahit naiinis ako sa presensiya niya
"I don't have a right to tell you ,and hindi mo pa rin tinanggap ang offer kaya you don't have a right to know " sabi naman nito
Ang sarap namang tirisin ng hayop na to !
Mag sasalita pa sana ako pero may narinig akong pag sabog
"Shit ! We're under attacked!' sabi nitong katabi ko
God ,this is my chance to escape !
I have to escape
Pero malabo
Ang usok ,nakakahilo
Pumasok ito sa loob ng opisina na to
Nakakapanghina
Gustuhin ko mang maglakad para makatakas dito
Unti unti akong nawawalan ng lakas para ihakbang kahit ang paa ko
A-anong nangyayari ?
Nawala ang usok at lahat ng mga nakatayo wala ng malay maliban sakin
May nakita akong apat na taong pumasok
Iba ang kulay ng mga mata nila pati na rin ang buhok ,katulad din ng mga andito pero ewan basta may kakaiba
" S-sino kayo ?" tanong ko sa nanghihinang boses
"Bakit buhay pa ang isang ito ,Adam?" tanong ng isa kaya lumapit sila sakin at tiningnan ako ng maigi at maya maya pa nagsalita na
" Isa siyang Zahr " sabi nung tumingin sakin
"Kung ganun ,anong ginagawa niya sa kuta ni Ferrer ?" tanong naman ng isa
" hindi ko alam " narinig kong sagot nung tumingin sakin
Pero hindi ko na nasundan pa ang usapan nila nang unti unti na akong mawalan ng malay ..
________